Buong magdamag akong hindi pinatulog ng bangungot kagabi. Masakit pa rin ang iniwan niyang sugat sa akin at halos hindi ako makatayo ng maayos. Hindi pa man pasikat ang araw at muling may pumasok ng kuwarto. Tulad ng inaasahan, kinuha niya ako palabas. Dinala niya ako sa isang lugar kung saan maliwanag at kabaligtaran sa lugar kahapon. Walang anumang tali ang isinuot sa akin ngunit wala pa ring takas dahil matataas na pader ang nakapalibot dito. May isang animo’y radyo ang na sa itaas at may lalaking nagsalita. “Sit down,” ma-awtoridad nitong utos sa akin. May upuan na nasa gitna, iyon siguro ang ibig niyang sabihin. Kahit may takot ako, mas pinili ko siyang sundin. “I have some few questions. You need to answer it or you will die.” Lalo ako nakaramdam ng kaba dahil hindi naman ako

