Chapter 56

2146 Words
Ellion Jase Tahimik ko siyang hinintay sa labas ng kanyang office. Nang lumabas na siya ay agad kong binuksan ang pintuan ng kotse ko. She smiled at me at pumasok na siya sa loob pagkatapos noon. Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Ang tahimik kaya nagsalita na ako. ‘’Tahimik ka ah, anong meron? May problema ba?’’ tanong ko. ‘’Tahimik? Ikaw din kaya. Ginagaya lang kita. Ano? May problema ka ba?’’ sagot sagot naman niya sa akin. ’Ah, wala naman. O, iyan na. malapit na tayo. Ready ka na ba?’’ tanong ko ulit. ‘’Yeah. I’m ready. Ako pa ba? Tara na,’’ yaya niya sa akin nang makita niya na inaayos ko na ang pag-park ko sa kotse ko. Pagpasok namin sa restaurant ay gulat na gulat siya dahil sa taas kami dinala ng waiter. Nagtataka siguro siya kung bakit dito pa sa taas eh pwede naman doon sa baba. Pagtaas namin, lalo siyang nagulat sa set up na hinanda ng mga tao sa restaurant. Masaya naman akong makita na masaya siya. ‘’Hey, anong meron? Bakit may ganito pa? I mean, ang daming kung anu-ano ah. Pwede naman tayo sa simple lang, doon sa baba,’’ sabi niya pagka-upo namin doon. Tumingin siya sa paligid niya at taking-taka pa rin kung anong meron sa araw na ito. Sobrang lungkot ko pero kailangan kong ipakita na masaya ako para hindi niya isipin na may problema between the two of us. ‘’Wala naman. I just want to treat you into something nice. Hindi ba pwede iyon? I mean, ayaw mo ba?’’ tanong ko naman sa kanya. ‘’Ah, ganoon ba? Well, ano bang pag-uusapan natin? Sabi mo sa akin, may sasabihin ka, di ba? Sabihin mo na,’’ sabi niya sa akin. ‘’Naku, bago ko sabihin iyon ay kumain muna tayo. Okay? Alam kong pagod ka sa trabaho. Ako rin kaya deserve natin ang kumain ng marami,’’ sagot ko naman. Alam kong masakit itong sasabihin ko kaya kailangan namin ng lakas bago namin pag-usapan ang lahat. Ramdam ko rin na kabado siya. Siguro ay may ideya na siya sa sasabihin ko o naiisip na niya na masasaktan siya kapag may sinabi na ako ngayon. ‘’O, ano bang pag-uusapan natin? Ikaw ah, talagang sa ganito mo pa ako dinala. Bahala ka, baka isipin ko niyan ay nililigawan mo na ako ah?’’ biro niya sa akin, natahimik naman ako dahil doon. Napansin ko naman na nag-iba ang itsura niya pagkatapos niyang sabihin iyon. Parehas naman kami eh, hindi ko akalain na sasabihin niya iyon sa akin. Pansin niya yatang nag-iba ang itsura ko noong sinabi niya sa akin. I tried to bring it back to normal para hindi naman nakakahiya sa kanya. ‘’Bago natin pag-usapan ang relasyon natin sa isa’t isa. Gusto ko sanang magpaalam nang maayos sa iyo dahil kaibigan kita rito sa Mindoro. Okay? I mean, ikaw talaga ang unang dapat na makaalam nito kaysa ibang tao,’’ sabi ko. Kita ko naman na parang nasaktan siya roon sa sinabi ko pero mabilis na nag-iba ang kanyang aura. Siguro eh dahil ayaw niyang makita ko na malungkot siya. Ngumiti na lang ako sa kanya pagkatapos noong sinabi ko. ‘’O, ano ba iyon? Anong kailangan kong malaman na ako pa talaga ang unang dapat na makaalam?’’ tanong niya sa akin habang nakangiti siya. ‘’Kailangan kong bumalik sa Manila. May aasikasuhin lang ako roon pero sa tingin ko ay matatagalan ako kaya I treated you here sa restaurant na ito. Baka kasi hindi ko muna magagawa iyon nang matagal na panahon,’’ sagot ko. Halata kong parang nadurog ang puso niya pero mabilis ding nawala iyon dahil tumango na lang siya sa akin at ngumiti. Magsasalita ulit sana ako pero nauna na siya. ‘’O, bakit kailangan mo pang ipagpaalam sa akin? Saka, anong aasikasuhin mo doon? Si Aurora ba? Nagkabalikan na kayo?’’ sunud-sunod na tanong niya sa akin. ‘’Ano ba namang mga tanong iyan? Hindi ah, may kailangan lang akong asikasuhin. Ito kasing si Jairus, gusto niya na tulungan ko siya sa pakikipagbalikan niya kay Jhulia. Ayaw ko noong una pero mapilit si Jairus eh. Kailangan ko tuloy umuwi pabalik sa Manila,’’ sagot ko naman sa kanya. ‘’Ha? Nagkahiwalay sila? Kailan pa?’’ tanong niya sa akin, gulat na gulat siya. ‘’Naku, noong isang araw lang. kaya nga itong si Jairus ay nagmamadali eh. Baka daw kasi bigla na lang siyang iwanan ni Jhulia,’’ sabi ko, natawa pa dahil sa mga kalokohan ng mga kaibigan ko. ‘’Ah, kaya pala ganoon ang mga post ni Jhulia noong mga nakaraang araw. Parang broken hearted,’’ sabi naman niya. Sasabihin ko na sana yung tungkol sa post niya about sa akin pero hindi ko agad nasabi iyon kasi nagsalita agad siya. ‘’Paano pala iyan? Eh ang sabi sa akin ni Daddy kanina eh excited na raw siyang uminom kasama ka. Kayong dalawa lang daw ang iinom, ah? Anong sasabihin ko sa kanya?’’ tanong niya sa akin. Nang maalala ko si Tito ay parang umurong ang lahat ng plano ko. Oo nga pala, nangako ako kay Tito na mag-iinom kaming dalawa. Babawiin ko n asana ang lahat ng sasdabihin ko para hindi na masaktan pa si Tito pero naalala ko yung sinabi sa akin ni Jairus noong isang gabi. ‘’Sabihin mo pa rin kahit na makakasakit ka. At least, sinabi mo ang totoo. Tingnan mo ako, nahuli ako ni Jhulia na nambabae ako. Hindi ko na tinanggi dahil alam ko naman na mas masasaktan ko siya kapag ginawa ko pa iyon.’’ ‘’Ano ka ba, pare? Kapag pinatagal mo pa iyan at hindi sinabi sa kanila, iisipin na nila na matagal mo na silang niloloko. Ayaw mo naman siguro na mangyari iyon, di ba?’’ ‘’Bilisan mo ang pagsasabi sa kanila ah? Maiipit ka niyan kapag hulog na hulog na sa iyo si Kathrina tapos saka ka palang magsasabi na ayaw mo sa kanya. Ang pangit kapag ganoon ang nangyari sa inyo.’’ Tama ang sinabi ng tropa ko. Kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo kahit na masasaktan pa sila ni Tito sa sasabihin ko. At least, pare-parehas naming alam sa sarili namin ang totoo at hindi yung feeling na parang niloloko ko lang sila. ‘’Ah, ako na ang bahala roon. Sabihin mo kay Tito na magkita kami rito. Tatawagan ko na lang siya para makapag-usap kami bago ako umalis sa Mindoro,’’ sagot ko sabay ngiti sa kanya. ‘’Ah, sige. Makakarating sa kanya. Huwag kang mag-alala. Alam kong malulungkot iyon pero alam ko rin naman na iintindihin niya. O, eh paano si Minnie at si Tita? Mag-stay ba sila rito o sasamahan ka rin nila sa Manila?’’ tanong niya sa akin. ‘’Ah, oo naman. Sasama sila sa pagbalik ko sa Manila. Hindi ko naman kasi maiwan dito si Mama kaya isasama ko na lang sila ni Minnie,’’ sagot ko sa kanya. ‘’Ah, mabuti naman kung ganoon. Eh, kailan pala ang balik niyo? Alam mo, mami-miss ko kayo ni Tita. Naku, hindi ko talaga akalain na magiging close tayong tatlo eh. Wala na akong ka-kwentuhan kapag nadaan ako sa may bahay niyo,’’ kwento pa niya sa akin. ‘’Ah, oo nga pala. Lagi kang kini-kwentuhan ni Mama kapag nadaan ka sa amin ano? Gusto mo bang makausap siya bago kami umalis? Pwede naman,’’ sabi ko sa kanya. Napansin ko naman na parang lumiwanag ang mga mata niya nang sabihin ko iyon. Masaya naman ako na kahit paano ay napasaya ko na siya. Nakangiti na siya ngayon nang marinig niya na pwede niyang makita si Mama bago kami umalis dito sa Mindoro. ‘’Oh, talaga? Sige. I’ll be happy kung ganoon. Hay, akala ko ay hindi ko na siya makakausap para makapag-paalam ako ng maayos eh,’’ sabi ni Kathrina sa akin. ‘’Syempre naman, papayag ba ako na hindi kayo mag-usap bago kami umalis eh alam kong close na close kayo sa isa’t isa,’’ sabi ko pagkatapos ay bumuntong hinga. Ngayon ay sasabihin ko na ang katotohanan sa kanya. Habang papalapit na ang sandal na iyon ay pinagdadasal ko talaga n asana ay tanggapin niya ito nang buong puso at huwag siyang magagalit o lalayo sa akin. Ako naman kasi ang lubos na masasaktan oras na gawin niya iyon. Umubo muna ako bago tuluyang nagsalita sa kanya. ‘’Kathrina, may gusto sana akong sabihin sa iyo,’’ tipid na sabi ko sa kanya. ‘’Hmm, ano naman iyon?’’ tanong niya. ‘’Ah, eh kasi nabasa ko yung post mo tungkol sa akin sa social media. Gusto ko lang sanang itanong kung ano talaga ang nararamdaman mo sa akin? Para malinaw tayong dalawa,’’ tanong ko sa kanya. Ayaw ko man itanong pero ito na siguro talaga ang dapat gawin. Sana hindi niya masamain. ‘’Sa totoo lang, alam ko naman sa sarili ko na mahal na kita pero alam ko rin na hindi mo ako kayang mahalin pabalik, di ba?’’ sabi niya sa akin. Hindi ko alam kung malulungkot ako o I will feel relieved sa sinabi niya. Masaya ako dahil kahit masakit ay tanggap niya na hindi ko siya kayang mahalin katulad ng pagmamahal ko kay Aurora. ‘’I’m sorry if minahal mo ako at sorry din kung hindi ko mabalik iyon, ha? Thank you na rin dahil naiintindihan mo ang nangyayari sa atin,’’ sabi ko. Sa totoo lang ay hiyang-hiya na ako sa kanya ngayon. Gusto ko na lang kainin ako ng lupa para akoý mawala na. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya eh. ‘’Ano ka ba? Ayos lang naman sa akin iyon. Ako naman ang may choice noon eh. Minahal kita kahit alam kong hindi mo kayang ibalik sa akin yung parehas ng amount ng love na binibigay ko sa iyo,’’ sabi niya sa akin. ‘’Ngayon, pwede mo na ibigay sa iba iyan. Alam kong mas may higit na makaka-appreciate niyan, Kathrina. Maniwala ka sa akin. Siguro ay hindi mo lang nakikita dahil naka-focus ka sa akin. Alam mo, deserve mo na mahalin ng sobra-sobra,’’ sabi ko sa kanya. ‘’Kung hindi din naman ikaw iyon, huwag na lang. Ayos na sa akin na ganito tayo, basta ayaw ko lang magmahal ng iba. Hindi pa ngayon, mahal pa kita eh. Kapag nawala na ito, saka lang ako titingin sa iba pero sa ngayon? Hindi muna,’’ kahit masakit ang sinabi niya ay nakangiti pa rin siya sa akin. Sobrang hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya noong narinig ko iyon. Hindi ko alam kung anong ginawa ko to deserve that kind of person sa buhay ko. Pwede naman kasi niyang ibigay sa iba iyon. yung tao na talagang makaka-appreciate sa kanya pero hindi naman din tama kasi mahal pa niya ako. Ang gago ko lang talaga na hindi ko kayang ibalik iyon eh. ‘’Alam mo naman kung anong klaseng pagmamahal ang kaya kong ibigay di ba? Iyon lang ang mapapangako ko sa iyo. Alam mo naman, mahal ko pa si Aurora at masama naman kung magbibigay ako ng pagmamahal sa iyo kahit hindi pa ako tapos sa kanya. Niloloko ko ikaw at ang sarili ko noon,’’ sabi ko sa kanya. ‘’Oo, naiintindihan ko. Alam kong ayaw mo rin akong masaktan kaya sinabi mo sa akin ang totoo. Huwag kang mag-alala, tanggap ko naman. Noong una pa lang, alam ko na iyan talaga ang nararamdaman mo towards me,’’ sabi niya. Kung siya, tanggap niya ang desisyon ko. Napa-isip ako kung ganoon din si Tito at Tita sa akin. I have a feeling kasi na sila ang hindi tatanggap sa akin kung sakali man na malaman nila ang totoo. Hindi ko na dapat tatanungin pa si Kathrina pero tinanong ko na rin dahil kung hindi, malamang ay tatakbo na naman nang tatakbo ito sa isip ko. ‘’Paano nga pala sina Tito at Tita? Paano mo sasabihin sa kanila ito? I mean, I know they are expecting us to be a couple, right?’’ tanong ko sa kanya. ‘’Ah, don’t worry about them. Ako na ang kakausap sa kanila. Sila lang naman ang naniniwala na magiging tayo, e. Ang taas ng expectations nila sa atin pero ako na ang bahala doon. Kapag nakausap ko na sila about it, titigil na ang mga iyon. Pasensya ka na pala sa pressure ng mga magulang ko ha? Alam ko, kahit di mo sabihin ay pressured ka sa kanila,’’ sabi niya sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya bilang tugon. Nahihiya pa rin kasi ako kina Tito at Tita. Kaya lang, kapag hindi ko naman ginawa ito ay hindi ako magiging totoo sa sarili ko at sa kanila kaya mas okay na talaga ito. Mahal ko si Kathrina sa paraan na alam ko at ayaw ko siyang masaktan. I will never take advantage of her. Pagkatapos naming mag-usap ay hinatid ko na sila sa kanila. Tahimik siya buong byahe at alam ko naman kung bakit. Nirerespeto ko iyon.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD