CHAPTER 1:MARRIAGE
LUNA CELESTIA
"Mom dad, please. Just one more year, I have to finish my fashion show and everything before I settle. And I can't just marry a guy that I haven't even meet." me and my parents are arguing. They want me to marry a guy, that I don't even know.
"Of course you already meet him. You're just so busy with your friends at the party kaya hindi ka na namin naipakilala. And lady, we have a deal. You've been doing whatever you want for the past years. Pinahintulutan ka na namin, kahit na ang pagiging modelo mo. Na dapat ang company ang aasikasuhin mo. Pinagbigyan ka na namin, kaya sana kami naman ang pagbigyan mo ngayon. And we already said yes to the other family. "mahabang paliwanag ni dad.
Alam ko naman na may kasunduan kami, pero kasi masaya ako sa ginagawa ko. At ayaw ko pang matali sa kahit na kanino. And I don't even have a boyfriend dahil hindi nila ako pinapayagan. Pumayag man sila sa pagiging modelo ko, pero strict pa rin ang parents ko.
Pumayag sila sa kung anuman ang gustuhin kong gawin sa nakalipas na taon, ang kapalit nito ay walang manliligaw o kaya ay bawal ang mag nobyo. And after I get my dreams, ang makapag-travel while doing my most loved job. Modeling, hindi naman na 'yon nakakapagtaka dahil model ang mommy ko.
I am the only child in my family, and my responsibilities to our company. They want me to train in the company after I do what I want to do. Dad is not getting any younger so is my mom. Naintindihan ko naman,but I also have my own dreams and wants. Sometimes I'm blaming them kasi hindi na sila nag-anak. But I'm guilty kasi hindi na daw magkaka-anak pa si mom.
They don't want me to know the reason behind, but I know they love me. And I love them too. But I just can't understand them. And this marriage, ugh!
"I know dad, how about one more week?" ungot ko pa at kumapit sa braso nito. Pumikiit-pikit pa ako, baka sakali na gumana.
"Celestia, hindi mo ako madadala sa mga pa-cute mo. You're not a child anymore and be a lady. Panindigan mo ang napagkasunduan natin." saad nito at lumapit kay mommy na nakaupo sa sopa at nakatingin lang sa amin.
"Mom, is there no other way?" tanong ko dito at napailing naman ito.
"Baby, matagal na siyang naghihintay. You were supposed to marry him in your twentieth birthday. But you requested that you need more time. Kaya pumayag siya, pero anak sana ngayon naman siya naman ang pagbigyan mo. I know you will be in good hands. He is responsible, kung gusto mo siyang makita. Tatawagan natin siya, ikaw lang naman itong palaging busy. "nakanguso ako lumapit kay mommy at yumakap sa gilid nito.
" Fine, magpapakasal na ako, pero matutuloy pa naman ang modeling ko kahit kasal na kami di'ba? "tanong ko dito at napaangat ang tingin ko ng hindi ito sumagot.
Narinig kong tumikhim si dad at tumayo. Nagtataka naman akong napatingin kay mommy na hindi din makatingin sa akin ng deretso.
" Mom, don't tell me—"
" He wants you to quit being a model. At sang-ayon naman kami ng dad mo. You know I was a model too, pero ng mabuntis ako sayo ay hindi na ako bumalik. Mas makakabuti na suportahan mo nalang ang asawa mo at tanggapin ang trabahong inalok sayo ng dad mo. "napapailing akong tumayo.
Huminga ako ng malalim bago humarap kay mommy.
" Then there's no wedding! "saad ko dito at umalis.
" Luna bumalik ka dito! "hindi ko na pinansin pa si mommy at dumiretso sa kwarto ko.
He can't tie me like that, being a model is already part of my life. Since I was a kid, I'm already a model. He can't just strip me from doing what I love!
Nang makapasok sa kwarto ay dumiretso na ako sa banyo at naligo. I need to breath, naiinis ako sa lalaking 'yon. Akala mo kung sino, hindi niya ako pwedeng diktahan sa gusto kong gawin.
Matapos maligo ay nagbihis na ako. A yellow dress half way on my thigh and a stiletto heels. I blower my long hair na hanggang beywang and put on a light make up and then voila. I'm good to go.
Dahil gabi na ay akala ko ay pumasok na din si dad sa kwarto nila mommy. Pero nagulat ako ng paglabas ko ng pinto ay nandoon pa pala siya sa sala at umiinom.
I clear my throat at lumapit dito.
"Hey dad, I'll just meet up with my friends and promise uuwi po ako ng maaga." nakangiti kong saad dito.
Napailing naman ito at tumayo. Narinig ko itong bumuntong-hininga.
"Anak, alam kong ayaw mo lang mawalan ng kalayaan mo kung sakali na makakasal ka. Pero mabait na tao naman ang papakasalan mo at sigurado ako na papayag siya sa kung anuman ang gusto mo kung kakausapin mo lang siya." saad nito at napayuko lang ako. This marriage again.
" Pero gusto niyang tumigil na ako sa pagiging modelo di'ba? At saka, paano kayo nakakasiguro na mabait talaga ang taong 'yon. Lahat ng tao may kulo sa loob, lahat ng tao may tinatago na ugali. "napailing naman ito.
" Ibahin mo siya, I've known him since he was a child. And I already told you bata palang kayo ay napagkasunduan na naming mga magulang niyo ang kasal. And you know we don't break our promise. "napaangat ako ng tingin dito.
Yeah, those promises. It's our rules, if we break it. The consequence is heavier than death. And it's part of our tradition. Family tradition.
" Yes po dad, I'll try. But I'm not promising. "saad kong nakangiti dito.
Yinakap ako ni dad at yumakap din ako sa kanya. Hinalikan nito ang ulo ko at humiwalay sa yakap.
" You should go, basta hindi ka lang aabutin ng madaling araw. Alam mo ang mangyayari. "saad nito at tinapik ang balikat ko at naglakad na paakyat.
" Yeah, I know. I'll be grounded, as if I'm still a child. "sagot ko dito na nakanguso at kinaway lang nito ang kamay at nagpatuloy sa pag-akyat.
Napahinga na lang ako ng malalim at naglakad na din palabas. Ng makasakay sa kotse ay nagdrive na ako sa paborito namin na club.
Nang makapasok sa club ay hinanap ko agad ang dalawa kong kaibigan. Kahit na medyo madilim at nakakasilaw ang mga ilaw ay nakita ko ang mga ito sa pwesto namin. Nakangiti akong lumapit sa kanila. Agad naman itong masayang kumaway sa akin ng makita nila ako.
"Girl buti pinayagan ka ni tito." saad ni Chie at humalik sa pisngi ko.
"Why not, eh matatali na 'yan. Kaya ngayon palang mag-enjoy na habang hindi pa natatali." natatawa nitong saad.
They know about my life. We're friends since we can remember. And we don't keep secrets from each other.
Napailing nalang ako at umupo sa gitna nilang dalawa. Inabot ko ang alak ng baso at uminom agad. We talked and laughing when Chie suddenly got up from her seat. Sabay kaming napatingin sa kanya ng sumuray na ito. Medyo marami na rin ang nainom namin.
" What is that jerk doing here?" nakapameywang nitong saad.
Sinundan namin ang tingin niya at nakatingin siya sa kabilang mesa na isang mesa lang ang layo sa amin.
Masama pa rin ang tingin nito na naupo.
"Anong problema niyan?" tanong ko sa katabi kong si Inah. Nagkibit-balikat lang ito at uminom ng alak.
Napansin ko rin na minsan ay tumitingin ito sa mesa ng isang grupo ng kalalakihan na may mga babaeng kasama. Nandoon din ang tingin ni Chie na hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin. Anong nangyayari sa dalawang ito?
"Let's go girls lets dance!" sigaw ni Inah at hinila kami ni Chie sa dance floor.
Kahit medyo hilo dahil marami na din ang nainom ko ay napapailing nalang ako sa dalawang kasama kong wild na ngayon. Dahil sexy song ang naka-play ay sinundan din nila ito ng sayaw.
Tawa naman ako ng tawa sa kanilang dalawa. Mga lasing na nga talaga.
We we're having fun when a bunch of guys interfere. Sumayaw din ang mga ito sa gitna namin at hinarap kami. Tatlo din sila at nakangisi. Sanay na ako sa ganitong eksena na may lalapit sa amin na guys. Pero ayaw namin na naiistorbo ang bonding namin ng walang permiso.
Nagtinginan kaming tatlo at nagkaintindihan naman kami. We walk out of the dance floor and was about to go back to our seat.
"Hey ladies wait, we're still having fun." napatigil ako ng may humawak sa kamay ko kaya hinarap ko ito.
Kinuha ko ang kamay ko sa kanya at naramdaman ko naman na lumapit na rin ang dalawa kong kaibigan sa akin.
"Well, my friends and I are having fun not until you came." Nakataas kilay na tugon ko dito at nakita ko itong napaatras. Nakita kong may sinabi ang kasama nito sa kanya at napangisi siya.
"Well maybe we could hang out together. That will be so much fun, don't you think?" nakangisi nitong saad. Napailing naman akong napatingin sa mga kasama ko.
"Let's just go." yaya ni Inah sa amin ni Chie. Paalis na kami ng hawakan na naman ako ng lalaki at hinila palapit sa kanya.
Naiharang ko ang dalawa kong kamay sa dibdib niya at bigla ako nitong inamoy sa leeg. Agad akong napalayo dito at sinampal ito. Nakita ko ang gulat sa mukha nito at ang mga singhap sa paligid namin.
"How dare you?! " sigaw nito at sasampalin na dapat ako. Napapikit ako at hinintay lang na dumapo ang kamay nito sa pisngi ko.
Hanggang sa wala akong naramdaman na kahit ano kaya idinilat ko ang mata ko. May lalaking nakaharang sa harapan ko. Nakatalikod siya sa akin at hawak nito ang kamay ng lalaki.
"Don't you dare lay your hands on my woman!" hindi ko naintindihan ang sinabi nito sa lalaki hanggang namalayan ko nalang na hila na ako nito palabas ng club.
Dahil hilo na ako hindi ko na alam ang nangyari at naramdaman ko nalang ang sarili na nakasakay sa sasakyan. Napapikit ako ng ikabit nito ang seat belt ko. Ang bango, what a manly scent.
Nakapikit pa ako dahil sa hilo ng maalala ko ang mga kaibigan ko. Napayos ako ng upo pero napasandal ulit ng makaramdam ng hilo. Napahawak ako sa uli ko at tumingin sa lalaking kasama ko ngayon. Pinilit kong idilat ang mata ko ng maayos para makita ang mukha nito.
Pero hanggang side view lang ako. Matangos ang ilong, a long jaw and those lips. Bakit parang gusto kong matikman 'yon?
Ikiniling ko ang ulo dahil sa kung saan - saan na napupunta ang utak ko. Baka kung saan ako dalhin ng lalaking' to. Napa-cross ang kamay ko sa dibdib ko at tiningnan ito ng masama.
"Saan mo ako dadalhin? At bakit inilayo mo ako sa mga kaibigan ko? Anong balak mong gawin sa akin?" sunod - sunod kong tanong sa kanya, napailing at ngumisi o ngumit ito? Oh my, may dimples!
" And dami mong tanong. First, I'm going to send you home. And about your friends, my friends will take care of them. Don't worry they're in good hands. At anong balak kong gawin sayo? Well, not now but soon." nawala ang ngiti nito at sumeryoso.
"Wala ka talagang gagawin na masama?" napapapikit na tanong ko sumandal ulit at tiningnan siya. Umiling ito.
"Nope!"sagot nito at napahinga naman akong malalim.
" Good, cause my father will kill if you do something to me. My father is a marine, he will hunt you if ever something will happen to me. "saad ko dito at napapapikit na. Unti-unti na akong nilalamon ng dilim ng magsalita ito.
" I know baby"and then darkness eat me.
TBC...