CHAPTER 13

2060 Words
ay mga ngiti sa labi ko noong makauwi. Kumatok si Maria para tanungin kung sasabay akong maghapunan ngunit agad akong tumanggi. Umalis na rin siya pero maya-maya ay muling may kumatok at naramdaman ko ang pagbukas ng pinto. “Maria, busog pa talaga ako,” sambit ko habang abala sa paghahanap ng masusuot ngunit hindi man lang siya kumibo. “Maria, busog pa tala...” Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin dahil sa pagharap ko, tumambad sa akin si Kevin. Masaya siyang nakatingin sa akin at tinaas ang dalawang kamay para salubungin ako ng yakap. Agad akong lumapit at binigyan siya ng isang mahigpit na yapos. “Did you miss me?” tanong niya. Sa pagkaalis ng pagkakayakap, agad kong sinalubong ang mga mata niya at ginulo ang buhok. “I miss you, Kevin,” malambing kong tono. Pumunta siya sa kama ko at dinukmok ang mukha sa unan. “A-Alam na ba ni Papa na nandito ka?” Umiling siya at muling dumukmok sa unan. Bumalik na muna ako sa cabinet para magpalit ng damit at sa paglabas ko ay wala na rin si Kevin sa kama. Nag-ayos na ako bago bumaba. “Hija!” masayang tawag sa akin ni tita Valencia no’ng makita akong pababa sa hagdan. Binigyan ko siya ng isang masayang ngiti. Lumapit ito at inaya ako sa sala. “I brought something for you.” Inilabas niya ang isang box at inabot sa akin. Nagtataka ko iyong kinuha at nagpakuha siya ng gunting kay Maria. Pagkaabot sa akin ay agad ko na binuksan. Tumambad sa akin ang isang box na alahas. “Wear this,” utos niya at kinuha ang isang kwintas. Akmang aalisin niya ang suot kong kwintas na bigay ni Damon noong pigilan ko siya sa balak gawin, bumakas sa mukha niya ang lungkot dahil sa pag-aakalang hindi ko iyon nagustuhan. Ayaw ko man ay wala na rin akong nagawa pa, hinubad ko na ang kwintas at pinalitan iyon ni tita ng dala niyang kwintas na may pendant na bilog at pinalibutan ng malilit na perlas. “Perfect. Bagay na bagay sa’yo,” nagagalak niyang bati pagkasuot sa akin. Sa kalagitnaan ng kasiyahan ay bumukas ang gate sa labas, dumating na ang aking ama kung kaya’t nagkagulo sila Maria sa pagsalubong. Noong papasok na ang aking ama, kakaibang imahe ang nakikita ko ngayon. Maaliwalas ang mukha niya habang sinasalubong ng yakap si Kevin at Tita Valencia. Nagpaalam lang siya saglit para magbihis at pagkatapos, sabay-sabay na kami pumunta sa hapag. Masaya silang nagkekuwentuhan at sa mga oras na iyon, pakiramdam ko ay hindi talaga ako nabibilang sa kanilang pamilya. Ako lang ang tinik sa buhay ng aking ama. “So, kumusta naman pag-aaral mo rito?” pag-iibang usapan ni Tita Valencia. Hindi pa man ako kumikibo ay muling sumabat ang aking ama. “Walang pinagbago, laman pa rin ng guidance at hindi na nahiya,” sarkastiko nitong sabi. Hindi na ako kumibo pa at binilisan na ang kain. Pagkatapos, lahat sila ay nagtayuan na para pumuntang balkonahe at ituloy ang kwentuhan samantalang ako ay naiwan para magligpit. “Magpahinga ka na sa kwarto mo, ako na bahala dito,” bulong ni yaya Medy. Binigyan ko na lamang siya ng isang matamis na ngiti bago pumanik sa taas. Pagkasarado ng pinto, muling nagbagsakan ang mga luha ko. Tama sila, nakakatakot maging masaya dahil kapalit nito ay ay pag-iyak.   NAGISING ako mula sa si tumutunog na alarm clock. Kahit inaantok pa, kinuha ko na ang tuwalya para maligo at mag-ayos na tuald ng nakagawian. 6:25AM 7AM pa naman ang pasok ko ngunit mas okay ang maaga lalo na at kailangan kong magsipag ngayon sa pag-aaral dahil nandito si Kevin na laging ikinukumpara sa akin. Paglabas ko ay saktong nandito rin si Kevin at nagkakape. Ngumiti siya noong makita ako at nagtimpla ng isa pa para sa akin. Umupo ako sa tabi niya habang hinihintay ang kaniyang tinimpla. “Ang aga mo natulog,” pagsisimula niya ng usapan. “Iniiwasan ko na ang pagpupuyat,” sagot ko naman. Inabot na niya sa akin ang isang tasa at umupo. “Nagkakilala na pala kayo ni Azrael,” ani niya habang ninanamnam ang samyo ng kape. “Kilala mo siya?” muli kong tanong. “No. May mga balita lang akong naririnig tungkol sa kaniya,” ani nito. Magtatanong pa sana ako ngunit muling tumunog ang alarm ko at 6:40AM na. “Papasok ka na? Ihahatid na kita,” aya niya at hindi na ako nakatanggi pa dahil kinuha na nito ang susi ng sasakyan at agad pumunta na ng garahe. Na-miss ko rin makasama si Kevin kung kaya’t napapayag na rin ako. Tahimik lang ang sasakyan hanggang makarating ng school. “Wala pa rin pinagbago ang Santo Domingo,” ani ng kapatid ko habang tinitignan ang kabuuang itsura ng campus. Tumango ako bilang sagot bago magpaalam noong makita ko si Ki-el na papasok na rin. Paglabas ko, agad ko siyang hinabol para makasabay. “Sino naghatid sa’yo?” tanong ni Ki-el noong makita ang sasakyan ni Kevin na papaliko. “Kapatid ko,” sambit ko bago magtuloy sa paglalakad. Pagdating sa room ay nandito na rin ang lahat at si Sir Marquez. Umupo na ako at nagsimula na ang klase. Kahit nahihirapan ay kailangan kong mag-aral mabuti kaya’t ang bawat lesson ay pilit kong pinapasok sa isip ko. Matapos ng mahabang discussion ay pumunta na kami sa cafeteria ni Ki-el. Hindi na ako pumila pa, hinintay ko na lamang si Ki-el na makabalik at dala ang tray namin. Habang kumakain, natigilan siya noong napatingin sa akin. “Mmm… bakit?” tanong ko sa kaniya. “Nasaan ang kwintas mo?” taka niyang tanong. Napatingin ako sa kwintas at bigla kong naalala ang ibinigay ni Damon sa akin. Agad kong kinuha ang phone ko sa bag para tawagan sila Yaya Medy at gano’n na lang ang pagbagsak ng balikat ko dahil sa sagot nilang hindi ito mahanap. “N-Naiwan ko sa kwarto, si Tita Valencia kasi nagsuot sa akin nito,” palusot ko pa. “Ahh, okay. Sabi mo kasi sa akin no’n ay mahalaga iyon sa’yo,” bulalas niya bago magtuloy sa pagkain. Lagot ako nito kay Damon, kailangan kong makita yung kwintas.   UWIAN na. Si Ki-el ay inaya na aming ibang kaklase na lumabas. Ayaw man niya akong iwan ay pinasama ko na rin siya para naman maging malapit din siya sa iba. Nagsimula na akong maglakad at parang gusto ko na lumihis ng landas noong makita kung sino ang makakasalubong ko, si Damon. Hindi ko alam kung saan pupunta, lumiko ako sa isang eskinita para mag-iba ng daan at doon ay nagtago. Ayaw kong malaman niyang nawala ko ang kwintas. Sa paglabas ko ay wala na rin si Damon nang may magsalita mula sa likuran. “Nice to meet you again, Ava,” malamig ngunit may nakakatakot na boses. Sa pagharap ko, si Azrael. Hindi ko na pinansin pa at muling nagsimula na maglakad pero ramdam ko pa rin ang presensiya ng pagsunod niya. Mas binilisan ko pa ang lakad ngunit walang saysay dahil parang hindi alintana sa kaniya ang pagod samantalang ako ay naghahabol na ng hininga. Masyadong mapagbiro ang tadhana dahil lahat ng makita kong tricycle o taxi ay ayaw magpasakay kahit na magmakaawa at magbayad ako ng malaki. “Ano bang kailangan mo?” naiinis kong sigaw sa pagharap sa kaniya. Ngumisi lang ito at animo’y nang-aasar pa ang mukha. “Nothing,” Inirapan ko na lang siya bago nagtuloy sa paglalakad. “Ihahatid na kita,” alok niya. Hindi pa man ako sumasagot ay agad niya akong binuhat. “Bitawan mo’ko! Tulonggg!” sigaw ko bagamat imbis na tulungan ako ng ibang tao ay mga nakangiti pa sila at tila kinikilig. May itsura naman talaga si Azrael, hindi na ako magugulat kung isang araw ay mabalitang ang isang guwapong lalaki ay nagnasa sa isang pangit na katulad ko. Wala talagang pantay sa lipunan. Kapag gwapo o maganda, ang lahat ng mata ay perpekto ang tingin sa kanila samantalang sa mga katulad ko ay mukhang walang gagawing matino. “Come in,” ma-awtoridad niyang utos pagkabukas ng pinto. Wala na rin ako magagawa pa kung hindi ang sundin siya. Pumunta na itong driver seat at hindi pa man pinapatakbo ay lumapit siya at doon ay napaatras ako. Lalo pa siyang lumapit na naging dahilan sa pagpikit ko. Naamoy ko ang humahalimuyak niyang pabango at napadilat ako sa naramdamang seat belt pala ang isinuot niya sa akin. Medyo napahiya ako sa mga oras na iyon. “Pupunta rin ako sa bahay niyo para bisitahin si Mayor,” ani niya. Napaikot na lang ako ng mata. Sana sinabi niya ng maaga, hindi yung napagod pa ako sa paghahanap ng masasakyan. Pagdating sa bahay, nauna na akong bumaba ng sasakyan. Binuksan naman ni Aisha ang gate para ipasok ang sasakyan ni Azrael. Pagpasok ko, masaya lang nagkekuwentuhan si Papa at Kevin bagamat noong pumasok na rin sa loob si Azrael ay nag-iba ang mukha ni Papa. Mas lumapad ang ngiti niya sa nakita at inalok pang maupo. Pumanik na ako sa taas at iniwan sila. Pagkabihis ko, wala pang ilang sandali ay may sunod-sunod na katok mula kay Maria. “Ate Ava, pinapababa po kayo para kumain,” pag-anyaya niya at tumanggi ako. Muling bumalik si Maria at tulad noong nauna ay muli akong tumanggi. Sa ikatlong beses ay hindi na si Maria ang pumanik kung hindi ang aking ama. Ito ang unang beses siyang umakyat dito na maaliwalas ang mukha para ayain akong sumabay. Hindi na ako nakatanggi pa at sumunod. Pagdating sa hapag, naroon na sina Kevin at Tita valencia. Sa kabila naman, katapat ni Kevin si Azrael at ako ay naupo sa tabi nito kung saan ay kaharap naman si tita Valencia. “Kumain na tayo,” wika ng aking ama. Si Kevin ay kanina pa walang kibo samantalang sina Tita Valencia, aking ama, at si Azrael ay masayang nagkekuwentuhan ng kung ano-ano. “I’m done,” sambit ni Kevin na nakakuha ng atensiyon naming lahat. Wala na rin nakakibo pa sa bigla niyang pagtayo papasok ng kwarto. Nagtuloy na lamang kami sa pagkain. Tulad nang nakagawian, pagkatapos kumain ay pumunta na silang balkonahe… at kasama ako. May kakaiba akong nararamdaman sa mga nangyayari. Bakit parang bumait ang aking ama? Nakakagulat lang talaga. Si Tita Valencia ay nagpaalam na makikipagkita na muna sa mga kaibigan niya. Si Papa ay nagpaalam muna at may kakausapin lang kung kaya’t naiwan na lang kami dito ni Azrael habang pinagmamasdan ang ganda ng hardin. “I love this place,” sambit nito. Mukhang matutuyuan ako ng laway kung si Azrael ang kakausapin ko buong hapon. Nagpaalam na rin muna akong kukuha ng tubig. Pagpunta kong kusina ay kumuha akong isang pitsel at dahil hindi kalayuan ang kwarto ni Kevin, may kung anong naghatak sa akin para pumunta roon. Naririnig kong may tao sa loob at boses mula sa aking ama ang naririnig dito. Dahil may katamtamang lakas lang, minabuti kong idikit ang tainga sa pinto. “I won’t,” matigas na sagot ni Kevin. “Yes. You will,” ma-awtoridad ngunit kalmadong boses ng aking ama. “Dad, she’s my…” Hindi ko na narinig pa ako sa sumunod na pag-uusap dahil nakita ko ang anino ni Yaya Medy. Alam kong kahit nag-aalala siya sa akin, patuloy siyang loyal sa pamilya Callegos, sa aking ama. Umalis na ako at bumalik sa balkonahe. Nandito pa rin si Azrael at may kausap sa phone. “I have to go,” paalam niya. Hindi na rin hinantay pa lumabas ang aking ama dahil sa pagmamadali nito. Pumasok na ako sa loob para sana katukin ang kwarto ni Kevin ngunit hindi pa pala sila tapos mag-usap. “We can’t control her life,” saad ni Kevin. “We can.” May yabag na papalapit na sa pinto kaya’t lumayo ako sa pinto. Pagbukas ay napatingin lang sa akin ang aking ama. “U-Umalis na po si Azrael,” Hindi na siya sumagot at iniwan ako. Napatingin din sa akin si Kevin at agad sinarado ang pinto. Ano naman kaya ang pinagtalunan nila?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD