Chapter 2

1992 Words
Solange. ______________________________________ Ilang minuto rin ang tinagal ng byahe bago kami nakarating sa ospital ng mga Delotavo. Ni minsan sa buhay naming magpamilya ay di ko lubos maisip na makakapasok kami sa ospital na ito. Dahil ang ospital na ito ay hindi basta basta sapagkat puro magagaling na doctor at espesyalista ang nagtatrabaho dito. Napasok ang ospital na ito sa top ten best hospitals in the Philippines at pangalawa ito sa bilang. Tanging mayayaman at kilalang mga tao lamang  ang nagpapagamot dito dahil sadyang napakamahal nga talaga. Nang makarating kami dun ay agad kaming sinundo ng mga nurse at maingat na ibinaba si tatay at inilipat na naman sa ibang hospital bed. Pagpasok namin sa loob ng ospital at talagang mamangha ka sa disenyo nito. Napakalinis, napakaluwag, at napaka aliwalas ng paligid at mararamdaman mo talagang puro professional ang nagtatrabaho doon. Diniretso si tatay sa isang malaking private room na may tv, ref, at malapad na sofa na pwede mong mahigaan at meron din itong sariling cr sa loob ng kwarto. Malayong malayo doon sa provincial ospital na nasa ward lang si tatay, napapalibutan ng mga pasyente na may sakit at mabahong cr. Pagpasok namin dun ay agad akong napatayo nang may pumasok na doctor. "Good evening po doc," bati ko dito. "Good afternoon din sa inyo, sir Antonio Perez right?" Tanong ng doctor na agad tiningnan si tatay na mahimbing na natutulog. "Yes po doc," sagot ko at panandalian pang tinignan si nanay. "Doc, magtatanong lang po sana kami kung may alam po ba kayo tungkol dun sa tao na nagpadala dito sa tatay ko," dagdag na tanong ko sa kaniya. Binata pa ang doctor at batid kong nasa mga 29 years old pa lamang ito. Gwapo din at desente tingnan masasabi mo talagang mayaman ang professional ang tindig nito. "Yes, kilala ko po siya pero matinding bilin niya sa akin na huwag siyang ipakilala. Pasensya na po dahil isa siya sa mga ginagalang na tao sa ospital na ito at ayoko pong mawalan ng trabaho kaya pasensya na po kung hindi ko masasabi. At huwag na po kayong mag alala dahil nag advance payment na po ang taong iyon at pwede na kayong ma discharge after 3 days." Paliwanag ng doctor. Nagtaka naman ako agad dahil di ko mawari kung bakit ayaw magpakilala ng taong tumulong sa kanila? Ano ba ang motibo nito? Bakit ayaw nitong magpakilala? Gusto niya pa naman sanang magpasalamat sa taong iyon. "Kamusta na po ang lagay ng Mister ko doc?" Nagising ang diwa ko sa pag iisip nang marinig ko si nanay. "Misis, inatake po at nagka mild stroke ang mister niyo dahil sa over fatigue. Masyado siyang napagod at hindi iyon nakaya ng katawan niya. Wag po sana kayong mabibigla pero may namumuo pong butas sa puso ng asawa niyo at merong mga ugat na naiipit kaya humihina ang pagtibok nito," paliwanag ng doctor. Parang tinambol ang ulo ko at nabingi ako saglit. Agad na tumulo ang luha ko sa isipin iyon. "D-doc, ano pong pwede naming gawin?" Tanong ni nanay na umiiyak na din. "Hindi pa naman po ganun ka lala ang kondisyon ng mister nyo. Bibigyan nalang muna natin siya ng maintenance na gamot para mapabagal ang paglaki ng butas nito, bawal na rin siyang magtrabaho at kailangan niya ng napaka maraming pahinga. Kailangan po natin siyang operahan sa lalong madaling panahon para di tuluyang lumaki ang butas sa puso niya," nalulungkot na usal ng doctor sa amin. Tumango na lamang kami ni nanay at agad namang nagpa alam ang doctor sa amin at lumabas na. "Anak, ano ng gagawin natin?" Naiiyak na sabi ni nanay sakin habang nakatingin kay tatay. "Hindi ko din po alam nay, wag ka po mag alala maghahanap po ako ng paraan," sabi ko sa kaniya at tumabi din sa kaniya at yumakap sa likuran niya. "Gagaling po si tatay pangako ko po iyan," dagdag na sabi ko sa kaniya. "Hindi natin kilala yung tumulong sa atin ngayon, pano kaya natin siya mapapasalamatan?" Ani niya. "Wag ka mag alala nay, mabait ang Diyos, makikilala natin siya sa tamang panahon," sabi ko at pinisil pa ng bahagya ang kaniyang palad. Bandang alas kwatro ng madaling araw ay nagising at nakita ko si nanay na natutulog sa mahabang sofa. Pumasok ako sa banyo at naghilamos muna at nagmumog. Kailangan ko pang umuwi para magbihis dahil meron akong pasok ngayon. Pagkatapos niyon ay mahina kong ginising si nanay. "Nay," usal ko habang tinapik siya ng mahina sa balikat. "Hmmm," usal niya na tila naalimpungatan. "Uwi po muna ako nay, may pasok pa po ako. Mag iiwan po ako ng pera para sa pagkain niyo at pambili ng mga kailangan," usal ko sa kaniya at tumango lamang siya na parang inaantok pa. Humalik muna ako sa pisngi ni nanay at naglagay ng limang libo sa bulsa ng pantalon niya. Lumapit agad ako sa kama ni tatay at dahan dahan pang hinaplos ang kaniyang mukha. "Pasok na po ako tay. magpagaling kana po," usal ko bago humalik sa pisngi niya at umalis. Nag aabang ako ng taxi pauwi at mag aalas singko na ng umaga. Pagdating ko sa bahay ay tulog pa si Dominic kaya mabuti nalang ay may duplicate key ako kaya di ako nahirapang pumasok. Nagsaing na rin ako at nagluto pag tapos ay naligo na rin ako at nagbihis. "Good morning po ate," rinig kong bati ng kapatid ko habang nagsusuklay ako sa harap ng salamin. "Good morning din, kumain kana nagluto na ako diyan," usal ko at nilagay na ulit ang suklay sa bag ko. "Aalis na ako dom, may pasok pa ako. Oh eto baon mo na yan ng isang linggo. Magtipid ka muna alam mo na nasa ospital si tatay ngayon," sabi ko at nag abot ng five hundred sa kapatid ko at nagmamadaling kinuha ang bag ko. "Salamat po ate ingat ka," sagot nito sa akin habang nagsasandok ng kanin. "Ilock mo ang bahay pag alis mo," huling bilin ko sa kaniya bago ako lumabas ng bahay at nag abang ng jeep sa kanto. Mainit at mausok ang byahe lalo na at rush pa ngayon. Bandang alas otso na ako nakarating sa building na pinagtatrabahuan ko. Iniisip ko na naman na 20k lang ang sinasahod ko buwan buwan sa pagiging sekretarya dito. Hindi iyon sapat sa maintenance na gamot palang ni tatay. Magbabayad pa ako sa pagpapa aral ko sa kapatid ko. Meron pang kuryente at tubig pati narin ang pang araw araw na gastos sa pagkain atsaka renta ng bahay. Isa mabigat na buntong hininga ang ginawa ko bago ako tuluyan pumasok sa loob ng building. "Good morning po sir!" Masigla kong bati sa boss ko na nakaupo sa kaniyang table. "Good morning din sayo Solange, kamusta na pala ang tatay mo?" Tanong nito sakin habang may binabasang kung ano man na nasa kaniyang mesa. "Stable naman po si tatay. May nagmagandang loob po na ilipat kami sa ospital ng mga Delotavo kaso di naman nagpakilala. Akala ko nga po kayo sir eh, pinakita ko pa ang picture niyo sa kanila pero hindi daw po ikaw," kwento ko sa kaniya. "Well that's good. May good samaritan na nagmagandang loob sa inyo," nakangiting sagot nito sa akin. "Oo nga po sir eh may mababait na mga tao pa talaga sa mundo. Kagaya niyo po, salamat po talaga sa binigay niyo kahapon napaka malaking halaga na po nun," pagpapasalamat ko sa kanya. "No worries Solange. Anyways, can you get me a coffee and sandwich  sa cafeteria?" Usal nito sa akin. "Sure sir! Alis po muna ako," paalam ko sa kaniya. Nakangiti akong tumalikod at papalabas na ng opisina. Nang buksan ko ang pinto ay may malakas na tinig akong narinig na parang may nabunggo dito. "Ah! f**k!" Usal ng isang lalaking matangkad at gwapo. Nakahawak ito sa kaniyang noo at namumula din ang kaniyang ilong. "Sir! I'm sorry po! I'm so sorry po talaga sir di ko po alam," naghi- hysterical na ako dahil sa tingin ko ay mayaman ito base sa kaniyang tindig. Nakapikit padin siya habang hinihimas ang kaniyang noo at nakita kong bahagya na din itong namula. Masama niya akong tinignan kaya agad naman akong natakot. "What happened here?" Nagulat ako nang nakita ko ang boss ko sa may pinto. "S-sir, nabunggo po kasi siya sa pinto nang buksan ko po. P-promise sir hindi ko po talaga sinasadya!" Defensive na sagot ko habang nakataas pa ang isang kamay na parang nag papanatang makabayan. "HAHAHAHA it's okay Solange he won't get mad. Sige na you can go, gawin mo ng tatlo ang coffee and sandwiches so you can eat too," usal nito sa akin kaya naman mas nahiya pa ako. "S-sige po, sorry po talaga," sabi ko dun sa lalaking nabunggo ko ng pinto at napapayukong umalis. "Ano ba yan Solange! Di ka kasi nag iingat eh!" Sermon ko sa aking sarili. "Duh? Eh alam ko bang nasa labas siya ng pinto hindi naman diba?" Nababaliw na ata ako dahil kinakausap ko na ang sarili ko. Agad naman akong sumakay sa elevator at agad na bumaba sa ground floor para pumunta sa cafeteria. Konti palang ang mga kumakain na employees doon dahil ang iba ay mamayang hapon pa ang shift. Luminya na ako agad at naramdaman kong may kumalabit sakin sa likod kaya tiningnan ko kung sino yun. "Nautusan ka ata ah?" Tanong sakin ni Elizabeth nung lumingon ako sa kaniya. "Oo nga eh HAHAHA, di bale kasama naman ako sa pagkain," natatawag sagot ko sa kaniya. "Sana all! Ako nga mag aagahan palang eh!" Nakangusong sabi nito sa akin. Natawa na lamang ako at di na nagsalita kasi ako na Ang susunod sa linya. Nag order lang ako ng sinabi ni sir at ilang sandali pa ay nakuha ko na agad iyon. Naglalakad na ako papunta sa elevator dala dala ang kulay brown na supot na bitbit ko. Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa floor Kung nasan ang opisina ni sir. Kumatok pa muna ako ng dalawang beses bago ako pumasok. Namumula na naman ang mukha ko nung napagtanto kong andito padin pala ang lalaking nabunggo ko sa pintuan kanina. "S-sir, here's your coffee and sandwich," mahinang usal ko sa boss ko at inabot sa kaniya ang supot. Nahihiya naman akong tumingin sa lalaking nabunggo ko kanina, nang makita kong masama ang tingin niya sakin ay agad akong nag iwas ng tingin. Nakakatakot ang mga nata niya dahil parang kang nalulula at nalulunod sa sobrang itin nito. "Stop it dude you're scaring her," usal ni sir at natatawa pa sa kaibigan. "Tsk, she owe me something! My forehead hurts big time. Hardcore!" Pagdadabog nung lalaki. Malalim ang boses niya at napaka sarap sa pandinig ang accent niya habang nagsasalita. "Don't mind him Solange. May I know my schedule for today?" Tanong sakin ni sir kaya nawaglit sa isip ko ang boses ng lalaking iyon. "Wala naman po masyado sir, may pipirmahang files kalang mamaya sir ipapadala ko nalang dito galing iyon sa financial department. At may dalawang meeting ka po mamayang 1 pm at isa naman mamayang 3 pm," paliwanag ko sa kaniya. "Okay then, salamat Solange, here take your coffee and sandwich. You may proceed now sa table mo," sagot ni sir sakin at inabot sakin ang coffee at sandwich na nasa supot na dala dala ko kanina. "Thank you po sir, excuse me po," nahihiya kong paalam sa kanilang dalawa habang nakayuko. Iniiwasan ko talagang makasalubong ang titig nung lalaking nabunggo ko kanina. Nakahinga ako ng maluwag nang makaupo na ako sa sarili kong table. Bale nasa loob lang ako ng office ni sir at may sarili akong desk at cubicle. Nakita kong nag uusap silang dalawa nung lalaking nabunggo ko kanina. Siguro ay magkaibigan sila dahil natatawa pa si sir habang magkausap sila. Di ko na sila pinansin at nagsuot na lamang ng headphones habang nagkakalikot sa computer ko. Wala naman akong gagawin at wala din namang pinapagawa si sir sa akin kaya napagpasyahan ko nalang muna manood ng mga random vids sa YouTube. ______________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD