CHAPTER 19 Kinaumagahan ay una kong naisip ang binanggit ng lalaking ‘yon. Kilala niya si Harriet, ang ina ko. Mas lalong hindi ko siya pwedeng pakawalan. He knows something, kilala niya rin ako bilang anak ni Harriet. I know my arrival and come back was highly publicized, lalo na’t nag-iisang anak ako ng tagapagmana ng pinakamalaking chains of hotel sa bansa. But the way he said my mother’s name was different. I trust my gut and it’s telling me that I shouldn’t let go of that guy. Hindi na ‘ko nagulat nang makita ang oras sa side table. Tanghali na ‘ko nagising dahil madaling araw na rin kaming nakababa ng yate. Dinala namin ang bihag sa bakanteng kwarto rito sa mansion, doon namin siya itinali. Bumangon ako at agad na naligo. Pagkatapos maligo ay nagpalit ako ng sports bra at it

