Chapter 10

1070 Words
Ellion Jase Bumalik ako sa Manila after a year dahil may inaasikaso akong business. Paminsan ay naiisip ko si Aurie pero pinipilit ko ang sarili na hayaan na lang siya. Hindi ko na rin kasi alam kung saan siya nakatira ngayon. Ang sabi ng mga kaibigan ko, hindi na daw doon ang bahay nila. “Sir, ano po ang order niyo?” tanong sa akin ng barista dito sa isang café. “One cinnamon dolce latte, please.” “Okay po sir, coming up,” sabi noong barista sabay ngiti sa akin. Umupo na ako sa isang empty seat, malapit ako sa window. Pinatong ko ang mga gamit ko sa table. Tinitingnan ko ang bawat mukha na nadating habang wala pa ang kape ko. Wala na akong kilala, ganoon na ba ako katagal sa Mindoro? Nandito ako sa Manila for a week, tapos uuwi rin naman ako sa isang linggo para naman ipahinga ang utak ko. Nakainuman ko na sila Jairus noong isang gabi, ang mga gago sinalubong agad ako. Hindi na ako nakatanggi dahil matagal nga akong hindi bumalik dito. Ilang minuto pa ay dumating na ang cinnamon dolce latte na inorder ko. Ngumiti ako sa waitress na nagdala nito sa akin at ngumiti naman siya pabalik. Binuksan ko ang bag na naglalaman ng laptop ko. I opened it at doon na ako nag-trabahaho. Aminado naman ako na ang amoy ng coffee shop ang isa sa mga nagpapakalma sa akin. Nakakaisip ako ng ideas for work kapag dito ako tumambay. Maigi nga at marami na rin ang nagbukas na café sa Mindoro. Hindi na ako hirap. Isa pa, malalapit rin iyon sa working place ko. Habang may tina-type ako sa laptop ay may nahagip ang mga mata ko. Isang babae na papasok sa café. Hindi pa ako sure kung siya iyon dahil matagal na rin ang isang taon. Marami na ang nagbago sa aming dalawa. Hinayaan ko muna na maka-order siya pero aminado rin ako sa sarili ko na kabado ako. Ano na ang sasabihin naming sa isa’t isa kapag nakita niya ako dito? Naka-red dress siya, may konting make-up ang mukha at naka-high heels. Sobrang ibang-iba na siya simula noong huli ko siyang nakita. Lalo siyang gumanda I must say. Habang na-order siya doon sa barista, nakatingin ako sa laptop ko at paminsan ay sinusulyapan ko rin siya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Gusto kong makita niya rin ako pero ayos na rin kung hindi eh. “Isang oatmilk honey latte, please.” Iyon pa rin pala ang hilig niya. Ipo-post pa rin niya kaya iyon sa i********: katulad ng dati? Napangiti tuloy ako saglit dahil sa naalala ko. Binilisan ko na ang tingin sa laptop ko nang makita ko siya na naglalakad na papunta sa kanyang upuan. Mas maganda pala siya sa malapitan. Ibang-iba na sa Aurora Frliz na iniwan ko. Dahil kinabahan na ako ay nagpasya ako na sa ibang café ko na lang itutuloy ang trabaho ko. Sure kasi akong titingnan ko na lang siya nang walang tigil kung manatili pa ako dito. Tumayo na ako at inayos ang gamit. Kinuha ko ang cinnamon dolce latte na order ko. Palabas n asana ako ng café nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Alam ko, siya iyon. “Ellion? Ikaw nga ba ‘yan?”  Ang ganda pa rin ng boses niya. Iyong boses na gusto ko pa ring marinig sa paggising at pagtulog ko. Ang boses na nagsasabi sa akin noon na magiging ayos rin ang lahat, magtiwala lang ako. Humarap ako sa kanya, pero hindi ako makatingin ng deretso dahil alam ko kapag ginawa ko iyon ay matutunaw ang puso ko. Siya pa rin kasi ang mahal ko, kahit na marami na ang nakilala ko sa Mindoro. “Ikaw nga! Kumusta ka na?” tanong niya sa akin. Wala na nga yata akong kawala. Kailangan ko na um-acting na ayos lang ako. No choice, magkukunwari na lang ako. “Hey, ikaw pala. Hinanap ko pa ang tumawag sa akin, hindi kasi ako nakasalamin ngayon eh. Kumusta ka na?” sabi ko sabay ngiti sa kanya pero rinig ko ang kalabog ng dibdib ko. Pumunta ako sa table niya. Nilapag ko ang gamit ko doon kaya naman napangiti siya sa akin. “Okay lang ako. K-kailan ka pa umuwi? Hindi ko nalaman ‘yon ah,” sagot naman niya sa akin. “Ah, nitong linggo lang. Isang linggo lang ako dito tapos babalik na rin akong Mindoro. Alam mo naman, ang daming trabaho eh,” sabi ko. Nagiging maingat ako sa bawat sasabihin ko dahil sa totoo lang, hindi ko nagugustuhan ang mga salitang gusting lumabas sa bibig ko. Baka mamaya niyan, madulas ako. “Ah, kumusta naman sa Mindoro? Okay naman?” tanong niya. Hindi, wala ka doon eh.   “Ayos naman, busy lang doon lagi dahil nandoon ang main job ko. Ikaw ba? May trabaho ka na din? Saan?” tanong ko. “A-ah, wala na ulit. Kaka-resign ko lang kasi kailangan naming lumipat ng bahay. Malayo dito ‘yon kaya maghahanap na lang ako ng bagong work,” sagot naman niya sa akin. Ganito ba siya lagi? “Uy, sana makahanap ka na. Kung dito lang ako based, kukunin kita para mag-trabaho sa company namin pero hindi eh,” sagot ko. Halata namang gulat na gulat siya sa sinabi ko. Baka dahil sa sinabi kong willing akong bigyan siya ng trabaho kung dito lang ako naka-base. Jase, I hate your mouth. “Talaga? Tutulungan mo ko?” tanong niya. “Oh, pwede pala. Kakausapin ko yung kakilala kong branch dito sa Manila para tulungan ka. Gusto mo?” sabi ko naman. Bigla namang umiba ang mukha niya, nawala ang ngiti na namamayani kanina. Ano kaya ang naisip niya? “Huwag na pala, ayos na ako. Ako na lang ang maghahanap ng trabaho para sa akin. Salamat, Ellion.” May lamig sa tawag niya sa akin. Wala na itong lambing, hindi katulad ng dati. Tumingin ako sa relo ko at iyon ang naging daan para makaalis na ako sa harapan niya. “May mahalaga pa pala akong gagawin, Aurie. Maiwan na kita dyan. Ingat ka pag-uwi,” sabi ko pagkatapos ay tumayo at kinuha na ang mga gamit ko. “A-ah, ganoon ba? Sige, ingat ka ah.” Hindi na ako lumingon sa kanya dahil baka makita niyang tiningnan ko pa siya. Dere-deretso akong lumabas ng café. Shit. I called her Aurie.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD