MATAPOS ng nangyari sa Poster Making Contest kanina malalaking ngiti ang sumalubong kay Criza sa Mansyion. Nanalo siya sa unang pagkakataon nakakuha siya ng 2nd place, kahit sa kabila ng kaguluhan sa isip niya dahil sa natuklasan kay Lyle nung nakaraang linggo ay nagawa parin niya ipanalo ang nasabing Contest.
"CONGRATS CRIZA!!" Sabay-sabay na turan nina Don Paulo at ng mga tao sa Mansiyon.
Dinaig pa ang fiesta sa daming abubut sa kapaligiran.Nagpasalamat siya dahil sinuportahan siya ng nga ito.Si Lyle ang number one supporter niya sa lahat ng bagay.
"Ang galing mo Criza, biruin mo first time mong sumali tapos nasungkit mo kaagad ang 2nd placed" papuri nito, naaninag niya ang magagandang ngiti ng binata, nag-init ang pisngi niya dahil sa di maipaliwanag na nararamdaman.
AFTER 2 YEARS, 4th year High School na si Criza, itinuloy niya ang kaniyang nasimulan.Sinalihan niya ang iba pang mga contest na ginaganap sa Kanilang University. Maging ang Quiz bee at slogan ay pinatos niya. Samantalang si Lyle naman ay 3rd year Collage na. Kumukuha ito ng kursong Marketing.
Ngayon lamang ni Criza nalaman, na mayroon palang businesses ang pamilya ni Lyle. Mayroon silang tatlong branch ng Restobar at ito ay ang "Love at First Sip". Ang isang branch ay nasa Laguna, ang isa ay nasa Lipa,Batangas at ang huli ay nandidito sa Makati City kung saan sila nakatira at nakatayo ang Mansyon.
Nalaman rin ni Criza na matagal ng iniwan ni Donya Patricia ang mag-ama. Hindi ito alam ni Lyle, iniwan siya nito nung walong taong gulang pa lamang siya. At ang buong akala niya 10 years na itong naninirahan sa Canada. Ngunit lingid sa kaalaman niya iniwan na sila nito at ipinagpalit sa lalaking ka lived-in nito. Sinusustentuhan na lamang siya nito dahil sa kaakibat na responsibilidad nitong maging ina para kay Lyle. Ito ang ikinatatakot ni Criza---na baka malaman ni Lyle.
Nalaman lamang niya ito kamakailan lang ng magtanong siya sa Lola niya tungkol sa Mama ni Lyle at ito pala ay narinig ni Don Paulo.Ipinaliwanag ni Don Paulo sa kanya ang lahat, dahil kinse anyos na siya at maiintindihan na niya ang lahat.Nalungkot siya ng malaman niya.
Sa pagitan nina Don Paulo at Donya Patricia, arraged merriage lang ang naganap para sa kinabukasan ng business na ipinamana sa kanila. Ngunit hindi alam ni Donya Patricia na hindi nagsisisi si Don Paulo na pinakasalan siya ito.Noon pa lang mahal na mahal na ni Don Paulo ang Mama ni Lyle. Kahit hanggang ngayon---naghihitay parin si Don Paulo sa pagbabalik ni Donya Patricia kahit na hindi siya nito magawang mahalin.
Napabuntong hininga na lamang siya sa nalaman. Ang pamilya Villaceran talaga ay napaka daming sikreto. Ano na lang ang mararamdaman ni Lyle gayong iniwan at ipinagpalit siya ng sarili nitong ina para lamang sa ikakaligaya nito?
Pakiramdam ko nag-sisinungaling narin ako kay Lyle..Aniya sa isip.
Nasa School ngayon si Criza, para sa asignaturang P.E class. Hate niya ang mag exercise ngunit ito lang ang tanging paraan para makakuha siya ng pasadong marka. Walang pasok ngayon si Lyle, kaya tiyak na nasa layasan na naman iyun.
"Criza, may gagawin kaba mamaya?" Tanong ni Gab ng makalapit ito sa kanya.
After a year, naghihintay parin si Gabriel. Patuloy parin ito sa pagpapapansin sa kaniya maging ang pangungulit nito. Mas lalo itong gumawapo ngunit kung ikukumpara mas pogi si Lyle kaysa dito.
"Ahmm...wala naman" maikling tugon niya.
"Pede ba kitang yayain mamaya. Total Half-day lang naman tayo?" Alok nito.
"San naman, hindi ako pede sa malayo e" aniya.
"Diyan lang sa isang Restobar, kakain saka magkukwentuhan" anito, umupo ito sa tabi niya.
Nandito kasi sila sa isang Field kung saan ginaganap ang kanilang P.E. Naging magkaklase ulit sila ngayong 4th year. Siguro nakatadha talaga ang mga nangyayari.
"Restobar? Edi puro alak ron, hindi ako umiinom e" tanggi nito.
"Kakain lang naman e, it's up to you naman if want mong uminom. Saka isa pa kasama mo naman ang mga friends mo. Isama mo sina Joyce, Jessa at Jirah. Diba nasa kabilang section lang naman sila at half-day rin?" Anito
Nag-isip siya sa alok nito, pagkuwan ay napapayag rin siya nito. Isinama niya ang tatlo dahil nais rin nilang magliwaliw. Kakatwa dahil nagsisimula ang mga pangalan ng mga ito sa Letrang "J". Halos siya lang ang naiiba, maging sa pananamit ay ibang-iba siya. Ang mga suotan kasi nila ay mga pang seksi na siyang kinaayawan niya. Mga nag-ma-makeup narin ang mga ito, halos mapupula ang mga labi nito na parang mga inginud-ngud sa pader at pisngi na parang sinampal ng sampong beses.
Ang suotan naman niya ay tanging t-shirt, dress na lampas hanggang tuhod ang haba at mga maong na pantalon. Hindi rin siya madalas mag short kahit sa bahay. Kapag nasa Mansyon siya parati siyang naka panjama at V-neck T-shirt or Sweater. At kung sa usapang paa naman, nag papa pedicure siya at manicure pero plain lang. Hindi gaya ng iba na madaming designs. At rubber shoes para sa kanya ay pe-pwede na, hindi gaya ng dalawa niyang kaibigan na si Joyce at Jirah parating naka 3 inches heels, si Jessa naman ay sakto lang parehas gumagamit ng mga ganang bagay.
Nakarating sila sa isang Restobar. Mga pasado alas-dos na sila nakarating dun kaya nagugutom na rin sila. Namangha siya sa ganda ng Bar na iyun. Napagtanto niya, ito marahil ang Restobar nina Lyle---ang Love at First Sip. Naupo sila sa isang table na may sampung silya. Maya-maya pa'y dumating ang iba pang kaibigan ni Gab. Limang lalaki ang dumating, pawang mga kabatch niya lang. Nakikita na rin niya ang mga ito kung minsan, ngunit ngayon niya lang napagmasdan sa malapitan.
Kumakain na sila sa dining table, habang si na Gab ay pumuwesto sa bar area at nagsimula ng uminom----maglasing. Lumapit sa kanya si Gab at halatang nakakailang tagay na ito.
Ito talaga si Gab, pasuray-suray na nakuha pang pumunta sakin. Sige mamaya daplag ka riyan..Aniya na pinipigil ang tawa dahil pagewang- gewang na kung maglakad si Gabriel.