Chapter 4

1002 Words
Ellion Jase Niyaya ako ng kaibigan ko sa Cafe Almendra. Dahil heartbroken naman ako ay pumayag na ako. "Pare, malay mo naman may chiks don! Mapapalitan mo agad si Aurora Feliz niyan," biro ni Lester sa akin habang nagda-drive. "Pare, hindi daw mapapalitan si Aurora Feliz. Ang labo nitong kaibigan natin eh, siya na nga nakipag-hiwalay, siya pa hindi magmo-move on," asar pa ni Jonas. "Tumigil nga kayo sa pang-aasar. Sasama ako para sa birthday ni Jairus. Nothing more, nothing less!" naiinis na sabi ko. Tinaas naman ni Lester ang kanyang kamay na para bang sumusuko na at nagkibit-balikad na lamang. Tahimik kaming bumyaheng tatlo papunta sa Cafe Almendra na pagmamay-ari ng kaibigan kong si Jairus. Pagdating namin roon ay napansin ni Jairus na hindi kami nagpapansinang tatlo kaya nagtanong na siya kung ano ang problema. "Tahimik ah, anong problema niyo mga ungas? Walanghiya naman, birthday na birthday ko tahimik kayo! Hindi pwede 'yan!" pang-aasar niya. "Eh, ito kasing si Lester, inasar si Eli tungkol kay Aurora. Nakiloko lang ako, pati ako nadamay! Sorry na, Eli!" sabi ni Jonas. "Inaasar ko lang naman na maraming chiks rito sa Cafe Almendra. Pwede siyang kumuha kahit ilan ang gusto niya, kaso si Aurora Feliz pa rin ang gusto!" sagot ni Lester. "Ah, si Aurora Feliz pala ang dahilan. Ano bang real score, pare? Kaya pa bang ibalik? Alam mo, kung mahal mo pa eh go na. Mahirap maunahan, lalo na sa panahon ngayon," payo sa akin ni Jairus pagkatapos ay tinapik niya ang aking balikat. "Hindi naman mabilis mag-move on, lalo na kung minahal mo naman talaga ng tunay. Hayaan niyo, lilipas rin ito. Sa ngayon, uminom na lang tayo!" yaya ko sa kanila. Agad namang sumang-ayon ang tatlo sa akin at umorder na sila ng Jack Daniels. Gusto ko muna siyang makalimutan ngayon, kahit ngayon lang. Habang nag-iinom ay dumating na ang iba pang mga kaibigan ni Jairus. Ang iba ay kilala ko lang sa mukha dahil nakikita ko naman sa iba pang events. Ilang minuto pa ay lumapit kay Jairus ang isang babae. Humalik ito sa pisnge ng kaibigan ko at bumati ng Happy Birthday. "Jairus, may kasama nga pala ako. Si Julia at Aurora. Wait, papapuntahin ko sila rito para batiin ka rin nila," sabi noong babae at umalis na. Nanlaki ang mga mata naming apat noong narinig namin ang pangalang Aurora. Tangina, uuwi talaga ko sa amin kung siya 'yon. "Hindi ko alam, okay? Si Patricia lang naman ang kilala ko. Hindi ko akalain na magdadala siya ng friends niya," sabi agad ni Jairus. "Pare, kung si Aurora nga 'yon, yari ka. Kita mong moving on na nga si Eli tapos makikita pa niya si Aurora. Tangina, sakit non!" pang-aasar pa ni Lester kaya agad siyang binatukan ni Jonas at Jairus. Gulat na gulat ako nang makita si Aurora na papalapit sa amin. Hindi niya ako tinitingnan sa mata. Kunwari'y cool lang ako pero gusto ko na talagang magmura. Agad na binati nina Aurora at Julia si Jairus. Dahil hindi makali si birthday boy ay nagpaalam muna siya na kakausapin niya muna si Patricia tungkol rito. "Pare, huwag na. Ayos lang naman, ganoon talaga eh. Magkikita at magkikita talaga kami kasi ang liit naman nitong lugar natin. Magkakakilala rin ang mga tao kaya impossible talaga na hindi kami magkita," sabi ko kay Jairus. "Hindi pare, aayusin ko 'to. Dyan ka lang, hintayin niyo ko," sagot ni Jairus pagkatapos ay pumunta na sa table nila Patricia. Dahil sa inis at gulo ng isip ko, lumabas muna ako ng Cafe Almendra. Tangina, nakita niyang umiinom na ko ulit! Ayaw pa naman niya 'non dahil ayaw niya sa amoy ng alak. Pero gago, bakit nga ba siya nandito?! Kating-kati ako na tanungin siya pero hindi ko magawa. I need to act like nothing happened and I don't care anymore, ako kasi ang nakipaghiwalay eh  Kailangan ko 'tong panindigan. Papasok na sana ako ulit sa loob ng Cafe Almendra nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Si Aurora 'yon ah. Naglakad ako kung saan ko naririnig ang kanyang tinig. Nadurog naman ang puso ko nang makita na may kahalikang iba si Aurora. Bakit parang tuwang-tuwa pa siya? Sino ba 'yon? Bago niyang lalaki o dati na pero hindi ko kilala? f**k s**t. Agad akong pumasok sa Cafe Almendra at kinuha ang mga gamit ko. Tangina, gusto ko na lang maglasing sa bahay nang mag-isa. "Oh pare, bakit? Hindi pa tapos ang inuman, uuwi ka na agad?!" sabi ni Lester sa akin, pinipigilan ako. "May nakita kang di kanais-nais 'no? Bubugbugin ko ang lalaking 'yon, sabihin mo lang!" inis naman na sabi ni Jonas. "Paki-sabi na lang kay Jairus, Happy Birthday at thank you sa painom niya. Masakit eh, kailangan ko munang uminom mag-isa." Lumabas na ko ng Cafe Almendra. Sakto naman na papasok si Aurora at yung lalaki niya, noong una ay todo landi pa siya roon sa lalaki pero noung nakita niya ako ay tumigil agad siya. Sige, ituloy mo lang. Masaya ka dyan? Nabigay na ba niya ang mga hindi ko naibigay nung tayo pa? Tangina, kakahiwalay lang natin, lumandi ka na agad! Deretso akong naglakad at pumara ng taxi. Galit na galit ang itsura ko at alam kong alam niya iyon. Kita ko rin naman na takot siya pero hindi niya lang pinahalata dahil nga may kalandian siya. Pag-uwi ko ay pumunta agad ako sa refrigerator namin at kumuha ng San Miguel Beer doon. Humiga ako at tiningnan online kung ano na ang nangyayari sa birthday party ni Jairus. Ang saya ni Aurora sa live video, parang hindi galing sa break up, ah? Shit! Ako dapat nandoon eh, ako yung kaibigan ni Jairus! Saling pusa lang naman siya doon, nagdala pa ng aso! Papatayin ko na sana ang cellphone ko nang biglang nag-text sa akin si Jonas. Pre, nagtutukaan na dito. Isang suntok ko lang 'to. Reply ka lang kung gagawin ko na, ah. Napangiti na lang ako at napailing. Bahala sila, kung saan siya masaya eh di doon siya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD