Laura HER Isang linggo na simula nang makilala ni Mico ang ama nya. Isang linggo na ding nakatira kami sa iisang bahay. Sa loob ng isang linggo, may ilang gabi na hindi nya nakikita si Tyron. Hindi ito umuuwi. Ewan nya lang kung saan pumupunta yun. Baka busy sa trabaho. Maaga syang umuwi ng araw na iyon. Dinala nya sa bahay ang lesson plan nya para tapusin. Nag-paalam kasi si Tyron na hindi masusundo si Mico sa school kaya umuwi na lang sya ng maaga. Hindi nya maatim na mag-isa lang sa bahay ang anak nya. "Mommy. Saan po si daddy?" tanong ng anak nya habang naglalaro sa may sala. Doon sila namalagi at nakalapag lahat ng papel na kailangan nyang i-check. Ngumiti ako sa kanya. "Nasa work lang si daddy mo, anak. Bakit?" "I miss him na mommy. Hindi po sya umuwi kagabi." nakalabing sabi n

