CHAPTER 3

1315 Words
Tulad ng inaasahan, kumalat sa buong building ang ginawa kong pagbasag ng bintana. Ipinatawag si Papa sa office pero secretary lang niya ang dumating. Tahimik lang akong naghihintay sa labas, si Maine naman ay nakikita kong nakasilip sa bintana habang puno ng takot ang mga matang nakatingin sa direksyon ko. Alam na niya ang mangyayari, muli akong pag-iinitan ni Papa pero ayos lang ’yon. Hindi ko pagsisisihan ang bagay na ‘to dahil sa ginawa ni Drake kay Maine. Halos kalahating oras ang naging pag-uusap ng secretary ni Papa na si Ate Gianne at ng principal. Masayang lumabas ang aming principal, siguradong tinapalan siya ng pera ni Papa para manahimik. “Alam mo na ‘di ba kung ano ang magiging kapalit ng ginawa mo?” malumanay na tanong ni Ate Gianne at tinabihan ako sa upuan. Hindi ako umiimik at tanging nakayuko lang. Nakita na ni Ate Gianne kung paano sa akin magalit si Papa. Dumating pa nga sa puntong harap-harapan akong sinampal ni Papa dahil sa bagsak kong grado kay Professor Santiago - guro ko sa Basic statistics. Kailan pa naging basic ang mathematics? Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang isip nila ay ikinukumpara sa lahat. Siguro para sa kanila ay madali lang pero sa katulad kong gusto lang ay makapasa, HINDI! “Ate Gianne, kung ikaw ba ang magulang ko ay ikakahiya mo rin ako?” Nangingilid na ang mga luha kong naghihintay sa sagot niya. Sa mga oras na ‘yon, niyakap niya ako. “Syempre hindi, huwag kang mag-isip ng ganyan. Natutuwa ako sa ginawa mo. Isa kang tunay na kaibigan, Ava,” pagpapakalma niya sa akin. “Pe-pero bakit si Papa, ang tangi lang niyang nakikita ay mga kamalian ko?” Hindi nakakibo si Ate Gianne sa naging tanong ko at noong kumalag ako sa kaniyang yakap ay bumaling ito sa ibang tingin. “Alam kong darating ang araw na matatanggap ka niya, hintayin mo lang ha?” Limang taon na akong umaasa, sa loob ng mga taon na ‘yon ay hindi ko naramdamang nagkatotoo. Suwerte raw na maging anak ng Mayor, bakit hindi sa akin magawang maiparamdam ni Papa? Tumunog ang phone ni Ate Gianne at kailangan na rin niyang umalis dahil may aasikasuhin pang meeting. Wala na akong gana pang pumasok kaya’t pumunta na lang ako sa isang ilog para makapag-isip-isip. Saktong alas-sais na noong maisipan kong umuwi. Wala naman si Papa sa bahay at hindi naman siya nagtatanong kila Yaya Medy kung anong oras ako umuuwi. Sa paglalakad ko, may grupong ng mga lalaki ang na sa isang gilid ng eskinita at naramdaman kong napadako ang tingin nila sa akin. Nagtuloy ako sa paglalakad at ang mukha ng isa sa kanila ay natamaan ng sinag mula sa buwan, si Drake na nakangising nakatingin sa akin. Pumunta akong kaliwa, humarang siya. Sinubukan kong dumaan sa kanan ng hablutin niya ang suot kong uniform at natanggal ang isang butones nito. “Hi, Ava. Nice to meet you again,” nakatitindig balahibo nitong sambit habang hinahaplos ako sa buhok. Sinubukan kong makawala sa mga kamay niya ngunit masyadong mahigpit ang hawak nito sa akin. “D-Drake nasasaktan ako,” nangungusap na ako dahil sa sakit ng ginagawa niya. Ang mga kasama nitong lalaki ay na sa sulok lang at tila masayang nanonood. “Hindi, Ava, gusto kong matikman kung gaano ka kasara-” hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil sa tumalsik na dugo. Napatingin ako sa direksyon kung saan ‘yon galing, nanlalaki ang mga mata ko at mukhang gano’n na lang din ang pagkagulat niya nong makitang duguan ang mga kasama niya. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar ngunit walang kahit sinong tao. Nanginginig ang kamay ni Drake hanggang sa mabitawan ako at tumakbo na palayo. Naestatwa na lang din ako sa aking mga nasaksihan. Gusto kong tumakbo paatras ngunit tila nakatigasan na rin ng mga paa ko. Ilang sandali pa, may narinig akong parating na sasakyan. Mula sa malayo, tanaw ko ang ilaw na papalapit sa akin ng biglang may humatak sa kamay ko. Masyadong mabilis ang naging pangyayari, dinala niya ako sa isang bakanteng bakuran. Madilim ang paligid, hindi ko makita ang itsura niya. Noong makalayo na at mukhang wala naman sa aming nakasunod, agad niya akong binitawan. “S-Sino ka? Th-thank you for saving me,”  Hindi ko man makita ang mukha niya dahil sa dilim na bumabalot at sa suot nitong black na hoody, may kakaibang dilim sa anyo niya kung pagmamasdang mabuti. “I am not the person that save you,” sambit niya bago umalis.  Sinubukan ko siyang habulin ngunit huli na dahil sa daming eskinita, hindi ko alam kung saan siya dumaan. Mukhang wala naman ditong masasakyan, delikado naman kung maglalakad pa ako at baka muling mangyari yung sa amin ni Drake. May isang kubo akong napansin, pwede na rin siguro ako dito magpalipas ng gabi. Tinext ko na lang si Yaya Medy na kila Maine muna ako tutuloy. Ayaw kong sabihin ang totoo at mag-alala pa sila. Kinuha ko na ang baon kong extrang damit sa bag para magpalit habang naiiyak sa sobrang sama ng loob. Ang daming kamalasan na ng nangyayari sa akin ngayong araw. Pilit kong inaalala ang mga nangyari, pakiramdam ko kanina ay mayroong matang nakatingin sa aming direksyon kanina. Ilang saglit lang ay dinapuan na rin ako ng antok.   NAGISING ako mula sa mga nagkekuwentuhan. Noong maanigan ko sila, dali-dali akong tumayo. Nakakahiya, baka isipin nila ay pumapasok ako sa bakurang sila ang nagmamay-ari. “So-sorry po dito ako naka…” Hinawakan ako ng isang babae na sa tingin ko ay kasing edad na ni Papa.  “Ayos lang Hija, sana ay kumatok ka sa bahay para napatuloy ka namin sa loob.” Umiling naman ako.”Naku, mas lalo pong nakakahiya. Mauuna na rin po ako at baka nag-aalala na rin ho mga kasama ko sa bahay, pasensiya na po,” pagpapaalam ko. Dahil alas-sais na ng umaga, may mga tricycle na ang nagdaraan. May mga magkakapitbahay naman ang nagkekuwentuhan at napatigil ako sa kanilang pinag-uusapan. “Ay oo, kababata pa naman at sa SDC nag-aaral. Naku, ang away talaga ng mga kabataan ay hindi na magandang biro,” narinig kong sabi ng isang babae. Dahil sa kuryosidad, lumapit ako sa kanila para magtanong. “SDC po?” Humarap sila sa akin. “SDC ka rin ba Hija? Baka kilala mo yung nagsaksakan kagabi diyan sa sitio eskinita. Ang sabi, yung tatlo ay nagkainitan daw at mukhang gumagamit ng drugs dahil may nakita sa kanila,” kuro-kuro niya. “Ay naku, 'Mare, guwapo pa naman no’ng namatay,” pagsang-ayon ng isa pa. Natigilan ako. Ibig sabihin ay namatay ang isa sa kanila? Muli kong inalala ang mga nangyari. Noong maganap ang insidente, nakita kong dalawa lang ang nakahiga sa sahig. Sino ang isa pa? “Na-nabanggit po ba mga pangalan nila?” Yung mata ng babae ay tumingin sa ibang direksyon na parang inaalala mabuti. “Yung na sa hospital, ang pangalan yata ay Vincent at Rovick. Pamilyar sila sa akin dahil madalas ko nga nakikita sa may eskinita mga ‘yon,” sagot ng isa pa niyang kausap na babae. “Sino po yung namatay?” muli kong tanong. “Brake ba ‘yon?” tanong ng isa. “Hindi, Jake yata,” sabat naman ng isa pa. “Ayun naalala ko na, Drake,” Nagulat ako at muling naestatwa sa kinatatayuan. Kitang-kita ng dalawa kong mata si Drake na tumatakbo palayo at tanging naiwan lang ay yung dalawang lalaki na walang malay at duguan na sa sahig. Hindi na ako nakinig pa sa kuwentuhan nila at agad sumakay na ng tricycle. Umuwi akong tulala, binati pa ako ni Yaya Medy ngunit sa sobrang gulo ng isip ko, hindi ko na nagawa pang bumati rin tulad na aking nakagawian.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD