Smile
HIM
I didn't have a great night. Not even the slightest. Oo na. Alam nyang kasalanan talaga sya. That green monster consumed him. What the f**k is wrong with me? When I saw a message coming from a Greg guy, I got irritated. Its just part of my reflexes so I tossed her laptop. Bad move.
I called Lucio, my friend and owner of LMI Technology. I ordered a set of laptop with complete accessories. The latest one as per his request. Kailangan nyang bumawi kay Giana.
Naunang bumaba si Mico. As usual, tulog pa din ang mommy nya. So, I prepared our breakfast. After making sure that everything is okay, I went to Mico's room. Nandoon kasi si Giana. I purposely locked her room last night. Gusto nya lang inisin ito pero nagalit lang lalo sya saken. It backfired.
The laptop I ordered was delivered two hours after I place an order. Inistorbo nya talaga si Lucio para maibigay agad sa kanya. Giana needs the laptop. He hopes for her forgiveness.
Inilagay nya sa may bedside table ang bago nitong laptop. Sinigurado talaga nya na ang laptop ang una nitong makikita kapag nagising ito.
She's still sound asleep. Nilapitan ko sya at hinalikan sa pisnge. "Good morning baby."
Bumaba na sya bago pa sya abutan ni Giana sa kwarto. Tinawag na lamang nya ang anak para gisingin ang mommy nya. Mas safe pa na si Mico na lamang ang gumising dito imbes na sya dahil baka black eye na ang abutin nya dito. Giana has a steel of hand. Napakabigat ng kamay nito.
Ilang minuto lang ay bumaba na sila. Masayang bumaba si Mico habang si Giana ay walang imik. Pinapansin lamang nito ang anak nila. She doesn’t even bother to look at him nor smile. He can feel the anger from Giana's aura.
I'm sorry baby. Not gonna happen again.
"Mommy. What time po tayo uuwi mamaya?" masayang tanong ni Mico
Bumaling sa bata ang atensyon ni Giana. Ngumiti ito ng marahan. "Gusto mo bang sumabay muna kina June at Pearl?"
Tumango ito. June and Pearl are his friends and neighbors here. Nakilala nya ang mga ito kahapon. "How about you mommy? What time ka uuwi?"
"Hindi pa alam ni mommy e. May aayusin pa ako sa school." paliwanag nito
"Ok mommy."
Tahimik lang ulit silang kumain. Giana is not giving any attention to him. Kapag nagsasalita sya ay hindi ito umiimik o sumasagot. She will just shrug or nod at him without looking. f**k!
This is not good.
Pinaliguan nya muna si Mico. Sya na ang nag-presenta na magpaligo sa anak nila para makatulong man lang sya dito. Ito din ang unang beses na pinaliguan nya ang anak kaya masaya sya. Sinabihan sya ng anak nya na ito na ang bahala sa pagbibihis dahil big boy na sya. Good job anak! Pinagbigyan nya ito sa kanyang hiling at iniwan ito. Nang makita nyang nasa sala na si Mico habang inaayos nito ang gamit ay kinuha nya ang pagkakataon na yun para pumasok sa kwarto.
I saw her in her uniform with a scarf. I smirk. I think the hickey is there. He canstill put some on her if she wants. He feels proud!
Nang makita sya nito ay tumaas ang kilay nito sa kanya. Hindi ito nagsalita bagkus ay tinuloy lang ang ginagawa. She's now putting her red fierce lipstick. Now, that’s a temptress!
I cleard my throat. "The laptop is in the bedside table."
Hindi sya nito tinapunan ng tingin. Tumango lang ito. Napapikit na sya at napahilot sa sintido. "Its the latest model. There's a lot of features---" natigilan sya sa pagsasalita ng humarap na ito saken. Wala pa ding emosyon ang mukha nya.
"Okay." sabi nito at lumabas.
I was left dumbfounded. Okay? As in, we're okay or okay as in just okay? One thing is for sure, she's furious! She doesn't even look at the laptop I gave to her. Mukhang hindi pa ito nagagalaw. What else should I do? Hindi sya makakapag-trabaho kung galit pa ang babaeng yun saken.
Sya na mismo ang naghatid sa kanila sa school. Tanging si Mico lang ang nagsasalita habang nasa byahe. Bumaling si Mico sa ama bago ito bumaba ng sasakyan. Nauna na kasi pumasok ang mommy nito. "Nag-away ba kayo ni mommy, daddy?"
Nahihiyang tumango sya. I don't want to lie infront of my kid. "Yes baby. What do you think should I do to make her feel okay?"
Umiling ito. "Hayaan mo lang po si mommy. Ayaw po ni mommy na kinakausap sya kapag galit. Huwag nyo na din po syang kulitin."
"Is that so."
Tumango ito. "Pwede ko pong kausapin si tito Butch para maging happy na ulit si mommy."
Nangunot ang noo nya. So, there's another guy ha. "Who's tito Butch?"
"Mommy's co-teacher and friend." sabi nito. "Pasok na ako daddy. Bye."
"Bye baby. Enjoy."
Wala na syang ganang pumasok sa trabaho. I just called my secretary to send all my files. Sa bahay na lang babasahin ang mga ito at pag-aaralan. Hindi din naman sya makakapag-isip ng maayos at makakapag-trabaho ng maayos.
"Why are you here?" bungad na sabi ni mommy. " Where's Giana and Mico?"
"Can't I be enough?" nagtatampo nyang tanong.
Hinampas sya ng mommy nya. "Stop it. Silly! Masama bang hanapin ang maganda kong manugang at gwapo kong apo."
"They are at school." Saad nya.
Nag-aayos ng hardin nya si mommy ng dumating sya. Kaya pala hindi ito lumalapit saken. "What brings you here?" tumingin ito ng mataman saken.
"Am I not allowed here?" natatawang komento nya.
Umiling ito. "Its not like that. You're always welcome here but its not weekend yet, remember. May gusto ka bang sabihin saken? Its not usual for you to come here during your working days."
Naupo ito sa may veranda kaya sumunod sya. "Its about Giana." Panimula nya.
I told her everything. Alam ni mommy ang tungkol kay Giana noon. She was the one who found out about Giana's whereabouts. Mas magaling pa nga itong imbestigador kesa sa nakuha nya. Her mom has a lot of connections in the industry. With a simple snap of her fingers, she’ll get what she wants but she doesn’t do that often not unless it is an emergency.
"What happened?"
"Ahm. I..."
"What!?" galit na ito
"I broke her laptop but I replace it the next morning." saad nya. "But she was furious. She doesn't even look at me this morning nor talk to me."
"Why? Why did you do that?"
Huminga muna sya ng malalim. There’s no use of lying to his mother. "Well. She's practically chatting some guy named Greg in sss. I got irritated so I tossed her laptop."
"Who's Greg?"
Umiwas sya ng tingin. I search that guy named Greg Cruz. I wanted to talk to him to stay away from Giana. To give some senses to him that Giana has a family. But to my surprise, Greg is just a student at her school. "Giana's student."
Pumikit naman ng mariin si mommy sa sinabi nya. "Are you nuts Tyron? You are jealous because of her student. He's just a kid!"
"But that kid is playing fire over Giana. He's literally flirting with Giana. That kid likes her." Argumento nya.
Umirap ito sa kanya. "Stop this nonsense Tyron. Nakaka-stress ka. Hindi na ako magtataka kung bakit galit sa iyo si Giana. You're acting like a kid. Act like a professional. You are a lawyer for Jesus Christ's sake." inis na sabi ni mommy. "Fix your problem on your own. Tinagurian kang magaling na abogado pero kung umasta ka ay parang bata. Talk to Giana. Apologise to her. Make it up to her. Kung hindi, babalatan talaga kita ng buhay."
His mom made some good points. It took him a good hour of scolding for him to realize what exactly he needs to do to make up with Gianna from his antics.
After my encounter with mommy, I headed to a flower shop. Sana matanggap na ni Giana ang sorry nya. I'll be sincere. I am sincere. Nag-init lang bigla ang ulo nya kaya nya nagawa yun.
Love works in mysterious ways.
I bought a dozen red and white roses. Sinamahan na din nya ng chocolate at card. Yes, flowers and chocolate are too mainstream but that's the only sane thing he could do. If it fails, then he will persuade her with guitar or whatever until she gives in.
I went to her school at exactly three in the afternoon. I used a black pair of glasses with rugged jeans and polo. Hindi din naman sya nakapunta sa office kaya hindi na sya nag-abala pang magpalit ng damit.
When I got there, some students were giggling. Some doesn't even care. I just shrugged off those eyes eyeing me while holding the flowers and chocolates. Nakakarinig pa sya ng mga tilian sa iba. Kids nowadays are too liberated. Couples are everywhere. Public display of affection at its finest.
"Daddy?"
Agad syang ngumiti ng marinig nya ang boses ni Mico. "Hi there big boy."
"Why are you here? Ikaw po ba ang susundo saken?" inosente nitong tanong. "I'm with June and Pearl po daddy. Nag-play kami sa playground kasama ng ibang kids."
Binati nya din ang dalawa nitong kasama. "Hey kiddos! Wanna come with me for a free ride home?"
Ngumiti naman ang dalawa. "Hindi na po tito. Susunduin po kami ni Tita Andrea mamaya." magiliw na sabi ni Pearl
"I see." sabi nya.
"Daddy." bumaling sya kay Mico nang tawaging sya nito. "Bati na po ba kayo ni mommy?"
Ngumiti sya sa anak nya at ginulo ang buhok nito. "Dad's gonna try his luck today. You see these?" pinakita nya ang flowers, chocolates at card na hawak nya. "You think mommy will like these?"
Nagkibit balikat ito. "Hindi ko po alam daddy. Meron din pong nagbibigay noon kay mommy ng flower at chocolate pero iniiwan lang nya po yun sa table nya. Pinapakain na lang po nya sa mga students nya o saken yung chocolate."
Napapikit sya ng mariin. "Well. I'll still try my luck. Where's your mom?"
"Nasa faculty room daddy."
Kinarga nya ang anak nya at nag-paalam sa dalawa nitong kaibigan. "Can you tell me where it is big boy?"
Tumango ito. "Yes daddy." tumingin naman ito sa dalawa nyang kasama. "June. Pearl. Sasama na ako kay daddy ha. Kita tayo bukas."
"Bye-bye Mico. Bye-bye tito." sabay na sabi ng dalawa.
As we walk sideway, I held my son's hand. Malapit lang ang faculty room na sinasabi ng anak nya. Ito na mismo ang kumatok. Pinagbuksan naman agad ito. Nang makita ng isang guro na nasa likuran sya ay nagtatakang tumingin ito saken.
"Is Giana Claire Cariedo there?" magalang kong bati. Tumango naman ako. "Can I excuse her for a while to talk?"
"Sino po kayo?" tanong nito
"I am Tyron Marc Wilhelm. She's my wife." taas noong sagot nya. Yes, I know she'll get furious if she finds out what I've said but I have to make everyone know that she is no longer available. Heck to those suitors who gave her chocolates and flowers before him.
Not anymore dudes!
Tumango naman ito. "Saglit lang po sir. Tatawagin ko na po si ma'am."
After a minute, a shock Giana faced me. "Anong ginagawa mo dito?" mahinahon nitong tanong.
I smile and gave her the flower and chocolate I bought awhile back. "I'm sorry."
Tumingin ito sa dala nya. Tumingin din sya saken. Palipat lipat ang tingin nito saken at sa bulaklak at chocolate na hawak nya. "Hindi mo na kailangang gawin ito."
"But I want to. I feel guilty. I'm sorry." I sincerely said. "I admit my mistake that's why I want to make it up to you. Baby, I'm sorry."
"Ma'am tanggapin mo na."
"Ma'am magbati na kayo."
"Ma'am nakakakilig naman!"
"Mommy." agad namang nakuha ang atensyon ni Giana sa anak. "Please forgive daddy. Nagsabi na sya ng sorry. Sana bati na kayo."
Bigla namang lumambot ang eskpresyon ni Giana sa narinig. Thanks, Mico! You're my savior.
Niyakap ni Giana si Mico. "Oh baby. Huwag ka ng malungkot, okay."
"Bati na po ba kayo ni daddy?"
Natigilan naman si Giana sa sinabi ni Mico. Tumingin ito saken. "If your daddy will promise not to break my laptop again." nakatingin pa ding sabi nito saken. “Or any personal stuff mommy has, then I might consider.”
"I promise."
Tumango ito at humarap kay Mico. "Okay baby. Bati na kami ni daddy." tinanggap na nya ang binigay nya kaya napangiti sya.
Tuwang tuwa namang yumakap ulit si Mico sa kanya. "Thank you, mommy."
Nang matapos ang ilang minuto ay bumalik na din sa dati ang lahat. Nagsibalikan na din sa mga table nila ang mga katrabaho ni Giana. Yung iba ay nagsiuwian na. Pinapasok muna ni Giana sa loob si Mico saka sya hinila papunta sa isang kwarto.
"Are we really okay?"
Umirap sya saken. "Idinaan mo na ako sa anak mo kaya hindi na ako makahindi. Ang pinaka-ayaw ko ay ang naapektuhan ang anak ko. Sigurahin mo lang na hindi na mauulit ang nangyare kundi hindi lang suntok ang aabutin mo."
Anak mo.
Napangiti sya. Those two words are music to my ears. Lalo na kapag nanggagaling sa kanya. How sweet!
"Ano?!" singhal na nya. "Hoy mister. Subukan mo ulit itapon ang laptop ko ay sisiguraduhin kong hindi ka na makikilala ng ibang tao."
I chuckle. "Copy that misis." I even winked at her.
Pinamulahanan naman ng mukha si Giana sa sinabi at ginawa nya. Good! Now that I know that I somewhat affect her, it will be an advantage to me to make my move. Our love story is seven years late in the making.
HER
"Ihatid mo na si Mico sa bahay. Late na ako uuwi."
Agad syang umalis para makaiwas sa kanya. Shet! Kanina ay galit pa sya tapos ngayon ay para syang teenager na kinikilig dahil lang sa ginawa nito kanina. Hindi na bago sa kanya ang makatanggap ng regalo pero iba pa din kapag galing sa ama ng anak nya.
Hindi nya ine-expect na may gagawin ito kaya sobra syang nagulat ng makita nya ito sa labas ng faculty room. Paniguradong may kurot na naman sya sa singit galing kay Butch bukas. Saktong umuwi kasi ito kanina ng maaga kaya hindi nito nakita si Tyron. Ilang araw na din kasi syang kinukulit ng baklang yun na ipakilala kay Tyron. Hindi sya tinitigilan.
"Nagkabalikan na pala kayo ng asawa mo Ma'am Cariedo." usisa ni Ma'am Maureen. Yung tumawag saken kanina.
Kumunot ang noo nya. "Ano po yun ma'am?" wala naman syang sinabihan sa kanila na si Tyron ay asawa o boyfriend sya. Wala din naman syang pinapakita na picture dito. Saan naman nya nakuha ang ideya na yun. At saka, sinabi nyang patay na ito kaya paano.
"Sinabi nya po kanina na sya ang asawa mo." kinikilig pang sabi nya "Ikaw ma'am ha. Ang fafable pala ang asawa mo. Bakit ngayon mo lang nilabas?"
Natawa na lang sya. "Naku ma'am---"
"Kaya pala gwapong-gwapo ng anak mo e. Ang ganda ng lahi ng pinagmulan. Makahanap nga ng sarili kong version ng Tyron Marc Wilhelm." kinikilig pa din nitong sabi. Nakita nyang kinuha na nito ang bag nya. "Sya sige ma'am. Alis na po ako. Magbati na kayo ni husband ha. Huwag mo naman masyadong pahirapan."
Naiiling na binalik na lang nya ang atensyon ginagawa. Sya at si ma'am Maureen na lang ang natira kanina nang makabalik silang pareho. Meaning, dahil umalis na ito ay mag-isa na lang sya sa loob ng faculty room. Five-thirty na. Medyo dumidilim na sa labas. Ikinubli nya na lang yun at pinagpatuloy ang ginagawa. Kailangan nyang matapos ang syllabus na ipapasa nya kay Mrs. Marasigan. Mabuti at napakiusapan pa nya ito kanina na syllabus muna ang ipapasa nya at in-extend ang deadline para sa kanya. Pumayag naman. Mukhang good mood si ma'am.
Nanghiram lang sya kay Butch ng laptop. Bumili na din sya ng USB para doon ilagay mga nagagawa nya. Kung masira man ang laptop ay may sasagip pa saken na USB.
Pinagpatuloy nya na ang ginagawa hanggang sa hindi na nya napansin ang oras. Its almost seven in the evening. s**t! Kailangan na nyang umuwi. Dali dali nyang sinave ang mga nagawa nya simula kanina. Sa bahay na lang ipi-print ito. May printer naman si Tyron e. Sinigurado nya munang sarado ang lahat ng pinto maging ang bintana. May ilan pang estudyante na binati sya.
Nahagip ng mga mata nya ang binigay ni Tyron kanina. May kilig bones din pala ang lalakeng yun. Akala nya ay puro shut up lang at pambu-bully ang alam nito. Kumuha lang sya ng isang petal ng rose. Sinulatan nya yun ng date ngayon saka inilagay sa planner. Ewan nya ba. Gusto nya lang itago. Alam din naman na malalanta din yun kaya magtatago na lang sya kahit isa. Kinuha na din nya ang mga chocolate na binigay nito at inilagay sa bag. Pampalipas gutom din ito.
Nang nasa may gate na sya at nagta-time out sa logbook ay biglang lumapit si manong Douglas. "Ma'am. Kanina pa po kayo hinihintay ni sir." tinuro nito ang isang taong nakaupo sa gilid katabi ng sasakyan nito. "Kanina pa po yan ma'am. Ang daming lumalapit pero hindi man lang pinapansin ni sir. May ilang nagpapa-picture pero parang wala itong pakealam. Ang sungit at suplado pala ni sir." natatawa pang sabi ni manong Douglas
"Si manong talaga ang daming alam." madalas kasi itong magpatawa. "Sinabihan ka ba nyang sabihin saken yan?"
Umiling agad ito. "Hindi ma'am. Ang tanging sinabi lang ni sir ay kapag nakita ko kayong palabas na ay tawagin ko sya. Yun lang po."
Tumingin ito sa gawi nila at bahagyang nagulat dahil papalapit na ito. "Hey. Done with your work?"
Tumango sya ng marahan. Tumingin ito kay manong at ngumiti. "We have to go manong." sabi nya at hinila sya.
Hinayaan na lamang nya ito. Biglang lumambot ang puso nya dahil sa nalaman. Hinintay ba talaga sya ni Tyron. Nang makasakay ay agad nyang hinanap ang anak. "Nasaan si Mico?"
"Home." simple nitong sabi at pinaandar na ang sasakyan.
"Kanina ka pa?" bigla syang nakaramdam ng kaba.
"Yeah. I've been here for almost..." mabilis nitong tiningnan ang relo nya at binalik agad ang atensyon sa daan. "Three hours."
"Bakit hindi ka pumasok?"
Nagkibit balikat lang ito. "I don't want to disturb you."
"Hindi kita pinilit na hintayin o sunduin ako kaya huwag mo akong sisisihin kung naghintay ka ng tatlong oras." yun na lang nasabi nya. Kasi naman! Nakaya nyang maghintay ng tatlong oras. Pwede namang katukin na lang sya doon sa faculty room e. At saka, hindi din naman nya ito pinilit na sunduin o hintayin sya.
Ngumiti ito habang nakatuon ang atensyon sa daan. "I won't. Don't worry. Besides, I wanted to do that."
Hindi na sya nagkomento pa. Naman kasi e. Pinigilan nyang huwag maghurementado ang mga ovaries nya pati ibang organs nya dahil sa sinabi nito. Hindi na tuloy nya mapigilan ang sarili na ngumiti. "There you go." napatingin agad sya dito. "I miss that smile."
Lalo syang napangiti. Alright, fine. Sige na. Kinikilig na sya. He did great awhile back Masama ba? Minsan lang naman e. Hayaan nyo na syang makaramdam ng kilig plus ang gwapo nya pa kanina. Hindi nya tuloy matiis ang mokong.
Ikaw na ang marupok Giana. Napakarupok!