NASA kwarto ngayon si Criza, at patuloy na pinag-aaralan ang pagguhit para sa nalalapit na labanan sa susunod na linggo, para sa Buwan ng Wika. Nakailang ulit na si Criza at halos mapuno na ang trash can niya dahil sa dami niyang mali.
"ANAK NG TIPAKLONG!! Namali na naman ako!" barinong turan niya dahil namali na naman siya sa pag kukulay.
Sa halip na kulay dilaw ang maikulay niya sa araw, ang nangyari ay naging asul ito.. na dapat ay sa langit maikukulay.
Criza naman bakit kaba lutang?
Dahil ba sa pag-amin sa iyo noon ni Gab, na gusto ka niya? At kahit hindi mo pansinin ay magpapatuloy parin siya sa panliligaw? Ang labo mo naman, mag concentrate ka!
Pangaral niya sa sarili. Bakit nga ba kasi nalulutang siya.Halos kanina pa siyang ganyan sa classroom. Natural na madami sa kanyang nagkakagusto dahil matalino siya at maganda.Kinamot niya ang kanyang ulo na style bruha, humugot siya ng malalim na hininga upang ikalma ang sarili, hanggang sa maitama niya ang pagkukulay para matapos na ito.
"Sa wakas!" Sambit ni Criza pagkuwan ng matapos na ito sa pagkukulay.
Itinaas niya ito sa kisame at pinagmasdan, naisip niyang ipakita iyun kay Lyle para magbigay ito ng opinyon. Alam niyang narito na si Lyle dahil Half-day lang ang mga ito at nagpaalam na dederetso ito sa Mansiyon.
Dati-rati kasi ay hindi ito dumeretso kapag half-day, palagi niyang kasama ang kanyang barkada.Kung hindi ito pumupunta sa Computer Shop nasa Mall naman ito, at madalas ginagabi ito ng pag- uwi. Pasalamat na lamang siya at hindi siya nahuhuli ni Don Paulo at ng Lola Minda niya, at pasalamat siya dahil si Criza lang ang nakakaalam ng sikreto niya. Mag ka-kontsaba sila.
Dali-daling lumabas si Criza sa pinto ng kwarto niya dala-dala ang isang type writing na may drawing na ginawa niya. Halos ang lakad niya ay parang isang limang taong gulang na excited bumili ng ice cream, may pakembot-kembot pa ito habang tinutungo ang silid ng binata, dahil excited siyang ipakita iyun kay Lyle.
Pagbungad pa lamang niya sa tapat ng kuwarto ni Lyle, nakita niyang naka-kawang ang pinto. Itinulak niya iyun at dahan-dahang binuksan. Natatandaan pa niya ang sinabi ni Lyle na maaari siyang pumasok kapag bukas ang pinto dahil handa itong mag-paistorbo.
Saglit siyang napatingin sa kabuuan ng kwarto ni Lyle iniuli niya ang paningin, ngayon na lamang ulit ito nakapasok roon. Tanda pa niya ang unang pasok niya doon, nung kumain sila ng Cake at naglaro ng video games nung Graduation ni Lyle nung Elementary. At ngayon ay nakapasok muli siya, halos walang ipinag-iba ang kwarto nito. Ganun parin kakalat, at ganun parin ang style ng mga gamit.
Wala sa loob ng kwarto si Lyle, marahil ay nasa kasilyas ito.Talagang mayaman sina Lyle, yun ba namang may banyo sa loob ng kwarto samantalang siya sa probinsya nila, kahoy ang dingding ng kasilyas at malayo pa iyun sa bahay nila.
Napansin niyang bukas ang Window ng Computer ni Lyle, kaya agad niya iyung tiningnan kung ano ang huling ginawa nito sa Computer.Laking pagkabigla niya ng makita ang mga babaeng ibinubulgar ang kanilang pagkatao. Halos mga walang saplot ang nga naroroong pictures at video na naka saved.
Tiningnan niya isa-isa at halos lahat talaga ay ipinapakita ang p********e. Nahigit niya ang kaniyang hininga dahil sa natuklasan, at lalong siyang nabigla ng makita niya si Lyle na lumabas sa Comfort room kasama ang babaeng walang pang-itaas. Bagama't may pang ibaba ito na underwear, wala naman itong saplot sa itaas na kitang-kita ang malalaki at namimilog nitong dibdib na halos MISSSING IN ACTION TALAGA!.
Napaawang ang mga bibig niya, nakasuot si Lyle ng tuwalya sa pambaba at ito ay basang-basa, ganun rin ang babae. Nabitawan niya ang poster na hawak niya, napatakbo naman pabalik ng Cr ang babae dahil sa sobrang hiya na inabot nito.
"C-criza" ani ni Lyle ng makita siya.
Palabas na sana siya ng maalala ang poster niya ngunit---hindi na niya kayang kunin iyun dahil gulo ng kaniyang pag-iisip,kaya iniwan niya ito. Lumabas siya ng pinto at tumakbo pabalik sa kwarto niya. Ikinandado niya ito. Hindi parin siya makapaniwala na nagawa iyun ni Lyle.
Alam na ni Criza ang posibleng ginawa ng mga ito, alam na niya ang tungkol sa salitang "s*x" kahit na dose anyos pa lamang siya. Naupo siya sa kama niya at naiwan ang matang hindi kumukurap, natulala siya at nanghihina ang tuhod niya.
Ilang saglit palang narinig niya ang magkakasunod na katok mula sa pinto niya. Binuksan niya iyun ng marahan at bumungad sa kanya si Lyle. Nakadamit na ito hindi tulad kanina.
"C-criza let me explain. Papasukin mo ako" garalgal na anito.
Pinapasok niya ito ng walang kaimik-imik. Umupo muli siya sa kama at umupo rin ito sa tabi niya.
"Criza, i'm so sorry. Hindi mo dapat nakita iyun" anito na may pagka-guilty sa tono.
"Sorry, hindi ko alam na...nadun kayo. Bukas kasi ang pinto kaya pumasok na ako" aniya ng hindi man lang tumitingin sa mga mata nito.
"Alam mo kasi si A-Andrea yun. I mean si Andrea ang may gusto nun. Matagal na siyang may gusto sakin like she was obssessed with me, ini-stalk niya ako at kusa siyang pumunta rito" paliwanag niya.
"Hindi mo kailangan magpaliwanag Lyle, ang sa akin lang bakit hinayaan mong nakabukas ang pinto" kunot-noo niyang sabi.
"Kasi nga...hindi ko alam kung dapat ko ba sabihin sayo pero..sinunggaban niya kaagad ako ng halik like pati ako nadala na rin. Nakalimutan kong isarado ang pinto kasi I didn't expect her to do that."
Tumayo si Criza at namay-awang dito.
"Yun na nga e, alam mo namang babae iyun sana isinarado mo na yung pinto kahit na si-sinunggaban kapa ng kiss..or sana pinalabas mo siya. Paano kung nakapasok ay hindi ako? Paano kung si Don Paulo or si Lola? Malaking gulo iyun Lyle" pangangaral niya na halos mabulol pa siya.
"Alam mo ba hindi lang iyun ang nakita ko?" Dagdag pa niya, napatayo si Lyle at hinarap siya.
"A-ano pa, meron pa ba?" Kabado nitong tanong.
"Nakita ko lang naman yung computer mo kasi nakabukas, I'm sorry ulit kung pina-kialaman ko. Pero I saw the pictures and videos na naka saved dun" seryosong aniya.
"W-what? S-sabihin mo ba ako?" Anito, halatang nagmamakaawa ang mga mata niya at manginang-nginang habang tinititigan siya.
"Nope, pero sa susunod na makita at mahuli ulit kita..."panakot niya,pinaningkitan niya ito ng mata.
"What? Isusumbong mona ako? Tama?"
"Kaya nga wag mo nang uulitin okay" wala naman siyang magagawa kundi palampasin ang nangyari dahil wala siyang karapatan para isumbong si Lyle baka isipin nitong sumisipsip siya kay Don Paulo.
"I promise" turan nito at ng itaas ang finky finger niya.
"can you keep my secrets? About sa paglabas-labas ko with my friends at about din sa mga nakita mo?" Dadag pa nito habang hawak-hawak ang isang balikat niya at may malambing na tono sa pagkakabigkas nito.
Tanging pag-tango lamang ang kaniyang nagawa bilang pagtugon.
"Don't worry, pinaalis ko na si Andrea at sinabi kong kalimutan na ang nangyari samin kanina, actually wala namang nagyaring ano.." Hindi na niya itinuloy dahil alam niyang bata pa si Criza para malaman ang mga bagay na iyun.
"Ok,ok. Pwede ka na bang lumabas Mr. Lyle Villaceran na mahilig sa mga sexy star?" Pang-asar nito.
"Wag kang maingay Criza" anito na parang kinakabahan sa twing binabanggit ang sikreto niyang malupet.
"Ito ba iyung poster mo? Maganda ito Criza, alam ko namang lalaban ka talaga e dahil matagal mo ng pangarap na makasali sa isang Poster Making Contest" anito na ang tinutukoy ang hawak-hawak nitong poster na pinasadahan ng tingin.
Hindi niya alam na dinala pala ni Lyle ang kanyang poster para isauli sa kanya.
"Thanks, sa susunod talaga kakatok na ako, promise" aniya sabay taas rin ng pinky finger niya.
Natawa sila parehas.Niyakap siya ni Lyle bilang pasasalamat at tuluyan ng lumabas sa kwarto niya.