Kathrina Ilang linggo na rin ang nakakalipas nang umalis si Ellion dito sa Mindoro. Miss na miss ko na nga siya kaya kahit busy ako ay natawag ako sa kanya. Ewan ko nga ba sa sarili ko kung bakit kahit sinabi na niya sa akin na hindi niya ako mahal ay pinapakita ko pa rin na mahal ko siya. Ganoon siguro talaga kapag inlove ka, ano? Tanga ka minsan para sa pag-ibig. ‘’Uy, Ellion. Buti sumagot ka. Akala ko, hindi mo na papansinin ang tawag ko eh. Kamusta ka na ba dyan? Ayos ka lang?’’ sabi ko agad sa kanya pagkatapos niyang sagutin ang tawag ko. ‘’Ah, ayos naman. Medyo busy lang kasi may trabaho pa rin naman ako online kahit nandito ako sa Manila. Ikaw, kamusta na dyan? Ayos ka lang ba?’’ sagot naman niya sa akin. Sobrang saya ko na kahit na hindi man kami nagkaroon ng relasyon ay hindi

