Ellion Jase
Ilang buwan na rin akong nandito sa Mindoro pero sa tuwing wala akong ginagawa, naiisip ko pa rin siya.
Iyon na siguro ang pinakabayad sa lahat ng ginawa ko noon. Hindi ako naging tapat sa kanya kaya magiging masamang panaginip siya habang buhay para sa akin. Lalo na't hindi na kami magkikita pa.
Habang nainom ako mag-isa dito sa bahay ng Tita Amanda ko ay bigla na lang akong tinawagan ni Lester.
"Ano 'yon?" medyo lasing na ang tono ko.
["Alumni Homecoming natin, hindi ka ba uuwi dito? Wala ka bang nakita online?" sabi niya.]
"Hindi pa ako nagche-check online pero sige, mamaya siguro. Kamusta dyan?" saad ko.
["Kamusta dyan o kamusta siya? Kung dito, ayos naman pero si Aurie pre, hindi okay'yon]
Tangina talaga ng mga kaibigan minsan 'no? Hindi pa rin tapos kahit na gusto mo na talagang kalimutan ang taong 'yon. Sila yung madalas na hindi nakaka-move on.
"Gusto mo ba talagang umuwi ako dyan o ipipilit mo sa akin si Aurie?" pananakot ko.
["Umuwi ka na pre, miss ka na namin eh. Saka, gusto namin masakyan yung bago mong kotse. Ang ganda kasi!]
"Kailan ba? Titingnan ko kung pwede ako sa araw na 'yon. Basta, tanggalin niyo si Aurie sa usapan pag-uwi ko dyan," madiin kong tugon.
[Yes, paps! Copy. Sabihan ko si Jairus at Jonas about dyan. Okay ka na ba kay Jonas?"]
"Ewan ko, kapag napigilan kong suntukin si Jonas edi good for him pero kung hindi, good for me."
[Katakot ka naman, paps! Sige, see you na lang sa sabado. Sabi ni Amaya sa sabado na raw 'yon eh.]
"Amaya? Amaya Viella?" I asked.
[Yes, yung inaasar mo nung grade school pa tayo. Bakit?]
"Ah, wala naman. Sige, tingnan ko na lang sa schedule ko kung pwede ako sa sabado," malumanay kong sabi.
[Okay paps, miss you!] Natatawa pa siya sa kabilang linya.
Tangina, nabakla na naman si gago.
Pagbaba ko ng tawag ay naalala ko bigla si Amaya Veilla.
Amaya Viella.
"Ellion, wait!" sigaw ng babae.
Hinalik-halikan siya ni Ellion habang papunta siya sa kotse niya.
"Hindi mo ba ako naaalala? I'm Amaya Viella. Dati lang, you push me away tapos ngayon hinahalikan mo na ako?" bahagyang natawa si Amaya.
Hindi nakinig si Ellion, hinalik-halikan pa rin niya si Amaya Viella.
"Gusto mo talaga 'to? Ibibigay ko naman, bigyan mo lang akong sampung libo. Bigay ha, hindi utang."
Agad-agad silang pumunta sa apartment kung saan naninirahan si Ellion sa Mindoro.
May nangyari sa kanilang dalawa na labis na ikinasaya ni Amaya.
"Akin na ang sampung libo," utos ni Amaya pagkatapos ng nangyari sa kanila.
"Hmm. Kunin mo na lang sa pitaka ko. Umalis ka na rito, hindi na kita kailangan!" sabi ng lasing na si Ellion.
"Wow ha, pagkatapos mong gamitin ang katawan ko para mapaligaya mo ang sarili mo eh ganyan ang sasabihin mo sa akin? Mahiya ka naman!" Galit na sagot ni Amaya Viella.
Pagkatapos noon ay kumuha siya ng labing-limang libo sa pitaka ni Ellion at umalis.
"Ginagalit mo ko ha? Dagdagan ko ang bayad mo. Bahala ka sa buhay mo. Binully mo ko noon pero ginamit mo ko ngayon!"
Kinuha ni Amaya Viella ang kanyang gamit at umalis na siya sa apartment ni Ellion.
"That girl. f**k it!" bulong ko sa sarili.
Pagdating ng sabado ay nagpasya ako na pumunta sa Alumni Homecoming namin. Wala na akong pake kung nandoon si Amaya Viella o si Aurora Feliz.
Pagbaba ko ng kotse ay nagtinginan sa akin agad ang mga taong nasa loob. May dumi ba ko sa mukha? Bakit parang gulat na gulat silang nandito ako? Hindi ba ako pwede dito?
"Oh pare, buti nakapunta ka! Akala ko, hindi ka na darating eh. Hindi ka kasi active online,busy na busy ka ba?" bungad ni Jairus sa akin.
"Pasalamat kayo kay Lester, siya talaga ang nagsabi sa akin na pumunta rito. Kamusta ka? Kamusta kayo?" sabi ko.
"Mamaya ko na sasagutin 'yan. Pumasok muna tayo sa loob at doon mag-kwentuhan. Tiyak na mahaba ang gabi dahil marami kang ike-kwento sa amin," sabi niya at hinawakan na ko sa balikat para makapasok na kami sa loob.
Ako? Maraming ike-kwento? Simula naman nung umalis ako dito, hindi na ko aktibo sa pakikipag-usap sa kanila kasi alam ko na si Aurora lang ang magiging topic nila kung sakali.
"Oh pare, hindi natin siya pag-uusapan ah. Umupo ka rito, may itatanong kasi kami sayo," sabi ni Jairus.
"Ano 'yon?" tanong ko.
Dumating na rin si Lester pero hindi ko makita si Jonas. Mukha ngang hindi pupunta 'yon ah?
"Pare! Nandito ka na pala. Tamang-tama, kailangan namin ng sagot. Hindi kasi kami naniniwala sa mga balita sa paligid. Dapat, sayo talaga namin itanong 'to."
Balita? Ano bang pinagsasabi ng mga 'to?
"Anong balita? Hindi ko kayo maintindihan, e." Naiinis na ko.
"Mukhang hindi mo nga alam. Pare kasi, si Amaya Viella. Kinakalat niya na kayo na raw. Nagulat nga kami eh, wala ka naman kasing binabalita sa amin na ganoon," sabi ni Lester.
"Hindi kami naniniwala sa babaeng 'yon dahil mukhang kwento lang na walang kwenta pero totoo ba?" sabi naman ni Jairus.
"H-hindi, hindi naman totoo 'yon, pero-"
"Anong pero, pare?" naguguluhan na tanong ni Jairus sa akin.
Wala na akong nagawa kundi i-kwento sa kanila ang nangyari sa amin ni Amaya Viella nung mga nakaraang buwan.
"Kasuhan mo pare! Nagnakaw siya ng ganun kalaking pera tapos ipinagkakalat pa niya na kayo na?! Baliw talaga ang babaeng 'yon kahit kailan!" sabi ni Lester.
"Huwag na, r**e ang ikakaso noon sa akin kung sakali. Ayaw ko naman na lumaki pa ang gulo kaya hinayaan ko na lang rin siya," sagot ko.
Inis na inis sina Jairus at Lester kay Amaya Viella. Ako naman ay abala sa pagtingin sa mga taong papasok sa venue.
Nagulat na lang ako at napa-ngiting konti nang makita si Aurora Feliz sa di kalayuan. Nakangiti siya sa mga taong nakakasalubong niya. Ang ganda pa rin talaga niya. Doon ko nasabi sa sarili ko na mahal ko pa rin siya kahit na wala na kaming dalawa.