"sino kayo?" takot ang pumaloob sakin nang biglang may pumasok sa aming bahay,wala pa naman si Ibrahim at wala akong ideya kung anong oras ito uuwi,unang beses niya ngayon na natagalan sa pag uwi na ipinagtaka ko. "We have warrant of arrest regarding the illegal drugs na pagmamay-ari ng iyong asawa na si Mr. Ibrahim Vizmayor at hindi lang po iyan Mrs Vizmayor may warant din siya sa pagkakasangkot ng pagkamatay ni Mr.Ludivico na siya ang bumaril nito." paliwanag ng isang police na may hawak sa sinasabi niyang warrant of arrest patungkol sa aking asawa. "halughugin ang buong bahay" sigaw nito sa mga kasamahan nya.Mabilis namang hinalughog ng mga kasamahan nito ang buong bahay na mas ikinatakot ko pa. " wala siya dito wala dito ang asawa ko please maawa kayo" pagsusumamo ko na nahintakutan

