CHAPTER 2

1254 Words
", bakit hindi ka na pumasok sa last subject natin kahapon? Kabisado mo naman na si Prof. Em, nagpapahuli ka pa,” sambit ng kaibigan kong si Maine habang abala sa paggawa ng coding. Kahit anong gawin kong pag-intindi ay nagdudulot lang ng sakit sa ulo, wala naman akong maintindihan sa libro. Binuksan ko na lang yung laptop ko at sinimulang buksan ang gc. Wala na silang nabanggit sa monstrous site. Pagbukas ko ng messenger, yung kay King ang nagpaguhit sa akin ng kakaibang ngiti. “Why are you looking at me like that?” naiilang kong tanong kay Maine. Nakangisi kasi ito at alam kong sa bagay na ‘yon ay may iba siyang iniisip. “Who’s that person?” Huminga akong malalim. Bestfriend ko naman siya kaya’t walang masama. Sasabihin ko na sana nang bigla siyang tumayo at may kung anong inaanigan mula sa kabilang building. “Anong tinitignan mo?” taka kong tanong sa kanya. “S-si Drake ba ‘yon? Teka… siya nga!” Nagmamadali siyang tumayo at iniwan na ako. Sinundan ko na lang siya kung saan siya nagpunta hanggang sa mapadpad kami sa room 24 at napadako ang atensiyon ng mga estudyanteng nandito sa amin. Sa kahihiyan, hinitak ko na si Maine paalis. Namumula na yata ako sa hiya, yung mahusay kong kaibigan kasi ay malakas na itinulak ang pinto at saktong nagkaklase na sila. Hindi ko na nakita pa ang Drake na kanyang binabanggit dahil sa kahihiyan. Noong makalayo ay hinarap ko na si Maine at kasalukuyang tulala pa rin sa kalawakan. “So, may lakas ka pa rin ng loob pumunta roon?” naiirita kong tanong pero imbis na sumagot ay muli siyang tumakbo sa room 24. Ayaw ko na pumasok pa roon, bahala na siya. Akmang tatalikod na ako nang bigla siyang tumakbo palapit sa akin at hinawakan ako sa braso. “Iiwan mo ako? Last na please, please, Ava. Gusto ko lang talaga masigurado kung siya nga ‘yon,” nakikiusap niyang pahayag. Kung gano’n, hindi rin niya nakita ang Drake na kanyang hinahanap doon kanina. Sa pangungulit ng kaibigan ko ay wala na rin akong nagawa pa. Habang palapit ang mga hakbang namin ay kasabay ng panlalamig na nararamdaman ko sa kamay. Pagdating sa harap ng room 24, muli naming nakuha ang atensiyon ng mga nandito. Lumapit na ang kanilang professor para tanungin kung may kailangan kami. Kinakalabit ko si Maine bagamat wala naman atang balak sabihin. “S-si Drake po sana,” nahihiyang paalam nito at nagsimulang magtawanan ang ibang nandito. Kumunot ang noo ko sa inaasal nila. Maging ang professor ay hindi na rin napigilan pa ang mapangiti. “Naku, Hija, huwag mo abalahin ang klase namin.” Mapang-asar na ngiti ang ibinigay nito sa amin bago isarado ang pinto. Si Maine ay unti-unting napaatras at tumakbo na palayo. Para siyang napahiya. Hindi ganito si Maine, alam kong may ibang dahilan pa kaya’t gusto niyang makausap ang lalaking ‘yon. Nag-init ng husto ang ulo ko sa patuloy na pagtawa nila. Muli kong tinignan ang room 24 at ang bawat hakbang ko palapit dito ay may kung anong enerhiyang gusto silang sunugin. Kumatok ako pero sumilip lang ang isang lalaki sa bintana at sinaradong muli. Kumatok pa ako ngunit hindi pa rin nila binubuksan ang pinto. Gusto yata nila talaga ng laro. Laki ako sa kalsada, ang pagkakamali nila ay tinuruan ako kung paano makipag-away at maglaro ng tumbang preso. Inihanda ko na ang aking sarili. May isang malaking bato akong nakita at buong pwersang inihagis sa bintana. Ang salamin ay nabasag, mga bubog nito ay nagkalat sa sahig at lahat ng nasa loob ay mga tulala sa ginawa ko. “Bubuksan niyo yung pinto o babasagin ko pa ang isa?” mahinahon kong tanong habang hawak ang isang piraso ng salaming nabasag. Agad binuksan ng lalaki ang pintuan. Pumasok ako at inikot ng aking paningin upang hanapin ang isang lalaki na gusto kong basagin ang mukha. “Sino si Drake?” Walang kahit isa ang kumikibo dahil sa hawak ko. Tumingin ako sa professor na nambastos kay Maine, habang lumalapit ako ay umaatras naman ang kanyang mga paa. “B-bitawan mo ‘yan. Puwede kang ma-kick out sa ginagawa mo!” pananakot niya ngunit kahit ano pa ang kanyang gawin, hindi nito ako mapapaamo. “Sino si Drake?” muli kong ulit sa tanong at isang lalaki ang tumayo. “Ako.” Tinignan ko siya ng maigi, guwapo nga at hindi maitatanggi dahil sa mestiso nitong balat at matangos na ilong pa lang ay tila papangarapin na ng mga kababaihan. “Miss, may klase kami. Mamaya ka na sumingit.” Nag-init lalo ang ulo ko sa sinabi niya. Lumapit ako para mas makita siya ng malapitan. “Guwapo ka kaya siguro nagustuhan ka niya pero ang pagiging walang respeto sa babae ay nagpapakita ng pag-uugaling walang moral,” pagdidiin ko sa bawat salita para tumimo sa isipan niya. Ang kaninang tahimik nilang room ay napalitan ng hiyawan. “I like you,” bulong niya na lalong nagpalakas ng pang-aasar ng kanyang mga kaklase. “Jerk,” sambit ko at tinadyakan siya sa maselang bahagi ng kanyang katawan bago lumabas. Naiwan siyang namimilipit, tila masyado kong natapakan ang kanyang p*********i. “We’re not yet done!” sigaw nito. Hindi na ako kumibo pa at dali-dali nang lumabas para hanapin si Maine, nakita ko siyang nakaupo lang sa may tabi ng puno. Lumapit ako para tabihan siya. Sa pag-angat ng kanyang ulo, tumambad sa akin ang namumula niyang mga mata. “I know what you did,” namamaos niyang sabi. Halata sa boses nito ang katatapos lang umiyak. Hindi pa man ako nakakasagot ay niyakap niya akong mahigpit. “Thank you, Ava, pero sana hindi mo na ‘yon ginawa dahil mapapahamak ka,” dagdag pa niya. “Ano bang nangyari at hinahanap mo siya?” taka kong tanong. Humiwalay siya sa pagkakayakap at sumandal sa balikat ko. “Nagkita kami sa isang party then…” kinagat niya ang kanyang labi. Ilang minuto na pero hindi pa rin niya masabi ang sumunod na nangyari. “Then?” bitin kong tanong. “I lost my virginity. After that, hindi na siya nagparamdam pa. Nagpapadala ako lagi ng sulat sa room nila. Lahat ng kahihiyan ay pinasok ko pero wala pa rin, tinulad lamang niya ako sa ibang babae. Pagkatapos niyang pagsawaan ay iniwan din,” “Bakit mo ba kasi isinuko yung bataan mo?” naiintriga ako sa ginawa niya. Ganito na ba kapusok ang mga kabataan ngayon? “He’s my first love, Ava. Ibinigay ko lahat at nakalimutan kong magtira para sa akin. Akala ko sapat na ‘yon pero hindi pa pala, hindi ako magiging sapat dahil hindi ako si Athena, yung babaeng hinihintay niya.” Nasasaktan ako para kay Maine. Mabait siya at masayahin, hindi ko akalaing darating sa puntong may lalaking papasok sa buhay niya para sirain siya. “Bakit mo hinayaang lokohin ka?” Sa pagkakataong iyon, pinilit niyang ngumiti at sinalubong ang aking mga mata bago sumagot. “Kasi nagmahal ako. Hindi ako sa kanya nagagalit kung hindi sa mga babaeng nanakit sa kanya dahil ako ang sumasalo ng trauma niya ngayon. Pero alam mo yung mas masakit? Habang binubuo ko siya, nadudurog ako.” Ganito ba ang depenisyon ng pag-ibig? Kung ang pagmamahal magdadala sa’kin sa kapahamakan, sana’y hindi ko na lang maramdaman. Kung sakaling dumating man ang araw na mangyari sa akin ang ganitong bagay, sana magawa kong iwasan dahil ang totoo… natatakot akong masaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD