Solange
______________________________________
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil mag luluto pa ako ng sinigang. Mas maaga din akong gumising dahil dadaan pa ako sa ospital para ibigay kay nanay ang lulutuin ko at may pasok pa ako sa trabaho kaya naman kailangan ko talagang gumising nga maaga para di ako ma late.
Alas kwatro ng madaling araw ako nagising at tulog na tulog pa ang kapatid kong si Dominic sa kabilang kwarto kaya naman naligo muna ako at nag bihis ng pambahay.
Pagkatapos nun ay nagluto na ako para sa agahan namin at sinunod ko naman ang sinigang na ipapabigay namin dun sa taong tumulong sa amin.
Hindi ko man siya kilala pero malaki ang pasasalamat namin sa kaniya. Siguro isa siyang good samaritan na pinadala ni Lord sa amin lalo na at walang wala kami a mga oras na iyon.
Habang nag luluto ako ay hinugasan ko talaga ng mabuti ang mga sangkap. Mas lalo kong pinag igihan ang pag luluto at binigyan iyon ng extra dedication bilang pasasalamat sa taong tumulong sa amin.
Habang nag luluto ako ay nagising na si Dominic at agad na rin siyang nag handa para pumasok sa paaralan.
Nang matapos akong magluto ay agad kong isinalin iyon sa isang lunch box at nag hanap ng paper bag sa kwarto ko. Tuwing may event kasi sa trabaho gaya ng mga Christmas party at exchange gifts ay hindi ko tinatapon ang mga paper bag na nilalagyan ng gifts na natatanggap ko dahil alam ko magagamit ko iyon sa future. Edi nakatipid pa ako.
"Akala ko ba ate ulam natin yung sinigang na niluto mo," sabi sa akin ng kapayid habang umupo sa hapag kainan at nag pupunas ng basa niyang buhok.
"Para to sa taong tumulong sa hospital bills ni tatay," paliwanag ko sa kaniya.
"Ano ba yan nagising pa naman ako sa bango ng sinigang tapos hindi naman pala yun ang uulamin ko," reklamo nito.
"Magluluto nalang ulit ako sa susunod," natatawang sagot ko sa kaniya.
Kumain lamang kami ng agahan at pagkatapos nun ay pumasok na ako ulit kwarto ko para mag bihis ng uniform ko sa trabaho.
Habang nag susuklay ako ng buhok ay bigla akong tinawag ni Dominic.
"Ate! May naghahanap sayonsa labas!" Sigaw nito.
Ha? Sino namang mag hahanap sa akin. The last time i checked bayad na ako sa mga inutangan ko. Alangan namang si Elizabeth eh malayo naman ang bahay nila sa amin.
"Ha? Sino naman daw?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya habang nagsusuot ng heels.
"Hindu ko alam eh pero may kotse! Pang mayaman bak boy friend mo to ate ah di ka lang nagsasabi!" Sigaw nito mula sa labas ng kwarto ko.
Bwiset talaga to si Dominic kung makasigaw! Nakakahiya! May ideya na ako kung sino ang taong iyon pero hindi pa din ako sigurado dahil baka nagkakamali lang ako. Dahil bakit niya naman ako susunduin dito? Alam ba niya ang address namin?
Agad kong kinuha ang cheap na hand bag ko at ang paper bag na may laman ng niluto ko. Alas sais na rin ng unaga kaya naman medyo maliwanag na sa labas.
At hindi nga ako nagkakamali! Dahil paglabas ko ay nakita ko ang makisig na tindig ni Claude!
Naka navy blue na fitted shirt lang siya at may suot na dog tag at naka denim jeans at naka mamahaling sapatos! Hapit na hapit sa katawan niya ang shirt na suot niya kaya naman klarong klaro ang matipuni niyang katawan. Napaka simple lang ng suot niya ngayon pero ang lakas ng dating.
"Good morning gorgeous," bati nito sa akin habang tinatanggal ang shades niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.
"Wow ganyan ka pala bumati ng good morning," pang aasar nito sa akin.
"Oh edi good morning. Pero ano ngang ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ko sa kaniya.
"Well obviously im picking you up?" Sagot niya habang sumasandal sa pinto ng mamahalin niyang Porsche.
"At bakit mo naman gagawin yun?" Tanong ko ulit.
"Because i want to," kampanteng sagot nito.
"At sa tingin mo sasama ako sayo?" Masungit na tanong ko sa kaniya.
"Sa tingin ko ay hindi. Pero sana kapag sinabi ko na ilang beses akong naligaw papunta dito at nagpa gas pa ako ng kotse para masundo ka baka pumayag kanang sumabay sa akin," nakangiting sagot niya.
"At bakit naman ako obligadong sumabay sayo? Inutusan ba kitang sunduin ako? Ano ka jowa?" Namamanghang tanong ko sa kaniya.
"Bakit? Gusto ko lang naman makipag kaibigan," nag papaawang sabi nito.
Napabuntong hininga naman ako sa sinabi nito.
"Ganyan ba talaga makipag kaibigan ang mga mayayaman?" Tanong ko sa kaniya.
"Mayaman ka naman eh kaya madami kanang kaibigan. Di mo na kailangan dagdagan pa ng isang katulad kong mahirap lang. Baka isipin ng mga kapit bahay sugar daddy kita or gold digger ako," dugtong ko pa.
"Wow advance naman ng mindset mo," he said mockingly.
"Whatever," sagot ko sa kaniya at nilagpasan siya.
Pero di pa ako nakakalagpas ng isang sentimetro sa kaniya ay nahawakan na niya ako sa braso.
"Mala late ka talaga sa trabaho kapag di ka pa sumama sa akin," usal nito.
"Kaya nga bitiwan mo na ako para makasakay ako ng taxi," sagot ko sa kaniya.
"At sino naman nag sabing papayag ako diyan? I wont waste gas for nothing. C'mon Solange wala naman mawawala sayo kapag sasama ka sakin.
Hindi na ako nakipag talo ba dahil alam ko namang wala akong magagawa. Ganyan naman talaga ang mga mayayaman eh. They like being dominant. Na para bang lahat ng gusto nila nakukuha nila agad.
"Oo na bitiwan mo na ako."
He slowly let go of my hand kaya naman agad na rin akong sumakay sa passenger's seat.
"Hindi pala ako didiretso sa opisina," mahinang sabi ko sa kaniya habang nag mamaneho siya.
"Why? Sana ka ba pupunta? May dadaanan ka pa ba?" Sunod sunod na tanong nito.
"Oo dadaan ako sa Delotavo hospital. Ngayon kasi madidischarge si tatay eh at idadaan ko tong niluto kong sinigang. Papabigay namin dun sa taong tumulong sa amin," paliwanag ko sa kaniya.
"Wow sana all pinag luluto," sabi nito.
"Bakit di ka ba pinagluluto ng maid niyo," tanong ko sa kaniya.
"No. Wala akong maid," sagot nito.
Wow mister independent naman pala. Hindi na ulit ako nag salita pa at siya din naman. Pareho kaming tahimik hanggang sa dumating na kami sa ospital.
"Salamat dito nalang ako," paalam ko sa kaniya habang tinatanggal ang seat belt ko.
"I wanna come with you," sagot nito at nag tanggal din ng seat belt.
"Ha? Bakit naman? Okay na kaya ko na ang sarili ko," sagot ko sa kaniya.
"I just wanna see your parents at isa pa gusto ko rin kamustahin ang tatay mo," sinserong sabi nito.
Hindi na ako umangal pa dahil hahaba lang ang sagutan namin kaya naman hinayaan ko na siyang sumunod sa akin.
Pag pasok namin sa loob ng hospital room ni tatay ay nakita kong kumakain sila ng agahan.
"Nay good morning po," bati ko sa kanila.
"Uy anak andyan kana pala," bati rin ni nanay sa akin.
Natigilan sila ni tatay ng makita si Claude na nakatayo sa likod ko.
"Boyfriend mo ba nak?" Tanong sa akin ni tatay kaya naman agad akong namula.
"Tay! Hindi po kaibigan po yan ng boss ko," nahihiyang sagot ko at naiilang pa na tumingin kay Claude.
"Ah hahahah sorry nak biro lang," patawa tawang sagot ni tatay kaya naman natawa din si Claude.
"Good morning po sa inyo ako po si Claude," pakilala ng kumag na kasama ko at feeling close pa na nakipag shake hands sa mama at papa ko.
"Bakit nga pala kayo mag kasama nak? Nililigawan ka ba niya?" Pangiti ngiting tanong naman ni nanay. Ano ba yan! Pinapahiya naman nila ako eh huhuhu.
"Nay naman eh! Hindi po parehas kasi kaming pupunta sa opisina kaya nagka sabay kami," sagot ko kay nanay at pinandilatan siya ng mata.
"Nay di na ako mag tatagal dito dahil male-late na ako sa trabaho ko idadaan ko lang tong sinigang na ibibigay natin dun sa taong tumulong sa atin," sagot ko at inabot sa kaniya an paper bag na bitbit ko.
"Sige nak mag ingat kayo," usal ni nanay nang makapag paalam na ako.
Hinila ko na agad si Claude palabas dahil baka ano na namang nakakahiya ang sabihin nila nanay. Mukhang trip pa naman nila ako ngayon.
"Pasensya kana ah napag tripan ata ako nila nanay at tatay ngayon," nahihiyang paumanhin ko sa kasama ko.
"Nah it's okay. They're funny," patawa tawang sagot nito na umiiling pa.
Hindi na ako umimik pa at sumunod nalang sa kaniya palabas.
"Pwede naman na akong nag taxi eh," mahinang sabi ko sa kaniya nung nakalabas na kami.
"Anong silbi pa ng pagsama ko sayo kung di ka lang rin naman sasabay sa akin," sagot nito kaya naman napairap ako.
Dapat pala di na talaga ako sumama sa kaniya nung unang beses pa siyang nag aya sa aking kumain kasi namimihasa na siya eh. Sana pala iba nalang yung pinagawa niya sa akin.
Ano bang intensyon niya sa akin? Bakit niya ba to ginagawa sa akin.
"Bakit mo ba to ginagawa sa akin?" Tanong ko sa kaniya habang nag mamaneho siya papuntang opisina.
"Wala naman. Gusto ko lang ng may nakakasama at ikaw ang napili ko," simpleng sagot nito sa akin.
"Madami ka namang kaibigan siguro. Baka nga may girlfriend o asawa ka pa eh pero bakit ako?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko rin alam eh. Bakit ayaw mo ba akong kasama?" Tanong nito na medyo humina ang boses.
"Hindi naman sa ganun. Hindi naman kasi tayo magka kilala eh at kahapon palang tayo nagkakilala. Sa totoo lang hindi ako basta bastang nakikipag kaibigan pero napipilitan ako dahil sayo," prankang sagot ko sa kaniya.
"So you mean magkaibigan na nga tayo?"
Sa haba ba naman ng sinabi ko yun lang ang napansin niya?
"Hindi ko alam. Baka kasi sabihan mo yung boss ko na isesante ako kapag di ako naging mabait sayo," sagot ko sa kaniya.
"Solange im not that rude okay?" Serysong sabi nito.
"Kawawa kasi kaming mahihirap eh kapag kasama namin yung mga mayayaman. Nanliliit kami sa sarili namin dahil para kaming puppet sa paligid nila. Halos kasi lahat ng mga mayayaman lahat napapasunod nila or nakukuha nila ang gusto nila," sabi ko sa kaniya.
Narinig ko naman ang pag buntong hininga niya.
"Im not like that okay? I just wanna be friends with you. That's it." Sagot nito sa akin.
"Okay if you say so."
Hindi na ulit kami nag usap hanggang sa nakarating na kami sa opisina.
Nakasunod naman siyang naglalakad sa akin at ramdam ko ang mga titig ng ibang trabahante sa akin. Naririnig ko din ang ilang bulong bulungan. Siguro nag tataka sila kung bakit kasama ko ang isa sa may pinaka malaking share ng kumpanyang ito.
Napayuko nalang ako dahil sa hiya. Malamang iisipin na ng mga ito na nilalandi ko si Claude.
Tahimik pa din kami hanggang sa makarating na kami sa opisina ni sir at kita ko namang nakaupo na ito sa swivel chair niya.
"Good morning po sir," bati ko sa boss ko pag pasok ko ng opisina.
"Ano ba yan buti pa si Arkin binabati mo ng good morning samantalang ako kanina ang aga aga ko dumating sa bahay niyo pero sinungitan mo ako agad," reklamo nitong kasama ko.
"What do you mean Claude?" Namamanghang tanong ng boss ko.
"A-ah s-sinundo niya po ako sa bahay ng hindi nag papaalam," nahihiyang sagot ko sa boss ko.
"What? Seriously Claude, pinopormahan mo ba tong sekretarya ko?" Seryosong tanong nito.
"Dude ano ka ba? I just wanna be friends with her that's it!" Depensa naman ni Claude.
"Totoo ba yun Solange?" Tanong sa akin ni sir.
"Totoo po ata sir, yun ang sabi niya sa akin eh," naiilang na sagot ko.
"Solange you can always run to me kapag ginulo ka ng lalaking to okay? Ako mismo ang tatabla sa lalaking to," sabi ni sir kaya awkward akong napatawa.
"Foul na yun Villacastin ah! Sino bang kaibigan mo sa aming dalawa?" Tanong sa kaniya ni Claude.
"Well kaibigan nga kita at empleyado ko naman si Solange. At kasama sa benefits ng mga employees dito ang safety nila," sagot ni sir.
"Wow anong tingin mo sakin kidnapper?" Naiinsultong tanong nito.
Hindi na ako sumali sa sagutan nila at dumiretso nalang sa table ko.
"Hahaha joke lang dude di kita aasarin dahil birthday mo ngayon. Happy birthday! Mamaya na ang gift ko sa party mo," sabi ni sir sa kaniya.
So birthday niya pala ngayon? Hindi niya man lang sinabi. Sabagay kakakilala lang naman namin sa isa't isa kaya napaka weird naman kung sasabihin niyang birthday niya ngayon.
Medyo na guilty lang ako dahil napaka suplada ang sungit ko sa kaniya kaninang umaga kahit nag magandang loob lang naman siya.
______________________________________