4. Verdict of Fate

2023 Words
Genieva's POV Hangang ngayon ay binabagabag pa rin ako sa mga nangyari. Aksidenting napadpad lamang kami sa mundo ng mga tao dahil biglang bumukas ang Portal. Pero di namin alam na Earth pala yung binagsakan namin ng mga kalaban. Para akong nakakita ng multo ng makita ko ang babaeng yun. Lahat-lahat sa kanya ay sobra-sobra ang pagkakapareho kay August. The fact na August din ang pangalan ng babae. Mahigit isang taon na ang nakakaraan ng mangyari ang malagim na aksidente kay August. Pinaglalaruan ba kami ng kapalaran? Imposibleng si August ang babaeng yun. Namatay si August dahil tumalon ito sa bangin at nagkaroon ng burol. Lasug-lasog ang katawan nito dahil sa matinding pagkahulog. Ang daming nangyari sa loob ng isang taon. Si Cayden na di kinaya ang sakit ay biglang nawalan ng malay at natulog ng anim na buwan at ng magising ito ay wala na itong maalala tungkol kay August. Parang ang lahat ng ala-ala tungkol kay August ay nabura. Ngayon biglang napadpad dito ang babaeng yun na mortal. Wala naman akong maramdamang masama sa kanya pero isang malaking kataka-taka ang matinding pagkakahawig ng dalawa. Itsura at pangalan. Kung di namin natagpuan ang bangkay ni August ay iisipin namin lahat na siya ito ngayon. Napahawak na lang ako sa aking sintido. Ang daming nangyari sa araw na ito. Unti-unting umaatake na ang mga Orcs. "Gen, okay ka lang?" Tanong sa akin ni Lucas. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Napangiti ako bahagya. "I'm good. Hindi ko lang maiwasang isipin ang bihag. She looks exactly the same as hers." Sagot ko naman kay Lucas. Napaisip naman ito. "Kahit ako ay nagulat din. Kung wala lang ebidensya ang pagkamatay ni August, iisipin ko talaga na siya yun. Pero imposible. Ang nakakapagtataka lang, paanong may kamukha siya sa ibang mundo?" Naguguluhang tanong din ni Lucas. Napakibit balikat naman ako. "Di natin alam. We are both far away from their galaxy kaya mahirap ipaliwanag. But everything happens for a reason. I can feel it." Sagot ko naman. "You mean, baka espiya siya ng mga kalaban?" Gulat na tanong ni Lucas. Tinampal ko naman ang braso nito. Kahit talaga kailan ay may pagkaslow ito. "Not that. She is a human and was accidently dragged. So this might be a work of fate. And besides she doesn't have a dark aura or stinking smell kaya imposible." Sagot ko rito. "Yes, you got a point. Pero sa palagay mo ano ang gagawin sa kanya? Ibabalik kaya siya sa mundo nila?" Tanong ulit nito. "That is the biggest impossible. Walang nakakapagbukas ng portal patungo sa kanilang demensyon at kanina lang aksidente pa. Kaya walang tsansa na makakauwi pa siya." Sagot ko naman at nakaramdam ako ng awa para doon sa babae. I can feel that she desperately wanted to go back pero wala ng ibang paraan. "I hope walang gawin sa kanyang masama. Hindi pa naman niya kasalanang napunta siya rito." Worried na saad ni Lucas. "Sana nga..." and without noticing we are developing sympathy for the human girl. *** August's POV Nagising na lang ako pero dismayado ako. Akala ko ay panaginip lang ang lahat pero totoong-totoo pala talaga. Bumangon na ako at malungkot na tinitigan ang malamig na sahig. Di ko pa rin matangap na nasa isang kulongan ako ngayon at ang mas malala ay nasa ibang mundo ako. Sa mundo ng mga alien. This is an alien abduction. Naisip ko ng tumakas pero ang kulongan ay napakahigpit ng seguridad. Walang bintana. Iisa lang ang pasukan at labasan. Tadtad pa ng mga kawal ang bawat lugar and the fact na di ko kabisado ang lugar. At paano kung magtagumpay nga ako pero san naman ako pupunta? Hindi ito Earth, paano kung makasalubong ko ang mga nakaitim na panget na yun? Haist! Ang dami kong problema. Kung sana kasing talino ko si Sylvestere Stalone sa Escape plan Movie niya, e di sana kahapon pa ako nakatakas. Bigla na lang may mga yabag akong naririnig papunta sa aking dereksyon kaya napatingin ako sa bungad. Iniluwa doon ang magandang babaeng nakita ko kahapon. Well to make it simple, siya lang naman ang nagpadukot sa akin, kaya nandito ako ngayon sa isang selda. Gusto ko umirap sa kanya pero di naman ako ganun kaabnormal para ipakita yun. Pinili ko na lang na gawing blanko ang aking emosyon para walang gulo. "August..." saad nito sa akin. She is looking at me intently. I can see recognition in her eyes pero agad naman din mawawala yun. Di ko alam kung ano ang sadya niya kung bakit pumunta pa siya rito. Does she wanna make sure na naghihirap ako dito? Well, in fairness di naman ako tinutorture dito. Kulongan man atleast may higaan, mesa at banyo na kung iisipin mo ay parang apartment lang kung di lang dahil sa selda. Tiningnan ko lang siya with a blank face. Napansin ko na lang ang basket niyang dala kaya dun napako ang aking tingin. At umandar naman ang malahayop na aking pang-amoy. My mouth started to water. Nalalanghap ko ang masarap na amoy ng roasted chicken. Napalunok na lang ako ng wala sa aking sarili. Pero ng maalala ko ay bigla ko na lang tinampal ang aking sarili. It might be a trap. Who knows, baka may lason pa yan at matsugi pa ako. If that is their goal, then I will not allow then to have a happy face this moment. "Nagdala ako ng pagkain." Saad nito at tsaka binuhat ang basket at kinandong. "I know you don't trust us pero safe kainin ito. No poison or anything." Saad nito. Parang gusto naman matibag ang aking pokerface. How did she knew? Is she a mind reader? "I can't read minds. But it is just written all over your face." Parang pinipigilan ang tawa na saad nito. Damn! Ganun ba katinde ang pagkatakam ko sa pagkain to slip my real emotion? Waaah! First time to. This is so not me! Nilagay niya ang basket sa loob kaya lalo pang nangamoy ang roasted chicken. *krrrooookkk* Aw! Talagang pinagkakaisahan ako ngayon ng tiyan ko at bibig. Langya tumunog pa talaga ang malahalimaw na tiyan ko huhuhu. Pero sabi niya walang lason di ba? Tatanggi pa ba ako sa grasya? May lason o wala, wala na akong pakialam. Kung matsutsugi man ako at least busog naman ako, di ba?! Langya humihina talaga ang sense of reasoning ko pagdating sa pagkain. Kaya wala na akong patumpik-tumpik pa at binuksan ko na ang basket at tumambad nga sa akin ang roasted chicken. May pangkaraniwang prutas na tulad ng mansanas doon at tsaka ito ba tinatawag nilang pomegrenate? Parang ganito yun eh, parang red na mangosteen pero malaki siya. Walang rice. Pero dahil sa paglalaway ko sa roasted chicken ay isinantabi ko muna ang pag-iisip kung bakit walang rice. Kumagat ako at pak na pak! Ang tsarap! Anong seasoning nilagay dito? Ba't sobrang malasa and juicy. Ngayon pa lang ako nakatikim ng ganito kasarap na roasted chicken! World class grabe. "Amm thsarhaf." Hirap na saad ko. Nakuha ko pa talagang magsalita kahit punong puno bibig ko at di pa tapos sa pagnguya. "Good. Sinadya ko na pinaluto yan para sayo. I know you're hungry." Parang joyful na saad nito sa akin. Di ko naman napigilan ang sarili ko na lingunin ito. Yes, tama nga ang hula ko. Nakangiti ito at parang sayang-saya dahil nasarapan ako sa pagkain. Lumunok muna ako bago nagsalita. "Really?" Naitanong ko. "Yes. Kasalanan namin kung bakit ka napunta dito. So I'm sorry talaga." Hinge naman nito na tila hiyang-hiya dahil sa kasalanan. Nagulat naman ako. I wasn't expecting any of this. My impression about her are all bad. But now seeing this side of her making my mind change. "You are guilty right?" Tanong ko rito. Tumango ito. "I'm really sorry. It was just an impulse. The land is under high alert from the intruders. Sana maintindihan mo." Paliwanag nito. Di naman mahirap intindihin ang paliwanag niya. And if she is sorry so why would I not forgive her? I can sense she is a good person. At kung totoo na di na ako makakabalik sa Earth, dapat na makipagkaibigan ako dito diba? I am very foreign to this world at mukhang sobrang hirap kung wala akong kaibigan dito. Tutal she looks so pretty kaya sige. "I will accept your apology, if you will bring me food like this everyday." Nakangiting saad ko dito. Nanlaki naman ang mga mata nito sa tawa at halos tumalon pa ito. Weird, pero parang ang OA naman ng reaksyon ng babaeng ito. "Sure, not a problem. So from now on we are friends!" Masayang saad nito na akala mo nanalo na sa lotto. Wow. Automatic. Di naman pala ganun kahirap tulad ng iniisip ko. Even though they are not human, they do still have human traits. Gulo no? Or baka naman vice versa? "Ok, I will not take long. I have something to do, but I will be back as soon as possible." Saad nito at kumaripas na lang ng takbo ng hindi man lang hinintay na makasagot ako. That girl is really wierd on her own way. Malayong malayo kanina na akala ko commander-in-chief kung makautos. Ipinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain. Let's just savor the moment while I still can. ••• Genieva's POV Honestly, I don't know what just happened. But I was really shock that it made me so happy being friends now with August. Or maybe I just missed August, I mean the real August which is my bestfriend. The two August are exactly the same with physicality. But sa ugali, they are both worlds apart. The old August is so reserve, meek and so noble. While this one is wild and I can sense the barbaric side from this girl. Witnessing what happened when she kicked the orc nonstop until it lost its consciousness. Scary, but interesting. Patungo ako ulit sa court para kausapin ang emperor. I already made my decision. If they can't sent August back, then I will take her under my wing. Pumasok ako sa court room at nadatnan ko ang mga elders at ang Hari and they are having their discussion na wala naman akong ideya kung ano. Tumigil ang mga ito ng mapansin nila ako kaya humarap sila sa aking direksyon. I took my steps towards them and begin on what is my objective in meeting them at this moment. ••• August's POV Napapiksi na lang ako ng may narinig akong mga ilang yabag na patungo sa aking selda. Hindi naman mukhang nagmamadali, normal lang ang pacing ng mga steps. Agad na nakatutok ang mga mata ko sa b****a ng lagusan at inabangan ang kung sino man ang mga panauhin na darating. Iniluwa doon ng mga pamilyar na pigura sa akin na nakita ko ng makarating ako. Di pa naman karamihan ang mga nakasalamuha ko kaya natural na talagang matatandaan ko. "Do you have an idea, why are we gathering now?" Tanong sa akin ng isang may edad na lalaki na kasama ng Hari. Pero wala ang Hari ngayon. Ang mga kasama lang nito ay si Genieva at yung Lucas na nakakayamot. Napataas naman ang aking kilay. Seriously? They call this a gathering? A freaking gathering? Are they making fun of me? "Your word is not even appropriate. You mean in this conviction?" Sarkastikong tanong ko dito. Gusto ko itong irapan pero pinigilan ko natural ang sarili ko, dahil kahit mga alien ang mga ito, nakakatanda pa rin sa akin ito. Tumawa naman ito na imbes na maoffend sa akin which is very wierd. "Okay, so let say it then. So do you have any idea why we're here?" "Duh, do you think I have the ability to predict?" Sarkastikong sagot ko naman dito. Hindi ako si Madam Auring for crying outloud! Tumawa ulit ito. "Hmm, you got some attitude dear. But we are here just to annouce that...." saad nito na talagang ibinitin pa. "You will be executed since you are not from our race." Kung literal lang na matatanggal yung panga ko sa pagkakanganga ay malamang nahulog na ito. Anong execution? Are they planning to end my life? Are they crazy? "On the other hand, you will take a part of the Academy as a student and live." Saad nito. I was like in a whirlwind. First they are going to execute my poor little life. And now, they want me to what? Attend an alien academy? "Oh dear. I am f****d up." Naibulong ko na lang. ___________________________________ Ang tagal ko na nakapag-update! But the good thing is, eto na ang update. Hehehe
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD