CHAPTER 14

1199 Words
lang araw na hindi nagpaparamdam sa akin si Damon, maging sa chat ay wala ring abiso. May mga chat ako sa kaniya na wala namang anumang reply. Tinadtad ko pa siya ng mensahe ngunit wala lang dahil hindi niya siniseen ang mga chat ko. Papatayin ko na sana ang laptop ngunit saktong na-seen niya at biglang typing, kahit papaano ay aaminin kong nakaramdam akong labis na pananabik. Aaminin ko na ring nawala ko ang kwintas. Hindi na raw kasi makita nina Yaya Medy at Tita Valencia ang kwintas na binigay ni Damon. Ilang saglit, nag-notif na sa akin ang isang chat. “It’s okay. By the way, hindi na ako nakapagpaalam. Ngayon ang flight ko.” Bakit may kung anong enerhiya akong naramdaman na nagbigay ng labis na panghihina? Paulit-ulit kong binabasa ang chat niya, umaasang mali ang nababasa ko. “Mag-iingat ka ha...” Pinusuan lang niya ang chat ko. Nawalan na naman ako ng bagong kaibigan. Bakit ba palagi na lang akong iniiwan ng mga taong malalapit sa buhay ko? Napapasabunot na lang ako dahil sa nangyayari. Muli ay naghatid ng kaba ang isa pang mensahe mula kay Damon. “Ava, before I go. I want to tell you something,” kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. “Trust me, I’ll protect you,” dagdag niya at binlock ako. Sinubukan ko siyang i-search ngunit walang kahit anong lumalabas. Ginamit ko na rin ang isa kong account at gumawa pa ako ng bago para masiguro ngunit wala pa rin. Nag-deactivate na siya ng account. Ano bang ibig niyang sabihin?   PUMASOK ako at tulad ng dati ay magulo ang paligid. Ang nakakapanibago lang ay yung katahimikan ni Ki-el at abala lang sa pagbabasa. “Huy, anong problema mo?” Siniko ko siya pero hindi pa rin natitinag. Parang iniiwasan niya ang mga mata ko. Kukulitin ko pa sana ngunit dumating na si Sir Manalaysay kaya’t nagsiayos na ng upo ang lahat. Umupo si Sir sa table at nadako ang tingin sa direksyon ko. Agad akong umiwas dahil sa nakakatakot niyang tingin na parang gusto akong katayin sa discussion. “We don’t have any lesson for today.” Nagsigawan naman bigla ang mga kaklase ko bago lumabas. Tumayo na si Ki-el at lumipat sa kaharap kong upuan. “Tara,” nakangiti niyang aya sa akin. Kakaiba rin talaga ang mood niya, paiba-iba. Hinatak na niya ako papunta ng parking lot. Habang na sa sasakyan, tahimik lang siyang nagmamaneho at tila malalim ang iniisip. Tinatanong ko kung saan kami pupunta ngunit tanging ngiti lang ang isinasagot. Ilang saglit, dinala niya ako sa isang park at umupo siya katabi ang puno. Sumunod naman ako sa kaniya at tumabi. Hindi pa ako napupunta sa lugar na ‘to, walang tao at mapapansing kami lamang ang nandito. “Anong naisipan mo para ayain ako rito?” malumanay kong tanong. “You need to know all about monstrous site,” panimula niya na nakakuha ng atensiyon ko. “There are 3 types of monstrous,” dagdag nito. Bakit ang sabi ni Sir Manalaysay ay dalawa lang? Ang black monstrous at ang red monstrous. Iyon din mismo ang nakita ko sa screen. “You already know about the 2 types of monstrous. The last one is dark monstrous site,” “W-What do you mean?” naguguluhan kong tanong. “Mr. Manalaysay is right. The most dangerous site is Dark monstrous. When superior of monstrous protect the person out of the group,” ani niya at tumingin sa akin. “And that person should not enter in this site,” dagdag niya at tumingin sa akin. “I- I don’t understand,” Napasabunot siya ng buhok at iniwas ang tingin. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa kaniya. “Ava, they found you.” Ang mga mata ni Ki-el ay napadako sa akin at may kakaibang tingin siyang ibinigay. Ang anyo ng kaniyang mukha ay nag-iba. Napapaatras na lamang ako habang nililinaw mabuti ang ibig niyang sabihin. “D-Don’t tell me...” Nanlalamig ang kabuuan kong katawan, tila isang halimaw ang na sa harap ko at hindi siya. “I am sorry, Ava,”  huling katagang narinig ko mula sa kaniya bago tuluyang magdilim ang lahat.   NAALIMPUNGATAN ako sa isang tunog na nagmumula sa labas. Sinubukan kong gumalaw ngunit nanghihina ang buo kong katawan hanggang sa maramdaman ang tali sa paa at gano’n din sa mga kamay ko. Nasaan ako? Pilit kong inaaninag ang mga nangyayari ngunit masyadong nanlalabo ang mga mata ko hanggang sa maaalala ko ang lahat ng nangyari bago ako mapunta sa ganitong sitwasyon, si Ki-el. Siya ang nagdala sa akin dito? Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Bakit ako nandito? Nasaang lugar ako? Anong kailangan nila sa akin? Bakit ang dilim ng paligid? Sa lahat ng katanungang iyan, isa lang ang sigurado ako. Nasinagan ng ilaw mula ang lugar at sa pagtingin ko ng dingding, nandito ang simbolo ng monstrous site at may mga taong nakaupo habang nakaharap sa akin. Lahat sila ay naka-mask kaya’t hindi mahagilap ng mata ko kung nasaan si Ki-el, ang taong sigurado akong nagdala sa akin dito. Tila maiiyak na ‘ko, hindi dahil sa sakit ng pagkakatali kung hindi sa takot na baka gawin din nila ang mga bagay na napanood ko sa video. “Please, pakawalan niyo na ako,” pagmamakaawa ko habang ang mga luha ko ay wala nang mapaglagyan at tumutulo na lang sa telang nakatali sa aking bibig. May isang lalaki ang lumapit, hinawi niya ang buhok ko at pinunasan ang luhang bumabagsak sa akin gamit ang kaniyang kamay. Inalis din niya ang tela na nasa bibig ko. “Shhh…” pagpapatahimik niya sa akin at bumulong.  “The game will be start tomorrow,” nakatitindig balahibo nitong sambit. May isang batang lumapit sa akin na may dalang pagkain. Kinuha nito ang kutsara at akmang susubuan ako ngunit agad akong tumanggi. “Ate, kumain ka na,” malambing ngunit walang emosyon nitong sambit na kapareha ng ibang nandito. Napatingin ako sa kaniya at noong magtama ang aming mga mata, agad ko siyang nakilala. Siya ang batang nakita kong na sa ulan at sinuotan ng jacket. “I-Ikaw? B-Bakit ka nandito sa lugar na ‘to? Hindi ba’t ikaw yung batang nasa gitna ng ulan?” kinakabahan kong tanong sa kaniya. “I will be your guardian Demon, ate Ava,” ani nito at gumuhit ang pagngisi niya sa mga labi. Ang batang palaboy na maamo ang mukha ay na sa harap ko na ngayon at tila kakaibang tao na. Umalis na siya at kahit isa sa mga tanong ko ay wala man lang isinagot. Kumukulo na rin ang sikmura ko kung kaya’t kahit nakatali, pinilit kong abutin ang iniwan nitong pagkain at inumin. Hindi naman ako makakatulog dahil masyadong malamig ang sahig at ang sabi sa akin ng madre ay masamang nahihiga rito. Ang mga lamok ay naglipana rin. Tahimik lang ang lugar, parang ako na lang din ang nandito dahil naglabasan na ang iba. Nasaan kaya ako? Bakit nila kailangang gawin ang bagay na’to sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD