The daughter HER Nasa simbahan kami ngayon. Binyag ng anak ni ma'am Maureen. Kinuha kasi sya nitong ninang habang si Tyron naman ang ninong. Unfortunately, Tyron can't attend due to his extreme work schedule. Naiintindihan naman ni ma'am Maureen kaya okay lang daw. May proxy naman si Tyron, ang anak nyang si Mico. "Welcome to the Christian world Minet." hinalikan ko ang eleven-month old nyang anak. Humagikgik naman ito. Ang cute! Habang nasa simbahan ay kanya-kanya kami ng kuha ng litrato. Nagpa-picture din kami kay father para may remembrance. Hindi ko tinatanggal ang kamay ko sa anak ko kahit saan ako magpunta. Hindi din naman ito nagre-reklamo. Nag-enjoy si Mico at hindi ito nakakaramdam ng bagot dahil may ilang bata ding kasama na kalaro na nya pero hinahanap pa din nito ang ama.

