Paikot-ikot lang ako ngayon sa upuan habang iniisip ang naging pag-uusap namin ni Azrael. Wala akong pake sa nararamdaman niya lalo na kay Damon ngunit kay Ava, nag-aalala ako para sa kalagayan niya.
“You have schedule for today, your father wants to see you in Caleria Place at 3:00PM,” sambit ni Clara bago lumabas. Sa pagtingin ko ng oras, may isang oras pa naman bagamat mas okay kung maaga dahil ayaw niya ang pinaghihintay.
Lumipas ang sampung minuto noong dumating ang aking ama, hindi niya kasama si Damon. Umupo ito sa kaharap na sofa at tinawag ang isang waiter upang umorder ng Da-Hong Pao at piece of blueberry cheesecake na kaniyang binabalik-balikan dito.
“What do you need? Don’t waste my time,” walang paligoy-ligoy kong tanong. Alam ko namang wala siyang balak akong kausapin kung hindi mahalaga.
“Wala kang pinagbago, alam mo talaga kapag may kailangan ako sa’yo,” natatawa naman nitong sagot.
“By the way, I like your plan,” dagdag nito na nagpakunot naman sa aking noo.
“Kill her,” sambit pa nito. Sasagot na sana ako ngunit muli siyang nagsalita. “Pero mawawala ang excitement ‘di ba? Kaya ayaw mo madaliin ang buhay ng babaeng iyon para dahan-dahang masaktan ang kapatid mo.”
Kasabay ng matitinis na tunog ng kaniyang halakhak ay ang pagyukom ng kamao ko para sa mukha niya. Kahit kailan talaga, wala na siyang sinabing maganda pa kapag ako ang kausap.
Dumating ang order niya. Ninanamnam pa ang bawat subo ng inorder at animo’y inaalam ang sangkap kung bakit gano’n na lamang kasarap.
“Yes. I can kill her but I won’t. You know why?” tanong ko at lumapit sa kaniya. “I don’t want to be somebody like you,” ani ko at iniwan na siya.
Nagmakaawa ako sa harap niya at lumuhod para iligtas si Mara ngunit tanging pagtalikod lang ang ginawa niya at hinayaang mamatay ang taong mahal ko.
Kung may dapat mamatay, hindi si Mara o si Ava kung hindi ang mga taong sakim na nasa loob ng monstrous, kasama na ang aking ama. Napuno na ng galit ang puso ko pero bakit gano’n? Sa harap niya ay nanghihina pa rin ako dahil nananaig ang pakiramdam ng isang anak.
Kilala ko siya. May dahilan kung bakit hindi niya ginagalaw si Ava, natatakot siyang magalit ang paboritong anak. Kung papipiliin akong muli, hindi ganitong buhay ang pipiliin ko.
Bumalik na lamang ako sa monstrous site para ibuhos ang galit sa mga taong nandoon. Si Izmael ay lumapit para sabihin ang pagkakakilanlan sa lalaking na sa harap ko ngayon.
Noong makita ko, may utang siyang mahigit kalahating milyon at anim na buwan na siyang hindi nakakabayad. Siya ay hawak ng black monstrous ngunit humiling silang dalhin na rito sa red monstrous upang parusahan.
Umalis na si Izmael at kami na lang ngayon ng lalaking ang pangalan ay si Andres na palaging na sa casino para maglaro at maglustay ng pera.
“Alam mo na siguro ang mangyayari,” paalala ko kay Andres na ngayon ay humahagulgol na sa pag-iyak habang nakaluhod at nagmamakaawa.
“B-Bigyan niyo pa ako ng palugit. Pangako, babayaran ko kayo. H-Hindi ako tatakbo,” nanginginig nitong pakiusap habang pinagmamasdan ang hawak kong baril.
“Nilustay mo ang pera sa bisyo. Wala kang silbi sa mundo,” kalmado kong sagot.
“N-Nagkakamali ka. Kailangan ng anak kong operahan. Wala akong makuhanan ng pera, s-si Mr. Chong nagpahiram sa akin ng pera ngunit h-hindi sapat. Ang ibang natira sa hiniram ko sa inyo ay ginamit ko sa casino para paramihin at ipambili ng gamot ni Pia, ang anak ko,” kwento niya.
Sumenyas ako sa labas para papasukin si Izmael.
“Kuhanin mo ang information nito,” utos ko sa kaniya. Halos sampung minuto lang ay muling dumating si Izmael at hawak na ang aking hinihingi. Tumambad ang litrato ng anak ni Andres na kasalukuyang na sa hospital.
“N-Naubos na lahat ng pera at hindi ko alam kung saan kukuha ng malaking halaga ngunit pangako, gagawa akong paraan. Pakiusap, hinihintay na ako ng anak ko. Maawa kayo,” namamaos nitong pakikiusap.
Pinunit ko na ang mga papeles at muling humarap sa kaniya. “Sige palalagpasin kita ngayon. Kalimutan mo na ang mga nangyari at magsimula ng bagong buhay. Sa oras na malaman kong bumalik ka ng casino o may ginawa kang labag, hinding-hindi mo gugustuhin na magkita tayo ulit,” warning ko at akmang lalabas na ngunit muli siyang nagsalita.
“M-Maraming salamat sa’yo kung sino ka mang nagtatago sa likod ng maskara, salamat,” paulit-ulit nitong sinasabi. Pinapasok ko na sina Izmael para pakawalan si Andres at siguraduhing ihahatid sa mismong bahay nila.
Sa paglabas ko ng red monstrous place ay tumambad sa akin ang seryosong mukha ni Azrael. Alam kong siya ang nagpadala kay Andres sa akin.
“Let him go,” ani ko bago siya talikuran.
“SUPERIOR.”
Tawag sa akin ni Dagon, ang batang nakuha ko mula sa lansangan. Ang kaniyang ina ay may sakit at tanging pagbabasura lang ang kanilang ikinabubuhay samantalang ang kaniyang ama ay iniwan na sila ng tatlo pa niyang kapatid.
“Anong kailangan mo?” tanong ko sa kaniya habang nakatingin lamang sa labas.
“Maaari ko po bang bisitahin ang mama ko?” paalam niya. Tumango ako bilang sagot at umalis na rin siya. Masyado pang bata si Dagon, hindi niya alam ang mga nangyayari. Kinuha ko siya rito upang gawing sandata sa grupo. Malaki ang naitutulong niya, kahit na sa black monstrous siya napunta ay sa akin pa rin ang buo nitong katapatan.
Kapalit ng serbisyo niya rito ay ang pagpapagamot sa kaniyang inang may karamdaman. Alam din niya ang mga panuntunan na dapat sundin, hindi ko siya pwedeng paalisin ng mag-isa dahil kaakibat nito ay kapahamakan.
Marami ang nangyari ngayong araw. Naging okay ang takbo ng kumpanya at ng monstrous bagamat mayroon pa rin sa akin bumabagabag, iyon ay ang pagtawag ng meeting para sa pangkabuuang bilang ng mga superior of monstrous at members ng dark site.
Nagbihis na ako at dumiretso na sa lugar na iyon. Isang nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa akin pagkapasok dito. Pumwesto ako sa tabi ni Ki-el habang si Azrael naman ay umupo sa kabila ko at si Damon ay na sa gilid ni Ki-el.
Hindi nagtagal, sinarado na ang pinto at tanda na mag-uumpisa na ang diskusyon. Tatayo na sana si Damon upang mag-report ngunit pinaupo lang siya. Sa bagay na ‘yon ay napuno ng kaba ang bawat isa, tapos na ang pagtatago dahil kailangan na simulan ang pagsisiyasat.
“The game will be start again,” nakakakilabot na boses ng kataas-taasang pinuno ng monstrous na si highest superior Shaytan, siya ang tinaguriang ama ng lahat at nagpasimula ng monstrous.
“The four superior was intended for responsibilities as a leader,” bilang panimula nito.
“And now, the choice is now yours.”
Namatay ang mga ilaw at nagbukas ang projector. Ang lahat ay natuon ang pansin dito. Sa unang video ay ang nangyaring pagpatay sa tatlong estudyante ng Santo Domingo, ang dalawa sa kanila ay nanatili pa rin sa hospital at hindi pa nagigising.
May isang nakamaskarang itim ang tumapos sa dalawa habang ang isang lalaki naman ay tumakbo palayo. Ang babae ay nanatiling tulala hanggang ilayo siya ng isa pang lalaking dumating na nakasuot din ng maskara.
Natapos ang video na iyon at ang tingin ng lahat ay napadako sa amin. Pagkatapos ay may sumunod pa at nasundan ng marami pang video.
Muling bumukas sa ilaw sa harap noong matapos ang lahat. Ang aming ama ay diretso lang nakatingin sa direksyon namin.
“Ki-el,” tawag ng highest superior sa katabi ko. “Tomorrow, we will wait you,” dadag ng matanda. Nawalan kami ng kibo at napag-alaman na rin nila Damon na minsan na kaming nagkita’t nagtagpo ni Ava.
Hindi ko na hinintay pa makalabas lahat, nauna na ako ngunit may humarang sa daan. “Hindi kayo maaaring lumabas. Hindi ka pa nadala, Gabriel, sa nangyari kay Mara!” matigas na sigaw ng matanda.
Hindi na rin ako nakasagot pa dahil sa unti-unting pagdilim ng lahat at wala na akong maalala pa sa mga sumunod na nangyari.