Chapter 6: Into The Dark Road
.
GLENN'S POV
.
THE DISCTRICT OF Verderock. Payapang lugar, sariwang hangin.
Ito 'yung tipo ng lugar na mala-probinsya at masarap pagbakasyunan t'wing summer, o 'di kaya'y pang-relieve ng stress.
Dito, mula sa isang tuwid na kalsada, ay napaliligiran ng berdeng kapatagan.
Mga palayan, malawak at sagana sa tanim, ang matatanaw sa kaliwa at kanan. Nagsasayaw ang mga halaman habang umiihip ang hangin, samantalang naka-steady lang ang mga scarecrows sa gitna ng bawat hektarya.
May mga magsasaka ring nagtatrabaho ngayon doon, kasama ang mga kalabaw nila, sa ilalim ng tirik na araw.
Above is the roofless, endless, blue sky. Below is the evergreen crop field, stretched wide and wide, far to the mountain ranges in great distance kissing by the sunlight's gold.
Flock of pigeons flew across the mid air, emerging sound of their flapping wings were heard. Their white feathers fluttered down gently.
"Hmm... Aaah..." Sininghot ko ang fresh air, habang naglalakad. "Sarap sa pakiramdam 'pag gan'to kapayapa ang lugar, 'no? Simple lang, pero tahimik at malayo sa toxic na sibilisasyon. Walang maingay na palengke, walang usok mula sa mga maka-bagong makinarya, walang riot ng mga bamrumbado n'yong kapitbahay, walang---"
"Walang magnanakaw na pupuslit sa teritoryo ng iba, para manguha ng mga alahas..." dugtong ni Scar nang pokerface, saka siya lumingon sa'kin. "Oh? Meron na pala, isa."
POK! Binatukan ko siya. Malakas.
"Loko ka!" singhal ko. "Hindi kita masaktan kanina sa tren, dahil may lamesa sa pagitan natin. Pero ngayong wala na, isa pang insulto mo sa'kin, hindi ako magdadalawang-isip na kutusan ka."
Nakahawak sa kaniyang batok, nanlalaki ang mata, nilingon ako ni Scar.
"The heck?! Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?!" angil niya.
Nagkrus ako ng braso, saka ngumisi. "Binatukan ka, bakit? May angal, ha?"
"Y-You..."
He stepped forth, as if aiming to grab my collar, but he stepped back again, calming himself down.
"You, streetrat!" he snapped and glared at me. "Know your place! Baka nakakalimutan mo? I am the King of... I mean... T-The Treasurer of Seion's Kingdom! May kapangyarihan akong akusahan ka sa Royal Council 'pag hinaras mo ulit ako!"
Haras?
"Pfft! Wahahaha!" Humalagapak ako sa tawa. "Haras daw? Grabe, O.A. mo, ah? Haras ba 'yung pagbatok? Hahaha! Loko! Normal lang 'yon, ano ka ba?"
"Normal?" aniya habang minamasahe ang batok. "Masakit kaya! Normal? It was an act of harassment!"
"Hala? Harassment? Hahaha! Dumugo ka ba? Nabali ba buto mo? Natapakan ko ba ang karapatan mo? Maka-react ng harassment, akala mo naman eh inabuso nang wagas!" Tumawa ulit ako, malakas. "Siguro... Hahaha! Siguro... Kapag... Hahaha! Kapag kinagat ka ng lamok, ipapakulong mo rin 'yung lamok, ano? Hahahahaha! Sira! Hahahaha!"
Tila natigilan siya sa sinabi ko. Kumunot ang noo ni Scar, sabay "tch!"
Binilisan niya ang paglalakad sa gitna ng kalsada, kaya't binilisan ko rin para makasabay sa kaniya.
"Oy! Teka lang, nagmamadali? May date ka ba?" tawag ko.
Finally, I was able to reach him and we walk side by side. Background namin ang maganda't berdeng tanawin ng kapatagan, pati ang bulubundukin sa dulo ng malawak na taniman ng palay.
"Oy, Scar! Galit ka?" wika ko. "Masakit ba talaga 'yung pagkakabatok ko sa'yo? Sorry na, ito naman. Parang first time mong mabatukan, ah?"
"So? What if it is?" sagot nito, habang tuwid ang paningin sa kalsadang nilalakaran. "What if it's my first time?"
Eh? First time niya talaga?
"Pfft--! Wahahahahahahaha!" I bursted out loud laugh, habang pumapalakpak pa. "Wahahahahaha!"
Grabe! Lap'trip! But Scar glared at me.
"H-Hey, what the heck's funny?" aniya.
Umiling-iling pa 'ko, saka inubos ko muna ang tawa bago nagsalita ulit.
"Weeeh? Seryoso? Ngayon lang may nambatok sa'yo? Pfft!" Pinigilang kong tumawa. "Gusto mo maya't maya kita batukan, para naman masanay ka?"
"Tch! No thanks."
"Ano bang klaseng buhay ang meron ka sa loob ng palasyo?" tanong ko nang nakangisi. "Simpleng batok eh hindi mo pa naranasan? Samantalang ako, no'ng bata ako, palagi akong binabatukan ng mga kalaro ko sa baryo. Madalas kasi akong matalo sa laro namin, kaya binabatukan nila ako 'pag natatalo ako."
Ah, those good old childhood days.
Such wonderful memories.
"Well then... good for you," Scar suddenly spoke, eyes still in front as we keep walking. "At least you have playmates who you can have fun with."
"Huh?" I frowned. "Anong ibig mong sabihin d'on?"
"My life inside the palace's walls..." he spoke again. "It was... was always been prim. Proper. Always been strict. Always been elegance, sophistication, with class. Always been sticking by the rules. Always been perfection."
Bakas ang lungkot sa mga mata niya. Patuloy lang kami sa paglalakad, eyes on the road.
"No room for silly jokes..." he added. "No room for fun and plays. No room for mistakes. That's how my life goes on inside the castle."
"Oh..." Iyon na lang ang nasabi ko.
Medyo sad-boy pala ang lalaking 'to. May malalim na pinaghuhugutan. Tsk, tsk, tsk.
"An'lungkot naman," komento ko. "No room for fun and plays? E'di hindi ka pa nakapaglaro ng patintero?"
"No."
"Tumbang preso?"
"No."
"Luksong baka?"
"No."
"Langit lupa?"
"No."
"Eh, bato-bato pi---"
"I said, no! I haven't," he firmly replied. Tinapunan pa niya 'ko ng masamang tingin, saka humarap ulit sa kasalda. "People in the castle forbid me so. Kaya hindi ko alam o naranasan 'yang mga sinasabi mo. So, stop asking and just shut up!"
Ay, galit na si bossing?
Ngumiwi ako. "Sungit. Parang nagtatanong lang, eh."
"An'daldal mo kasi. I hate blabber mouth."
"Aba! Malas mo, ako ang pinili mong assitant, eh. Tiisin mo 'ko," anang ko.
Habang naglalakad, binigyan ako ni Scar ng matalim na titig. Animo'y nagbabanta ang mga mata niya na babawiin 'yung pinangako niyang papremyo sa akin 'pag hindi pa ako tumahimik.
Kaya't ngumisi na lang ako at napa-peace-sign.
"Joke lang. Hehehe..." tawa ko. "Opo, tatahimik na po."
And I zip my mouth with an imaginary zipper, while steadily walking beside him.
Shut up ka na kasi, Glenn! Galit mo si boss. Pfft!
* * *
TWO DIVERGED ROADS. Iyan ang tumambad sa'min ni Scar sa dulo ng kalsada.
Ang nasa left side, maaliwalas na kalsada. Malinis na nakahelera ang mga puno't halaman sa gilid ng daanang 'yon, saka maliwanag at obvious na safe tahakin.
Ang nasa right side naman, medyo madilim. Thick fog also covers that road. Ang mga puno't halaman sa paligid ay matatayog, masukal na parang kagubatan. May naririnig din akong huni ng mga paniki roon.
The road on the right side is the COMPLETE OPPOSITE of the left side.
"The map says, we have to go this way." Turo ni Scar sa right side na kalsada, habang hawak at nakatingin sa kaniyang mapa. "That is the shortest cut towards Highcrest Vill, no other than."
Medyo kabado ako.
"Sigurado ka ba? An'creepy kaya ng kalsadang 'yan." Sabay turo ko sa madilim, masukal, at misteryosong kalsada na nasa kanan. "Mukhang delikado kung tatahakin natin. Dito na lang kaya tayo sa isa dumaan? Mas mukhang safe pa."
"No," Scar replied, folding the map back to his chest pocket. "Sa ibang ruta patungo ang kalsada sa kaliwa. Mas mapapalayo tayo. Itong kanan ang tamang daan. Let's go."
He suddenly grabbed my wrist, saka niya ako hinila 'tungo sa kalsadang nasa kanan.
"Pero, teka... Masama talaga ang kutob ko sa kalsadang 'to, eh! Teka, Scar... Dito na lang tayo sa isa... Sige na! Uy! Sige naaa!"
Parang batang nagmamaktol, sinubukan kong hilahin ang kamay ni Scar pabalik doon, patungo sa kalsada sa kaliwa.
Ngunit nabigo ako.
Mas malakas siya kaysa sa'kin, kaya, ayun, nagtagumpay siya sa paghila sa'kin sa masukal at medyo madilim na kalsada.
Haysh! Masama talaga ang kutob ko sa kalsadang 'to, eh!
First step inside this road, radam ko kaagad ang lamig ng makapal na hamog. Brrr! Napaka-eerie ng atmosphere. Plus, those withered trees that surround the road stood like wooden skeletons along the way. Dry bunches of leaf were brushing beneath our feet, crispy as any other leaf in autumn season. Somewhere nearby, I hear sounds of an owl and bats.
Fog embraces us.
At naglakad pa kami, nang naglakad, nang naglakad, nang naglakad sa gitna ng lilib at masukal na kalsada.
"Uy, Scar, hindi naman siguro tayo naliligaw, ano?" tanong ko. "Alam mo ba kung s'an na tayo ngayon? Ha? Nakapunta ka na ba rito dati? Uy..."
Kinalabit ko siya. But he didn't bother to pay any attention. He continued walking, eyes in front. Snob, humph!
"Nice talking talaga 'tong kasama ko. Grabe! Takot ba siyang maubusan ng laway? Ayaw magsalita eh. Kainis!" Nagkamot na lang ako sa batok.
Nakangiwi akong naglakad sa likod ni Scar, habang siya'y nangunguna nang bahagya sa'kin.
I scan my eyes around. Vines were everywhere, hanging over those tall barks. Trees were looming from left to right. I saw an owl resting asleep on a nearby tree-branch.
Nakaka-kilabot ang lugar na 'to.
Parang setting sa mga horror stories na nababasa ko.
"A-ARAY KO PO--!"
The heck?!
Napadaing ako, sabay hinto, nang mauntog ako sa likod ni Scar. Hanubayan?!
"What the...? Bakit ka biglang humin... to?" I was trailed off.
Nakita kong nakatigil si Scar, saka nakatitig sa isang karatula. Nakapako ang karatulang 'yon sa katawan ng isang Willow Tree, at may nakaukit na mga salita roon.
Signboard says...
- - -
“Beware of the creature, tameless.
Under its giant shadow, every one fears.
Inside the woods lingering in darkness.
Devouring any who interferes.”
- - -
Napalunok ako. "Sign na ba 'to para mag-back out tayo? May oras pa naman para ibahin natin ang ruta, 'di ba?"
"No," Scar snapped. "We won't back out. Magpapatuloy tayo."
He was about to walk again, pero humarang ako sa harapan niya, kaya't huminto siya.
"What?"
"Anong what!? Hindi mo ba nabasa 'yung nasa karatula? Warning 'yon na may delikadong nilalang sa lugar na 'to," I said.
But he only gave a pokerface. "This is the shortest cut, Miss Scaredy-cat. At akala ko ba nangako kang hindi ka na magrereklamo?"
I clicked my tongue. "Eh, kasi---"
"We'll keep going. The signboard says, that creature devours only those who interfere. Then, we won't interfere. We're just going to pass by," aniya.
Well, sabagay. May point naman siya d'on.
"Pero... Kasi... Haysh! Ba'la na," bulong ko.
Scar walks again, passing by the Willow Tree. Sinundan ko na lang siya at, heto, naglalakad ulit kami sa kalagitnaan ng kakahuyan. Makapal pa rin ang hamog, at medyo madilim pa rin ang paligid.
We walk further and deeper into the road, surrounded by trees and hanging vines. And goodness! It feels like FOREVER!
Mabuti na lang, wala pa naman kaming nakakasalubong na kakaibang nilalang. Sana nga hindi totoo 'yung nakasulat sa karatula.
Sana lang.
"Malayo pa ba ang dulo ng kalsadang 'to?" wika ko, habang naglalakad na parang lantang gulay. "Ilang minuto na ba tayong naglalakad? Mapuputol na 'ata itong mga binti ko... Ugh... Grabe!"
"Seriously? Why'd I even choose a loud, blabber-mouthed, streetrat thief to accompany me?" Scar mumbled while massaging his nose's bridge. "What a pain in the ass."
Ngumiwi ako. "Oy, oy, oy! Naririnig kita diyan, ha?! 'Yang dila mo, sumusobra na naman."
Scar just gave me a "tch!" and walked away faster. Muli, sinundan ko siya at sinabayan sa bawat hakbang.
"Bakit kaya hindi muna tayo magpahinga? Nilakad natin mula Train Station ng Verderock, hanggang dito. Halos ilang kilometro rin 'yon," suhestiyon ko.
Huminto si Scar, umikot, at humarap sa akin. May bahid ng inis ang mukha n'ya.
"You know what? Can't you just f*cking shut up for awhile? You've been complaining ever since we met!" he exclaimed.
"I will if we, first, stop by and rest," sagot ko.
Scar stares at me, as if examining my face if I'm telling the truth or not. Ilang sandali, bumuga siya ng hangin.
"Fine!" aniya. "We will rest. But! But only if you be quiet for ten minutes. Okay?"
"Ayun, oh! Yes! Haha!"
Napa-fist-bump ako sa ere, saka tumawa nang malakas. But Scar glared at me.
"Oh... Sorry," mahinang wika ko at nag-peace sign. "Hindi na 'ko mag-iingay."
"You better not," he coldly said.
At naglakad siya palapit sa isang Olive Tree. He sat under its shed, legs stretched straight and crossed, his back against the tree-bark, and hands behind his head like a pillow.
"Gonna take a nap. Gisingin mo ako pagtapos ng ten minutes. Understood?" aniya at pumikit na.
Medyo demanding, ah?
Ngumiwi na lang ako, saka umupo sa malaking punong-kahoy na nakahiga sa lupa, na malapit lang sa direksyon ni Scar.
"Aaah... Sa wakas, makakapagpahinga rin," bulong ko.
I made myself comfortable while sitting on this tree trunk. Mayamaya pa, sa bandang likuran ko, may napansin akong maliit na halaman at mayroon itong bunga!
"Oooh! Is that blueberry?" Kumislap ang mata ko. "Hehehe! Tamang-tama, gutom na ulit ako."
Habang nakaupo rito sa kahoy, in-extend ko ang braso ko, saka pumitas ng blueberry mula sa halamang 'yon. May berry akong pinasok sa bulsa ng damit ko, reserba ko 'yon 'pag nagutom ako mamaya, at 'yung ibang berry ay kinain ko nang buo.
"Hhhmmm~" untag ko habang sarap na sarap sa pagkain. "Sweet and tasty!"
"Ugh! Hindi ba sinabi ko, walang maingay?!" biglang angil ni Scar.
Ooops! Medyo napalakas 'ata boses ko.
"You really can't shut your--- W-WHA... WHAT THE F*CK HAPPENED TO YOU?!" he thundered.
Nawindang si Scar nang magtama ang paningin namin, may bakas din ng takot sa mukha niya.
Oh? Ba't ganiyan siya makatingin?
Eyes widened, Scar quickly stood up, staring at me as if he saw a monster.
"I-Is that you, streetrat?" aniya.
"Ha? Oo naman. Ako 'to, bakit?" Nagtaka ako. "Uy, an'yare sa'yo? Parang nakakita ka ng engkanto? Ayos ka lang?"
"Ikaw dapat ang tinatanong ko n'yan! Anong nangyari sa'yo?!" he snapped.
"Ha? Anong anong nangyari sa'kin? Anong pinagsasasabi mo? Eh obvious naman na ayos lang ako."
"D*mn, peasant!"
"Hoy! Huwag mo akong murahin!"
"Ano ba kasing nangyari sa'yo? Bakit nagkaganiyan ka?!"
"Ano bang sinasabi mo? Anong bakit a..."
Natigilan ako, lalo na nang iangat ko ang mga braso ko. My arms skin is missing! But I saw feathers. Oo, as in, feathers na parang pakpak ng ibon 'yung nasa braso ko!
ANONG. KABALIWAN. 'TO?!
"A-Ano 'to? Bakit gan'to?!" nataranta ako.
I stood up, scanning and touching every part of my body. My gosh! My feet were also gone, but it was replaced by pointy claws! My whole human skin was gone, but replaced by bird's feathers! And my face! My mouth was replaced by a sharp beak!
Waaah! No way!
"ANONG NANGYARI SA'KIN?! BAKIT MUKHA AKONG IBON?!"
_________________________________________
_________________________________________
.