Chapter 61

1079 Words
Benedict Since then, inom na ako nang inom. Wala na akong pake sa paligid ko. Hindi na rin kasi ako kinausap ni Aurora pagkatapos noon. Alam kong hindi ako sanay sa pag-inom pero dahil sa herat break ko kay Aurora ay nagawa ko ito. Habang ako ay busy na mag-inom, may nakita akong pamilyar na mukha sa di kalayuan. Hindi ko pa siya pinapansin noong una pero tinawag niya ako sa pangalan ko kaya napatingin ako sa kanya maigi. ‘’Oh, Benedict. Nandito ka pala. Anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba papagalitan ni Aurora dahil nandito ka?’’ bati at tanong niya sa akin. Wow. Ang lakas ng loob mong itanong sa akin iyan. Eh ikaw nga ang dahilan kung bakit ako nag-iinom ngayon. Dahil sa iyo, kahit nag-uumpisa pa lang kami pero mukhang maagang matatapos dahil lagi ka naming pinag-aawayan. Ay teka, bakit ka ba nandito? Eh di ba, nasa Mindoro ka? Kinalma ko ang aking sarili. Baka kasi mahalata niya na galit ako sa kanya. Ngumiti na lang ako noong lumapit siya sa akin. Ayos pa naman ako pero nakainom na kaya kaya ko pa naman siyang harapin. ‘’Oh, Ellion. Nandito ka pala. Kailan ka pa umuwi rito? Ah, okay naman sa kanya na uminom ako. Nagpaalam naman ako sa kanya,’’ pagsisinungaling ko pa. Ayaw ko naman kasing malaman niya na hindi pala kami okay ni Aurora. Baka mamaya niyan, agawin pa niya sa akin si Aurora eh. Lalo na ngayon na magka-away kami. Madali niya mapapa-oo si Aurora kapag nalaman niya na may away kami ngayon. Syempre ako, hindi ako papayag sa ganoon. Gusto ko, akin pa rin si Aurora kahit na anong mangyari. ‘’Noong isang araw lang. Ito, mag-iinom kami nina Jairus at heart broken siya kay Jhulia. Alam mo naman siguro iyon, hindi ba?’’ sagot naman niya sa akin. Yes, alam na alam ko iyan dahil iyan ang dahilan kung bakit narinig ko ang pangalan mo kay Aurora. Iyan din ang dahlian kung bakit ako nagpakalasing noon at nahalikan ko si Venus that time. Iyan din ang dahilan kung bakit nag-iinom ako ngayon. Naghiwalay kami ni Aurora dahil dyan. ‘’Ah, oo. Nasabi nga sa akin ni Aurora iyan. Akala ko, maaayos pa nila. Hindi na pala,’’ sabi ko. ‘’Ah, we are trying to talk with Jhulia naman about it. Feeling naman namin, magbabalikan silang dalawa. O, you can join us if you want. Mukhang wala ka namang kasama ngayon eh. Doon ka na umupo sa table namin para makapag-kwentuhan tayong dalawa,’’ sabi ni Ellion sa akin. ‘’Ah, huwag na. Nakakahiya naman. Okay na ako rito. Pauwi na rin naman ako kaya hindi na rin ako magtatagal dito sa bar. Salamat na lang ha?’’ sagot ko naman. Iyon na lang ang sinabi ko dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya kapag pinagpatuloy ko pa ang pakikipag-usap sa kanya. I know, I like to sound like we are okay pero hindi rin kasi talaga dahil feeling ko, anytime ay sasabog ako. Ayaw ko rin naman ng away kaya tatahimik na lang ako. ‘’Ah ganoon ba? Sige, sige. Wala namang problema iyon. basta, kapag gusto mo ng kausap ha? Nandoon lang kami sa kabilang table. Pwedeng-pwede mo kaming kausapin. Punta ka lang doon,’’ sabi ni Ellion, pagkatapos ay umalis na para pumunta sa table nila nina Jairus. Tumango na lang ako bilang tugon. Hindi ko na siya sinagot na dahil baka mainis lang kami sa isa’t isa. I’m trying to cool down dahil ayaw ko talaga sa presensya niya ngayon. Ilang minuto pa akong nag-inom doon. Di ko napansin na ang tagal ko na pala roon at medyo marami na rin akong nainom. Sa sobrang tagal kong uminom, nilapitan na ako ni Ellion. Dahil lasing na nga, medyo hindi ko na siya makita ng maayos. ‘’Oh, pare. Akala ko, uuwi ka na? Sabi mo kanina, uuwi ka rin agad after a few drinks. Napasarap yata ang inom mo ah,’’ sabi ni Ellion, dala-dala niya ang kanyang alak. ‘’Ah, oo nga eh. Alam mo na, nag-iisip isip lang tungkol sa mga bagay. Trabaho, lovelife. Family. Hindi ako pala-inom pero sa sobrang dami ng problema ko, napapainom na ako lagi,’’ natatawa pang kwento ko sa kanya. ‘’Ay, oo nga. Ako nga rin eh. Ang dami ko ring problema sa trabaho. Naiwan ko sa Mindoro. Ganyan siguro talaga kapag adult na. Hindi na biro ang problema, di ba? O, kamusta na pala kayo ni Aurora?’’ biglang tanong niya. At ito na nga. Sabi ko na eh, kakamustahin niya kami ni Aurora. Kahit ayaw kong sagutin iyon ay sinagot ko na. Ayaw ko naman kasing maging rude or whatever. ‘’Ah, tulad nga ng sinabi ko kanina, ayos naman kaming dalawa. Syempre, hindi mawawala yung tampuhan sa isang relasyon. Alam mo naman siguro iyan. Isa pa, kilala mo naman kung paano magalit si Aurora, di ba?’’ pagsisinungaling ko sa kanya. ‘’Ah, oo. Naiintindihan ko naman. Alam kong maaayos niyo pa iyan. Madali naman kausap iyon si Aurora. Lambingin mo lang ng konti at bibigay na rin sa iyo iyon. Maniwala ka sa akin,’’ sabi niya. Napatingin ako sa kanya dahil sa huli niyang sinabi sa akin. Hindi ba niya alam na may mga bagay na nagwo-work noon sa relasyon nila pero hindi na pwede sa amin? Well, alam ko naman na pinapayuhan niya lang ako dahil ex-boyfriend siya ni Aurora pero sana ay nirespeto naman niya ako kahit konti. Sana, hinayaan niya akong ayusin ito on my own. ‘’Ah, oo naman. Maaayos namin ito. Salamat sa sinabi mo kanina. Pasensya ka na pare ah, pero kailangan ko nang umalis eh, ha?’’ sagot ko na lang sa kanya.  Doon niya lang yata na-realize na medyo nasagasaan niya ang ego ko. Kitang-kita ko sa mukha niya na he felt sorry sa nasabi niya sa akin. ‘’Ay, sorry. Hindi ko sinasadyang sabihin iyon. Hayaan mo na lang yung sinabi ko ha? Sorry ulit,’’ sabi niya. ‘’Naku, ayos lang naman sa akin iyon. Sadyang kailangan ko lang talagang umalis na. Lasing na lasing na ako eh,’’ sagot ko at naglakad na palabas ng bar.  Inabot ko na lang sa waiter yung bayad ko sa lahat ng ininom ko. Ni wala na nga akong pakialam sa sukli sa akin sa sobrang pagmamadali ko. Ihahatid pa niya sana ako sa labas dahil sa sobrang kalasingan ko pero sabi ko, huwag na. Finally, nirespeto naman niya ako at hindi na sinundan pa.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD