NAPABALIKWAS ng bangon si Criza ng mapagtanto niyang hindi ito ang kwarto niya. Napahawa siya sa kanyang ulo dahil para iyung binibiyak na buko. Ang sakit rin ng katawan nya at hanap niya ay tubig na sobrang lamig. Para siyang uhaw na uhaw sa malamig na tubig. Ikinagulat niya ang pagbukas ng pinto, nakita niyang pumasok si Lyle kaya nag taklob siya ng comforter.
"Gising ka naba Criza?" Tanong nito sa mahinahon na tono.
Hindi siya tumugon at narinig niya muli ang mahinang lagapak ng pinto, marahil ay umalis na si Lyle. Bumangon siya habang sinasapo ang masakit niyang ulo. Pagbukas niya ng pinto isang pigura ni Lyle ang bumungad.
"Ayy palaka!!" Gulat at malakas na turan niya.
Criza namn sa gwapong iyan palaka pa talaga?
"Masarap ba ang tulog mo?" Tanobg nito pagkuwan.
"Bakit ako nandito? Sa k-kwarto mo?" Nauutal niyang tanong.
"Don't you remember what happened last night?" Isang pilyong ngiti ang gumuhit sa mga labi nito.
Napamulagat siya. Hindi niya maintindihan at maalala ang mga nangyari kagabi. Tiningnan niya si Lyle na nakatingin sa kaniya na halos sinusuri nito ang ulo niya hanggang paa. Ipinagkrus niya ang kanyang braso at itinakip iyun sa kanyang dibdib.
"A-anong ibig mong sabihin? Wag mong sabihin na may nang-yari?" Kabado niyang tanong rito.
"Oo" nakangising tugon nito.
Napaawang ang bibig niya.Hindi niya alam kung ano ba ang dapat isipin sa narinig.
"Bakit parang ang tamlay mo Apo? May sakit kaba?" Tanong ng kaniyang lola habang hinahagod ang buhok niya.
"P-po, wala naman po, la" hindi siya nag-aangat ng tingin at ipinagpaoatuloy niya lamang ang pagkain.
"Ganun ba, hindi kasi ako sanay na tahimik ka. Ako'y pupunta muna sa garden hija, at ako'y magdidilig muna" paalam nito.
Umalis na ang kaniyang Lola at ng magkasarinlan silang dalawa ni Lyle. Agad na nagbukas ito ng usapan.
"Criza, are you alright? Ang tahimik mo nga pansin ko" puna nito.
Sino bang hindi tatahimik kung may kasalanan ka? Sa isip-isip niya lang.
"Ah,Oo okay lang ako" pilit na ngiti niya, hindi siya makatingin ng diretso dito.
"Masarap ba ang tulog mo?" Tanong nito pagkuwan.
Saglit na nag-angat siya ng tingin rito, namataan niya itong nakatitig sa kaniya habang pinapanood siyang kumain. Napalunok siya. Uminom siya ng tubig dahil hindi niya kinakaya ang titig nito sa kanya, para siyang nalulusaw sa mga oras na iyun.
"Natatandaan mona ba ang nangyari satin last night?" Seryosong anito, na may pilyong ngiti sa labi.
Agad na nasamid siya, lumabas ang tubig na ininom niya sa kaniyang ilong. Mabilis na pinuntahan siya ni Lyle at hinagod ang likod.
"Ano ba Criza, dahan-dahan. Alam kong hang-over ka pero wag mong lunurin ang sarili mo sa malamig na tubig" tawa-tawa nitong turan.
"Lyle, huwag kang maingay baka may makarinig saiyo" gigil na aniya.
"Ikaw kasi may pag-inom-inom pa ng alak!" Napalakas ang pagkakasabi nito kaya napalo niya ito ng malakas sa braso.
"Ouch! Sorry, ayus kana ba?" Agad na nilayo niya ang kaniyang likod.
"Wag ka kasi maingay, mamaya marinig ka ni Lola. Nakakainis ka!" Nagkunot-noo siya.
Bumalik na ito sa pag-kakaupo at ipinagpatuloy ang pagkain. Saglit na pumainlang ang katahimikan. Hindi siya mapalagay at nag-aatubiling itanong ang mga nasa isip niya.
"Lyle, b-bakit pala ako nasa kwarto mo? Bakit dun ako nakatulog? Saka paano ako naka uwi kagabi?" Sunod-sunod niyang tanong.
Tumikhim muna ito ng ilang beses bago sumagot.
"Tinawagan ako kagabi ni Jessa, pinasundo ka dahil lasing ka na nga daw. Nasa kwarto kita kasi dinala kita dun" pilosopo anito.
"Lyle, hindi naman kasi ako nagbibiro. Bakit nga ako nasa kawarto mo? Bakit hindi mo ako dinala sa mismong kwarto ko?"
"Naabutan ko kasi si Lola Minda na gising pa. Nasa Sala siya, naisip kong makikita niya tayo at mabibisto sa kalokohan mo pag dinala kita sa kwarto mo. Kaya iniakyat na kita" paliwanag nito.
"Magkatabi ba tayong matulog kagabi?" Aniya na sinusuri kung magkatabi nga.Napatawa ito sa tinuran niya.
"Paano kung sabihin kong, Oo" Titig na anito sa kaniya.
Napaawang ang bibig niya, na baka ito ang tinutukoy na "nangyari last night".
"Joke! Sa sahig ako natulog. Ang lakas nga ng harok mo, saka tulo-laway pa" pang-asar nito.
Tinaasan niya ito ng kilay. Pinaningkitan niya ito ng mata.
"So anong yung sinasabi mo kanina? Yung last night? Don't tell me may nangyari talaga? S-satin?" Kabado niyang tanong, halos mabingi na siya sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya.
Napahagalpak ito ng tawa. Mukhang inaasar siya ng loko. Mukha ba siyang nagbibiro. Halos manigas na nga siya maitanong niya lang. Tapos tatawanan niya lang ito. Baka naman mali siya ng akala?
"Seriously Criza? Ang akala mo talaga yung ano yung nangyari satin?"
Nakaramdam ng inis si Criza. Sumasakit na naman ang ulo niya. Pasalamat na lang at Sabado ngayon at wala silang pasok. Kinuha ni Criza ang sandwich na nakahain at isinubo iyun kay Lyle na siyang ikinagulat nito.
"Criza naman di ka na mabiro. Sinayang mo yung sandwich nalaglag tuloy" anito na nanghihinayang at gumuhit na naman ang pilyong ngiti.
"So ano nga kasi! Pabitin ka Lyle kahit kailan! Ano ba kasi iyun, sabihin mo na!" Aniya na inis na inis na.
"Kung hindi mo naitatanong yung nangyari na tinutukoy ko is..kagabi sinigawan mo lang naman ako, nagtatanong lang yung tao e" anito.
"Yun lang naman pala e" napangiti siya dahil hindi naman pala ganun ang nagyari tulad ng nasa isip niya.
"Anong yun lang! Hindi mo tanda pero, sumuka ka sa tabi ng kalsada, ipinampunas mo pa nga iyung damit ko. Pagakatapos muntikan ka ng mauntog sa pinto ng kotse ko" salaysay nito.
Magsasalita na sana siya ng pinigilan nito ang bibig niya gamit ang hintuturong daliri nito.
"Opsss, meron pa Criza. Muntikan mo na rin akong nakawan ng halik kagabi. Ikaw ha Criza, agressive ka pala" anito habang hinahagod-hagod ang baba.
Shockss!! Nakakahiya, nakita ako ni Lyle na sumuka. Tapos puro kagagahan yung mga ginawa ko. Muntik pa akong makapagnakaw ng halik at sa mokong pa naito.Nasapok niya ng mahina ang kaniyang ulo.
"At sino pala si Gabriel?" Tanong nito maya-maya, hindi siya sumagot kunwari ay wala siyang narinig.
"Ah-huh! Manliligaw mo siya hindi ba? Tama ako, akala ko ba bawal ka pang magpaligaw? Andami mong sikreto na hindi mo sinasabi sakin" anito na alam niyang tama ang kaniyang hinala.
"Ba't ko sasabihin e sikreto nga" sarkastikong sabi niya.
"Kitams, huli kana. Paano kapag nalaman ito ni Lola Minda anong mangyayari?"
"Utang na loob Lyle, wag mong sasabihin kay Lola please" pagmamakaawa niya, para na siyang masisiraan ng ulo dahil sa pang-aasar nito.
"Parehas na tayong may siretong malupet ngayon Criza. Now we are fair!" Anito muli.
"Wag mokong sasabihin, baka akala mo madami rin akong alam na sikreto mo. Baka di mo naitatanong na alam kong madami ka ng poster collections ng mga naked sexy star na nasa drawer mo maging sa computer mo, madaming naka saved!" Panakot niya.
" Promise hindi ko sasabihin" turan nito.
Puro kasi tayo kalokohan Lyle e. Master talaga kita kahit kailan.