Solange
______________________________________
Kalaunan ay nagsawa din ako kakanood ng mga videos sa YouTube kaya naman nag unat muna ako saglit at tinanggal ang head phones ko. Inaantok ako dahil di ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip sa kalagayan ni tatay. Humikab muna ako bago ko sinubsob ang ulo ko sa desk at pumikit.
"So you're allowed to sleep during work?"
Bahagya pa akong nagulat nang marinig ko ang boses na yun. Kaibigan iyon ni sir.
"I-im sorry s-sir," utal na sabi ko sa kaniya. Sa isip isip ko ay di ako dapat nag so-sorry sa kaniya dahil hindi naman siya ang amo ko pero baka isumbong niya padin ako kay sir! Magkaibigan sila eh hmp!
"You owe me something woman," usal nito at naalala ko na naman ang noo at ilong niyang nauntog kanina sa pinto nang buksan ko iyon.
God knows how much I tried to hide my laughter kaya naman tinago ko ang mga ngiti ko sa pagkagat ng mga labi ko.
"Why are you smiling? Are you trying to laugh at me?" Tanong nito ulit sa akin na siyang kinabigla ko.
"N-no sir! Hindi po talaga," sabi ko sa kaniya habang napapayuko.
"Look at me in the eye woman," utos nito sa akin.
Sa isang iglap lang ay parang hypnotismo na lumatay sa aking katawan ang kaniyang boses. Dahan dahan kong tinaas ang mga titig ko sa kaniya. My eyes were locked with him. His eyes are so alluring and I can't help but to stare into its deepness.
Ilang beses akong napalunok dahil kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko na huwag siyang titigan ay mas lalo lamang akong nahuhulog doon.
"Are done checking me out? Stop drooling over me," nagising ang isip ko sa sinabi niya.
"What? Hindi noh!" Malakas na sabi ko sa kaniya.
Oh my God! Ang kapal ng mukha niya. Oo inaamin ko maganda ang mga mata niya but I'm not checking him out! Tsk gwapong gwapo sa sarili?
Tiningnan ko lang siya ng masama at inirapan at tumawa naman siya ng bahagya. Partida! Pati pagtawa napaka sexy ang sarap sa ears!
"How's your father Solange?"
Agad nanlaki ang mga mata ko nang tawagin niya ako sa pangalan ko at lalo na nung binanggit niya ang tungkol kay tatay!
"Ba't mo alam ang pangalan ko? Tsaka bakit mo alam ang kalagayan ng tatay ko?" Sunod sunod na tanong ko sa kaniya.
"First of all woman, may name plate ka sa uniform mo. And second, I was there at the meeting yesterday, I saw you cried like a child kaya tinanong ko ang kaibigan ko which happens na boss mo pala yon," paliwanag niya naman sa akin.
"Sus, stalker." Wala sa sariling nasabi ko.
"What did you just say? Stalker? Really?" Singhal nito sa akin.
"H-hindi po sir!" Gulat na wika ko sa kaniya. Anong bibig ba to! Masyadong careless huhuhu patay na naman ako nito.
Tumingin tingin ako sa loob ng opisina at napagtanto kong kaming dalawa lang pala ang nasa loob. Umalis ba si sir nang di ko namamalayan? My God I'm trapped with this man dudugo ilong ko dito kasi english!! Bat ba kasi ako nawili sa kakanood ng YouTube videos! Ayan tuloy di ako makahanap ng rason para makaalis.
"So how's your father nga?" Inulit niya tanong niya sa akin. Napalunok muna ako bago tumingin sa kaniya.
"He's good. Stable na po siya, and if you'll excuse me aalis po muna ako," usal ko at agad na nag iwas ng tingin sa kaniya. Sa twing tititig kasi ako sa mga matang iyon ay para akong matutunaw.
"No, you're staying here woman," ma awtoridad niyang sabi at marahang hinablot ang aking braso.
Napakainit ng kaniyang palad at ang marahang paghaplos ng kaniyang balat sa aking braso ay nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.
"Po? B-bakit po sir," nauutal na sagot ko sa kaniya.
He gave me a deep sigh and he looked into my eyes intently. He averted his gaze inside the room and he slowly let go of my arms.
"Can you drop the "po" do I look like some kind of old man to you? And stop calling me sir, my name is Claude Faulter got it?" Wika nito sa akin.
"I'm sorry sir but I am inside the company, and I guess you're a big part of this company so I am not allowed to be informal kaya sir padin ang itatawag ko sayo, at isa pa pwede na po ba akong lumabas? Madami pa akong gagawin."
Kanina pa ako nagtitimpi sa lalaking to. Sus! Kung di lang talaga to kaibigan ng boss ko ay kanina ko pa to sinipa. Heaven knows how much I tried not to roll my eye balls at him. Kanina pa ako gutom for Pete's sake hanggang kailan niya ba ako sisingilin sa pagka untog ng ulo niya kanina sa pinto akala mo naman aping api siya dun kanina hmp!
"No. You're going to eat lunch with me. After that wala kanang utang sa akin." He said and then he slightly winked at me.
"What? Naku sir bawal yon baka ma issue ako sir iba nalang po ipagawa niyo sa akin."
Sinadya kong iniwas ang tingin ko sa kaniya para makairap ako. Nagkunwari akong nag aarange ng mga folders sa mesa para di ko siya maharap. Malamig dito sa opisina ni sir dahil may aircon pero di ko magets kung bakit ako naiinitan. Siguro tensed ako sa presensya ng lalaking kaharap ko ngayon.
"Oh well you can't say no to me. I already asked your boss and he said yes. If you'll decline my offer, I'll tell him to fire you right away. You don't want it don't you?" Banta niya sa akin.
Ugh! This man is really getting into my nerves! How could he manage to threat me like that? This is the bad thing about rich people. They tend to over use their powers to the weak ones. Palibhasa di alam pano gumapang para mabuhay.
"Sir hindi naman ata makatao yun. Alam niyo namang kakasugod lang namin sa ospital kahapon dahil inatake ang tatay ko tapos ngayon gagatungan mo yung boss ko na isesante ako dahil lang sa ayaw kong makipag lunch sa inyo?"
Gusto kong maiyak sa harap niya dahil iniisip ko palang na mawawalan ako ng trabaho ay hindi ko na kayang isipin anong gagawin ko pag nangyari yun. Ngayon nga na may trabaho pa ako ay kulang ang sinasahod ko bilang sekretarya lalo na at pinapaaral ko pa si Dominic, pinapagamot si tatay, at madami pang gastusin sa bahay. Gustuhin ko mang umiyak ay hindi ko iyon ginawa dahil ayokong mag mukha mahina sa harap ng Claude na to! Baka isipin niyang nag papaawa ako sa kaniya.
"No im sorry i didn't mean to say it like that," tarantang usal nito.
Tinalikuran ko lamang siya at tinapos na ang pag arrange ng mga folders. Kung iisipin, wala din naman akong magagawa dahil nga mayaman siya. Pag bibigyan ko siya ngayon dahil ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa lalaking to. Kasalanan ko din naman kung bakit siya nauntog.
"Sige. Papayag na akong maki pag lunch sayo. Pagkatapos nun wala na akong utang na loob sayo" mahinang usal ko sa kaniya.
"Nice! Let's go im hungry," sagot nito sa akin.
Wow! Akala mo naman inutusan ko siyang pilitin akong makipag lunch sa kaniya. Sa tingin ba niya di ako nagugutom? Eh kung hindi lang san siya umepal edi sana kanina pa ako tapos kumain! Hanep talaga ang lalaking yon.
Nakasunod naman ako sa kaniya habang pumapasok siya sa elevator. Pagbukas nun ay may mga tao sa loob siguro nasa mga lima sila kaya naman bigla akong nailang dahil baka kung ano ano na naman ang isipin nila. Alam niyo namang napaka bilis ng chismis dito sa pilipinas.
Nakatingin lang ako sa harap habang si sir Claude naman ang pumipindot sa button. At dahil nga nasa loob kami ng elevator ay medyo masikip kaya naman magkadikit kaming nakatayo.
Kitang kita ko pa yung mga babae sa ibang department na nag bubulungan habang nakatingin kay sir Claude. Mga tanga kitang kita kaya sila sa reflection.
Nakarating na kami sa ground floor kaya naman agad din akong sumunod kay sir Claude na lumabas. Rinig ko pa yung impit na sigaw ng mga babaeng yon na animo'y kinikilig. Ang harot!
"Where do you want to eat?" Tanong nito sa akin habang naglalakad kami papuntang parking lot.
"Kung ako ang tatanungin mo sir, gusto kong kumain sa karenderya pero dahil kasama kita at alam ko namang mayaman ka kaya hindi ka nababagay sa lugar na yun. At isa pa ikaw naman ang nag aya sa akin na kumain kaya ikaw na ang nag decide, hindi naman ako inconsiderate eh," sagot ko sa kaniya habang pinipigilan ang sarili kong wag siyang irapan.
"Okay then," maikling sagot nito at agad na dumiretso sa isang black Porsche na sasakyan.
Tangina napaka yaman nga talaga! Sasakyan palang naamoy ko na ang kayamanan ng lalaking to!
Bubuksan ko na sana ang pinto ng backseat nang bigla siyang nagsalita.
"Seriously? Are you insulting me?" He said while smirking kaya naman nag taka ako.
"Bakit po sir?" Naguguluhang tanong ko dito.
"Dont sit there. Anong tingin mo sa akin? Personal driver mo? Dito ka sa front seat and please stop calling me sir nasa labas na tayo ng kumpanya," masungit na sabi nito kaya naman inirapan ko siya.
Hmp! Di man lang ako pinag buksan ng pinto! Sabagay hindi niya naman ako girlfriend or baka naman hindi lang talaga siya gentleman.
Sumakay na ako at umupo sa passenger's seat at agad na nag lagay ng seat belt. Grabe first time ako makasakay sa ganitong kamahal na sasakyan? Taxi lang kasi ang nasasakyan ko eh! Nakakatakot gumalaw baka may masira ako or may madumihan.
"Hindi mo naman ako kinikidnap diba?" Nag aalalang tanong ko nang mapag tanto kong hindi ko na kabisado ang daan na tinatahak namin.
"Ano ka bata?" He said full of amazement in his eyes. Siguro hindi niya inaasahan na itatanong ko sa kaniya yun.
Well sa tingin ko mabait naman ata tong lalaking to kaso may pagka antipatiko nga lang. Subukan niya lang gumawa ng masama sa akin, mababaog talaga siya sa buong buhay niya.
Biglang nandilat ang mga mata ko nang bigla niyang itinigil ang sasakyan sa harap ng isang mamahaling restaurant! Five star restaurant na ata tong pinuntahan namin.
Ano ng gagawin ko ngayon? Baka yung isang order ko dito ay katumbas na ng isang linggong ulam namin? Hindi naman siya nag sabi na ililibre niya ako kaya malamang KKB kami. Kaniya kaniyang bayad! Ano ba yan akala ko sa fast food lang kami eh! Mura naman sa jollibee.
"Sir! Dito ba talaga tayo kakain?" Tanong ko sa kaniya.
"Why? You dont like it? Masarap ang steak nila dito," sagot nito sa akin.
"Hindi naman sa ganun sir pero kasi wala akong pera. Hindi ko ata afford yung mga pagkain na pang mayaman. Sa jollibee nalang tayo sir kahit ako na manglibre sayo," alok ko sa kaniya.
"Hahaha you're funny. So sa tingin mo i will let you pay? Dont worry Solange it's on me okay? This is a treat and please ilang beses ko ng sinabi na wag mo aking tawaging sir naiirita ako," usal nito habang tinatanggal ang seat belt niya.
"S-sige," utal na sagot ko.
Pag pasok palang namin ay agad na akong natulala. Mula sa mga naglalakihang chandelier na nakasabit sa high ceiling, magandang ambiance ng lugar, mula sa napaka gandang table arrangements at pati na sa mga taong kumakain dito. Napakayaman ng dating! Tapos ako naka uniform pa ng pang secretary ano ba yan nakakahiya!
May kinausap siyang waiter at agad naman kaming sinamahan papunta sa table namin. Nang makaupo ako ay hindi ako mapakali sa sobrang laki at ganda ng restaurant na to! Sa magazine ko lang to nakikita eh!
Nang makaupo na kami ay inabutan kami ng waiter ng menu. Pag buklat ko palang ng menu ay halos lumuwa na ang mata ko! Isang putahe palang ay umabot na sa tunatagingting na dalawang libo ang presyo! Anong tubig ba ang ginamit pang hugas ng nga sangkap na to? Holy water? Jusko naman baka di ko malunok ang pagkain ko mamaya.
"Anong gusto mo?" Tanong nito sa akin nang matapos siyang mag tingin tingin sa menu.
"C-claude yung isang putahe dito pang isang linggog ulam na namin ang presyo hindi ko ata kayang lunukin ang kakainin natin mamaya," nahihiyang usal ko sa kaniya at narinig ko naman ang mahinang tawa ng waiter.
Natawa naman sa akin si Claude at sa lakas nun ay may mga tao pang napatingin sa gawi namin. Ano ba yan pinapahiya niya naman ako eh.
"Hahaha im sorry about that," paumanhin niya nang matapos na siya kakatawa.
"Sa iba nalang kaya tayo kumain? Tanong ko sa kaniya.
"Ang layo ng ni-drive ko Solange kaya dito na tayo kumain. Wag ka mag alala kahit full course meal pa ang orderin mo ay ako naman ang mag babayad," sabi nito sa akin.
"Yung inorder mo yun nalang din ang akin," nahihiyang usal ko sa kaniya at agad naman siyang tumango.
Tumingin siya sa waiter at sinabi ang order niya.
"I want an american steak for the main dish and give me your most expensive salad and dessert make it two each and a bottle of wine," usal nito.
Inulit ng waiter ang order niya bago ito umalis. Baka nga hindi ko talaga malunok ang mga kakainin ko mamaya.
______________________________________