Chapter 4

2167 Words
Solange ______________________________________ Makalipas ang bente minuto ay dumating na ang inorder na pagkain ni Claude. At talaga namang nakakamangha! Nakalagay ang mga mamahaling pagkain sa isang food trolley at malayo papang ay amoy na amoy mo na ang mabangong aroma ng pagkain.  Tila may sariling isip ang tyan ko at bigla na lamang tumunog. Nakakahiya! Natawa naman si Claude dahil dun. Nakakamangha dahil mismong chef ang nag dala ng mga pagkain namin.  Isa isang nilatag sa mesa namin ang mga pagkain at nakakatulo laway talaga ang mga iyon. Napakasarap tingnan mula sa mismong putahe hanggang sa garnish at pati ang mismong plating.  Iniimagine ko palang ang presyo ng mga ito ay nalulula na ako. Ganito pala talaga kapag mayaman noh? Hindi sila takot nag waldas ng pera kasi hindi naman sila nauubusan nun.  "Kumain kana kasi nag rereklamo na ang tiyan mo," usal nito sa akin.  Hindi muna ako gumalaw. Tiningnan ko muna si Claude kung paano niya ginagamit ang mga kubyertos. Ano ba yan! Ganito ba talaga kumain ang mga mayayaman? Sa amin nga nagkakamay lang kami kapag kumakain eh tapos sila required na napaka daming kubyertos ang gamitin. Pinapanood ko siya kung paano niya binuklat ang table napkin at dahan dahang nilagay iyon sa paa niya kaya naman ganun din ang ginawa ko. Sunod niyang ginawa ay kinuha ang maliit na kutsilyo at tinidor sabay hiwa dun sa steak. Sinusunod ko lang ang mga ginagawa niya dahil ayaw kong mapahiya. Bahagya akong nadismaya habang kumakain. Kasi ganitong serving lang eh umaabot na ng dalawang libo ang presyo tapos ang konti pa ng kanin! Eh kung sana sa Mang Inasal napang kami kumain, 200 pesos lang makaka pag unli rice kana may kasama pang chicken oil yan.  "Nagustuhan mo ba ang pagkain?" Tanong nito sa akin habang ngumunguya.  "Hmm okay naman," sagot ko sa kaniya habang hinihiwa ang steak.  "Okay lang? Why are you not satisfied with the food?" Tanong niya ulit. "Hindi naman sa ganun Claude. Hindi lang talaga ako sanay kumain ng mamahalin at isa pa, first time kong kumain sa isang five star restaurant dahil nakakapang hinayang yung presyo ng mga pagkain nila. Edi sana kung nag Mang Inasal tayo edi sana hindi aabot ng isang libo ang gagastusin mo at unli rice pa hindi ka lugi," sagot ko sa kaniya.  "Hahaha i like it," sabi nito kaya naman nag taka ako. "Like what?" Naguguluhang tanong ko dito.  "I like it when you called me by my name," nakangiting sagot nito habang naghihiwa na naman sa steak niya.  "A-ah hahaha," awkward na sagot ko sa kaniya.  "Kailangan mo ng sanayin ang sarili mong kumain sa mga ganitong restaurant," mahinang sabi nito pero narinig ko pa din. "Ha? Bakit naman," tanong ko dito. "Because we will eat often," deretsong sagot nito sa akin kaya naman nagulat ako.  "Ha! At bakit naman?" Tanong ko dito. "Because i want to," he said while smirking "Wow! Boyfriend kita?" Manghang tanong ko dito. "No. Maybe soon i will be. Bakit may boyfriend ka?" Naging seryoso ang boses niya sa huli niyang tanong "W-wala," sagot ko ng pautal. Dahio totoo naman! Totoo namang wala akong boyfriend. "That's good," usal nito ng pangiti ngiti pa.  Magtatanong pa sana ako sa kaniya kung bakit niya nasabi yun pero biglang dumating ang waiter kanina dala ang isang bote ng red wine.  "Iinom ka pa ba?" Tanong ko sa kaniya.  "Isn't it obvious? At hindi lang ako, pati ikaw rin," sabi nito habang binubuksan ang bote ng wine.  "Ha? Naku wag na Claude ikaw nalang di ako umiinom eh," nahihiyang wika ko sa kaniya.  Hindi ito nakinig sa akin at nagpatuloy lamang sa pagbukas ng bote. Pagkatapos ay inabot niya ang wine glass sa harap ko at nilagyan iyon pati na rin ang sa kaniya.  "Just try it. Sayang naman mahal itong wine na to," sabi niya.  "Eh wala naman kasing nagsabi sayo na bumili ng wine tsk," bulong ko pero narinig niya ata yon.  "Dont whisper Solange i can't hear you," reklamo nito habang natatawa.  "Ang sabi ko hindi ako iinom dahil kailangan ko pa bumalik sa opisina ni sir! May trabaho pa ako," sagot ko sa kaniya.  "Nah your boss won't mind if you're not there. Nag paalam nga ako sa kaniya na ilalabas kita eh," usal nito at sinisimulan na ang pag inom ng wine.  Wala naman akong nagawa kundi ang uminom nalang din. Baka isumbat niya pa sa akin ang presyo ng wine na to tapos di ko lang iinumin. Wala namang nagsabi sa kaniya na bumili siya ng wine eh paepal talaga siya sa buhay ko.  Sige lang Solange dahil pagkataoos nito ay hindi mo na siya kailangan pakisamahan dahil wala kanang utang na loob sa kaniya.  Napapikit ako ng matikman ko ang wine na yun. Hindi ko maexplain ang lasa dahil first time ko ngang makatikim nun. Napaka pakla na medyo mapait pero matamis ang after taste. Ano ba yan napaka weird naman ng taste ng mga mayayaman. Nilagok ko ang isang baso at agad na uminom ng tubig.  "Ano ba yan ang pangit ng lasa!" Bulalas ko sa kaniya at tinawanan niya lang ako.  "You dont like it?" Tanong nito sa akin.  "Malamang kita mo naman ang reaksyon ko diba. Atsaka diba sinabi ko na sayo na hindi ako umiinom? Ang kulit mo din kasi eh napaka weird naman ng taste niyong mga mayayaman," sabi ko sa kaniya habang pinupunasan ko ang bibig ko ng table napkin.  "Okay hindi na ako oorder ng wine bukas," sagot nito. "Anong bukas ka diyan? Ha! Bukas your face last na to noh!" Sagot ko sa kaniya.  "What did you say? Diba sabi ko madalas na tayong lalabas?" Seryosong sabi nito habang nakatingin pa sa akin. "Well sabi mo lang yon pero di naman ako pumayag duh! Anong akala mo sa akin? Basta basta nalang sasama kung kani kanino?" Sagot ko sa kaniya.  "Bakit ayaw mo? Hindi naman ako kung sino sino lang im your friend," usal nito  Namamangha akong napatingin sa kaniya. Grabe talaga ang kakapalan ng mukha nitong lalaking to! At kelan pa kami naging magkaibigan?  "At kelan ko naman sinabi na magkaibigan tayo ha? Aba sumama lang ako sayo ngayon dahil ayokong magkaroon ng utang na loob sayo noh!" Sagot ko sa kaniya.  "Bakit hindi? Kaibigan ako ng boss mo kaya kaibigan na rin kita."  Bobo ba siya? At sino namang nagsabi na kapag kaibigan siya ng boss ko ay kaibigan ko na rin siya? Eh kanina ko nga lang siya nakilala eh. "Well im sorry Mr. Claude Faulter but it doesn't work like that. So if you'll excuse me aalis na ako dahil may trabaho pa akong aasikasuhin," usal ko at agad na naglakad palabas ng restaurant.  Hindi niya agad ako nasundan dahil tinawag niya pa ang waiter para mag bayad ng bill kaya naman may pagkamataon akong lumabas.  Nang makalabas na ako sa restaurant ay na disappoint lang ako dahil hindi ko naman pala alam kung saang lugar tong pinuntahan namin. Baka maligaw pa ako ano ba yan ang malas naman!  "You cant just ditch me like that Solange," rinig kong sabi nito sa likod ko. "Whatever," di ako tumingin sa kaniya kaya naman napairap ako.  "Tara na ihahatid na kita ulit sa work place mo," sabi nito sa akin kaya naman humarap ako sa kaniya.  "Pwede naman ata akong mag taxi may pamasahe naman ako," masungit na sagot ko sa kaniya.  "Hindi pwede yun, kasama kitang pumunta dito kaya ihahatid kita pabalik," sagot nito.  Wala namang mangyayari kung makikipag talo pa ako sa kaniya dahil at the end siya padin naman ang masusunod kaya kahit labag sa kalooban ko ay sumunod na lamang ako sa kaniya.  Pumasok na ako sa sasakyan niya at nagkabit agad ng seat belt. Siguro magandang paraan na sumama ako sa kaniya dahil bigla na lamang sumama ang pakiramdam ko. Bigla akong nahihilo at bumibigat ang ulo ko.  Hindi niya naman ata ako nilason diba? Baka naman nilagyan niya ng pampatulog yung pagkain ko tapos bigla niya akong kikidnapin at dun niya ako hahalayin aaaahhh!! No way!  "Pupunta ka ba sa ospital mamaya?" Tanong nito sa akin habang nag sisimula ng mag drive.  Ayaw ko sanang sumagot dahil wala naman siyang pakialam sa mga whereabouts ko pero alam ko naman di siya titigil hanggat di ako sasagot at mas lalo lang sasakit ang ulo ko dahil maririndi ako sa kaniya.  "Oo mamaya pagkatapos ng shift ko," sagot ko sa kaniya habang nakapikit.  "Ilan ba kayong magkapatid?" Tanong nito sa akin.  "Dalawa. Ako ang panganay at may bunso akong kapatid si Dominic," sagot ko sa kaniya.  "Hmm nag aaral pa ba ang kapatid mo?"  "Grade 10, high school puro computer games ang alam. Inuubos yung baon niya kaka computer," sagot ko sa kaniya habang sinasandal ang ulo ko sa bintana.  "Well common naman yan sa mga lalaking teenagers," usal nito.  Bakit ba napaka daldal ng lalaking to? Baka gusto niya narin itanong kung ilan ang unan namin sa bahay o may alaga ba kaming aso o pusa.  "Claude, hindi mo naman ata ako nilason diba?" Tanong ko sa kaniya sa mahinang boses.  Feeling ko ay pinupokpok ng martilyo ang ulo ko sa sobrang sakit. Sobrang bigat din nito pero pinipigilan ko ang sarili kong matulog baka bigla akong kidnapin ng lalaking to.  "Why would i do that? We ate the same food ano bang nangyayari sayo," nag aalalang tanong nito at ramdam ko pang tumingin siya sa gawi ko. "Baka inutusan mo yung chef or waiter na lagyan ng lason or pampatulog ang pagkain ko tapos bigla mo nalang akong kikidnapin," naiiyak na sabi ko. "Madami pa akong pangarap sa buhay sir. Pinapa gamot at pinapa aral ko pa po ang kapatid ko wag mo akong gawan ng masama."  Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak basta mabigat lang talaga ang ulo ko ngayon at hindi ko alam kung bakit.  "What are you saying Solange masyado ka naman atang paranoid ano bang nangyayari sayo okay ka lang ba?" Nag aalala ang boses nito habang nagtatanong sa akin.  Hindi ko na kaya pang pigilan ang pag pikit ng nga talukap ng mata ko kaya naman mas sumandal pa ako sa bintana ng passenger's seat at hinayaan ang sarili kong lamunin ng antok.  "Solange! Solange okay ka lang ba?"  Pahina ng pahina ang boses ni Claude sa pandinig ko hanggang sa wala na talaga akong marinig kasunod nun ay ang pagkawala na rin ng malay ko.  "Dude what did you do to my secretary!"  Rinig ko ang boses ng boss ko na nagsasalita.  "Wala akong ginawa sa kaniya dude i promise! Kumain lang kami sa restaurant at uminom ng wine pagkatapos she just passed out inside of my car!"  Rinig ko naman sagot ni Claude. Nanaginip ba ako?  "That's it! She passed out because of the wine. She dont drink. Kahit may gatherings pa ang buong staff di siya umiinom," sagot sa kaniya ni sir.  Bigla kong naalala kanina na nawalan ako ng malay sa loob ng kotse ni Claude. So hindi niya ba ako kinidnap? Saan niya ba ako dinala bakit naririnig ko ang boses ng boss ko.  Dahan dahan kong binuksan ang mata ko at tumambad sa akin ang kisame ng opisina. Nasa opisina na ako?!  Sa sobrang gulat ko ay napabalikwas ako nang ma realize ko na natutulog ako sa couch ng opisina ni sir. Nakakahiya!  Pagtayo ko ay bigla akong na out balance dahil sumakit ang ulo ko.  "She's awake," nag aalalang usal ni Claude.  "Solange okay ka lang ba?" Tanong sa akin ng boss ko.  "Sir im sorry po! Im sorry po talaga!" Paulit ulit na paumanhin ko sa boss ko.  "Sir wag niyo po akong isesante!" Dugtong ko pa dito habang nakayuko.  "I will not fire you Solange don't worry," sagot nito sa akin.  "Ano bang nangyari ha? Nilasing ka ba ni Claude?" Tanong nito sa akin.  "Dude foul yun ah! Hindi ko siya nilasing!" Reklamo ni Claude sa kaibigan niya.  "Inaya niya po kasi ako ng lunch sir sorry po sabi niya kasi nagpaalam daw po siya sa inyo tapos uminom po kami ng wine dun po ata ako nalasing tapos wala pa akong matinong tulog kagabi dahil sa nangyari kay tatay im sorry po talaga sir," nakayukong paliwanag ko sa kaniya.  Kapag talaga nasisante ako ay malalagot sa akin ang Claude na to! Babalatan ko siya ng buhay.  "It's okay Solange you can go home now," nakangiting sagot ni sir. Naku mabuti nalang at mabait tong amo ko!  Teka ano raw? Pinapauwi niya na ba ako?  "Teka sir di pa po ako uuwi kakabalik nga lang po namin eh," sabi ko sa kaniya.  "Uwian na Solange. Alas sais na ng gabi at kanina pa tapos ang working hours mo. You slept for hours," natatawang sagot ni sir sa akin.  "Hala talaga po?! Naku sir sorry po talaga! Hindi nalang po ako magde-day off this week sorry po talaga sir!"  "It's okay Solange kasalanan naman ng kaibigan ko kaya wag ka mag alala,"  Buti nalang talaga mabait ang boss ko. Tumango na lamang ako at kinuha ang bag ko na nasa paanan ng couch.  "Sige po sir dadaan pa ako sa ospital eh sorry po talaga," paalam ko sa kaniya at kinuha na ang bag ko.  Tahimik akong lumabas ng opisina at bago ko sinarado ang pinto ay tiningnan ko pa ng masama si Claude at binigyan niya naman ako ng inosenteng tingin na para bang wala siyang ginawang kasalanan sa akin.  Going out with him is not a really good idea! Mapapahamak ako sa kaniya buti nalang di ako nawalan ng trabaho dahil kapag nagkataon na nasisante ako kanina, di ko talaga siya papatawarin! ______________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD