Natapos ang party at sabay na kami ni Papa na uuwi. Habang na sa sasakyan, walang kahit isa ang umiimik sa amin. Nakatingin lang ako sa labas para pagmasdan ang daan.
“You makes me proud of you,” mahinang sambit ng aking ama. Tinignan ko siya na nakapikit lamang at may nakasuot na earphone sa tainga.
Akala ko’y ako ang sinasabihan niya. Siguro ay hindi pa sila tapos mag-usap ni Kevin, sa kaniya lang naman siya natutuwa. Nagsuot na lang din akong earphone para wala na marinig pa.
Ilang minuto ang lumipas at nandito na kami ngayon sa bahay. Nauna na akong bumaba para makapagbihis. Si yaya Medy, Maria, at Aisha naman ay agad kaming sinalubong.
Pumanik na akong taas at ni-lock ang pinto. Ano bang intensyon ng aking ama na isama ako roon? Para ba ipamukhang wala akong level kapag nasama na sa mga mayayaman? Siguro para ipamukhang wala siyang anak na katulad ko.
Minabuti ko na lamang magbabad sa tubig para kahit papaano ay mahimasmasan. Medyo nakaramdam na akong antok kaya’t umahon na ako para magbihis.
“SABAY na tayo,” aya ni Ki-el sa akin.
“Hi-hindi na, may pupuntahan kasi ako,” dali-dali kong sagot at lumabas na. May usapan kami ni Gabriel, sinabi ko lang kay Damon na pupunta ako sa parents ng kaibigan ko dahil siguradong pagbabawalan niya ako.
Magmeet up kami ngayon ni Gabriel after ng uwian namin sa Sta. Lucia park. Pagkarating ko roon ay saktong dating din niya.
“Sabay lang tayo,” natatawa kong bati sa kaniya.
Sumakay na ako sa kotse niya at nagpunta kami sa isang mamahaling restaurant. Noong papasok na kami, umiling ako. “Huwag na dito, sa iba na lang,”
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
“I have a lot of money,” ani pa niya.
Hinawakan ko siya sa kamay. “I know but you don’t need to spend your money to someone like me,” pagtanggi kong sagot. Hinitak ko na siya papasok sa pinto ng kaniyang sasakyan.
“Can I borrow your car?” malambing ko tanong at mukhang lalo siyang naguluhan. Sa bandang huli, napilitan siyang ibigay sa akin.
Nagdrive na ako papuntang Santo Domingo Street food. Hinatak ko na siya papasok at ang daming bata ang bumungad. “Hi ate Ava,” masayang bati sa akin ni Bea gano’n din ng ibang bata.
“Ano bang mayroon dito?” tila naiinis na tanong ni Gabriel. Umupo na ako sa isang table at lumapit si mother Selestina, siya ang madreng kumukupkop sa mga bata.
“They are my family,”
Mukhang hindi naman niya nakuha ang ibig kong sabihin. “Lumaki ako sa kalye at sila ang nagdala sa akin dito. Si nanay, pumupunta lang siya kapag may nagbibigay sa akin,” kwento ko.
Umorder na ako ng kare-kare, itik, at kaldareta. Yung Gabriel naman ay dinakdakan, adobong sitaw, at nilagang baka na ako rin ang umorder. Pagkadating ay agad ko na nilantakan ngunit itong kasama ko ay tulala lang na nakatingin sa akin.
“Masarap yan!” sambit ko habang namumungalan ng pagkain sa bibig. Nagsimula na siyang tikman at mukha naman nagustuhan niya.
Matapos kumain, gusto ko muna pumasok ng simbahan. Mahirap naman pilitin si Gabriel kaya’t naiwan siya sa labas. Pumwesto ako malapit sa harap. Marami na akong nais ikumpisal, mga pagkakamali at kasalanan na maaaring dahilan kaya hindi ako matanggap ng aking ama.
Matapos ng mahabang pagdarasal, lumabas na rin ako at nadatnan ko si Gabriel na kausap ang mga madre at ilang bata. Noong makita nila ako ay naglapitan sila at yumakap na puno ng pananabik.
“Lysa, Mark, Jane, at ikaw Stephan. Nagpapakabait ba kayo rito?”
Lahat sila ay tumango sabay turo sa isa’t-isa kung sino ang nang-aaway. Napatingin ako kay Gabriel na nakatingin lang din sa akin.
Inaya ko na siyang umalis.
“Ang dami nilang kwento tungkol sa’yo,” Napatingin ako kay Gabriel dahil sa sinabi niya. “Ano naman ‘yon?”
“You are so kind, Ava. You don’t deserve to suffer and be the next on the list,” sambit nito na may katamtamang hina para hindi ko na naman marinig. Mas malakas pa yung radyo ng sasakyan niya kaysa sa boses.
“Will you please loud your voice because I can’t here you!” sabay naming sigaw at agad napatingin sa isa’t-isa bago tumawa.
“Nevermind,” sambit nito at itinuloy ang tuon sa pagmamaneho.