"CRIZA ,sama ka saamin nina Joyce. Punta tayo sa mall total puro program lang naman ang meron dito" ani Jirah
Mayroong program sa School nila,dahil maaari naman silang umalis anytime dahil hindi naman ito ganun kaimportante niyaya siya nina Jirah.
"Ok sige, nasaan naba sina Jessa ang tagal naman mag cr ng mga iyun kanina pa" reklamo niya.
Mabait naman siya ngunit pagdating sa mga matatalik niyang kaibigan kahit kay Lyle ay talagang bardagulan sila kung maglambingan.Sa pag-iintay nila kasalukuyang nag ring ang phone niya. Sinagot niya ito.
"Criza,umuwi ka muna. Nag-wawala si Lyle dito sa kwarto niya baka kung anong gawin niya. Ayy jusq!!" Natatarantang ani ng lola, rinig niya ang nabasag na bagay kabilang linya.
"H-ho, bakit po nagwawala?" Gulat na aniya.
"Nalaman niya ang tungkol sa Mama nya, heto nga't kinakatok siya ng kanyang Ama hindi naman pinagbubuksan" mula sa phone dinig niya ang sigaw marahil ay si Lyle iyun.
"Sige po Lola, papunta na po ako riyan" aniya.
Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Ito na nga ang ikinatatakot niya---ang malaman ni Lyle ang tungkol sa kaniyang mga magulang.
"Bes, ayus ka lang? Namumutla ka ah?" Tanong sa kanya ni Jirah, saktong dating naman nina Jessa at Joyce.
"Ano tara na--" ani Joyce, hindi na nito natuloy dahil sumabat kaagad siya.
"Sorry mukhang hindi na ako makakasama, may emergency sa Mansyon. Next time na lang" walang lingon-likod na tumakbo si Criza, hindi niya alam ang naging reaksiyon ng mga ito.
Pagdating ni Criza sa Mansiyon, nasa Baba pa lamang siya naririnig na niya ang mga kaguluhan sa itaas. Dali-dali siyang pumanhik at bumungad sa kaniya ang mga kasambahay maging sina Don Paulo at Lola Minda niya.
"A-ano na pong nangyari? Nasaan po siya?" Tanong niya ng makita siya ng mga ito.
"Apo, kausapin mo si Lyle siguradong makikinig siya sa iyo" paki-usap nito.
"Criza, please.Kausapin mo si Lyle, ipaliwanag mo sa kanya na may dahilan ang mama niya kaya niya iyun nagawa, kaya kami nag-divorced" pakiusap nito.
"O-opo, pupuntahan ko na po siya"aniya.
Dali-dali siyang tumungo sa pinto ng kwarto ni Lyle, pinakinggan kung ano ng lagay. Kumatok siya ngunit hindi ito tumutugon. Dahan-dahan niyang pinihit ang sedura ng pinto, ngunit naka- locked iyun. Lalo siyang kinabahan sa maaari nitong gawin.
"Lyle, buksan mo yung pinto. Papasukin mo ko please. Mag-usap tayo" aniya.
Sinenyasan siya nina Don Paulo na aalis na muna sila upang makapag-usap sila ng maayos. Naiwan siya doong mag-isa na pilit ipinabubukas ang pinto kay Lyle.
" Lyle, please. Kung kailangan mo ng kausap nandito ako. Remember magkaibigan tayo di'ba" aniya muli.
Ilang minuto pa'y unti-unting kumawang ang pinto. Pumasok siya roon at ikinandado muli. Nagulantang siya ng bumungad si Lyle na umiinom ng alak sa kama habang umiiyak. Sobrang kalat ng buong kwarto nito. Basag rin ang salamin, maging ang unan ay nasira. Ngunit mas nag-alala siya ng makitang dumudugo ang kamay nito, marahil ay sinuntok nito ang salamin kaya nabasag. Lumapit siya rito at tumabi sa kama.
"Lyle,kung kailangan mo ng kausap nandito ako, handa akong makinig" malambing niyang turan.
"I waited for several years, para hintayin si Mama na bumalik galing Canada. Pero nabigo ako, I'm f**k*ng idìot. Narinig ko na dati ang plano ni Mama when i was six years old, pero hindi ko iyun pinansin dahil I thought na mababago iyun hanggang sa makalimutan ko na" paliwanag nito habang siya ay nakikinig at hinihimas ang likod nito.
" At ngayon na nalaman ko ang lahat, na Arranged merriage lang ang naganap dahil kina lolo at lola, mas naging malinaw na sakin kung ano ang kulang talaga sakin. At yun iyong pagmamahal ng isang pamilya, hindi ko man lang naranasan na magkaroon ng very sweey na Mama at Papa, never ko silang nakitang sweet dahil araw-araw silang nag-aaway kaya siguro naging ganito rin ako" sinabunutan niya ang kaniyang sarili.
Naiintindihan niya ito, lumaki ito sa piling ng kaniyang Ama na hindi man lang nito nakasama ang ina. At ang masaklap talaga, pumunta lang ng Canada ang Mama nito upang humanap ng lalaking magpapaligaya dito. Ni hindi manlang nito naisip ang mararamdaman ng kaniyang Anak kapag umalis ito. At nape-pressure si Lyle dahil sa mga responsibilidad na dapat ay magawa niya.
Tulad na lamang ng kanilang Business, napilitan si Lyle na kunin ay Marketing kahit na ayaw niya iyun mula't sapol. Iba daw ang kaniyang pangarap dahil sinabi ito sa kaniya. Pangarap nitong maging Lawyer ngunit mas pinili niya ang Marketing dahil sa kagustuhan ng kaniyang Ama.
"Lyle, may dahilan ang Mama mo for sure,maging ang Papa mo. Alam mo bang inamin sakin ni Don Paulo na mahal na mahal niya si Donya Patricia ngunit mas pinili niya itong maging malaya dahil alam niyang ikaliligaya iyun ng mahal niya" paliwanag niya.
"Alam ko naman iyun, kahit na toxic relationship sila, alam kong mahal ni Papa si Mama. Ang sa akin lang hindi nila naisip ang mararamdaman ko" nilagok nito ang naktitirang alak sa tagayan.
"Alam ko ang pakiramdam mo Lyle, nararanasan ko rin yan nung nasa puder ako ng Stepmother ko.At toxic rin ang pagsasama nila ni Papa.Parehas tayo dahil iniwan rin ako ni Mama, yun nga lang maaga siyang namaalam dahil sa sakit niya at nag-asawa uli si Papa para sa ikaliligaya niya".
"Parehas silang may kasalanan, pero masisisi mo ba kung nung panahon na nagsasama ang magulang mo, hindi naman sila masaya sa araw-araw. Kaya minabuti na lang nila na maghiwalay kesa masaksihan mo ang toxic relationship nila. Para sa iyo rin iyun Lyle, hindi mo pa lang naiintindihan dahil hindi kapa nag kakaasawa o nagkakapamilya. Hindi ka palang nakakaranas magmahal, ganun talaga kapag hindi kayo compatible, kinakailangan na maghiwalay kayo at humanap ng totoong kapareha" mahabang eksplanasyon niya.
"4th Year High School Student kaba o sumapi sa iyo ang Lola ko. Para kang matanda kung magpaliwanag" anito pinahid niya ang kaniyang luha at pinilit na ngumiti.
Pero kahit ganun paman na pilit ang ngiti atleast nakukuha na nitong magbiro at effective ang mga sinabi niya.
"Thank you for always being here when I needed you, Criza.Ikaw ang nagsisilbing lakas ko. Alam kong hindi ko pa nararanasan mag mahal ng sobra pero siguro maiintindihan ko rin iyun in the future" anito habang hawak ang kaniyang kamay.
"Maiintindihan mo rin iyun. Not now,not later but soon.Gamutin na natin yang sugat mo. Ang iyakin mo pala Lyle" pang-asar niya.
"Your such a funny girl!"anito.
Ika nga ni Oprah Winfrey---Where there are no struggle, there are no strength.