Chapter 62

1079 Words
Kathrina Ilang araw na rin ang nakalipas nang umalis sina Ellion, Minnie at Tita. Miss ko na sila, sobra. Kung pwede lang na pumunta ako sa Manila para puntahan sila roon ay ginawa ko na, kaso baka isipin naman ni Ellion na ayaw ko siyang tigilan, e. Hahayaan ko na lang muna siya. Sabi naman kasi nila, babalik sila dito sa Mindoro eh. Buti na lang talaga at naging maayos ang pag-uusap nila  ni Daddy. Oh well, kinausap ko naman na si Daddy bago niya harapin si Ellion. Ayaw ko naman kasing mapahiya ako sa kanilang dalawa. Isa pa, para malinaw ang lahat bago sila mag-usap. ‘’Dad, ayusin niyo po ang pakikipag-usap kay Ellion ha? Yung boses niyo, pakibabaan po. Huwag po kayong magagalit sa kanya, okay? Kilala kita eh, baka kung ano lang ang sabihin mo sa kanya.’’ ‘’Ay, grabe ka naman sa akin? Oo, kakausapin ko naman siya nang maayos, anak. Hindi na ako galit sa kanya. Noong una lang iyon, okay? Kaya ko na ito. Ikaw naman, parang wala kang bilib sa Daddy mo.’’ ‘’Ikaw naman kasi Daddy. Sobrang taas ng expectation mo sa tao. Huwag mo kasing i-apply sa lahat. Hindi mo naman ka-trabaho si Ellion eh. Please be careful with him, okay?’’ ‘’Oo na, mali ko na iyon. Uulitin ko, hindi ako galit sa kanya. Okay? Naiintindihan ko na ang side niya dahil sinabi mo na sa akin. Pasalamat siya at mahal mo pa rin siya kahit ganoon na ang sinabi niya sa iyo. Ay, naku talaga. Kung ako iyon, magagalit ako eh.’’ ‘’Buti na lang at hindi tayo parehas, Daddy. Masasaktan mo si Ellion eh. O sige na, papanhik na ako. Mamaya na lang ulit. Thanks, Dad.’’ ‘’Welcome. I love you, anak.’’ ‘’I love you too, Daddy.’’ Masaya rin ako noong huling beses kong nakita si Ellion. Ang loko pa nga niya sa akin. Niyakap pa ako bago umalis. Paanong hindi ka ma-fafall sa ganoong lalaki? Sana hindi na niya ginawa eh. Mas na-inlove tuloy ako. ‘’I’m sorry ulit. Don’t worry, may magmamahal sa iyo nang higit pa. Okay? Alam koi yon. Deserve mo iyon. isang taong mas mahal ka. Alam kong ibibigay sa iyo ng Panginoon iyon. Hindi man ngayon pero soon.’’ ‘’Oo. Salamat. Huwag mo na isipin iyon. Una pa lang naman ay tanggap ko na iyon, kahit hindi mo na sinabi sa akin ang totoo. Iyon nga lang, pasernsya ka na dahil kahit sinabi mo na iyon ay mahal pa rin kita.’’ ‘’Oo, alam ko naman na hindi agad mawawala iyon eh. Ang importante sa akin ngayon ay ang malaman na okay na tayong dalawa. At least, malinaw na sa ating dalawa kung ano ang meron tayo. Makakaalis ako dito sa Mindoro na maluwag ang dibdib ko.’’ ‘’Uy, di ba babalik ka pa naman? Anong sinasabi mo dyan?’’ ‘’Ay, oo naman. Babalik ako. Ano ka ba? Hindi naman pwede na hindi at nandito ang trabaho ko sa Mindoro.’’ ‘’Akala ko, hindi na eh. O sige na, umuwi ka na para maaga kayong makaalis nina Tita. Salamats a pagdaan. Ikamusta mo na lang ako kay Tita. Sabihin mo sa kanya pasensya na at hindi ko na siya napuntahan sa bahay niyo.’’ ‘’Oo, sasaihin ko sa kanya. Don’t worry about it. Maiintindihan ka naman niya, e.’’ ‘’Thank you.’’ ‘’Thank you. Bye for now, Kathrina.’’ Ngayon ay nasa isang coffee shop ako. May kailangan kasi akong kausapin na client. Hindi ko alam kung bakit ang tagal niyang pumunta rito sa usapan namin. Tiningnan ko ang relo ko, tama naman ang oras ng usapan namin pero bakit? Um-order na nga lang ako ng Java Chip para hindi uminit ang ulo ko. After I ordered my drink, may isang lalaki na lumapit sa akin. He looks familiar. Hindi ko alam kung saan ko siya nakita pero alam kong kilala ko siya. Kunwari na lang ay hindi ko siya nakita para hindi na rin kami magkaroon ng usapan. Nakakahiya naman kung kakausapin ko siya tapos hindi ko naman alam kung anong pangalan niya di ba? As I am enjoying my drink, nagulat ako na bigla na lang niya akong tinawag. Sobrang kabado ako kasi paano kung magkamali ako sa pangalan niya? Eh di, pahiya ako? Hay, naku. Bakit kasi lumabas pa ang lalaking ito ngayon. Ang gusto ko lang naman, mag-trabaho! Nasaan na ba kasi yung client ko? ‘’Kathrina? Ikaw nga ba iyan? Oh, ikaw nga!’’ sabi niya. Hindi muna ako tumingin sa kanya. Kunwari ay hindi ko siya napansin. Umaasa ako na baka tigilan na niya ako kapag hindi ako sumagot eh, pero mali ako. Lumapit pa kasi siya lalo sa akin to confirm na ako nga talaga si Kathrina. Oh god, kainin na sana ako ng lupa. Please? ‘’Uy, Kathrina. Ako ito, si Louise. Remember? Yung naka-inuman mo? Maybe, two months ago?’’ sabi pa niya sa akin. Hello? Hindi nga kita kilala. Pwede ba? Umalis ka na lang kasi masasayang lang ang oras mo sa akin. Hindi naman kita kakausapin dahil may importante akong dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Malinaw naman na hindi ikaw iyon. ‘’A-Ah, sorry. Akala ko, iba ang kinakausap mo. Ako pala. Anyways, ang dami ko na kasing naka-inom for the past two months. Hindi ko na maalala kung sino ka roon. Sorry. Anyways, nice meeting you again,’’ sagot ko na lang, pinipigilan ko ang sarili kong tumingin sa mga mata niya dahil nahihiya nga ako. Hindi ko kasi talaga matandaan kung sino siya. ‘’Imposibleng hindi mo maalala iyon. ako nga, kahit matagal na iyon ay alala ko pa rin kung anong nangyari noong gabi na iyon eh. Actually, I’m trying to contact you pero hindi na kita-‘’ natigil ang kanyang pagsasalita nang sumagot bigla ako sa kanya. ‘’Ah, oo nga pala. May pupuntahan pa ako na importante. Maiwan muna kita dyan ah? Sorry but I have to go.’’ Kinuha ko ang Java Chip drink ko at ang bag ko. Dumeretso ako sa pintuan ng coffee shop. Nang makalabas na ako ay nagmadali akong pumunta sa kotse ko. Buti na lang, hindi na siya sumunod sa akin. Nakakainis! Ang bagal kasi noong client ko, e. Paano na ngayon? Ah, bahala na. sasabihin ko na lang na sa ibang lugar na lang kami mag-meet. Siguro, ayos lang naman sa kanya iyon dahil sobrang late na siya sa usapan namin ano? Mahiya naman siya. Ang oras ko ay gold!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD