Ellion Jase
Dahil nga pinangako ko na makikipag-inuman ako kay Tito bago ako umalis ng Mindoro eh nag-aayos ako ngayon dahil pupunta ako sa bahay nina Kathrina. Noong una ay doon sana kami sa restaurant kung saan kami nagkita ni Kathrina pero sinabi ni Tito na sa bahay na lang nila, masunurin naman ako kaya doon ako pupunta ngayon.
Habang nakain si Mama at Minnie ay nagpaalam na ako sa kanila. Ayaw ko namang mahuli sa usapan namin. Nakakahiya na masyado. Hindi ko na nga kayang mahalin ang anak niya pabalik, tapos late pa ako.
‘’Mama, alis na po ako ha? Minnie, ikaw na ang bahala kay Mama, ah? Babalik na lang ako mamaya,’’ sabi ko.
‘’Ingat ka, anak. Hindi ka ba kakain muna? Ang aga pa naman, ah. Kain ka muna,’’ yaya sa akin ni Mama.
‘’Hindi na po, Mama. May oras po kasi ang usapan namin ni Tito eh ayaw ko naman pong ma-late. Sige na po, kumain na po kayo dyan. Aalis na po ako,’’ sabi ko sa kanila.
‘’Ingat ka, Kuya. Ingat ka sa parents ni Kathrina,’’ asar naman sa akin ni Minnie.
‘’Loko ka. Bantayan mo si Mama rito,’’ sagot ko, natatawa sa kanya at lumabas na ng bahay.
Pagsakay ko sa kotse ay talagang kinabahan na ako. Hindi ko kasi alam kung galit ba sa akin si Tito, wala naman kasing sinabi sa akin si Kathrina eh. Basta ang sabi, doon na lang daw sa kanila magkita. Pinagdadasal ko talaga na sana ay hindi galit iyon kasi grabe rin naman ang respeto ko sa kanya.
Nang malapit na ako sa bahay nina Kathrina ay bigla naman siyang tumawag sa akin. I answered it while driving. Nakalagay naman kasi yung cellphone sa may harapan ng kotse ko eh.
‘’Ellion, malapit ka na ba sa bahay namin? Hinihintay ka na ni Daddy, e. Pasensya ka na ha? Hanggang sa huli ay pine-pressure ka pa rin ni Daddy. Nakakainis,’’ sabi ni Kathrina sa kabilang linya.
‘’Oo naman, malapit na ako. Ano ka ba? Ayos lang naman sa akin iyon. Siguro ayaw lang ng late ng Daddy mo kaya niya pinapatanong sa iyo kung nasaan na ako. O siya, sige. Punta na ako dyan. Hintayin mo ako,’’ sabi ko sa kanya.
‘’Okay. I’ll wait you here po. Thank you,’’ sagot naman niya sabay baba na ng tawag.
Ilang minuto pa ay dumating na nga ako sa bahay nila. Pinagbuksan ako ni Ate Violy pero ramdam ko na medyo inis siya sa akin. Mukhang alam na niya ang sinabi ko kay Kathrina noong nagkita kami sa restaurant. Sorry po, Ate Violy. Ayaw ko naman po kasing lokohin ang alaga niyo at ang sarili ko kaya sinabi ko po ang totoong nararamdaman ko.
‘’Ate Violy, nasaan na po si Kathrina at Tito? Pasabi naman po na nandito na ako. Salamat po,’’ sabi ko pagkatapos ay umupo sa sofa.
‘’O, sige. Hintayin mo sila dyan at pababa na sila,’’ sabi niya lang sa akin at bumalik na sa kusina.
Nakaka-guilty na wala man lang akong dala para sa kanila pero naisip ko rin naman na mas maigi nga na hindi na rin ako magdala ng kung ano dahil baka kung ano na naman ang isipin nila sa akin. Baka magbigay na naman ng kakaibang kahulugan yung kabaitan ko eh.
Ilang minuto pa ay bumaba na nga sina Kathrina at Tito. Ngumiti ako sa kanila kahit na nahihiya ako. Ngumiti naman pabalik si Kathrina sa akin pero si Tito, hindi. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o ano. Tahimik lang tuloy ako.
Hinatid kami ni Kathrina sa garden nila sa bahay. May isang table roon na wooden at dalawang upuan na kulay puti. Umupo kaming dalawa ni Tito doon. Bago umalis si Kathrina ay may pinasuyo si Tito sa kanya.
‘’Pakisabi kay Ate Violy yung tea pakidala na rito, ha? Salamat, anak.’’
‘’Okay, Daddy. Sasabihin ko po kay Ate Violy,’’ sagot naman ni Kathrina sa kanya.
‘’Okay, anak. You may now go back to your room,’’ sabi ni Tito kay Kathrina.
‘’Dad, can I say something before I go back to my room?’’ biglang sabi ni Kathrina, kinabahan naman ako ng konti doon.
‘’What is it, my dear princess?’’ tanong ni Tito, ang itsura niya ay puno ng pagtataka sa kanyang anak.
‘’Dad, dahan-dahan naman kay Ellion. Okay? Don’t pressure him when you talk. Hindi siya sanay sa ganoon. I don’t like him to be sacred or whatever,’’ sabi niya. Nagulat naman ako.
‘’Okay. I will be gentle, my princess. Don’t worry about it,’’ sagot naman ni Tito, seryoso pa rin siya noon.
‘’Kathrina, ayos lang naman. I mean, when guys talk ay ganoon talaga. Kilala ko naman na kung paano makipag-usap si Tito sa mga tao kaya I can say that I can handle it na,’’ sabi ko pagkatapos ay ngumiti ako sa kanya.
Kita siguro niya ang kaba sa aking mga mata. Hindi ko lang masabi pero thankful ako na kahit nasaktan ko na siya ng todo ay iniisip pa rin niya ang kalagayan ko. Masasabi kong mahal niya talaga ako.
‘’Hindi. Kailangan din naman malaman ni Daddy na hindi na okay ang ginagawa niyang pag-pressure. Hayaan mo, hindi ka naman niya papagalitan o ano pa man. Kapag ginawa niya iyon, ako na ang magagalit sa kanya,’’ sabi naman ni Kathrina, natatawa siya pero pigil na pigil dahil nakatingin si Tito sa kanya.
‘’Grabe ka sa akin anak ah. Oh sige na, pumasok ka na sa loob ng kwarto mo ha? Kami na ang bahala ni Ellion dito. Don’t worry about us. Hindi kami mag-aaway na dalawa para sa iyo,’’ sabi ni Tito sa kanya.
‘’Sabi mo iyan, Daddy. Pasok na po ako sa loob,’’ sabi ni Kathrina pagkatapos ay tuluyan na nga siyang pumasok sa loob ng kwarto niya.
Ilang minuto pa ay dumating na nga yung tea namin. Dala-dala ito ni ate Violy. Gusto ko sanang tanungin si Tito kung bakit tea ang iinumin namin at hindi alak, kaso hindi ko na tinuloy dahil nahihiya na talaga ako sa kanya. Ayos na itong pumayag siya na makipag-usap sa akin. Hindi na dapat pang humiling ng mas higit dito dahil nasaktan ko na ang anak niya.