Aurora Feliz
Gabi na nang kinatok ako ni Jhulia. Sunud-sunod pa iyon na kinainis ko naman. Bakit ba nandito 'to ngayon?
Binuksan ko iyon na inis na inis. Ganoon rin si Jhulia sa akin.
"Ang tagal mong buksan, ano bang ginagawa mo?!" saad niya.
"Tutulog na ko, ano ba 'yon? Alas dies na eh, kakatok-katok ka pa!" galit na sabi ko.
"Sasama ka sa Alumni Homecoming bukas, di ba? Dali, sabihin mo sa akin na oo!" pilit ni Jhulia sa akin.
"Hindi, ayaw ko! Nandoon si-"
"Siya na naman ang iisipin mo?! Dali na, sumama ka na. Wala naman siya doon, e!" giit niya.
Wala siya? Bakit? Ganoon na ba siya kagalit sa akin na pagkatapos ng ilang buwan na pag-iwan niya sa akin ay hindi na talaga siya babalik pa dito?
"Bakit wala siya?" tanong ko.
"Itatanong pa! Ang tanga mo talaga pagdating kay El-"
"Huwag na huwag mo nang ituloy 'yang pangalan niya! Sige na, sasama na ko basta wala siya!" sigaw ko pa.
"Yun! Salamat naman at pumayag ka, susunduin kita dito bukas ng gabi ha? Gandahan mo ang damit mo para makahakot ka ng boys bukas," sabi pa niya.
"Ewan ko sayo, basta bukas! Pupunta ako, okay?"
Ngumiti lang sa akin si Jhulia pagkatapos ay lumabas na siya ng bahay. Napa-upo na lang ako sa sofa nang bigla kong maisip si Ellion.
Nasaan kaya siya ngayon? Masaya kaya siya? Sino ang kasama niya? May bago na kayang nagpapatibok ng puso niya?
Tumayo ako nang ma-realize na hindi ko siya dapat isipin. Tinanggal na niya ko sa buhay niya kaya ganoon rin dapat ako sa kanya.
Kumuha na lang ako ng alak sa refrigerator. Kailangan konh magpaka-lasing, naaalala ko na naman siya dahil sa Alumni Homecoming.
Nagising ako na parang walang gana sa araw na ito. Nakakapagtaka, wala naman siya doon mamaya pero natatakot ako.
"Tulala ka na naman, may nangyari ba?" tanong sa akin ni Mama.
"Wala po, Mama. Mamaya pala susunduin ako ni Jhulia para sa Alumni Homecoming namin," pag-papaalam ko.
"Alumni Homecoming? Aba, dapat ay ayos na ayos ka dyan. Ipakita mo ang ganda mo, anak."
Diyos ko, dahil sa stress ay sobrang pangit ko na nga. Ano pang ganda ang maipa-pakita ko mamaya?
"I will wear a black dress. Ako na lang rin ang magme-make up sa sarili ko dahil kaya ko naman 'yon Mama. Thank you!" sabi ko sabay pilit na ngumiti sa kanya.
"Pero anak, dapat sobrang ganda mo kapag pumunta ka doon. Malay mo, may makilala ka," sabi ni Mama habang nakangiti.
"Parehas talaga kayo ni Jhulia eh no? Okay nga lang ako Mama. Don't worry about me. Okay?" pagkumbinsi ko sa kanya.
"Eh anak naman kasi, ilang buwan ka na ring mag-isa. Gusto ko naman, sumaya ka. Yun lang naman," sabi niya sabay lapit at yakap sa akin.
"Mama, masaya naman ako kahit mag-isa ako. Isa pa-"
Isa pa, mahal ko pa rin si Ellion, e.
"Ano? Anong isa pa, anak?" tanong ni Mama.
"Isa pa, busy rin naman ako. Wala akong oras sa pagmamahal na 'yan." Pagsisinungaling ko.
"Sabi mo eh, basta kapag gusto mo na ng lovelife, may irereto ako sayo anak. Mas gwapo ito kay El-"
"Oops, anong sabi ko noon?"
"Haynaku, huwag sasabihin ang pangalan niya. Sabi ko nga, hindi na. Eh, sige na anak, mag-ayos ka na."
Pagkatapos kong mag-ayos ay sinundo na ko ni Jhulia. Aba, ayos na ayos si babaita!
"JS prom ba pupuntahan natin?" tanong ko sa kanya.
"Hindi, bakit?" sagot naman niya.
"Grabe yung look mo eh, parang a-attend sa sa sagala o JS prom," pang-aasar ko.
"Aurora Feliz! Ano bang sinasabi mo? Grabe ka sa akin ah. Teka, may ike-kwento nga pala ako," sabi niya sa akin.
"Mamaya na kapag nandoon na tayo sa event. Baka mabangga tayo o ma-late eh!"
"Sure ka?" paniniguro niya.
"Oo naman, sure na sure ako!" with conviction kong sinabi.
Pagdating namin sa event, nahilo ako sa sobrang daming tao. Ganito ba kadami 'yon dati o may nakapasok na iba?
"Uy, maraming gwapo! Pili ka na dyan, Aurie!" panunudyo pa ni Jhulia sa akin.
"I'm not here for boys. Ikaw lang naman ang may gustong isama ako dito 'no. Kung ako lang naman, hindi na ko para pumunta pa dito," sabi ko sabay upo.
Tumingin-tingin ako sa paligid. Nanlamig ang buong katawan ko nang makita ko sina Jairus sa di kalayuan.
"Sila Jairus, nandyan pala sila." Nauutal kong sabi.
"Malamang, same school kaya tayo ano? Hindi naman porket kaibigan nila ang ex-boyfriend mo ay bawal na rin silang magpakita sayo. At saka, magkakalapit lang ang mga bahay natin kaya magkakakilala rin ang mga tao."
Ang dami pang sinabi ni Jhulia pero hindi ko na narinig 'yon dahil nagslow-mk ang lahat noong nakita ko siya.
Bakit nandito ka? Akala ko ba'y may buhay ka na sa Mindoro? Bakit bumalik ka pa?
"Tangina! I'm sorry, Aurie! Hindi ko naman alam na pupunta siya! I remember it clearly, ang sabi ni Jairus sa akin noong isang araw ay hindi siya pupunta kaya ininvite kita! I'm really sorry!"
Panay hingi ng tawad si Jhulia sa akin, doon ako nagising sa katotohanan. Totoo ngang nandito siya.
"Ayos lang, wala naman na kong magagawa. Isa pa, right naman talaga niyang pumunta kasi same school kaming dalawa. Hindi naman porket nandito ako ay bawal na siyang pumunta," sagot ko habang nakatulala at nakatinging maigi kay Ellion.
"Moved on na o gusto mo rin talaga siyang makita? Kasi kung ako sayo, aalis na ko kung ayaw ko talaga siyang makita."
Gusto ko. Gusto ko siyang makita.
"Doon mo ba malalaman kung moved on na o hindi ang isang tao? Haynaku, tara na nga! Kumuha na tayo ng pagkain sa buffet at gutom na ko. Sa totoo niyan, pagkain talaga kasi ang pinunta ko at hindi ang lalaking 'yan!" sabi ko sabay tayo at hinala ko si Jhulia.
Sinungaling. Alam mo naman sa sarili mong gusto mo pa rin siyang makita kahit sobrang sakit na. Aminin mo sa sarili mong mahal mo pa rin si Ellion hanggang ngayon.