Chapter 1: Thomas Lawson
MALAWAK ang ngiti sa mga labi ni Thomas, isang hapon nang nakauwi na siya mula sa opisina. Kasalukuyan niyang tinatahak ang daan patungo sa loob ng kanilang bahay, hawak ang isang kahon na naglalaman ng isang kwintas na may katamtamang laki na pendant. Ngunit kaagad siyang natigilan nang matanaw niya ang asawang si Mildred habang pababa ito ng hagdan.
Ang pagkasabik na kanyang nararamdaman ay unti-unting napawi nang mapadako ang kaniyang tingin sa dala nitong maleta. Kaagad niyang ipinatong ang naturang kahon ng kwintas sa mesa na nasa mismong tabi ng pintuan at mabilis na sinalubong ang asawa.
"Ano'ng ibig sabihin nito, Mildred? You didn't inform me that you're planning a vacation somewhere—"
"I'm leaving you, Thomas." Mabilis na nag-iwas ng tingin si Mildred habang si Thomas nama'y tila nabato sa kaniyang kinatatayuan.
Handa na dapat sabihin ni Mildred ang dahilan ng pag-alis nito ngunit natigilan ito sa marahan niyang pagtawa. He saw how she looked at him straight into his eyes but he only gave her a sight of disbelief. Tila nagbitaw ito ng isang nakakatawang biro kahit pa seryoso ang pagkakalahad niyon.
"You're leaving me?" aniya habang pilit na pinipigilan ang kaniyang pagtawa. "Seriously, Mildred. Saan ka pupunta and why are you carrying a luggage?"
Hindi na sumagot pa ang babae at sa halip ay tuluyan na siyang nilagpasan nito. Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kabog sa kaniyang dibdib kaya naman mabilis niyang pinigilan ito.
"Ano ba, Thomas?! I just told you that I'm leaving you and yet, you're still thinking that I'm joking? Kung sabagay, kailan mo nga ba sineryoso ang mga sinasabi ko?"
Tuluyan nang bumuhos ang tila malamig na tubig sa kaniyang likuran dahil sa huling pahayag ng asawa. Muling tinabig ni Mildred ang kaniyang kamay at malamig siyang binalingan ng tingin. Pagkuwa'y inilabas nito mula sa kaniyang handbag ang isang envelope at iniabot iyon sa kaniya.
"This is for the best. I need you to sign those papers and let me go—"
"What the hell are you talking about?! You wanted an annulment?" Umalingawngaw na sa buong mansyon ang malagom niyang boses. Mariin lamang napapikit ang kaniyang asawa ngunit hindi ito natinag mula sa kinatatayuan nito.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Mildred bago muling inayos ang pagkakasukbit ng bag sa balikat nito at nagsimulang maglakad, habang hila ang dalang maleta.
"Mildred, don't do this to me! Tell me kung anong pagkukulang ko and I will fix it—"
"I fell out of love and there's nothing left for you to fix! Hayaan mo na ako, Thomas. This is the final decision I've come up after spending three years of my life with you..."
Sinubukan niya muling pigilan ang kaniyang asawa ngunit hindi na siya nilingon pa nito. He even kneeled in front of her, begging her to stay and fix whatever the problem is but it seemed like her decision was irrevocable.
Tanging isang malakas na harurot ng sasakyan ang siyang humila sa tila lumilipad niyang kaisipan. Mabilis na napadako ang kaniyang tingin sa kahon ng kwintas na dapat sana'y regalo niya kay Mildred.
Nang matauhan ay mabilis niyang tinungo ang labas ng kanilang bahay at mula roo'y nasilayan niya ang papalayong sasakyan kung saan sakay ang kaniyang asawa at ang 'di umano'y kinalolokohan nitong lalaki.
MAHIGPIT ang kapit ni Thomas sa manibela ng kaniyang sasakyan. It was around 9PM at Los Angeles, California and he was supposed to be attending a business meeting at that very moment. Ngunit heto't tahimik niyang binabagtas ang daan patungo sa kinalulugaran ng kaniyang asawa.
Sa mahigit isang buwan na lumipas, hindi siya kailanman nawalan ng pag-asa na muli niyang mahahanap si Mildred. He was indeed betrayed despite all the love he has given her but above everything else, he's willing to forget everything as long as she stays beside him.
He will accept her as long as she agrees to start over again. Kahit pa tila isang kahibangan na lamang ang kaniyang naiisip ay wala na siyang pakielam pa. He loves his wife so much and that's enough for him to fight for their marriage.
Ang sunud-sunod na pagtunog ng kaniyang cellphone ang siyang humila sa kaniya mula sa mga alaala ng kahapon. He glanced at his phone and saw his brother-in-law's name on the screen. Tila nagdadalawang-isip siya kung sasagutin ba ang tawag o hindi. But in the end, he pressed the answer key on his steering wheel and listened.
"Thomas! Kanina pa kita tinatawagan. Where the heck are you?!" ani Jonathan sa kabilang linya.
"I found, Mildred..." Mababakas ang pag-aalinlangan sa kaniyang boses dahil alam niyang hindi niya lamang basta bayaw si Jonathan kundi isa ring matalik na kaibigan.
Sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang pagitan. Thomas knew for a fact that his brother-in-law had nothing to do with Mildred's sudden disappearance. Ngunit may kung anong bumabagabag sa kaniyang sistema dahil doon. The fact that they're siblings means he must've at least known something about her whereabouts.
Was he hiding her all along? O sadyang pinili ni Mildred na magtago at magpakalayo-layo kasama ang ibang lalaki? The thought of it sent a stabbing pain on his chest.
Isang tikhim ang pinakawalan ni Jonathan bago muling sumagot, "get back here this instant, Thomas! You have a huge deal to close tonight and yet you're out there, chasing my sister? Bumalik ka rito and I will go to her instead—"
"No," pagputol niya sa sinasabi ni Jonathan. "I will go there and beg her to stay with me again. That business deal is important but your sister is more precious to me."
Hindi na niya hinayaan pang magbigay ng komento si Jonathan dahil mabilis na niyang pinatay ang tawag. He then reached for the box of necklace he bought a month ago... ang mismong araw na iniwan siya ni Mildred.
Marahan niya iyong inabot at binuksan. It was a simple pendant which has his wife's name engraved in it. Mula sa kawalan ay bigla na lamang sumilad ang malawak na ngiti sa kaniyang mukha. Nasisiguro niyang magugustuhan iyon ng kaniyang asawa. The clear image of his wife's bright smile awoken hope inside him.
Ngunit bago pa man niya muling ituon ang buong atensyon sa kalsada ay siya ring pagsalpok ng isang malakas na bagay sa kaniyang harapan, dahilan upang magdilim ang lahat para sa kaniya.
ANG unti-unting pagmulat ni Thomas ng paningin nito ang siyang nagbalikwas kay Elaine sa pagkakaupo. Hindi siya mapakaniwala na sa loob ng mahabang panahon, nagkaroon na rin ng malay ang kaniyang nakatatandang kapatid. She immediately pressed the emergency button of that hospital room.
"Nurse! Nurse! My brother's awake!" aniya bago muling dinaluhan ang kaniyang kapatid.
Hindi naman nagtagal ay humahangos na nagdatingan ang mga doktor at nurses na siyang naka-assign para sa binata. Minabuti ni Elaine na umatras na muna habang abala ang lahat sa pag-eksamin sa kaniyang kuya. Tahip-tahip ang bawat pagkalabog sa kaniyang dibdib nang muling maalala ang araw na nakatanggap siya ng tawag mula kay Jonathan ukol sa aksidenteng kinasangkutan ng kaniyang Kuya Thomas.
Halos tumigil ang malalalim na paghinga ni Elaine nang mapadako sa kaniyang direksyon ang tingin ng binata. Nagsimula siyang maglakad palapit dito habang patuloy na sa pagtulo ang kaniyang mga luha.
"K-kuya..."
"S-sino ka?" ani Thomas na kaniyang ikinabigla. Natutop niya ang sariling bibig nang mapagtantong hindi siya nakikilala ng sariling kapatid.
"D-Doctor, what's happening to my brother?"
MABILIS na lumipas ang dalawa pang linggo para kay Thomas. He can now walk on his own but he's still a little puzzled with everything that's been happening around him. The first diagnosis was temporary memory loss since the impact from the accident shook some parts of his brain but little did they know, it's far more than that.
"It's called Prosopagnosia... also known as face blindness," panimula ng dayuhang doktor.
"F-face blindness?" naguguluhan niyang turan. The term was new to him but it's not like he's hearing it for the first time.
The doctor nodded, "the shock has damaged the temporal lobe of your brain." Pagkuwa'y iminuwestra pa nito ang diagram ng kaniyang MRI scan upang ituro ang tinutukoy nitong parte ng kaniyang utak.
"It may sound strange but to make it easier to understand, a part of the temporal lobe which recognizes the face... doesn't work anymore."
Tila may kung anong matigas na bagay ang siyang humampas sa kaniyang ulo sa mga oras na iyon. But instead of showing weakness, he still managed to compose himself, believing that there might be a way to cure him. Muli niyang itinuon ang buong atensyon sa naturang doktor.
"Is it temporary?" puno ng pag-asa niyang turan.
"I'm afraid in this case, there's no full treatment. And even if there is, there are less than two percent chances of surviving."
Wala sa wisyo niyang tinahak ang daan palabas ng silid kung saan siya tinapat ng doktor sa totoo niyang kalagayan. Sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa'y tila bumibigat din ang kung ano mang nakapatong sa kaniyang dibdib.
Para sa kaniya'y hindi naman ganoon katagal nang huli niyang nasilayan ang mundo. Ngunit hindi niya inasahan na sa muling pagmulat ng kaniyang mga mata'y marami na agad nagbago —mali. Ang totoo'y hindi ang mundo ang nagbago kundi siya mismo.
"Kuya Thomas!" wika ng isang boses mula sa malayo. Mula roo'y nakita niya ang isang babae na nananakbo papalapit sa kaniya.
Maingat niyang pinagkatitigan ito ngunit pilitin man niyang i-proseso sa kaniyang isipan kung sino itong nasa kaniyang harapan ay sadyang mahirap na iyon para sa kaniya. Sa harapan niya'y nakatindig ang kapatid na si Elaine. Malawak itong nakangiti sa kaniya habang siya'y hindi pa rin inaalis ang titig dito. Nakakatawang isipin na kahit sarili niyang kapatid ay hindi na niya makilala.
"Kuya? Si Elaine 'to... kapatid mo," anito na nagawa pang ituro ang sarili. "I heard the doctors have found out your condition. Ano'ng sabi nila? It’s not temporary memory loss, right? Because you can remember me now."
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin dahil sa naging katanungan ng dalaga. As much as possible, he doesn't want anyone to know about his current situation. Isang maling kilos lang ay maaaring maapektuhan ang lahat. That includes his company and the people around him.
Nagpatuloy na siya sa paglalakad nang hindi man lang nagbigay ng kahit anong paliwanag sa kaniyang kapatid. Mabilis naman siyang sinundan nito buhat na rin ng matinding pag-aalala.
"Kuya, wait for me!" pagpigil nito sa kaniya sabay hawak sa isa niyang braso. "Fine! I won't ask you questions but please, don't walk out on me like this..."
Hindi na nagawa pang tapusin nito sinasabi nang mabilis niyang hinarap ito. He looked straight into his sister's eyes as a decision finally formed inside his head.
"Go back in the Philippines and send Jonathan here instead," wika niya na siyang nagpalaki ng mga mata ng kaniyang kapatid.
"B-but why?"
"I need to undergo a few therapies before I go back. And I want you to manage the company for the time being—"
"Kuya, you know that I am not confident in running our company," ani Elaine. She even starts playing with her fingers. "It's not my calling to begin with! Bakit hindi na lang kay Kuya Jonathan mo ibigay ang responsibilidad na 'yan at hayaan mo akong mag-stay rito."
Thomas closed his eyes for a while as he's now starting to lose his patience. Matapos iyon ay muli niyang binalingan ng tingin si Elaine. He held both of her shoulders as if he's giving her reassurance.
Gustuhin man niyang sabihin ang totoo niyang kalagayan ay alam niyang hindi iyon makatutulong. After all, he's doing that for the sake of those people around him. Isa pa'y buo na ang kaniyang desisyon... and that's to keep his disability from everyone until he's ready to face his new world once again.
"I'll be back on my feet, Elaine. For now, I need you to listen on what I am asking you to do..."