"BAKIT naman dinaan mo sa pera? Wala rin sa hulog ang mga banat mo minsan e," reklamo ni Trevor kay Jonathan. Iyon ay matapos mag-walkout ni Coleen dahil sa business proposal na inihayag nito kanina. Pinagmasdan niya kung paano ito muling naupo sa swivel chair nito saka marahang hinilot ang sentido. Masakit pa rin ang mga sugat at pasang kaniyang tinamo mula kay Elias ngunit masyadong malayo sa bituka para pagtuunan niya pa ng pansin iyon. Hindi hamak na mas importante kung paano nila magagawang protektahan si Coleen laban sa mga natitirang miyembro ng Black Eagle. "Ganiyan ba ang tingin niyo sa aming mahihirap?" muli niyang usal dito. "Totoong ang mga tulad namin ay mabubuhay at mamamatay lang sa pera. Pero 'tol, si Coleen 'yun e. Hindi siya basta babae lang—" "Matanong nga kita. Lala

