Ellion Jase
At nagsimula na nga ang usapan namin ni Tito. Ramdam siguro niya ang kaba ko. Halata naman yata kasi sa mukha ko na takot ako sa kung ano man ang sabihin niya sa akin ngayon. May pakiramdam kasi ako na para bang I failed him at some point.
‘’Oh, okay ka lang ba? Para kang nakakita ng multo ah. Bakit namumutla ka yata?’’ he asked me.
Tito naman kasi, ang seryoso niyo po kasi sa buhay. Try to smile a little bit naman po. Kinakabahan na ako eh. Parang anytime ay sasabog ka na hindi ko alam. Sorry na po sa nagawa ko sa anak niyo. Iyon naman po kasi ang totoo. Ayaw ko na po siyang lokohin o ano pa man.
‘’O-Okay naman po ako, Tito. Kayo po ba? Okay lang po ba kayo sa akin? I mean, di po ba kayo galit sa nangyari? Alam ko po galit kayo-‘’ natigil ang pagsasalita ko nang nagsalita na si Tito.
‘’Ah, iyon ba? Hindi naman ako nagalit sa iyo. Nalungkot lang ako kasi akala ko, magiging kayo ng anak ko. Akala ko, may tao na para sa anak ko. Hindi pala,’’ sagot ni Tito, nakahinga na akong maigi pagkatapos niyang sabihin iyon.
‘’Sorry po talaga, Tito. Tama naman po siguro yung ginawa ko, di ba? Para hindi na po siya masaktan pa. Ang hirap naman po kasi na lokohin ko po kayong lahat sa nararamdaman ko. Mabubuti po kayo sa akin at hindi niyo po deserve iyon, Tito,’’ sabi ko.
‘’Oo. Tama nga ang ginawa mo. Hindi mo na pinatagal pa ang pagsabi ng totoo. Dahil doon, mas magtitiwala ako sa iyo bilang kaibigan ng anak ko. Okay?’’ nakangiti nang sabi ni Tito sa akin.
Dahil sa sinabing iyon ni Tito. Nabunot na yung tinik na gusto kong mawala na. nakangiti na rin ako sa wakas. Pagkatapos noon ay nakainom na ako ng tea. Napakalma ako noong ininom namin iyon. Nang makabawi na ako ay saka ako nagsalita.
‘’Salamat po, tito. Alam ko po na darating yung araw na makikilala ni Kathrina kung sino po yung lalaki para sa kanya. Sobrang deserve niya po na mahalin kasi ang buti po ng puso ng anak niyo,’’ nakangiti kong sabi kay Tito.
‘’Ah, oo naman. Mana sa amin iyan ng Mommy niya. Grabe magmahal. Alam kong darating din ang lalaki para sa kanya. Sayang lang kasi akala ko, ikaw na iyon eh,’’ sabi ni Tito sa akin, pagkatapos noon ay ngumiti sa akin pero sad ang smile niya.
‘’Thank you Tito ha? Hindi ka nagalit sa akin. Hindi nag-iba ang tingin mo sa akin. Akala ko kasi, sobrang magagalit ka eh,’’ pag-amin ko na sa kanya, para mawala na rin ang tensyon sa puso ko.
‘’Huwag ka sa aking magpasalamat, kay Kathrina dapat. Alam mo ba, noong araw na sinabi mo sa kanya iyon ay nagalit talaga ako sa iyo? Pero, kinausap niya ako. Sinabi niya ang side niya about this,’’ sabi ni Tito.
Noong sinabi niya sa akin na nagalit pala talaga siya sa akin ay bumalik na naman ang takot ko. Parang gusto ko na lang na magpakain sa lupa after he said that. Sana pala ay hindi ko na sinabi iyon, kaso wala na eh. Nandito na tayo ngayon kaya wala na akong magagwa pa.
‘’Tito, ano po bang sinabi niya sa inyo? Kung pwede lang naman po malaman,’’ sabi ko.
‘’Ah, sinabi niya sa akin na hindi ako dapat magalit sa iyo kasi sinabi mo lang naman ang totoo. Tama rin siya na kung pinatagal mo pa ito bago tuluyang sabihin sa amin ay mas lalong sasama ang loob namin sa iyo,’’ kwento ni Tito.
‘’Sorry po talaga, Tito. Hindi ko po sinasadya ang lahat,’’ sagot ko.
Hindi ako makatingin ng deretso kay Tito dahil nahihiya pa rin ako sa nagawa ko kay Kathrina. Nakakahiya sa part ko na si Kathrina pa ang nagtanggol sa akin eh siya na nga itong nasaktan ko. Hay, naku Ellion. Ano ba kasing meron sa puso mo at ayaw mong subukang buksan para kay Kathrina?
‘’Ano ka ba? Ayos lang iyon, ano. Maigi nga iyon dahil naging totoo ka sa amin. Mas magaan sa loob namin na tanggapin kasi naging totoo ka sa amin,’’ sagot naman ni Tito sa akin.
Doon ko na-realize na minsan, tama rin pala ng payo at desisyon si Jairus. Kailangan ko siyang pasalamatan kapag nasa Manila na ako. I think, I really need to help him sa problema niya kay jhulia dahil tinulungan niya naman ako sa problema ko kay Kathrina eh. I have to give it back.
‘’Hayaan niyo po, Tito. Babawi po ako sa inyo ni Kathrina dahil babalik naman po ako rito. May kailangan lang po akong ayusin sa Manila pero babalik po ako rito sa Mindoro. Hindi ko nga lang po alam kung kailan iyon,’’ paalam ko sa kanya, ngumiti naman siya pagkatapos noon.
‘’Oo nga, nasabi nga sa akin ni Kathrina na aalis ka nga raw pansamantala rito sa Mindoro. O, ingatan mo ang sarili mo doon ha? Salamat dahil nagpaalam ka ng maayos sa akin. Sa amin ni Kathrina,’’ sagot niya naman.
‘’Oo nga po, Tito eh. Hindi na tayo nakapag-inom. Akala ko, alak ang iinumin natin ngayon. Tea pala,’’ biro ko sa kanya, para mawala na ang kaba sa dibdib ko.
Natawa naman siya dahil sa sinabi ko. Ilang segundo pa ay nagsalita na siya.
‘’Ah, iyon ba? Tea ang pinahanda ko para kumalma ka. Alam ko kasing may dinadala kang mabigat kanina. Hayaaan mo, pagbalik mo na lang dito sa Mindoro ay iinom na talaga tayo, ha?’’ sabi ni Tito.
‘’Sure na po ba iyan, Tito? Kasi kung sure na po iyan ay magdadala ako next time kapag pumunta na ako rito,’’ sabi ko.
Noong sinabi ko iyon, alam ko naman sa sarili ko na totoo ako sa nararamdaman ko. Gusto ko talagang bumawi. This time, alam na nila kung ano ang tunay kong intension at iyon ay ang maging mabuting kaibigan kay Kathrina.
‘’Oo naman, sure na iyon. Iinom at iinom pa rin tayo kahit ganoon na ang nangyari sa inyo ng anak ko. At least, magkaibigan pa rin kayo. Magkaibigan pa rin tayo,’’ sagot ni Tito.
Sobrang saya ko noong narinig ko iyon from him. Sa totoo niyan, gusto ko siyang yakapin noon pero hindi ko naman magawa dahil parang ang gay tingnan. Ngumiti na lang ako at ininom ko yung natitirang tea sa cup ko.
Pagkatapos noon ay nagpaalam na ako sa kanya. Sinabi naman niya sa akin na magpaalam din ako kay Kathrina kaya iyon ang ginawa ko.
‘’Salamat po talaga, Tito. I will be back. Soon,’’ sabi ko pagkatapos ay pinuntahan ko na si Tita at si Kathrina.
Naiwan ko si Tito sa may garden. Iniinom pa kasi niya yung tea niya at nagmumuni-muni pa siya. Pagpasok ko sa loob ay ngumiti sa akin si Tita at kinamusta niya ako. Sinabi niya sa akin na nasa loob ng kwarto si Kathrina.
Agad akong pumasok sa kwarto ni Kathrina at nagpaalam na rin ako sa kanya nang maayos. Sabi niya sa akin, pupunta na lang daw siya sa bahay namin para surpresahin si Mama roon. Pumayag naman ako. Kita ko sa mga mata niya na masaya siya. Kwinento ko rin kasi na naging maayos naman ang usapan namin ng Daddy niya. Akala rin niya ay mag-aaway kami o kung ano man. Buti na lang daw eh hindi.