Aurora Feliz
Ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin kami nagkikita ni Benedict. Panay texts lang siya sa akin, hindi ko alam kung anong nangyari dahil lasing ako noong huli kaming nagksama. Basta ang sabi lang sa akin ni Mama noon, hinatid lang ako ni Benedict sa bahay namin pagkatapos ay umalis na.
Hindi na ako makali kaya tinawagan ko na siya. I asked kung pwede ba kaming magkitang dalawa. Noong una ay ayaw niyang pumayag pero pinilit ko siya. Kinakabahan na tuloy ako sa kung ano ang problema nitong lalaking ito. Hindi naman ganito ito noong una eh.
‘’Babe, are we okay? Aba, ilang araw mo na akong hindi pinupuntahan sa office, ah? May problema ka ba sa akin? Kung meron, pag-usapan naman natin, hindi ko kasi alam kung ano na ang nangyari simula noong uminom ako sa condo ni Jhulia eh,’’ paliwanag ko sa kanya.
‘’Yeah, okay naman tayo ah? Bakit parang problemado ka dyan? Stop thinking about things. Ayos naman tayo, e. Busy lang tayo kaya hindi kita mapuntahan dyan,’’ sagot naman niya sa akin.
Kahit iyon pa ang sinabi niya sa akin ay hindi ako naniwala. Sa ilang buwan na magkasama kami, hindi naman ganoon si Benedict sa akin eh. Kahit gaano ka-busy na tao ito, pipiliin pa rin niya na makasama ako. Kaya hindi ako naniniwala na bussy lang siya kaya hindi niya ako mapuntahan sa office ko.
Kahit alam kong he will say no to me, I really tried hard to ask for his time. I think, we need to discuss things kahit na masasaktan kami parehas. Paano naman kasi, hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali sa relasyon naming ito. Baka may nasabi ako or nasabi ko si Ellion noon. Hindi ko na matandaan, e. I have to know.
‘’Anong okay ka dyan? I know you. Hindi ka naman ganyan sa akin eh. Is there something bothering you? Please,tell me naman. You are my boyfriend. You are supposed to tell me everything I need to know para maayos natin itong relasyon natin. Tama ba ako?’’ I told him.
‘’Yeah, pero wala naman kasi talagang problema sa atin ngayon eh. Sadyang busy lang, pero sige. Para hindi ka na mag-isip pa sa mga bagay. Magkikita tayo after office hours, okay? Susunduin kita dyan. Don’t worry,’’ sabi niya.
Ramdam na ramdam ko na ayaw niya talagang makipag-usap sa akin. Ang sakit para sa akin noon dahil girlfriend niya ako pero ramdam ko na ayaw niyang i-open sa akin ang mga bagay. So, ano lang ako rito? Wala lang?
Gusto kong magdrama sa kanya pero hindi ko magawa. Hindi naman kasi siya sanay sa ganung attitude ko and noong nag ganoon ako, nag-away lang kami kaya ayaw ko na sanang maulit iyon. Mananahimik na lang ako at maghihintay sa kanyang paliwanag. Alam ko naman na ibibigay niya sa akin iyon dahil ayaw niya akong mahirapan, e. and I think, dapat eh ganoon naman talaga.
‘’Okay. Hihintayin kita ha. Sabi mo iyan,’’ sabi ko na lang sa kanya.
Inagahan ko ang pagkilos sa office dahil I’m really looking forward sa mangyayari mamaya. Nagtataka nga ang mga kasama ko sa work. Bakit daw ako nagmamabilis eh mamaya pa raw ang uwian. Hindi ko na lang sila sinagot dahil gusto kong focused ako sa usapan namin ni Benedict mamaya.
Nang malapit na ang uwian. Inayos ko na ang sarili ko. Habang nasa comfort room ay nakita ako ng isa sa mga ka-trabaho ko. Si Kristelle. She asked me kung ano nga ba ang meron sa araw na ito at parang kabado ako na takot o ano.
‘’Are you okay, Aurie? Parang may problema ka ah? Isa pa, ang aga mong uuwi ngayon. Anong meron?’’ she asked me while having her make up.
‘’Ah, eh wala naman. Huwag kang mag-alala, wala lang ito. I just have to meet someone to discuss something. I hope it will go well,’’ sagot ko naman.
‘’Well, kung ano man iyan. I hope maayos mo. Feeling ko, kinakabahan ka na problematic as well eh. Huminga ka ah. Huwag mong kakalimutan ah, mahalaga iyon,’’ sabi ni Kristelle sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon at tumango. Doon ko lang nana-realize na pansin na pansin pala ang pag-aalala ko. Pagkalabas niya ng comfort room ay iyon nga ang ginawa ko. Huminga ako nang malalim pagkatapos ay lumabas na mula roon. Habang naglalakad papunta sa parking lot ay bigla namang tumawag sa akin si Benedict.
‘’O, nandito na ako ha? Baka sabihin mo, hindi ako sumipot, e. Nasaan ka na? May inaayos ka pa bas a office?’’ tanong niya sa akin.
‘’Wala naman na. Ito nga, papunta na akong parking lot. Wait for me there na lang,’’ sabi ko naman.
‘’Sure. Basta, nandito na ako,’’ sabi niya at pinatay niya ang tawag.
Aba, may kakaiba talaga sa lalaking ito ngayon ah? Ano bang meron? Daig pa niya ako, ah. May menstrual period ba siya at ganoon siya makipag-usap sa akin? Wala man lang I love you eh. Dati naman, hindi nawawalan. Ano kaya ang nangyari dito? Imposible namang may iba ito. Hindi naman ganoon si Benedict, e. Saka, bago pa lang kami. Imposibleng may nakita agad siya na ipapalit sa akin. Ang bilis naman?
Nang makita ko na siya sa parking lot ay binalak ko na yakapin siya. Kaso, nagulat ako nang buksan niya ang pinto para sa akin at sinabihan niya ako na pumasok na raw ako sa loob. Aba, may kakaiba talaga sa lalaking ito at kailangan kong malaman kung ano iyon. Nag-iinit na ang ulo ko pero pinigilan ko ang sarili ko dahil gusto ko siyang intindihin. Baka kasi ako na ang may problema at hindi siya.
Pumasok na lang ako sa kotse para wala nang issue. Aba, tahimik lang kami buong byahe. Ni hindi niya nga ako tinanong kung kamusta na ang araw ko eh. Doon ko na naisip na talagang may problema siya sa akin at hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman kung ano iyon.
Pagdating namin sa restaurant ay tahimik kaming umupo. He ordered food for us both. Napansin niya yata na seryoso na ang mukha ko at hindi na ako nagsasalita kaya he asked me about my behavior. Wow, siya pwedeng magtanong. Samantalang ako, hindi? Iba talaga siya ngayon, ah.
‘’Oh, bakit ganyan ang mukha mo ngayon? May problema ka pa rin ba sa akin? Kasama mo na ako ngayon ah, ano pang problema mo?’’ he asked me.
Wow. Talagang nanlalaban na siya sa akin ngayon. Dati naman, hindi siya ganito sumagot sa akin eh. May iba talaga sa kilos at pananalita niya, promise. Sobrang sakit kaya para sa akin, hindi naman siya ganito eh.
Dahil doon ay sumabog na ako. Bahala na kung magalit siya sa akin. Ang importante, masabi ko na sa kanya kung anong problema namin sa isa’t isa. Hindi kasi ito matatapos kapag walang naunang nagsalita sa amin, e. Bahala na talaga kung mag-away kaming dalawa. Siya naman kasi ang nauna eh. Bigla siyang nagbago after that night. Ano ba kasi ang nangyari o ginawa ko noon para magalit siya nang ganito sa akin, ha?
‘’Ikaw, ikaw ang problema ko eh. Bakit bigla kang nagbago? Hindi naman kita inaway ah? Ano bang problema mo? At saka, anong nangyari at pagkatapos noong inuman namin ni Jhulia eh nagbago ka na sa akin?’’ sabi ko na, hindi na nakapagpigil.
‘’Nagbago? Di ba, sinabi ko na nga sa iyo na busy ako nitong mga nakaraang araw? Ano ka ba naman? Bakit paulit-ulit ka ng tanong?’’ pilit pa rin niyang sagot sa akin.
‘’Kilala kita. Alam natin pareho na hindi iyan ang ugali mo towards me. Iba eh. Hindi ko alam kung may galit ka sa akin kasi noong huling pagkikita naman natin, hindi tayo nag-away. Anong problema mo? May nasabi ba ako noong lasing ako? Sabihin mo naman, para alam-‘’ natigilan ako sa pagsasalita nang biglang sumagot si Benedict sa akin.
‘’Yes, something happened. Alam mo ba na ilang beses na sinabi moa ng pangalan ni Ellion? Aurie, ang sakit-sakit sa akin na marinig iyon. Kaya napagpasyahan ko na lumayo muna kasi hindi ko na alam sa iyo kung mahal mo ba talaga ako o hindi. Gusto kong maniwala na oo, mahal mo ako pero iba ang nakita ko sa iyo noong lasing ka,’’ naiiyak na sagot niya sa akin.
I became speechless that time. Hindi ko alam kung kailangan ko pa bang sumagot o hindi na. Doon pa lang sa sinabi niya, talo na ako eh. Mukhang hindi ko na kailangan ipaliwanag pa ang sarili ko kasi magmumukha lang akong tanga kapag ginawa ko iyon.
Nanahimik lang ako pagkatapos noon. Iniisip ko, ginawa ko ba talaga iyon? Well, posible kasi siya dahil noong gabi na iyon ay nabasa ko yung post ni Kathrina sa social media tungkol kay Ellion. Iyon siguro ang nag-trigger sa akin para patuloy na tawagin ang pangalan ng ex-boyfriend ko.
Gusto kong maiyak pero hindi ko naman magawa dahil madami ang nasa paligid. Lalo akong magmumukhang tanga noon at isa pa, sigurado akong ayaw ni Benedict na gawin ko iyon. ilang minuto pa ay dumating na yung pagkain na inorder niya para sa amin.
Sa totoo lang, kahit na ang sarap naman noong pagkain namin ay hindi ko na-enjoy dahil iniisip ko pa rin yung kasalanan na ginawa ko sa kanya. Paano pa ako makakabawi? Eh pangalawa na naming away ito tungkol kay Ellion.
Pagkatapos naming kumain ay may sasabihin sana ako sa kanya pero nauna siyang magsalita kaysa sa akin. I wasn’’t ready for this. Sobrang nagulat ako sa sinabi niya sa akin.
‘’Hmm, Aurora. M-May kasalanan din pala ako sa iyo kaya hindi ako nakikipagkita noong mga nakaraang araw. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa iyo ang nangyari noong gabi na nalasing ka,’’ sabi niya, ramdam kong pahina na nang pahina ang boses niya eh.
‘’Ha? Anong kasalanan mo sa akin eh ako nga ang may kasalanan sa iyo, di ba? Anong pinagsasabi mo dyan ngayon?’’ tanong ko, gulong-gulo sa sinabi niya.
‘’Ano kasi-‘’ natigil ang pagsasalita niya nang sumagot ako.
‘’Ah, kasi nagalit ka sa akin? Ano ka ba? Ayos lang naman na magalit ka sa akin kasi kagalit-galit naman talaga yung ginawa ko. Hindi mo kailangan mag-sorry at hindi kasalanan na magalit ka sa akin. Deserve ko iyon kasi sinasabi ko pa rin ang pangalan niya kahit na break na kami. I understand. Nasaktan ka lang,’’ sabi ko.
‘’H-Hindi, makinig ka muna sa akin. It is not about you whispering his name. it’s about me,’’ sabi niya, unti-unting bumaba ang boses niya, to the point na hindi ko na siya marinig.
Ano naman kaya yung sinasabi niyang ginawa niya na kasalanan? It’s not about me, it’s about him? Hala, ano kaya iyon?
‘’Ano ba ang kasalanan mo? Sige nga, sabihin mo sa akin para matingnan natin kung kasalanan ba talaga iyan,’’ sabi ko pa.
Ang hindi ko alam, lubos na masasaktan pala ako sa magiging sagot niya sa akin. As I’ve said earlier, hindi nga ako prepared sa mga sagot niya. Hindi ko akalain na magagawa niya iyon dahil kitang-kita ko naman na mahal niya ako eh.
‘’Pumunta ako sa isang bar noong gabi na nalasing ka. I was drunk. Nilasing ko rin ang sarili ko dahil nga masakit ang puso ko nang mga panahon na iyon,’’ panimulang kwento niya sa akin.
Doon ko na-realize na talagang masakit para sa kanya ang nagawa ko dahil hindi naman niya ugali ang mag-inom sa mga bar eh. Hindi siya ganoon. The fact na pumunta na siya roon para maalis yung pain, ibigsabihin ay iba na ang sakit iyon.
‘’And then, I met Venus. Dati kong ka-klase. She’s flirting with me pero hindi ko siya pinatulan,’’ sabi niya, I cut him off.
‘’Oh, hindi mo naman pala pinatulan eh. Anong problema mo ngayon? Anong kasalanan mo ngayon? Wala-‘’ naputol din ang pagsasalita ko dahil sumagot agad siya noon.
‘’Meron. Meron akong kasalanan. May nambastos sa kanya noong gabi na iyon. I rescued her. Kahit nilandi niya ako sa bar na iyon ay pinili ko pa rin na tulungan siya because after all, babae pa rin siya. Dapat protektahan,’’ sabi niya sa akin.
Napangiti naman ako dahil ang bait niya sa part na iyon. Ibigsabihin, napakabait niya para protektahan ang babaeng iyon kahit na hindi naman niya ito girlfriend.
‘’Oh, ayos nga iyon eh. Tinulungan mo siya. Ano ka ba? Hindi ako magagalit kung tama naman yung ginawa mo, ano? Babe, ayos lang-‘’ natigil na naman ako sa pagsasalita nang sumagot siya.
‘’No. I kissed her, babe. Hinatid ko siya sa kanila noon pagkatapos hinalikan niya ako. I’m sorry that I kissed back. Alam ko na hindi ko dapat ginawa iyon pero sobrang shitty na ng nararamdaman ko noon at isa pa, nakainom ako noong mga oras na iyon. I’m sorry, I really am,’’ sabi niya.
Nang marinig ko iyon ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Ang sakit. Ngayon lang kasi ako nakaranas nang ganoon. Alam kong mali na ikumpara sila sa isa’t isa pero sa sobrang sakit noong ginawa niya ay nagawa ko na. Kahit naman kasi lasing si Ellion noon ay hindi naman siya nahalik sa kahit na sinong babae.
Kahit sinabi sa akin ni Benedict na hindi niya sinasadya iyon, masakit pa rin. Paano kung hindi lang iyon ang nangyari sa kanila? Paano kung higit pa roon? Galit na galit ako sa kanya. Sa sobrang galit ko, umalis na lang ako mag-isa sa restaurant. I took a cab and left him there alone.