Aurora Feliz
Nakadaan na ang ilang araw simula noong sinabi sa akin ni benedict na may hinalikan siyang babae. Simula noon, wala na akong tigil sa kakaisip kung bakit niya ginawa iyon. Iyak ako nang iyak kay Patricia dahil hindi pa rin kami okay ni Jhulia.
‘’Oh, umayos ka ng upo mo. Hindi naman pwedeng ganyan ka na lang palagi. Ano ka ba? Lalaki lang iyan. Kung niloko ka niya, eh di hindi siya para sa iyo. Iyon na iyon,’’ sabi ni Patrica sa akin.
Naiintindihan ko naman kung bakit galit na galit si Patricia kay Benedict. Syempre, niloko ako noong tao kaya ayaw talaga ni Patricia sa kanya. Kaso lang, ako itong tanga na gusto pang ayusin ang mga bagay-bagay sa amin. Hindi ko lang paano pero gusto ko pa rin ayusin. Bakit? Bago pa lang kasi kami, ayaw ko naman na mawala na lang iyon dahil sa isang pagkakamali.
‘’Hindi nga ganoon ang gusto ko, Patricia! Ang gusto ko, magkausap kami about it kasi ang aga pa para maghiwalay kami,’’ sabi ko.
‘’Ay, naku. Niloko ka na nga, pagbibigyan mo pa rin. Iba ka rin eh, no?’’ sagot ni Patricia sa akin.
Well, hindi naman kasi niya ako niloko. Sinabi niya sa akin ang totoo. Iyon nga lang, late. Siguro ay natatakot siya sa magiging reaksyon ko. Hindi niya siguro alam kung paano aaminin na nagkamali siya na hindi ako nasasaktan. Naiintindihan ko siya roon at para sa akin, hindi niya ako niloko. Sadyang masakit lang na may hinalikan siyang iba.
‘’Bahala na. Basta, mahalaga sa akin na magkausap kami. Sana. Sana ay kausapin pa niya ako,’’ sabi ko, medyo nakainom na ako nito.
‘’Kausapin eh ikaw nga yung umalis doon noong nag-uusap kayo, di ba? Loko ka talaga eh. Dyan ka na nga muna, natawag si Jhulia sa akin eh,’’ sabi ni Patricia.
Medyo nalungkot ako roon. Naisip ko, buti pa si Patricia tinatawagan niya. Eh samantalang dati naman, kapag may bago siyang balita tungkol sa buhay niya, ako agad ang nilalapita niya. Hindi naman sa ayaw kong kay Patricia siya magsabi. Ang akin lang, bakit ako, hindi niya sinasabihan sa mga bagay-bagay?
‘’Ha? Talaga? Ginawa niya iyon?’’ rinig ko na sabi ni Patricia kay Jhulia.
Siguro, si Jairus ang pinag-uusapan nila. Baka ayos na yung dalawa. Mabuti naman. Ito na lang relasyon ko kay Benedict ang aayusin ko. Sana naman, tulungan ako ng mga kaibigan ko rito kahit na may konti akong kagagahan na ginawa rito.
‘’Oh sige, sasabihin ko ito sa kanya ngayon. Kasama ko naman siya, eh. Salamat,’’ sabi ni Patricia.
Nagtaka naman ako kung ano iyon dahil mukhang seryosong usapan ito. Ako lang naman ang kasama ni Patricia kaya alam kong sa sarili kong ako yung tinutukoy niya sa tawag. Pagbaba ng tawag ay tinanong ko na agad siya kung tungkol saan iyon.
‘’Oh, anong sasabihin mo sa akin? May problema ba si Jhulia regarding me? Ako na naman baa ng may kasalanan?’’ tanong ko.
‘’Ay, grabe siya. Hindi naman siya galit sa iyo. Gusto niya lang sabihin sa iyo na umuwi si Ellion,’’ sagot ni Patricia sa akin.
What? What for? Akala ko ba ay okay na sila ni Kathrina? Bakit ngayon ay pupunta siya rito? Guguluhin na naman niya ba ang buhay ko? Hay, naku. He should stop his nonsense. Hindi na maganda for the both of us na mangialam sa mga bagay. Lalo na hindi ko naman siya pinapakialamanan sa mga desisyon niya sa buhay, ah?
‘’Oh, bakit pa siya umuwi? Guguluhin na naman niya ang buhay ko? Sabihin mo sa kanya, okay na ako. I’m happy with Benedict-‘’ natigil ang pagsasalita ko nang sumagot sa akin si Patricia.
‘’Ay, akala mo ba ikaw na lang lagi ang dahilan kung bakit siya uuwi rito? Gusto lang ni Jhulia na malaman mo kasi mukhang matatagalan si Ellion dito sa Manila this time. Ayaw naman kasi niya na mabigla ka or something. Baka kasi awayin mo si Ellion kapag nakita mo siya somewhere.
Medyo napahiya ako sa sagot ni Patricia sa akin ah? Nahiya ako sa sarili ko pero hindi ko na lang pinahalata. Mataray pa rin ang way ko ng pagsagot sa kanya para hindi niya ako tawanan o kung ano pa man. Kilala ko na ito eh, tahimik lang ito pero tinatawanan na ako silently.
‘’So, ano nga? Kung hindi dahil sa akin ang pagpunta niya, tungkol naman saan? Akala ko ba, nasa Mindoro na yung buhay niya at wala na siyang balak na bumalik pa rito? Iyon ang sabi niya ah?’’ sabi ko.
‘’Ah, bumalik daw siya rito pansamantala kasi tutulungan niya si Jairus na kunin ang loob muli ni Jhulia. Alam mo naman iyon sila, parang hindi makakagalaw. Nagulat nga rind aw si Jhulia nang makita niya si Ellion na kasama ni Jairus kanina, e.’’
Wow. Kailangan talaga na magkasama pa sila para lang matulungan niya si Jairus? Ibang klase din naman yung magkaibigan na iyon aba. Magkasama sa seryosong bagay at sa mga lokohan. Sana nga lang ay gumana ang plano nila. Sayang naman kasi ang uwi niya rito kung hindi niya maayos yung dalawa.
Kinamusta ko na lang sina Jhulia at Jairus sa kanya at pinakita kong wala akong paki kay Ellion kahit ang totoo naman ay panay tanong na ang meron dito sa utak ko. Hahayaan ko na lang, may kanya-kanya naman na kaming buhay ngayon, e.
‘’Eh, kamusta na pala yung dalawa? Okay na raw ba?’’ tanong ko kay Patricia.
‘’Ang sabi sa akin ni Jhulia, hindi pa raw niya pinapatawad talaga si Jairus. Kaya feeling ko, mahihirapan si Ellion na tulungan si Jairus, e. Mukhang matatagalan eh,’’ sagot naman ni Patricia sa akin.
‘’Ah, matatagalan? Eh sana, maayos na nga sila. Kahit naman ganoon kasi ang nangyari sa kanila, alam ko pa rin na mahal pa rin nila ang isa’t isa eh. Hindi katulad noong- Ay, wala pala. Nevermind,’’ sabi ko.
Gaano katagal kaya iyon? I mean, paano ko ba masasabi kay Benedict na dapat ay hindi siya magselos doon? Oras kasi na nagkita sila, mag-iisip na naman ng kung anu-ano si Benedict sa akin. Kaso, magka-away nga pala kami dahil sa babaeng hinalikan niya. Ay grabe. Ang gulo ng lovelife ko ah. Parang ayaw ko na. Ano na ang gagawin ko dito?