"Ugh, headache!" napahawak ako sa ulo ko at naupo sa pagkakahiga.
Napatingin ako sa pinto ng may kumatok at narinig ko ang boses ng Nana ko.
"Tia, bumaba ka na daw at gusto kang makasama na mag-umagahan ng magulang mo." napakiling ang ulo ko ng kumirot na naman ito.
"Susunod po ako Nana, sandali lang ho!" tugon ko dito at nagsimula ng bumaba ng kama.
"Sige bilisan mo at naghihintay ang ama mo. Mukhang may sasabihin sayo , nakung bata ka kasi, sino ba 'yong naghatid sayo kagabi at may naghatid ng sasakyan mo ngayong umaga dito." saad nito at narinig kong umalis na ito.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. Anong- sinong naghatid sa akin kagabi? Syempre ako! Ang gulo ni Nana.
Nagpatuloy na ako sa banyo at naligo para mahimas-masan. Gaano ba kadami ang nainom namin kagabi at ganito kasakit ang ulo ko ngayon .
Matapos maligo at makapagsuklay ay bumaba na ako. Hindi na ako nagpatuyo pa ng buhok at inilugay lang ito. Naabutan ko ang parents ko na kumakain na.
"Good morning mom, dad." humalik ako sa pisngi ng mga ito at naupo na.
"How's my baby sleep?" napanguso ako sa tinawag sa akin mommy.
"Mom, I'm not a baby anymore." sagot ko dito at kumuha na ng hotdog at fried rice.
"Then who brought you home last night?" napatingin ako kay dad sa tanong nito.
"Dad, I drive home of course." sagot ko at sumubo na.
Napansin kong nagtinginan ang magulang ko at napabuntong hininga si dad. Nakakunot-noo naman akong nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
"Then what is your car doing in that bar and someone bring it her kanina? Someone drive your car baby, ang sabi ng guard sa gate pinahatid lang daw sa kanya." mas lalong napakunot - noo akong napatingin kay mommy. Si dad naman ay sumeryoso.
Napaayos ako ng upo at inalala ang nangyari kagabi. Ano ba ang sinasabi nila na may nagdrive ng car ko. At walang permision ko? Not my Porsche car! Kabibili ko lang noon at walang pwedeng magdrive ng car ko, ako lang!
The heck, napahawak ako sa ulo ko at unti-unti bumalik sa ala-ala ko ang lahat. Napapikit ako at napukpok ko ang ulo ko.
We're just drinking and having fun. Then we dance, until some guy approached us.
"Hey, baby you okay? Honey anong nangyayari sa anak natin?" narinig kong tanong ni mommy.
Napahinga akong malalim ng hanggang doon lang ang naalala ko.
"I'm fine mom, bigla ko lang naalala ang nangyari kagabi. I'm sorry." Saad ko dito at hinawakan naman nito ang kamay ko at hinaplos ang mukha ko.
"It's okay baby, your dad is just over reacting. But, we really saw on the Cctv that you go down on other car last night. We're just worried." tugon nito at napakagat labi ako.
Bakit kasi hindi ko maalala ang nangyari? I'm not this forgetful, and maybe I'll just ask my friends later.
" It's okay mom, I'm sorry I don't remember anything that happened last night. "malungkot kong saad.
" It's okay just eat, your dad is investigating now. "nakangiti nitong tugon na ikinalaki ng mata ko at napatingin kay dad.
" Dad, you wouldn't! "tumikhim naman ito at tumingin sa akin.
" Well, I already did. I just wanna make sure that you're safe and no harm will happen to you. "seryoso nitong tugon at tumayo na.
Napatingin nalang ako sa likod nitong papalayo.
Napatingin naman ako kay mom na bumungisngis.
" Your dad is so cool. He's still that marine man I'm in love with. Alam mo ba na tinawagan niya agad ang kaibigan niya at pina-trace ang sasakyan na naghatid sayo kagabi. Siguro mamaya malalaman niya na 'yon. Ang cool di' ba? " nakangiti nitong saad.
Napiling naman ako, my parents are both weird.
"Hindi ka ba nawewerduhan kay dad mom, wala naman nangyari at safe naman ako. Wala lang talaga akong maalala sa nangyari kagabi." napapakamot sa ulo ako na sumubo ng pagkain.
"Hindi ka na nasanay sa daddy mo, kung alam mo lang kung anong bakod ang ginawa niya sa akin dati kapag may show ako. Naku, siguradong maiinis ka! But, now I understand him. He just wants our safety. At isa pa, seloso ang ama mo. Ayaw niya na may ibang lalaki ang lumalapit sa atin. "natatawa nitong saad at uminom ng tsaa niya.
Napailing nalang ako at nagpatuloy na din na kumain. Ano pa ba ang magagawa ko. Dapat nalang talaga akong magpasalamat at hindi talaga ako pinilit ni dad na kumuha ng bodyguard. That's awkward. My dad is over protective, and I just love my dad para magalit dito.
"Hey bruha saan ka nagpunta kagabi at iniwan mo lang kami sa club kasama ang mga unggoy na 'yon." tanong ni Chie.
Matapos kumain ay umakyat na ako at tinawagan agad ang mga kaibigan ko. At ngayon nga ay nag-facetime kami. Katulad ko ay may mga hangover din sila. Buti nga inabutan ako ni Nana kanina ng advil. Medyo nabawasan na ang sakit ng ulo ko ngayon .
Napahinga akong malalim dahil wala talaga akong maalala sa nangyari.
"I don't know." napalabi kong sagot.
Napasinghap naman ito at dinilatan ako.
"Seriously, hindi mo maalala na may gwapong lalaki ang nagligtas sa atin kagabi at siya pa ang naghatid sayo!" napasinghap na din ako sa sinabi niya. Maski si Inah ay napaayos ng upo at inaayos ang buhok nitong nagulo.
"Ano ba ang pinagsasabi mo?" tanong ko dito at napailing naman ito.
Ikinuwento niya naman ang nangyari at unti-unting naalala ko na nga. Now I'm curious who is that guy. Siya ang naghatid sa akin sa bahay, at wala akong naaalala na ibinigay ko ang address ko sa kanya kagabi. Mukhang siya din ang nagpahatid sa sasakyan ko.
Napatakip ako sa bibig ko ng marealize kung ano ang nangyari. I just let a stranger to send me home! At hindi ko nakita ang mukha nito, hindi ko nakita ang buong mukha niya at ang kanang mukha lang ang naalala ko.
Shocks! Mabuti nalang talaga at wala siyang ginawang masama sa akin.
Matapos namin makapag-usap ay napahiga ako sa kama at inalala ang nangyari kagabi. I don't know, but it feels like I already seen him before. Hindi ko lang maaalala. Sa dami ba namang tao ang nakakasalamuha ko. Hindi ko na maalala lahat. Bahala na nga! Makatulog nalang para mawala itong sakit ng ulo ko.
Kinabukasan ay may shoot ako kaya maaga akong umalis ng bahay. Nagpaalam lang ako sa mga magulang ko at hindi na nag breakfast pa. Dumaan nalang ako sa drive-thru sa Starbucks at um'order ng coffee .
Nang makarating sa set ay nandoon na ang manager ko at agad naman ako nitong nilapitan at dinala sa dressing room para maayusan.
Nang matapos ang halos dalawang oras na pagkuha ng litrato sa akin ay sa wakas natapos na din kami. Medyo natagalan ngayon, dahil bothered pa rin ako sa nangyari noong isang gabi. Napagalitan pa ako ng photographer namin.
Lumapit sa akin ang manager ko ng matapos akong makapagbihis. Dinala niya ako sa malapit na isang café at doon na kami kumain.
"Luna ano ba ang nangyayari sayo at ilang beses ka 'ata nasita ngayon. Hindi ka naman ganyan ah. You're a professional. Matagal mo ng ginagawa ito, may nangyari ba? Sabihin mo sa akin baka makatulong ako." tanong nito ng makaupo kami at matapos makapag-order.
Napahinga ako ng
malalim, bakit nga ba? Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.
" I'm okay, pagod lang siguro."nakangiting sagot ko dito.
" Oh sige, wala na naman tayong ibang appointment today. Magpahinga ka nalang pagkatapos natin dito. "napatango naman ako at sakto naman na dumating na ang order namin.
I eat my macha cake habang nakikinig sa kwento ng manager ko, ng mapansin ko ang lalaking pumasok sa café. Sinundan ko ng tingin ito hanggang makarating ito sa counter at umorder ng coffee niya.
He looks good, and handsome. Sumisipsip ako ng macha latte ko ng makita ang kanang bahagi ng mukha nito. He looks familiar, nanlaki ang mata ko ng may maalala.
He's that guy! Hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang lalaking naghatid sa akin sa bahay, siya ang lalaking nagligtas sa amin sa club that night. Susundan ko na sana ito ng makita na papalabas na ito ng hawakan ng manager ko ang kamay ko.
"O, saan ka pupunta? Hindi mo pa ubos ang pagkain mo." napatingin naman ako sa pagkain ko na hindi pa nangangalahati.
"It's okay, I really need to go. See you tomorrow." saad ko dito at kinuha na ang bag ko at binitbit ang drink ko.
Nang makalabas ay hinanap ko agad ang lalaki pero hindi ko na ito makita pa.
Bagsak ang balikat kong pumunta sasakyan ko. Napasandal ako sa upuan at napatingin sa labas. Baka sakali na makita ko siya.
Bakit ba kasi ako nagkaka-ganito?
"Maybe because of that kiss." napahawak ako sa labi ko ng maalala ko ang totoong nangyari ng gabing 'yon.
He kissed me!
TBC...