Warning SPG❗️ lihim ang naging kasal namin ni Ibrahim na ang tanging nakakaalam lamang ay si Attorney Go at si Ruselle sila ang naging witness sa naganap na kasalan namin. Kanina pa nakaalis sina Russelle at Atty.Go hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala,ang bilis ng mga pangyayari parang kahapon lang na natagpuan ako ni Papa sa bansang Thailand at nalamang magkapatid kami ni Ibrahim sa ama at ngayon sa isang iglap asawa ko na siya. At ang pagkamatay ni Papa mismo sa aking harapan,mga karumal dumal na pangyayari na nasaksihan ko mula ng makilala ko siya. Ang dating mapayapa kong mundo ay naging magulo nang minahal ko ang isang Ibrahim Vizmayor,at kahit anong takas ko ang isiping pati mismo ang puso at katawan ko ay handa akong traydurin makapiling lamang siya. halos isang oras

