Ellion Jase
At iyon na nga, umuwi na ako sa Manila para tulungan si jairus kay Jhulia. Kinabukasan ay agad naming pinuntahan ang bahay nila. Gabi noon, ang sabi sa akin ni Jairus ay haharanahin daw niya si Jhulia. Natawa na lang ako pero hindi ako umalma. Iyon ang desisyon niya eh, nandito lang naman ako para sumuporta. Wala akong karapatan na pangunahan siya sa kung ano man ang gusto niya.
‘’O, ready ka na ba? Nandito na tayo. Wala nang atrasan ito, pare ah?’’ sabi ko sa kanya.
Ramdam ko ang kaba niya. Sa itsura pa lang niya eh. Kung pwede nga lang ay maririnig ko na rin ang bilis ng t***k ng puso niya eh.
‘’Pare, kaya ko ba ito? I mean, magbati kaya kami right away? Ano sa tingin mo? Kabado kasi ako eh, baka hindi naman niya ako kausapin,’’ sagot niya sa akin.
‘’Oo naman, kaya mo iyan. Iyon nga lang, kung hindi ka niya kausapin agad eh iyon lang ang problema. Suyuin na lang natin nang suyuin hanggang sa patawarin ka niya. Okay?’’ sagot ko naman sa kanya.
‘’Wish me luck, pare. This is it,’’ sabi niya sa akin.
Bumaba na siya mula sa kotse. Sabi naman niya sa akin ay doon muna ako sa loob ng kotse hangga’t hindi pa niya ako sinasabihan. Sinunod ko siya. Hinayaan ko muna siya roon dahil moment naman nila iyon ni Jhulia eh.
Mahigit isang oras at kalahati rin ang usapan nila bago lumabas si Jairus mula sa bahay nila. Tiningnan ko ang facial expression niya, doon ko kasi malalaman kung naging okay baa ng usapan nila o hindi. At batay sa tingin ko sa kanya, mukhang hindi naging smooth ang usapan nila.
Tahimik siyang pumasok sa kotse. Bagsak ang kanyang katawan kaya alam ko na. Hindi nga talaga nila naayos ang relasyon nila. Gusto ko sana siyang kamustahin tungkol doon pero alam ko rin na wala siyang gana na i-kwento sa akin ang lahat kaya minabuti kong huwag na lang.
While I am driving his car, nagulat na lang ako nang bigla siyang magsalita. Pauwi na sana kami pero wala eh, gusto daw niya muna raw na lumabas at uminom.
‘’Punta muna tayo sa pinaka-malapit na bar. Please? Kailangan ko lang na ilabas kung ano man itong nangyari ngayong gabi,’’ sabi niya sa akin.
‘’Ano bang nangyari, ha? Pwede mo bang sabihin sa akin?’’ tanong ko, ayos lang naman sa akin kung hindi.
‘’Ano pa nga ba? Ayaw niya akong patawarin dahil sobra daw ang ginawa ko. Grabe naman siya, ang tagal-tagal na namin tapos ngayon pa siya susuko? Ina-amin ko naman ang kamalian ko ah. Malinaw naman sa akin na mali ako, pero hindi ko ba deserve ang second chance? Magbabago na nga ako eh,’’ reklamo niya.
‘’Ah, alam ko na. pare, siguro ay hindi madali para sa kanya na patawarin ka. Alam mo naman ang mga babae ngayon di ba? Kailangan mong suyuin nang suyuin bago tuluyang bumigay sa iyo,’’ sabi ko.
‘’Aba, nagmakaawa na nga ako eh. I even said na sinamahan mo ako ngayon dito para suyuin siya. Kaso wala talaga. Sayang lang ang effort na ginawa ko,’’ inis na sabi niya sa akin.
‘’Ano ka ba? Hindi sayang iyan. Kung ayaw ngayon, eh di next time. May next time pa naman ah, di ba? Hindi ka naman susuko agad, right?’’ sabi ko.
‘’Oo naman, pare. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako agad na susuko sa kanya. Kaya lang, hindi kasi siya ganoon. Dati naman, konting away lang namin ay okay na kami ah. Bakit ngayon ay nag-iba na siya?’’ reklamo pa rin niya.
Napa-iling na lang ako sa kanya pero hindi naman niya nakita. Huminga muna akong malalim bnago tuluyang sumagot sa kanya. Mukhang kailangan ng kaibigan ko ng martilyo na ipupukpok niya sa ulo para matauhan siya.
‘’Pare, iba naman kasi yung kasalanan mo noon sa kasalanan mo ngayon. Magka-iba yung bigat. Masakit na masakit para sa kanya na hindi ka niya agad mapapatawad ngayon. Hayaan mo muna, patatawarin ka rin niyan. Suyuin mo lang nang suyuin. Kaya mo iyan,’’ sabi ko.
‘’Ganoon na nga lang talaga. Kakayanin ko ito dahil mahal na mahal ko siya. Samahan mo lang ako ah? Suyuin natin siya,’’ sabi niya sa akin.
Napapikit at napa-iling na lang ako dahil sa sinabi niya sa akin. Ano pa nga ba ang magagawa ko eh nandito naman na ako eh. Wala naman akong ibang gagawin dito kundi ang tulungan siya. Hay, naku. Iba talaga ang may buhay pag-ibig. Nakaka-stress. Minsan, isasali ka pa kahit na hindi ka naman ang ka-relasyon nila.
‘’Oo na. Ano pa ba ang gagawin ko eh iyon naman talaga ang purpose ko rito, hindi ba? O, malapit na tayo sa bar. Humanda ka na, ipaparada ko lang ng maayos ito ha. Saglit lang,’’ sabi ko.
Iyon na nga, inayos ko na ang parada ng kotse ko. Tahimik lang siya na naghihintay sa akin. Nag-iisip siguro kung ano ang susunod na pwede niyang gawin para mapatawad na siya ni Jhulia. Hinayaan ko muna siya at busy ako sa pagpaparada ng sasakyan.
Paglabas namin sa kotse ay huminga siyang malalim. Nag-yosi muna kami para huminahon siya. Tahimik lang siya habang ginagawa niya iyon. Habang siya ay nag-iisip tungkol sa kanila ni Jhulia ay ako naman eh nag-iisip kung kamusta na ba ang trabaho ko sa Mindoro. Isa pa, iniisip ko rin kung kamusta na ba si Kathrina roon.
Pagpasok namin sa loob ay nakita ko agad si Benedict. Nagulat ako nang makita ko siya. Alam ko kasi na hindi naman siya nainom masyado. Hindi ko na sana siya lalapitan pero baka naman masamain niya kapag hindi ko siya kinausap.
‘’Oh, Benedict. Nandito ka pala. Anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba papagalitan ni Aurora dahil nandito ka?’’ bati ko sa kanya.
‘’Oh, Ellion. Nandito ka pala. Kailan ka pa umuwi rito? Ah, okay naman sa kanya na uminom ako. Nagpaalam naman ako sa kanya,’’ sagot naman niya sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung okay ba siya sa presensya ko o hindi. Wala eh, nandito na tayo kaya haharapin ko na siya. Isa pa, hindi naman ako inis sa kanya o ano. Nandoon pa rin ang respeto ko dahil siya na ang kasama ni Aurora ngayon sa kanyang buhay.
‘’Noong isang araw lang. Ito, mag-iinom kami nina Jairus at heart broken siya kay Jhulia. Alam mo naman siguro iyon, hindi ba?’’ sagot ko sa kanya.
‘’Ah, oo. Nasabi nga sa akin ni Aurora iyan. Akala ko, maaayos pa nila. Hindi na pala,’’ sagot niya sa akin.
‘’Ah, we are trying to talk with Jhulia naman about it. Feeling naman namin, magbabalikan silang dalawa. O, you can join us if you want. Mukhang wala ka namang kasama ngayon eh. Doon ka na umupo sa table namin para makapag-kwentuhan tayong dalawa,’’ sabi ko naman.
‘’Ah, huwag na. Nakakahiya naman. Okay na ako rito. Pauwi na rin naman ako kaya hindi na rin ako magtatagal dito sa bar. Salamat na lang ha?’’ sagot naman niya sa akin.
Sayang. Gusto ko pa naman siyang makilala pa. siguro nga, iwas talaga siya sa akin dahil ex-boyfriend ako ni Aurora. Wala naman akong magawa dahil desisyon niya iyon eh. Kailangan kong intindihin at respetuhin. Hindi ko siya dapat pilitin. Baka mamaya, mabastusan pa siya sa akin eh.
‘’Ah ganoon ba? Sige, sige. Wala namang problema iyon. basta, kapag gusto mo ng kausap ha? Nandoon lang kami sa kabilang table. Pwedeng-pwede mo kaming kausapin. Punta ka lang doon,’’ sabi ko na lang sa kanya, kahit na alam ko na hindi naman niya gagawin iyon.
Nakita kong tumango siya sa akin bilang tugon. Pagkatapos noon, tumayo na ako at pumunta na lang sa table namin ni Jairus. Inayos ko ang sarili ko bago ko siya harapin. Baka kasi magtanong pa siya kung saan ako galing at bakit ang tagal-tagal kong umupo sa table namin.
‘’O, ayos ka lang ba dyan? Gusto mo ba tawagin ko ang buong tropa para makasama natin sila? Ang hirap naman kasi na tayo lang dalawa ang mag-iinom eh,’’ sabi ko sa kanya, wala pa rin siya sa kanyang sarili dahil sa nangyari kanina.
‘’Bahala ka kung tatawagin mo sila. Basta ako, magpapakalasing ako ngayong gabi. Samahan mo lang ako. ang sakit-sakit eh,’’ sabi niya.
Um-order na ako sa waiter ng alak para sa aming dalawa. Tinawagan ko na rin sina Jonas at Leo para may kasama kaming mag-inom. Habang hinihintay ko silang dumating, nakita kong naka-upo pa rin si Benedict sa di kalayuan.
Akala ko ba ay aalis na siya? Oh well, baka sabi nga lang niya talaga iyon kanina para hindi ko na siya kulitin pa. Ewan ko ba sa sarili ko pero parang gustong-gusto ko siyang kausapin eh. Nagpaalam ako kay Jairus na iihi lang ako saglit pero ang totoo niyan ay pupuntahan ko talaga si Benedict sa kabilang table.
Pagdating ko roon ay napansin kong hindi siya okay. Hindi ko naman pwedeng tanungin at baka ayaw niyang sabihin sa akin.
‘’Oh, pare. Akala ko, uuwi ka na? Sabi mo kanina, uuwi ka rin agad after a few drinks. Napasarap yata ang inom mo ah,’’ sabi ko.
‘’Ah, oo nga eh. Alam mo na, nag-iisip isip lang tungkol sa mga bagay. Trabaho, lovelife. Family. Hindi ako pala-inom pero sa sobrang dami ng problema ko, napapainom na ako lagi,’’ natatawa pang kwento niya sa akin.
‘’Ay, oo nga. Ako nga rin eh. Ang dami ko ring problema sa trabaho. Naiwan ko sa Mindoro. Ganyan siguro talaga kapag adult na. Hindi na biro ang problema, di ba? O, kamusta na pala kayo ni Aurora?’’ biglang tanong ko sa kanya.
Hindi ko mapigilan na hindi siya tanungin. Sana, hindi niya masamain.
‘’Ah, tulad nga ng sinabi ko kanina, ayos naman kaming dalawa. Syempre, hindi mawawala yung tampuhan sa isang relasyon. Alam mo naman siguro iyan. Isa pa, kilala mo naman kung paano magalit si Aurora, di ba?’’ sagot niya sa akin.
‘’Ah, oo. Naiintindihan ko naman. Alam kong maaayos niyo pa iyan. Madali naman kausap iyon si Aurora. Lambingin mo lang ng konti at bibigay na rin sa iyo iyon. Maniwala ka sa akin,’’ sagot ko.
Dahil sa sinabi ko ay biglang nagbago ang mukha niya. Hala. Oo nga. Hindi ko dapat sinabi iyon dahil magka-iba naman kami. May mga bagay na pwede sa kanya at may mga bagay din na hindi. Naku.
‘’Ah, oo naman. Maaayos namin ito. Salamat sa sinabi mo kanina. Pasensya ka na pare ah, pero kailangan ko nang umalis eh, ha?’’ biglang sabi niya.
Oh, he was really offended of what I said. Patay ako nito. Baka sabihin niya ay hindi pa rin talaga ako maka-move on sa amin ni Aurora. Ano na ang gagawin at sasabihin ko?
‘’Ay, sorry. Hindi ko sinasadyang sabihin iyon. Hayaan mo na lang yung sinabi ko ha? Sorry ulit,’’ sabi ko.
Sobrang nahihiya ako sa kanya. Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa eh. Ellion naman, bakit mo ba kasi sinabi iyon, ah? Pwede namang nanahimik ka na lang! Ex-boyfriend ka na, umayos ka.
‘’Naku, ayos lang naman sa akin iyon. Sadyang kailangan ko lang talagang umalis na. Lasing na lasing na ako eh,’’ sagot niya sa akin at lumabas na sa bar.
Gustong-gusto ko siyang habulin at mag-sabi ng sorry sa kanya pero minabuti kong huwag na lang. Baka mamaya niyan ay magkainitan pa kami. Nakainom pa naman siya at mukhang marami din iyon. Patay na naman ako kay Aurora nito. Alam kong magagalit siya kapag nalaman niya ito from Benedict. Ellion naman kasi, ang bibig. Minsan, paki-sara.
Habang ako ay nag-iisip kung paano ako makakabawi kay Benedict ay bigla namang pumasok sa bar sina Jonas at Leo kaya hindi ko na rin inisip pa yung problema ko. Pinakalma ko muna ang aking sarili bago ako tuluyang bumalik sa table namin. Hay, naku. Iinom na nga rin ako para mawala na ang stress sa utak ko.
Nakita kaya nina Jonas at Leo si Benedict noong lumabas siya sa bar? Sana ay hindi naman kasi alam kong hindi ako titigilan noong dalawa kapag hindi ko sila sinagot tungkol doon.