Chapter 8: THE KIMBRIDGE
.
GLENN'S POV
.
"AAAH~" IN-STRETCH KO ang mga braso ko sa ere, saka ngumisi. "An'sarap makabalik sa original na katawang tao ko. Ang awkward gumalaw 'pag ibon ka! Pero, at least, naranasan ko ring makalipad. Wahaha!"
"You're being too loud, again," asik ni Scar.
"Tch! Bakit ba palagi kang may angal? Tapos palagi ka ring nakabusangot. Pinaglihi ka ba sa problema ng magulang mo, ha?"
Umismid na lang ang Scar na 'yon, saka hindi ako pinansin. Umiiral na naman ang pagiging isnabero n'ya! Psh.
Happy to be back in my human form again! Together, Scar and I were walking side by side. Malinis ang kalsadang nilalakaran namin, kung sa'n nakalinya ang mga umiilaw na lampposts.
May mga caravan, karwaheng hinihila ng mga kabayo, ang dumadaan sa gitna ng kalsada. Kalmado ang daloy ng mga tao sa paligid. Ang ilan sa kanila'y nagbabatian pa.
At may mga bahay ring nakahelera sa gilid ng sidewalk. Magkakamukha ang mga bahay. Gawa sa bricks ang mga pader nito, pa-arko ang mga pintuan at bintana, at disenyong gable ang bubong.
Masasabi kong isang simple't payapang lugar lamang ang Highcrest Vill.
"So? Alam mo ba kung alin sa mga bahay na 'to ang bahay ng hinahanap natin?" I asked.
Scar replied, "Nasa center ng Highcrest ang bahay ng mga Kimbridge. Oh, let me rephrase that. What I mean is... MANSION ng mga Kimbridge."
Ngumiwi na lang ako. "Oo nga pala, mayayaman nga pala ang hinahanap mong 'future bride.' Tss... Natural, mansyon ang tinitirahan n'on."
"And you better not embarrass me in front of the Kimbridge Family."
"Ay, wow, ha? Pasensya ka na. Mukha bang kahiya-hiya ang assistant mo na IKAW MISMO ang pumili?"
"I'm just saying, don't make or speak or act anything that could stain my reputation in front of the Kimbridge's."
"Copy that, sir." At pabiro akong sumaludo.
Tumango si Scar. "Good. Oh, and one more thing. Please, don't bring your peasant attitude when we enter their mansion. No laughing out loud. No sitting with open legs. No burping. No nibbling nose. No sneezing. No shouting. No corny jokes---"
"WHAT? Hindi naman corny mga jokes ko, ah!"
"Please, it's for our own good."
"Hindi nga corny jokes ko. Wait, ito ha? Sa-sample-an kita."
"Oh, please no."
"What do cows most like to read?"
"D*mn it."
"Sabihin mo what, sige na! Sige na!" pangungulit ko.
I tugged his arm. Scar groaned out of irritation, pero hindi ako tumigil sa paghatak ng braso niya.
"Uy, sige naaa! Sige naaa!"
"Tsk! Fine. What?"
"E'di, cattle...logs. Pfft! Wahahahaha!" Tumawa ako sa sarili kong joke.
Sa sobrang lakas ng tawa ko, ang mga tao sa kalsada na napapadaan sa direksyon namin, ay napatingin sa'kin. Bakas ang inis sa mukha ni Scar, animo'y kinahihiya niya ang maglakad sa tabi ko.
I grinned, nudging Scar by my elbow.
"Get it? Cattle, plus, logs... Cattle-logs! Hahahahaha--- Humph!"
I literally shut up when, all of sudden, tinapalan ng kamay ni Scar ang bibig ko! He stood behind me, covering my mouth.
"Hmmmppphhh!!!" I tried to remove his hand, but he held my mouth firm.
Kainis!
Ramdam ko ang hininga ni Scar sa leeg ko, lalo na nang itapat niya ang labi sa tenga ko.
"Shut your mouth, peasant... Or I'll deal with that in a way you wouldn't like," he whispered. Husky.
Kinilabutan ako sa bulong niya. Geez!
"HMMMPPPHHH!!!" Sinubukan ko ulit alisin ang kamay niya, dahil naiirita na 'ko sa pagtakip niya ng bibig ko, pero bigo ulit ako.
Ayaw niya akong bitiwan, ah?
Quick as lightning, I forcedly elbowed Scar's stomach. Dahil d'on, napadaing siya at binitawan na rin ako... Sa wakas!
"F*ck!" Scar held his stomach in pain. "Why did you do that, streetrat?!"
Tinapunan ko siya ng matalim na tingin, saka ko inamba ang kamao ko sa kaniya. Umatras naman siya 'agad, nakabusangot.
Psh, takot!
"Bakit mo kailangang takpan ang bibig ko?!" angil ko.
He grunted. "Your mouth is so annoying."
"Nagjo-joke lang naman ako, ah!?"
"Iyun nga 'yung nakakairita, eh!"
"Killjoy nito! Kapag nagjo-joke ako, tumawa ka na lang."
"And who are you to demand like that?"
"Basta! Rules 'yon. Kapag may joke, kailangang tumawa."
"Don't make up silly rules."
"Tsk! Panira ka ng mood, alam mo ba 'yon?"
"Stop talking casually to me. Baka nakakalimutan mo kung sa'n ako nanggaling, at anong posisyon ko? I'm not your friend. I'm your boss here."
"Boss? Taga-palasyo ka man, naka-disguise ka pa rin naman bilang peasant. Kaya may karapatan akong tratuhin ka na katulad ko... Peasant."
"Ssshhh!" Scar put his finger on my lips. "Just shut up, will you? Baka may makarinig sa'yo! If someone knew I came from the... palace... people will crowd over me!"
Nandidiri, inalis ko ang kamay ni Scar sa labi ko. Lumingon naman siya sa kaliwa't kanan, tila chini-check kung may nakarinig ba sa'min. Mabuti na lang, lahat ng mga tao sa kalsada ay abala sa sarili nilang mga lakad.
Scar looked back at me. Eyes sharp.
"Hangga't hindi tayo nakakarating sa mansyon ng mga Kimbridge, wala kang sasabihin tungkol sa'kin at kung saan man ako nagmula. Understood?" aniya.
Ngumisi ako. "Basta ba tatawa ka sa mga jokes ko?"
"No," he dropped.
Naglakad siya, saka nilagpasan ako. Ay? Nag-activate ulit ang isnabero mode niya? Tch! Sumunod na lang ako sa kaniya.
Daig pa 'ata ng "BOSS" ko ang moodswing ng mga babae.
Tiisin mo na lang, Glenn.
* * *
THE KIMBRIDGE RESIDENCE. One word to describe it... Wow!
Kung hindi ko alam na masyon 'to, mapagkakamalan ko 'tong kastilyo sa sobrang ganda't laki.
The hall is white in all corners. Napakataas ng kisame, na may naka-dangle na crystal chandeliers. The walls were also framed in white, with series of white columns standing on the side. On the other side, the gigantic window was made of pure glasses, allowing the sunlight to passed and washed through the hall's tiles. Floors, white and shining.
At, heto, nandito kami ni Scar sa gitna ng hall. He's steady standing, habang ako'y sobrang namamangha sa disenyo ng lugar.
Hindi ako matigil sa paglingon, kaliwa't kanan. Ang ganda talaga ng paligid.
Now, this is what LUXURY looks like.
Mayamaya, may dumating na ginoo. Naka-blue waistcoat ito, saka lumapit sa direksyon namin ni Scar.
"Sir, Madam, sorry for keeping you waiting. I am the Kimbridge's family butler." Nag-bow nang kaunti ang kadarating na ginoo, na 'butler' kuno. Matikas din ang postura niya. "Mr. Kimbridge and his daughter will soon meet you here. Pinapasabi lang po nila na maghintay pa nang ilang minuto. Please, be patient, hmm?"
Ngumiti ako at tumango. "Sige ho. Salamat po."
But Scar clicked his tongue. "D*mn, bakit an'tagal naman nila? I could have just walk out here and find another bride."
Pasimple kong siniko ang tagiliran niya. He darted sharp eyes on me. Pinanlakihan ko naman siya ng mata.
Pwede bang h'wag siyang bastos?!
"Tss..." Scar sighed. "Yeah, sure, we will wait for them. Rest assure that."
Walang ka-sincere-sincere ang boses niya. Halatang sarcasm.
Naku! Ito talagang lalaking 'to! May pagka-walang galang, eh.
"Thank you. Please feel at home, madam and sir," said the butler.
Nag-bow na lamang ulit ang butler, saka ito tumalikod at diretsong naglakad sa pintuan ng hall. The door SLAMMED close, indicating that the butler's already disappeared.
Scar and I were, again, left inside this elegant and beautiful hall. Nakatayo sa gitna. Magkatabi. Naghihintay.
"Hindi ka ba magre-rehearse ng sasabihin mo sa harap ng babae?" tanong ko.
Kumunot naman ang noo ni Scar. "I don't have to."
"Eh? Baka mautal ka 'pag kaharap mo na siya."
"No, I won't."
"Sure? No'ng nakita ko siya sa picture, napaka-flawless ng itsura niya. Baka ma-speechless ka sa ganda niya, sige ka."
"I'm not into outside beauty. Kaya nga ako personal na pumunta rito, para malaman ko ang ugali ng magiging future bride ko."
"Hmm..." Tumango na lang ako. "Sabagay. May point ka naman doon."
Ilang saglit pa, bigla na lang bumukas ang double-door. May mga yabag na narinig, habang papasok ito sa hall.
Napanganga kaagad ako nang makita kung sinu-sino ang kadarating lang. 'Yung butler na kinausap namin kanina, at sa likuran niya, naroon ang isang ginoo (about mid 40's) at isang napakagandang dalaga.
The elder man wears beautiful black suit, habang 'yung dalaga naman ay naka-floral white dress at bagsak ang buhok. Sa aura pa lang nila, masasabi mo na 'agad ang mataas na estado nila sa pamumuhay. Elegante.
Mr. Kimbridge and his daughter are here.
Tumuwid ako ng tayo, saka lumunok. Kabado.
Pero itong katabi ko? Walang bahid ng ekspresyon ang mukha ni Scar, habang pinapanood niya ang paglapit sa'min nung mga taong kadarating lang.
"Here they are, Sire," wika nung butler.
Mr. Kimbridge smiled. "Thank you, you may leave us."
The butler bowed his head, saka ito mabilis na naglakad 'tungo sa pintuan. Again, the door banged close, and the butler was gone.
Mr. Kimbridge and his daughter stood in front of us, smiling.
"Well? What do we have here? Butler told me that we have visitors from the Palace of Seion, I suppose?" ani ng ginoo.
"Yes we are, sir," seryosong tugon ni Scar. "I and my assitant came all along the way to meet you and your daughter."
I just stood here, silent.
Hindi ako sanay sa gan'to kapormal na pag-uusap. Well, pa'no ba naman? Lumaki ako sa baryo kung s'an barumbado ang mga tao, hindi sa gan'to kaelegante at rangyang estado.
Sa 'di sinasadya, napatingin ako sa anak ni Mr. Kimbridge. Ang ganda talaga niya.
Nagtama ang paningin namin, kaya naman ngumiti ako. Pero ikinagulat ko nang pasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa, saka siya umirap, animo'y nandiri sa itsura ko.
What the heck?! Attitude si ate!
Nanahimik na lang ako at yumuko. Baka nga sobrang pangit ko kumpara sa kaniya. Nakakahiya naman.
"I see. You have travelled quite far just to see us in person, huh? It was probably such a tiring trip," ani Mr. Kimbridge. "But first, may I ask why, though? If you don't mind, why have you come all the way to meet us?"
"I would love to answer that question, sir. But first..."
Tumigil si Scar, dahil bigla siyang bumaling sa akin. Tumaas tuloy ang kilay ko.
Anong meron?
"...My assistant here said she badly needs to pee. Can she at least use your comfort room?" ani Scar sa'kin.
Huh?!
Tinuro ko ang sarili ko. "Ako?"
He nodded. "Yes."
"Pero, hindi ako naiihi---"
"Yes, you are." At bumaling si Scar kay Mr. Kimbridge. "Can you at least tell her the location of your comfort room? She could manage walking there by herself."
Medyo naguguluhan ang mukha ni Mr. Kimbridge, habang ang anak nito'y tila nagpipigil tumawa.
Tinitigan ko naman nang masama si Scar. Sinong naiihi?! Loko 'to, ah!
"S-Sure," anang ginoo. "Just climb down the staircase at the left wing's hallway. Down there, you'll see another hall, and the third door at the right is the comfort room."
T-Teka... Seryoso?!
"There, you know the location. You can now go there and release your pee in peace," sabi sa'kin ni Scar.
Napanganga na lang ako. "Pero hindi---"
"Go. Now." Pinanlakihan niya pa ako ng mata.
Ngumiwi na lang ako. Anong bang trip niya?! Bakit niya ako pinapaihi, eh hindi naman ako naiihi?! Kainis!
"Move," Scar ordered.
Nalilito, nag-bow na lang ako kay Mr. Kimbridge at sa anak niya. Tapos, mabilis akong tumakbo 'tungo sa pintuan ng hall at diretsong lumabas. I slammed the double-door close, thinking: why the heck am I doing this?
"Ano bang nakain ng supladong 'yon? Bakit niya 'ko pinapaihi nang 'di naman ako naiihi?" bulong ko sa sarili. "Tch! Pinagtritripan 'ata ako n'on, eh!"
Gayunpaman, tinahak ko na lang ang mahaba't tahimik na hallway papunta sa left wing.
Susyal dito dahil may red carpet ang sahig. Mataas ang kisame, na sinabitan ng makikintab na chandeliers. Sa kanan, nakahelera ang mga malalaking pintuan na nakasarado. Sa kaliwa, nakahelera ang mga nagtataasang bintanang gawa sa salamin, at hugis arko.
Kahit saan ako lumingon, para akong nananaginip sa sobrang engrade ng disenyo ng mansyong ito.
Feeling ko, prinsesa ako na naglalakad sa pasilyo ng kastilyo. Nakakamangha! Until I realized something.
"W-Wait nga lang..." Bigla akong napahinto, sabay kamot sa batok. "Saan nga raw ulit 'yung papuntang comfort room?"
Oh, no. Nakalimutan ko!
_______________________________________
_______________________________________