Agad kong binuksan ang phone ko para makabalita at sunod-sunod nagpasukan ang mga messages ng gc sa room.
“Guys, alam niyo na ba ang balita?” -Ashley
“Trending ngayon. Seryoso ba ‘yan? Parang kahapon ay naglalaro pa sila.” -Akira
“Critical comatose condition ngayon si Rovick,” – Vince
“Paanong sinaksak ni Rovick si Vincent? I can’t believe!”-Akira
“Si Vincent ay maraming tinamong saksak. Sabi sa post ng sister niya, dinala siya ngayon sa Maynila for some test,” -Ashley
“Guysss!” - Kevinh
“What?” - Akira
“Inopen nila yung cctv footage,” - Kevinh
“Then?” - Akira
“Mukhang nagtalo talaga sila. I’ll gonna send,” -Kevinh
Hindi ako nakikisali sa usapan nila, tahimik lang akong nagbabasa at iniisip ang mga nangyari. Sinend ni Kevinh ang isang video clip kung saan naganap ang mga nangyari.
Kitang-kita sa video ang isang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng tinatawag nilang Vincent at Rovick. Noong magsaksakan na, lumapit si Drake ngunit hindi nagtagal ay mukhang nadawit na rin sa gulo.
Malinaw ang mukha nila maliban sa akin. Tinignan kong mabuti at hindi nito kahawig ang aking repleksyon kaya’t mahirap isiping ako ang kasama nila ng mga oras bago naganap ‘yon.
Tumunog ang notif ko at saktong nag-chat si King.
“Hey?” bati niya.
“How are you?” dagdag pa niya noong sineen ko lang ang chat.
“King, there’s something wrong.”
Ilang saglit ay muli siyang nagreply. “What is it?”
Kinuwento ko sa kaniya ang mga nangyari mula simula kung paano ko nakaharap sila Drake at hanggang sa harapin nila ako sa eskinita.
“So, choice nilang gawin ‘yon. Wala kang kasalanan. Muntik ka nang mapahamak,” komento niya.
“No. The point is, hindi isang aksidente ang nangyari. I saw a man behind their back. Hindi ko nakita masyado pero sigurado ako,” pagbalita ko.
“ Lumabas na yung footage like what you’ve said. Does it mean, the case is closed?”
Sa sinabi niya na ‘yon, parang hindi ako makapaniwala na tila wala siyang pakialam sa namatay. Nag-chat pa siya pero hindi na ako nagreply pa.
“Look, Princess, don’t bother yourself.”
“I just care about you.”
“I believe in what you’ve said. The man you saw behind and the man who brought you in the backyard. But do you think they are the same person?”
Noong mabasa ko ang huli niyang chat ay muli akong napaisip sa bagay na ‘yon. May punto naman siya, baka naman aksidente talaga ang nangyari at ang lalaking humatak sa akin ay napadaan lang?
Sa tuwing maaalala ko ang lalaking ‘yon, hindi ko maiwasan ang mapangiti. Kung sino man siya, sana muli kaming magkita upang personal na magpasalamat.
“No,” sagot ko.
“Why?” muli niyang pagtatanong.
“Sa lalaking nakita ko sa likod nina Vincent at Rovick, I thought I was the next because his eyes were deeply looking at me. I didn’t see but I felt something different. And the other guy, he saved me,” paliwanag ko.
Sineen niya ang sinabi ko pero nag-out din. Siguro ay abala, ang hirap lang sa kaniya ay hindi marunong magpaalam. Bigla na lang umaalis at bumabalik na parang hangin kung magparamdam.
“Don’t trust anyone because once you trust them, they can hurt you easily,” payo niya.
Napaigtad ako noong makita ko ang chat na iyon mula sa kaniya. “Why do some people hurt us?” nabuong tanong sa isipan ko.
“Because we still believe that they can’t hurt us even they can,” awtomatikong sagot nito. Sabagay, si Papa nga na mismong kadugo ko ay sinasaktan ako at ikinakahiya sa harap ng maraming tao.
“By the way, uuwi ako ng Pilipinas this month,” pag-iiba niya sa usapan.
“Actually birth month ko rin, sana ay makapunta ka.”
Biglang gumuhit ang ngiti ko noong mabasa ang reply niya.
“I will."
NAGING tahimik ang buhay sa loob at labas ng eskwelahan dahil sa nangyari. Positibo ang tatlo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Gayunpaman, hinihintay pa ring magising ang dalawa para magbigay ng pahayag sa nangyari.
Napatingin ako kay Maine na walang imik. Nakatitig lang siya sa labas habang nagtuturo ang mga guro. Naiintindihan naman nila professor, kumalat na kasi sa campus ang ginawa namin sa room 24 para kay Drake.
Habang na sa kalagitnaan kami ng klase, biglang dumating si Prof. Em para kausapin si Sir Marquez. Ilang saglit pa ay tumambad ang isang lalaking na sa kaniyang likod. Nakasibilyan lang itong suot at kulang na lang ay magsigawan ang mga nandito dahil sa kaniya.
Akala ko pa naman ay matatahimik na ang buhay ko kahit 'pansamantala' pero umandar ang mahaharot kong kaklase.
Pumasok na si Sir Marquez kasama ang lalaki at umalis naman na si Prof. Em, naghatid lamang siya.
“So, introduce yourself,” utos sa kaniya ni Sir. Marquez.
“Hi, I am Kyle Lorenz Borgez but you can call me Ki-el for short,” masaya niyang pakilala sa sarili. Tinignan ko siyang mabuti hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa.
He looks familiar.
“Tell us about your hobby, sports, or anything about you,” muling pagsisiyasat ng aming guro.
“Ahm.. I ain’t talented person,” nahihiya niyang pag-amin sabay kamot sa ulo na lalo namang nagpalakas ng dating niya. “But I love adventures to discover something new.”
Hindi na ako masyado pang nakinig sa mga sinasabi niya dahil nakatuon lang ang isip ko sa kaniyang mga mata. He looks like the man who I saw behind. His eyes were making me feel something I can’t explain. The way he looked at me that night, I felt safe with him even though the darkness was making me feel scared.
Walang vacant na upuan kung hindi sa gitna namin ni Maine. Nagsimula na ulit ang klase pero hindi mawala ang paningin ko sa taong ito. Tumunog ang bell, ito’y tanda na uwian.
Si Maine ay pumunta munang office dahil pinatawag ni Prof. Em.
Noong makalabas na ang lahat, akmang tatayo na rin si Ki-el ng harangan ko siya at sinalubong ang kaniyang mga mata.
“Who are you?” nagtataka kong tanong.
“Miss, you didn’t listen to me while introducing myself. Are you distracted to my handsome face?” mahangin nitong sagot ng biglang tumawa.
“I am just kidding. I am Ki-el, and you?” Inilahad pa niya ang palad.
“Ava,” pakilala ko at inabot ang kaniyang kamay. Sakto naman na dumating si Maine na tila tulala pa rin sa kalawakan.
“Maine,” tawag ni Ki-el sa kaniya at napalingon naman ang kaibigan ko.
“Did I introduce myself to you?” seryosong tanong ni Maine sa kaniya.
Hindi ko alam kung anong nakakatuwa, hindi nawawala ang ngiti sa labi ni Ki-el.
“I thought you would remember me when I'm back.”
Parehas ko silang tinignan. “Did you know each other?”
Imbis na sumagot, kinuha na ni Maine yung bag niya at dali-daling lumabas.
Si Ki-el ay mukhang walang balak habulin siya.
Kami na lang ngayon ang tuluyang na sa room, kinuha ko ang isang malapit na upuan at umupo bago siya muling harapin.
“Matagal na kayong magkakilala ni Maine?” naiintriga kong tanong sa kaniya.
“She’s my first heartbreak,”
Lumingon ako sa kaniya ng may pagkagulat.
“She’s the woman that makes me crazy in love for the last 3 years,” dagdag pa nito.
“Why does she looks like mad at you?” Kinuha niya ang upuan at humarap sa akin.
“Because I left,” malungkot niyang sinabi.
Huminga siya ng malalim at tumingin sa labas.
“Kailangan ko pumuntang California para doon mag-aral, hindi na ako sa kaniya nakapagpaalam. Sinubukan ko siyang kausapin pero binlock niya ako sa lahat ng kaniyang accounts. Then I was back here, exactly the day of her 18th birthday,” kwento niya at panandaliang tumigil.
“What happened next?”
“I saw her while kissing my enemy, Drake.”
Napalumukos siya ng mukha. Animo’y nasasaktan pa rin hanggang ngayon, masyado siyang nasaktan dahil ito ang una niyang karanasan sa pag-ibig.
“Then I left again for the second time. And now, she’s mad of what I did. But you know what, mas galit ako sa sarili ko,” ani niya at yumuko.
“I didn’t save her from pain. I still choose to left, that’s the time when she call my name for pleasing me to stay,”
Naiintindihan ko na. Kaya pala gano’n na lamang si Maine noong makita si Ki-el at puno ng pagtumanggi siyang umiiwas dito.
“Maybe I can help you.”
Inangat nito ang kaniyang ulo at umiling. “No. Maybe this is not the right time, Ava.”
Bakit gano’n, si Maine ang tunay na nanakit sa kaniya pero ang lumalabas ay parang siya pa ang may kasalanan at si Maine itong umiiwas?
Nauna na magpaalam si Ki-el dahil may aasikasuhin pa siya. Lumabas na rin ako para humanap ng taxi. Pagkauwi, ibinaba ko na yung bag ko at nagbihis bago humarap sa laptop.
“Are you in love with stranger?” reply ni King sa huli kong chat sa kaniya kagabi. Siguro ay talagang busy lang at naiintindihan ko naman.
Pinag-isipan ko ang naging tanong niya. Siguro ay natutuwa lang ako sa lalaking ‘yon, sinagip niya ang buhay ko. Kung hindi niya ako hinitak, malamang ay isa ako sa nadawit.
“I don’t know what is love,” bungad kong sagot.
Agad niyang na-seen, hindi ko pala natanong kung nag-aaral pa siya dahil palaging online.
“Bitter,” banat niya na ikinatawa ko naman. “You can fall in love for just a few minutes but it can hurt you for a long time,”
Napapanganga na lang talaga ako kung minsan sa kaniyang mga sinasabing talinghagang salita. Mukhang expert na masaktan kaya siguro ganito mga advice niya.
“Siguro maraming babae na ang nagpaiyak sa’yo,”
“Love is not part of my vocabulary word,” sabat niya at may kasama pang emoji na nakatingin sa itaas.
“But not until I found her. The woman I prayed for.”
Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko. May kung anong kirot sa puso ko ang nagparamdam.
“Who is that lucky girl?”
Nag-send siya ng isang litrato ngunit masyadong blurd at halos anino na lang ang makikita.
“Hey, I have to go. Goodnight, Princess,” paalam nito. Magtatanong pa sana ako tungkol sa babaeng sinned niya ngunit mukhang may gagawin pang ibang bagay si King kaya’t sa ibang araw na lang.
“Goodnight din”, ito ang tangi ko na lamang nasabi sa sarili. Walang gana kong binitawan yung laptop at ilang saglit pa ay dinalaw na rin ng antok.