/7/ Bird Who Can't Fly

2063 Words
Chapter 7: Bird Who Can't Fly . GLENN'S POV . "ANONG NANGYARI SA'KIN?! BAKIT MUKHA AKONG IBON?!" I freaked out. "Higanteng ibon ka'mo," Scar corrected. "I just closed my eyes for few seconds, and look what happened to you! You're such a mess!" "Manahimik ka nga! Hindi ko nga alam kung bakit ako nagkagan'to, eh!" singhal ko, sabay padyak. "Halaaa?! Ano bang nangyari sa'kin?! May sumpa 'ata itong lugar na 'to! Sabi ko kasi sa'yo, huwag na tayo rito, eh! Tignan mo tuloy ang nangyari sa'kin, oh!" I lifted my bird's claws, dapat mga paa ko ito eh! I also lifted my brownish feathered wings, na dapat mga braso ko! And my pinkish lips, now turned into enormous beak! Ang awkward sa pakiramdam na maging ibon, seryoso. AT NAKAKA-BADTRIP PA! Ano ba talagang nangyari sa'kin?! "Wait..." ani Scar. He looked at me, and he shifted his eyes to the green bush (iyung halaman sa bandang likuran ko), and he shifted his eyes back to me. "Please... Don't tell me... Don't tell me you eat the fruit of that plant?" aniya. Kumunot ang noo ko. "Eh ano ngayon kung kinain ko? Gutom ako, eh! Haysh! Mas inalala mo pa talaga ang halamang 'yon kaysa sa sitwasyon ko, ha!? Tignan mo nga ako! Literal akong nagsasalitang ibon! Tapos, may gana ka pang tanungin 'yung blueberries sa halamang i---" "You, dumb streetrat!" Scar roared. "Hindi blueberries ang bunga ng halamang 'yon! That's a shape-shifting berry! Anyone who eats it will change form, nitwit!" Ouch! Dumb na nga, nitwit pa. "T-Talaga ba...?" Medyo nagtaka pa 'ko. "Talaga!" Scar yelled, saka hinilamos ang kamay sa kaniyang mukha. "Argh, d*mn it! You are way, way, waaayyy opposite of your father! Seriously!" Nag-pout ako dahil sa sinabi niya. "Alam kong may pagkabobo ako, pero huwag mo naman akong ikumpara kay papa," anang ko. "Tsk! So, ano? Gan'to na ba ako forever? Higante't nagsasalitang ibon forever, ha?" "No. When the berry's magic runs out of spell, you'll return to your normal self. But that would take time," he answered. Dahil d'on, medyo kumalma naman ako. At least hindi permanente ang mahika, at may pag-asang bumalik pa ako sa normal na ako. I sighed. "Ma... Mabuti kung gan'on. Akala ko habambuhay na 'kong gan'to eh." "Well, there is a possibility, though." "Possibility ng alin?" "That you'll be like that forever." "TEKA, ANO?!" ANO...?! ANO...?! ANO...?! Oops! Napalakas nang bongga ang boses ko, kaya't umalingawngaw ito sa buong kakahuyan, dahilan para maistorbo ang mga ibon at sila'y nagsiliparan palayo. "Ssshhh! You're too loud. Quiet down," Scar hissed. Napapikit na lang ako nang mariin, sabay bumuga ng hangin upang pakalmahin ang sarili. "Eh bakit kasi sinabi mo---" I was cut off. Suddenly, we felt like something's odd. Nagkatinginan pa kami ni Scar, walang nagsasalita, at tila nagpapakiramdaman. The ground. It's shaking. Pebbles and scattered brittles of leaf on the soil, vibrating stronger and stronger. Ano 'to? May lindol? Suddenly, a looming tower-like shadow casted behind my presence. Tumingala si Scar, habang ako nama'y lumingon sa aking likuran. Then my jaw dropped open. Uh-oh. "Thief, don't you dare move..." Scar warned me in low volume. Parehas kami nanigas sa'ming kinatatayuan, habang nakatingala sa iisang nilalang. Napalunok na lang ako. A GIANT OGRE! Yes, an ugly ogre, with about twelve feet tall, was standing before our eyes! Its body toned with boulder-like muscles, skin as green as seaweed. Kalbo ito, at nanlilisik ang mga mata! "SINO ANG NANGGISING KAY OGGIIIEEE?!?!?!" Ogre's voice thundered and blasted a strong wind, shaking the whole place in horror! Oggie? 'Yon ang pangalan ng ogre na 'to? Unti-unting bumaba ang paningin ng higante, hanggang sa dumapo ang mga mata niya sa akin at kay Scar. Naku, patay! It spotted us! "HUMAN AND A BIRD..." Biglang umusok ang ilong nung ogre, tila mas lumukot ang kaniyang mukha. "...SA TERITORYO NI OGGIE?! SINO KAYONG NAGLAKAS LOOB NA PUMASOK SA TERITORYONG HINDI SA INYOOO?!?!" Sa sobrang laki ng bunganga, at lakas ng boses nito, halos liparin ang mga puno't halaman sa paligid namin. "HINDI NA KAYO RITO MAKAKALABAS NG BUHAY!!!" It roared, again. The ogre lifted its giant hand, ready to grab us whole. Fortunately, mabilis akong hinatak ni Scar at sabay kaming tumakbo palayo. "Run! Faster!" Scar shouted. At, ayun, tinakbo namin ang pagitan ng mga nagtataasang puno, hindi alintana ang mga nakaharang na halaman at baging sa masukal na kakahuyan. "WAAARRRGGGHHH!!!" Ogre roared from behind. Ramdam ko ang pagyanig ng lupa, habang ang ogre ay humahabol mula sa likuran namin. Bawat yabag nito'y lumilikha ng lindol. "Scaaarrr! Sandali lang! Huhuhu!" pagdadrama ako, habang awkward na tumatakbo. "Hindi ako sanay tumakbo nang ganito ang mga paa ko! Paa ng ibon! Teka lang! Hintayin mo 'kooo!" Nangunguna kasi sa pagtakbo si Scar, habang ako'y nahuhuli. Scars stopped and looked over his shoulder. "Argh! You're such a trouble, streetrat! Bilisan mo at malapit na 'yung humahabol sa'tin!" "Oo na! Binibilisan ko na nga, eh!" "Subukan mo kayang lumipad!" "Hindi ako marunong, sira!" Nang maabutan ko si Scar, tumakbo ulit kami nang magkasabay. Ramdam kong ilang metro lamang ang distansya ng ogre mula likod. Dumadagundong din ang mga hakbang nito, at walang balak sumuko sa paghahabol sa'min. "LALAMUNIN KAYO NI OGGIE 'PAG NAHULI KAYO NI OGGIE! MAGSISISI KAYO'T TUMAPAK KAYO SA TERITORYO NI OGGIE!!!" sigaw ng higante. Mukha siyang OGGIE, hay, ewan! Habang tumatakbo, lumingon ako. Nakita kong dumampot ng malalaking bato ang ogre na 'yon, saka niya 'to hinagis sa direksyon namin ni Scar. "Scar, heads up!" sigaw ko. Umulan ng dambuhalang mga bato! Bumagsak ito sa kaliwa't kanan, at bawat bagsak ng mga batong 'yon ay yumayanig ang buong kakahuyan! "Aaah, shoot! Ayoko pang mamatay!" I yelped. Kamuntikan na akong mabagsakan ng bato! Mabuti na lang at nakayuko ako, kaya't lumagpas ang bato sa'kin. Gan'on din kay Scar. "D*mn that giant beast!" Scar hissed, running as fast as he can. "Kung pwede ko lang siyang tustahin nang buhay!" "Anong tustahin?!" I shouted back while running, too. "Makatakas lang tayo mula sa halimaw na 'yon, ayos na sa'kin!" "How?!" "Aba, malay ko!" "Then think!" "Ako ang mag-iisip ng plano? Hindi ba dapat ikaw? In the first place, ikaw ang nagdala sa'tin dito!" "Oh, wow! Now it's my fault?!" "Bakit?! Hindi ba--- WOAH!" Sabay kaming natigilan ni Scar. As we both halted, small rocks brushed beneath our feet. Nanlaki rin ang mga mata namin. "Oh, crap! Seriously?!" angil ni Scar. Dead-end. Tumambad sa'min ang dulo ng kakahuyan. In short, a cliff. Mataas ang bangin, sobra. Halos nasa hundred feet ang taas nito mula sa lupang babagsakan. Wala ring ibang nasa ibaba kun'di mga bato. Patusok-tusok na bato. Lagot na! "What now?" I asked, panicked. Lumingon kami ni Scar, doon, sa kakahuyan kung saan maririnig ang mala-higanteng mga yabag, at makikita ang dambuhalang anino ng ogre na papalapit nang papalapit sa direksyon namin. "WWWAAAARRRGGGHHH!!!" ogre roared once more. Sa pagitan ng matataas na puno't berdeng halaman, lumitaw ang higanteng katawan nito, at bakas ang galit sa pangit nitong mukha. "GRRR... AYAW NI OGGIE SA LAHAT AY 'YUNG PINAPAHABOL SIYAAA!!!" anang ogre. N-No! Kaunting hakbang na lang, sobrang malapit na ng halimaw sa direksyon namin. And my instinct tells me, it's not a good sign. Habang naestatwa, nakatayo sa tabi ng bangin, hinatak ako ni Scar at pinaharap sa kaniya. "Listen, you have to take flight," aniya. Nanlaki ang mata ko. "Ano?! Paliliparin mo ako?! Baliw ka ba? Hindi ako marunong!" "But you are a bird, at least for now. You got'ta trust yourself. It's our only chance to escape." "Ayoko!" "Huwag ka nang umarte!" "Sabi ngang---" "Go!" Suddenly, Scar jumped behind my back, dahilan para matisod ako at parehas kaming nahulog sa bangin. "AAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!" we both screamed. Ang bobo, 'di ba? And we're falling down and down, while the wind blasting like vaccum on our faces. "Flap your wings!" Scar screamed. "ANO?!" "I said, FLAP YOUR D*AMN WINGS!" "P-Pa'no ba?!" "Just f*cking FLAP IT!" Galit na naman siya. And he wrapped his arms around my neck, holding tight behind my back. And so, I did what he said. Sinubukan kong ipagaspas ang higanteng mga braso, este, pakpak ko. Sa una, sobrang hirap kontrolin ng pakpak ko dahil medyo mabigat ito. So I tried; one flap... two flap... three flap... at nagsunod-sunod na 'to. Hanggang sa na-realize ko na lang, tila lumulutang na ako sa ere! "Lu-Lumilipad ako... Lumilipad ako! Hahaha! Lumilipad akooo!" An'saya ko! First time kong makalipad! "Good job, thief!" sigaw naman ni Scar, na nakasakay sa likod ko. Umikot-ikot ako sa ere. An'sarap sa pakiramdam nang lumilipad. Feels like freedom is in the air. Lumingon ako sa dulo ng bangin, kung s'an naroon ang higanteng ogre na humahabol sa'min kanina. It's roaring loud, fists banging his chest. "KAPAG BUMALIK PA KAYO SA TERITORYO NI OGGIE, KAKAININ NA KAYO NANG TULUYAN NI OGGIE!!!" ogre thundered out loud from the cliff's edge. Tumawa na lang ako nang malakas. "Asa ka! Hindi na kami babalik d'yan! Wahahahaha!" And I flew away. Reaching for the blue sky, I flapped my wings to meet the clouds. I could feel the cool breeze greeting me from way up here. Aaah... Refreshing feeling! "This is better. Now we can go to our destination faster than walking," Scar said from the back. "Yep! At an'saya pa! Grabee! Wuhoo! THIS. IS. FREEDOOOMMM!!!" Obvious naman na nag-eenjoy ako sa paglipad ko. "Hey, Scar, wanna see some tricks?" "What are you---" "Check this out," I shouted. Sa isang iglap, mula sa mataas na mga ulap, bumulusok ako paibaba! SWOOSH! The wind hammered against our faces, going down and down like a blasting meteor. "A-Argh! P-Peasant, slow it f*cking down!!!" sumigaw 'yung lalaking nakasakay sa likod ko. Ramdam kong humigpit ang yakap niya sa'kin. Hah! Duwag pala siya, eh! But instead of slowing down, I drove my wings faster! "WUHOOOOO!!!" "WAAAAAAAHHHHH!!!" Kung gaano ako nag-eenjoy, kabaliktaran naman ang reaksyon ni Scar. I just laugh how hilarious his face is. Mukha siyang natatae! Pfft! Like a rollercoaster, zooming downward against the wind's impact, nang malapit na kami sa lupa, binuka ko ang aking mga pakpak. We slowed down, still elevating in the air. And right here... Malawak at berdeng-berde ang kapatagan. Nagsasayaw ang mga d**o sa ilalim ng bughaw na langit. We smoothly fly around. Then, there's the stallion of horses, running wild amidst the green pasture, chasing through the wind! Karerahan ang mga kabayong 'yon sa gitna ng berdeng lupain, mabibilis, malaya kung saan man sila dalhin ng kanilang mga paa. "Uy, tignan mo! An'daming horsie, oh! Sali tayo sa kanila! Wooohhh!" I chanted. "Don't you dare---hey!" Scar's opinion is NOT valid, for now, kaya hindi ko siya pinansin. Instead, I flew right above those group of horses. Sinabayan ko sila; them running on the land, and me flying on the air. Nag-ingay ang ilan sa mga kabayo, tila binabati nila ako ng "good-day!", habang magkasabay naming tinatahak ang malawak na kapatagan. "Good day, too, ma'am and sir!" I happily replied. The horses made a joyful sound, before they accelerated their speed down to the evergreen meadow. Naiwan akong lumilipad sa ere, angkas si Scar sa'king likod, at pinapanood ang mga kabayong makalayo sa gitna ng lupain. "Kita mo 'yon, Mister Sungit? Mas friendly pa ang mga kabayo kaysa sa'yo eh." At tumawa ako nang malakas. From my back, I heard the young man grunted. "Yeah right." He rolled his eyeballs. "Alam mo naman sigurong may misyon tayo, 'di ba? Walang oras para makipaglaro sa mga kabayo." "Psh... Killjoy ka talaga." And I made my speed average while flying between sky and the land. "Oh, siya. S'an PO ba ang direksyon papuntang Highcrest Vill, ha... MASTER?" "Now you sounded sarcastic, huh?" "Nakuuu! Hindi, ah! Hindi 'yon sarcastic... MASTER." "See? You're being sarcastic, calling me master." "Hindi nga PO... MASTER." "Agh! There's no sense arguing with a peasant like you." "Wow! Peasant na naman! Isa pang tawag mo sa'kin no'n, ihuhulog na talaga kita. Ba'la ka diyan!" "D*mn it! Just turn to right, forty five degrees, and go straight to that direction, will you?" "Sabi mo, eh." And I flew toward the right side, just as he told me, where small hills of green stretched in line at the end of the vast flatland, beneath the afternoon sun. I kept flapping my wings like a professional bird, as I am. Highcrest Vill, here we come! _________________________________________ _________________________________________ .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD