Chapter 3

1162 Words
Aurora Feliz I never imagined that Eli and I will end that way. Sa mismong araw talaga ng anniversary namin siya nakipaghiwalay. Ang sakit lang, parang doble yung pagpatay niya sa puso ko. Ngayong araw, makikipagkita pa rin ako sa kanya. Kausap ko naman siya kaninang umaga at pupunta pa rin daw siya sa una naming tagpuan. Ang sakit pero kailangan ko ring pumunta dahil umaasa ako na baka maayos pa kami. "Mommy, aalis na po ako ah. Makikipagkita po ko ngayon kay Eli. Thanks, mommy!" sabi ko sabay halik sa noo niya. "Anak, kaya mo na ba? Baka hindi pa, hindi ba pwedeng next time na lang 'yan kapag okay na kayong dalawa? Alam mo na, baka lalo kang masaktan niyan eh," sagot niya na may malungkot na mga mata. "Kaya ko naman po. Kakayanin ko po, kasi ayaw ko namang magtanong sa sarili ko lagi kung anong mali. Mas maayos na po siguro na matapos na po yung mga tanong ko sa sarili ko para wala na po akong iisipin," sabi ko nang nakangiting mapait. "Sabagay, basta sasabihin mo sa akin kung anong nangyari sayo ah? Sabihin mo sa akin kung anong napag-usapan niyo ni Eli," she kissed my cheek. "Opo mommy, sasabihan kita. Ikaw pa ba eh ikaw kaya ang bestfriend ko? Salamat mommy! Balik na lang po ako mamaya. Ingat po kayo rito sa bahay. I-lock niyo ang pinto-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumagot na siya agad. "Oo na, gagawin ko na lahat ng sinasabi mo. Basta, ayusin niyo ang relasyon niyo ni Eli, ayos na ko doon," sabi niya sabay ngiti sa akin. Sana nga mommy, maayos ko pa 'tong relasyon namin. Sana, nabigla lang kami sa mga desisyon namin a few days ago. Sana, bumalik na ulit kami sa dati. Dumating ako sa una naming tagpuan. It was an empty house na inayos na lang namin ni Eli simula nang maging magkaibigan kami. Wala pa siya, sana naman huwag niya akong paasahin. Umupo muna ako sa kawayan na sofa doon sa loob ng maliit na bahay-bahayan namin. Medyo makalat na rito dahil ilang linggo na rin kaming hindi nakakapunta ni Eli. After 10 minutes, habang nagse-search ako ng kung anu-ano sa i********: ay nagulat ako dahil may tumawag sa pangalan ko. Agad kong pinatay ang data ng cellphone ko bago siya harapin. Narito siya ngayon malapit sa pinto. He's smiling bitterly nang magtama ang mga mata namin. s**t, this is awkward. Ex-boyfriend ko na ba talaga siya? "Aurora Feliz, ang tahimik mo ah. Umupo ka na, mag-uusap na tayo," sabi niya sabay upo roon sa sofa na kawayan. "Ah, eh sorry. May iniisip lang. Kamusta ka na pala..Eli?" tanong ko pagkatapos kong umupo. "Anong iniisip mo? Okay naman. Kinakaya ko naman ang buhay. Ikaw ba? Kamusta ka na simula noong-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil sumagot agad ako sa kanya. "Simula noong iniwan mo ko? To be honest, hindi ko alam kung paano ako gigising na hindi kita iniisip. May mga araw na tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung bakit mo ko iniwan," sabi ko habang pinipigilan na umiyak. "Napagod na siguro ako sa lahat. Alam mo 'yon? Parang toxic na tayo para sa isa't isa. Hindi na maganda kung itutuloy pa." So hindi na talaga kami mag-aayos? Hiwalayan na talaga 'to? Akala ko, aayusin pa niya. Akala ko, yung pagpunta niya dito ay sign na aayusin namin 'to. "Toxic ba o may iba na? Ayos naman tayo bago mangyari 'to. Bigla ka na lang umayaw sa akin." Tumingin siya sa akin, I feel thar he was disappointed with what I told him. Doon ko lang na-realize na mali yung mindset ko, hindi ko pala dapat inisip na may iba siya. "May iba talaga? Ganoon ba iniisip mo sa akin? Hindi ba pwedeng pagod lang talaga ko sa lahat? Aurie, kung alam mo lang.." "Sabihin mo kasi sa akin kung anong problema mo para maayos natin 'to. Wala namang ibang sagot kundi komunikasyon para bumalik tayo sa dati. Nagagawa naman natin 'yon dati hindi ba?" sagot ko. "Teka, dyan ka lang. May kukunin lang ako sa labas. Nakalimutan ko, may ibibigay pala ako sa iyo." Lumabas na siya. Hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa sa sinabi niyang 'yon. Ano pa bang ibibigay niya sa akin ngayon eh break na nga kami? Ah, pwede niyang ibalik yung mga bagay na binigay ko sa kanya noong kami pa. Pagbalik ni Eli ay dala-dala niya ang isang cake at isang bouquet ng red roses. Nagliwanag ang mukha ko nang makita 'yon. Hindi ko mapigilan na hindi kiligin dahil ginawa niya pa rin 'yon kahit hiwalay na kami. Pagbigay niya sa akin ay ngumiti kami sa isa't isa. Umupo siya sa tabi ko pagkatapos ay nagsalita na. "Hmm. 'Yan na ha, nabili ko na. Picture-ran mo na tapos tag mo 'ko. Okay?" "Kung kailan naman wala na tayo saka mo ko binilhan. Ang daya mo naman! Para saan pa ang post kung hiwalay na tayo ha?" inis na sabi ko. "Kahit na wala na tayo, i-post mo pa rin 'yan. Kung gusto mo pa eh isama mo pa ako sa picture, okay lang. Basta masaya ka, Aurie," sabi niya na may malungkot na boses. Bakit ba ang bait niya? Nakakainis naman! Ano bang klaseng ex-boyfriend siya? Pa-fall eh. "Talaga?" I asked him. "Oo nga, ano bang sabi ko? Kunin mo na ang cellphone mo hangga't maayos pa akong mag-isip," sabi niya sabay tawa. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nag-selfie na kaming dalawa. I took pictures of the cake and red roses. Halos isang daan ang kinuha kong pictures kasi last na 'to eh, kaya itotodo ko na. "Ang dami naman niyan, ipo-post mo lahat 'yan?" he asked me, gulat na gulat siguro dahil ang dami kong kinuhang pictures. "Hindi ah. Last na 'to eh kaya dinamihan ko na. Okay lang naman di ba?" sabi ko sabay tumatawa. "Aurora Feliz, thank you ah? Thank you sa lahat. Marami akong natutunan sa relasyon nating 'to. Sobrang naayos mo ako bilang tao," he told me. "Sorry if we became toxic. I love you, Eli. I will always remember you in everything. Ayaw kitang itapon, your memories with me will always stay." I thought he will say I love you back but he didn't. He smiled then kissed my cheeks. Tumayo na siya at nagpaalam sa akin. "Aalis na ako. Ikaw ba? Sabay ka na sa akin," sabi niya sa akin. "Mamaya na ko, may aayusin lang ako dito. Mauna ka na," pagsisinungaling ko pa. "Anong aayusin mo dito? Pero sige, ingat ka sa pag-uwi mo. May aasikasuhin pa ako sa bahay, e." Hindi na ako nagsalita pa. Medyo nainis ako sa ginawa niya. Hindi niya na ba ako mahal para hindi niya sagutin 'yon?! Ang bilis naman niyang mag-move on!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD