Chapter 5

1924 Words
Solange _______________________________________________________________ Naiinis pa din ako sa kupal na yun. Masyado ng nakakahiyabsa boss ko ang nangyari. Ilang oras na pala akong tulog sa couch ng opisina niya. Eh pano pala kapag may nakakita baka anong isipin nila. Paano kung may ibang staff na nakapasok tapos nakita akong nakahilata dun edi ano nalang iisipin nila?  Gustong gusto kong sabunutan ang Claude na yun! Masyado na siyang nakakainis. Kanina palang kami nagka kilala pero nakakailan na siya sakin.  Pero at some point na realize ko din palang medyo mabait siya. Medyo lang naman dahil hindi niya ako pinag samantalahan. Duh as if naman noh! Napakayaman kaya nun kaya malamang mataas ang level of standard niya. May taste yun sa babae at ako ang tipo ng babae na hindi niya kailan man magiging type.  Teka lang bakit ko ba to iniisip eh wala naman akong pakialam sa iniisip niya. May kasalanan pa din siya dahil pinilit niya ako uminom nalasing tuloy ako!  Pag labas ko ng building ay agad akong pumara ng taxi para puntahan sina nanay sa ospital. Habang nakasakay ako sa taxi ay nakatanggap ako ng text galing kay Elizabeth.  "Girl nakauwi kana ba?" Text nito sa akin.  "Oo kakauwi ko lang bakit?" Reply ko sa kaniya.  "Hahaha akala ko dun kana matutulog eh napaka himbing ata ng tulog mo kanina."  Parang gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko ngayon. Sabi ko na nga ba at may makakakita eh! "Nakita mo ako kanina?" Tanong ko sa kaniya.  "Malamang! Pinatawag ako kanina nung poging prince charming na nag bantay sayo kanina sino ba yun?"  Sino bang tinutukoy niya? Si Claude ba?  "Sino ba? Si Claude?" Agad kong reply sa kaniya.  "Uyyy hindi siya nag sir. Mukhang bigatin yun ah. Kaibigan ata yun ng boss mo kasi kung hindi malamang di siya makakapasok sa loob ng opisina. May something ba sa inyo?" Usisa nito sa akin.  Ito talagang babeng to kahit sa text napaka chismosa! "Hindi ah! Porke di lang tinawag na sir may something na agad? Hindi ba pwedeng mag kakilala lang."  Palusot ko sa kaniya. Ayoko namang sabihin na kaibigan ko si Claude dahil hindi naman talaga kami mag kaibigan.  "Sus. Kelan ba kayo nagkakilala? Parang di mo naman nakwento sakin yan eh. Tsaka bat kayo magkasama kanina ha?"  Ang kulit talaga ng babaeng to. Akala mo naman interview to kung makapag tanong!  "Alam mo Elizabeth ipahinga mo nalang muna yan. Masyado kanang mausisa sa buhay ko basta walang something sa amin ni Claude. Bye na pupuntahan ko pa si tatay sa ospital."  Huling reply ko sa kaniya bago pumara dahil andito na ako sa ospital. Nag bayad muna ako sa driver bago tuluyang lumabas.  Pumasok na ako sa loob ng ospitak at dumiretso sa loob ng kwarti ni tatay.  "Oh anak andito kana pala," salubong sakin ni nanay kaya naman agad akong nag mano sa kaniyabat humalik sa pisngi niya.  "Kamusta na po si tatay?" Tanong ko habang nilalapag sa couch ang sling bag ko.  "Okay na ang kalagayan ko anak," narinig kong sagot ni tatay.  Natutuwa ako dahil may malay na pala siya. Nakita ko si tatay na nakangiti habang kumakain ng ponkan kaya naman agad akong lumapit sa kaniya at yumakap.  "Tay wag mo na ulitin yun ah! Pinakaba mo kaya ako," sabi ko sa kaniya.  "Pasensya kana nak masyado ng matanda si tatay," madamdaming sagot nito. Nararamdaman kong namumuo ang luha sa mga mata ko kaya naman umiwas agad ako ng tingin.  "Wag ka na po mag trabaho ulit tay. Mag pahinga nalang po kayo ni nanay dahil yun ang sabi ng doctor," usal ko sa kaniya.  "Naku hindi pwede yun nak. Wala ng tutulong sayo sa pag tatrabaho at paghahanap ng pera," sabi nito.  "Tay malaki ang sinisweldo ko at sapat yun sa lahat ng pangangailangan natin kaya sumunod ka nalang po para di tayo magpabalik baik dito sa ospital," sagot ko sa kaniya.  Wala namang nagawa si tatay kundi ang sumang ayon na lamang. Ngayon ay iniisip ko na kung ano ang ibang pwede kong pagkakitaan para madagdagan ang pera ko dahil sa totoo lang alam kong kulang na kulang ang sinasahod ko sa trabaho ko ngayon.  "Sinabi ng nanay mo nak na may taong tumulong daw satin para mailipat ako sa ospital na to, totoo ba yun?" Tanong ni tatay kaya naman natigil ako sa pag iisip.  "Oo daw tay eh sabi nung doctor na naka bantay sayo pero ayaw ipasabi eh kung sino daw," sagot ko dito.  "Kung sino man siya, malaki ang utang na loob ko sa kaniya sa pag ligtas ng buhay ko. Sana man lang may magawa tayo para sa taong iyon," sabi ni tatay.  "Nak ipagluto mo nalang kaya siya?" Suhestyon ni nanay.  "Eh pano naman po natin mabibigay sa taong yun eh hindi nga po natin siya kilala," sagot ko sa kanila.  "Ipapabigay nalang natin dun sa doctor na tumingin sa papa mo nak. Malamang kakilala niya yun," sabi ni nanay at napaisip naman ako.  Kung sabagay ay tama naman siya. Pwede naing ipabigay dun sa attending doctor ni tatay. Pero naisip ko din na malamang mayaman din ang taong yun baka naman hindi niya kainin yung lulutuin ko.  Kung hindi niya man kainin edi okay lang. Basta nag bigay kami at isa pa, kawawa siya pag di niya natikman ang luto ko. Ha! Napakasarap ko kayang magluto.  "Sige po nay bukas idadaan ko po dito. Diba bukas na madidischarge si tatay?" Tanong ko sa kaniya.  "Oo nak," sagot nito sa akin.  "Sige po uuwi po muna ako ngayon dahil walang kasama si Dominic sa bahay. Bibili na rin po ako ng mga sangkap para bukas."  Nag paalam na ako kina nanay at tatay bago umuwi.  Dumaan pa muna ako sa isang grocery store para mamili ng ingredients. Naiisip ko na ang lulutuin ko bukas. Plano kong mag luto ng sinigang.  Sarado na kasi ang palengke sa ganitong oras kaya naman sa grocery store na ako bumili. At isa pa mayaman yung kakain nito bukas kaya naisip ko na mas mabuti sa grocery store nalang talaga bumili.  Pagkatapos kong mamili ay naisip ko na masyado akong pagod ngayon kahit na ilang oras akong nakatulog dun sa opisina. Marahil dahil ito sa wine na nainom ko kanina.  Nag pasya ako na mag take out nalang sa jollibee para sa dinner namin ni Dominic mamaya.  "Ate andiyan kana pala!" Excited na bati sa akin ni Dominic nang pumasok ako sa bahay.  "Oh ang saya mo ata ngayon?" Tanong ko sa kaniya nang mapansin kong halos mapunit na ang mukha niya kakangiti.  "Wow! Jollibee ayos yan!" Bulalas nito ng makita ang dala dala kong plastic ng jollibee kaya agad niya rin namang kinuha ang mga bitbit kong plastic na naglalaman ng pinamili ko kanina.  "Teka nga ano bang nangyayari sayo? Sinagot ka ba ng crush mo ha? Ang saya saya mo ata ngayon?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya habang hinuhubad ang heels ko.  "Ate halika ka dito," hinala niya ako papunta sa sala kaya naman nagtaka ako ng makita ko ang ilang malalaking kahon.  "Ano yan?" Tanong ko sa kaniya.  "Yun na nga ate eh! Hindi ko din alam pero may nag padala sa akin ng isang set ng gaming pc!" Natutuwang usal nito.  "Teka ano? Baka naman hindi sayo yan?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.  "Impossible yun ate! May nag deliver niyan dito kanina sa bahay habang nanonood ako ng tv! Akala ko nga nanalo ka sa lotto ate eh at binilhan mo ako ng gaming set!"  "Teka baka naman sa maling address na ship yan?" Sabi ko sa kaniya.  "Hindi ate. Tingnan mo may pangalan ko pa nga oh. At kanina habang pinapirma ako ng delivery man pangalan ko talaga ang nakalagay nanginginig pa nga ako habang humahawak ng ballpen eh," paliwanag nito sa akin.  Isa isa ko namang tiningnan ang mga kahon at totoo nga ang sabi niya. May Dominic Perez nga na nakalagay sa mga kahon.  "Sino namang magpapadala niya sayo?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.  "Hindi ko alam ate pero kung sino man siya pagpalain sana siya ni Lord hahaha."  Nababaliw na ata tong kapatid ko.  "Baka naman hindi gaming pc ang laman niyan ah! Baka may nag prank lang sayo," usal ko sa kaniya.  "Teka buksan natin."  Sa sobrang excited niya ay dali dali siyang pumunta sa kusina at kumuha ng gunting. Pagbalik niya ay mabilis niya ni unbox ang mga kahon.  "Wow! Gaming pc nga!" Bulalas niya na animo'y naiiyak pa.  "Sa tingin mo sinong mag papadala niyan sayo?" Tanong ko rito.  "Baka naman may sinasalihan kang ilegal Dominic ah! Naku malalagot ka talaga sakin!" Babala ko sa kaniya.  "Ito naman si ate oh! Hindi ka ba masaya para sa akin? Hindi ko na mauubos ang baon ko kaka computer dahil may sarili na akong pc. Malay ko ba kung pinadalhan ako ng mga mayayamang girls na may crush sa akin sa school."  Napangiwi naman ako sa sagot niya. Masyadong mahangin itong kapatid ko.  "Wow kapal. Pano mo naman malalaro yan eh wala naman tayong wifi," pang aasar ko sa kaniya.  "Diyan ka nagkakamali dahil sabi dito sa sulat na nakalagay sa kahon ay may pupunta dito bukas para magkabit ng wifi natin bukas," sagot nito sa akin.  Mas lalo akong nag taka sa kaniya. Kung ganun sino nga bang mag papadala nito sa kapatid ko? Napaka imposible naman kung babaeng nagkaka gusto nga talaga sa kaniya.  "Sa tingin ko ate yung nag bigay nito ay yung taong tumulong din kay tatay sa ospital."  Napatigil naman ako dahil sa sinabi niyang iyon.  "Ha? Pano mo naman nasabi yan," tanong ko sa kaniya.  "Wala lang bigla ko lang naisip. Posible din naman yun," inosenteng sagot nito habang nagpapatuloy sa pag unbox ng bago niyang pc.  "Baka may kapalit lahat ng to Dominic," nag aalalang sabi ko sa kapatid ko.  "Ate naman eh. Malay mo nag magandang loob lang yung tao. Kung sino man yun sa tingin ko kilala ka nun ate. Hindi kaya may gusto sayo yun? Pag nakilala mo yun pakasalan mo na agad," natatawang sabi nito sa akin.  Napaka kapal talaga ng mukha nito! Binubugaw pa ako sa iba.  "Bahala ka nga diyan Dominic. Kumain na tayo masyado ka ng nawiwili diyan," aya ko sa kaniya.  Dumiretso naman ako sa kusina at nag handa na ng pagkain.  "Kamusta na pala si tatay ate," tanong nito sa akin habang kumukuha ng drumstick sa bucket ng jollibee.  "Madidischarge na siya bukas," sagot ko dito habang sumusubo ng pagkain.  "Sana makilala mo na yung tumulong kay tatay ate."  "At bakit naman aber?"  "Malamang para pasalamatan siya! Ano ka ba wala ka bang utang na loob. Kapag inalok ka ng kasal nun, pakasalan mo agad para yumaman na tayo!" Pilyong sabi nito sa akin maya naman inabot ko siya at kinurot sa tenga.  "Ikaw talaga wala kanang naiisip na matino! Pati ate mo binubugaw mo sa ibam baka gusto mong itapon ko yung pc na pinadala sayo," pananakot ko sa kaniya.  "Aray! Ito naman di mabiro naiingit kalang ata sa bagong computer ko eh!" Singhal nito sa akin at binelatan pa ako.  "Sige nga! Pano ka nakakasiguro na lalaki yung tumulong sa atin ha? Pano pala kung babae yun?" Tanong ko sa kaniya.  "Edi ako yung mag aalok ng kasal sa kaniya hahaha! Kung bata pa edi goods pero kung gurang na pwede ng gawing sugar mommy hahaha," natatawang sagot nito. "San mo natutunan yan bagay na yan ha?! Isusumbong kita kina nanay bukas dahil natututo kana ng ganyan Dominic hindi ka nakakatuwa!" Suway ko sa kaniya.  "Si ate naman di mabiro. Anong tingin mo sakin? Sa gwapo kong to papatol ako sa matanda? Hindi noh kahit mahirap lang tayo may taste padin naman ako. Palibhasa ikaw di ka pa nag kakaboyfriend!" Asar nito sa akin.  Wala na kaming ibang ginawa kundi ang mag asaran habang kumakain. Pagkatapos nun ay nag ligpit lang ako at isa isang hinugasan ang mga sangkap na pinamili ko kanina bago nilagay iyon sa ref.  Pagkatapos ay agad na rin akong naligo at nagbihis at pumasok na sa loob ng kwarto ko. Sa sobrang pagod ko at agad din akong dinalaw ng antok. ______________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD