Ellion Jase Simula noong gabing nag-inuman kami sa bahay ni jhulia ay hindi na mawala sa isip ko ang isang katanungan. Kung sila Benedict at Aurora pa ba? Kasi kung totoong si Benedict ang may kasalanan kung bakit nagkaroon sila ng problema, I will really confront him kahit pa sabihin nilang wala akong karapatan. Bakit? Inalagaan ko si Aurie nang mabuti tapos lolokohin lang ng iba? Hindi naman yata ako papayag noon. Lalo pa at buong puso ko nang pinagkatiwala si Aurie sa kanya kasi I felt that he would not do such a thing to her. Naku, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung ganoon nga ang nangyari. Ngayon ay nag-iinom kami nina Leo, Jonas at Jairus. Ngayon ko sila tatanungin kung ano ba ang alam nila sa paghihiwalay ni Benedict at Aurie. Baka kasi may alam itong mga ito pero hi

