CHAPTER 02
“It feels so good to see you again.” Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Tantya ko ay mahigit dalawang oras din akong tahimik na nagmuni-muni sa ilalim ng puno kasama siya. “My promises are meant to be true. Makakaasa ka sa ’kin, Mama. Ipaghihiganti kita,” I said without even flinching. Hinawi ko ang nakatakas na buhok at taimtim na nagbigay ng panalangin para sa kanya.
I came back for revenge, at sisiguraduhin kong ’yon ang mangyayari. Nabuhay ako para maghiganti. . . magsisisi sila kung bakit hindi pa nila ako pinatay nang gabing ’yon. I’ll make sure of that. Buhay kapalit ng buhay. I will do that with no remorse, kagaya kung paano nila pinatay ang mama ko.
“I have to go,” paalam ko sa kanya. Isang beses ko pang pinasadahan ng tingin ang kanyang lapida bago tumalikod.
Bumalik ako sa dalang motor at umangkas. I was about to wear my helmet nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Bumaba muna ako to see who’s calling. It’s Zin— my father again.
“You visited her,” he said with a serious tone. He didn’t even bother to say hello.
“I did,” I replied.
“You think she would be happy?” Saglit na nalukot ang puso ko sa tanong na ’yon.
I calmed myself before answering. Ilang beses na namin ’tong napag-usapan pero hindi pa rin siya nagsasawa. “Magiging masaya siya kasi bumisita na ako.” I shut my eyes tightly. Mahirap pag-usapan ang bagay na ’to ngayong nasa harap ako ng libingan niya.
My father loves my mother so dearly na maging sa huling hantungan nito ay sinigurado niyang payapa at maganda. He bought this five hundred square meter land just for my mother’s grave alone. The place is filled with bermuda grass and shrubs. Sa gilid ay may mga bulaklak na ang iba ay nanggaling pa sa mismong garden ni mama noong nabubuhay pa siya. Sa gitna ay nandoon ang kanyang lapida— sa ilalim ng lilim ng isang puno.
A wonderful place to rest.
“That’s not what I meant, Hartiana. I’m talking about your plans and the—”
“Magiging masaya ako sa gagawin.” I cut him off. “My mother would be happy if she knows I’m happy.”
“Revenge never was happiness.” I clenched my jaw of what he said, that’s exactly what I want. At walang makakapagbago sa gusto kong mangyari.
“I know what I’m doing, Zin.” He sighed. I know at this point, he can’t do anything.
“You’re really a grown up woman now,” he said, obviously defeated again for the nth time.
“I have to go,” paalam ko. “May isang lugar pa akong gustong puntahan.”
“Okay, take care mi amore,” he said before ending the call. I put my phone in my pocket, crossed my arms, and leaned my back against my motorcycle. I shut my eyes tightly, giving myself to regain my strength. Iniisip ko pa lang na puntahan ay nanghihina na ako.
Malalim akong napabuntonghininga bago nagpasyang umalis na. I wear my helmet and rode on my motorcycle as fast as I could.
I manueverd it easily, I’ve been using this for two years kaya sanay na sanay na akong gamitin. At dahil libre ang kalsada, mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo. I won’t get tired of repeating how riding my motorcycle calms me down. Sobrang sarap sa pakiramdam na makasalubong ang hangin, ang tunog nito at ang pakiramdam na tila lumilipad.
I tightened my grip on the clutch, I’m determined to make my speed faster. Fast speed is addicting, putting your life at the edge sometimes is fun. Huwag lang mamatay kasi hindi nakakatuwa ’yon.
May kalayuan sa syudad ang tinatahak kong daan kaya puros gubat o ’di kaya ay palayan ang mga nadadaanan ko. Wala masyadong tao at bahay kaya malaya kong nagagawa ang gusto.
Malapit na ako sa maliit na intersection nang makita ko sa left side ng kalsada ang paparating na sasakyan. May kabilisan din ang pagpapatakbo niya at kung hindi siya titigil, magbabanggan kaming dalawa.
The car is heavy tinted kaya hindi ko alam kung babae o lalaki ang nagmamaneho. I’m sure the driver saw me, at base sa speed ko ngayon. Alam niyang wala akong planong tumigil kaya siya ang kailangan na mag-adjust.
Sobarang lapit ko na sa intersection nang biglang bumilis ang pagpapatakbo niya. I lost my calculation but I still managed to maintain my speed. Hinahamon ako nito. Pwes! Hindi ako magpapatalo, salpokan ba kamo ang gusto niya?
My grip tightened at the clutch, I’m very determined to win the imaginary contest. Kompyansa ako na titigil siya pero ganun na lang ang gulat ko nang ilang metro na lang ang distansya namin ay hindi pa rin. I started to panic, it’s like my sanity was lost for a while. Sa taranta ko ay ilang beses kong natapakan ang shifter, I hold the break but it’s too late to make the motorcycle stop.
Kumakalabog nang malakas. My world spinned at pakiramdam ko ay nablangko bigla ang utak ko. Sobrang bilis ng pangyayari, ang alam ko na lang ay bigla na lang akong tumilapon. Sa lakas ng impact tila mawawalan ako ng malay.
Tila namanhid ang buo kong katawan. My vision got blurred and a deafening silence was all I can hear.
Damn. Mamamatay na ba ako? It’s not funny.
Ilang sandali pa ang nakalipas ay unti-unti akong nakabawi. My vision got back and I’m hearing a footsteps coming in. I shut my eyes tightly, huminga ako nang malalim at nagpasalamat na buhay pa ako.
I’m lying down the the street, what a mess to die like this. Dahan-dahan akong tumayo nang makabawi. Nanginginig pa ang katawan ko sa nangyari. This is not the first time that I have encountered an accident but this one is terrifying.
Napangiwi ako nang maramdaman ang kirot ng binti ko. Tumayo ako nang maayos at binalingan ang motor kong nakahiga na rin ngayon. Nabangga ng isang itim na Victor Aston Martin.
Dahan-dahan kong binalingan ang lalaking nakatayo sa gilid ng motorsiklo ko. He’s wearing a black jogger shorts and a white button down dress shirt, the sleeves are folded up to his forearm.
He is looking at me intently. His hair was blown by the wind, disheveled and messy. Nakapamulsa siya at kung umakto ay para bang simpleng nadapa lang ako. This corn head asshole!
Pinasadahan ko ng kamay ang suot na helmet. I removed it and my long hair immediately fell out. I tried to make myself calm, I might lose my sanity with this man.
“Are you. . . okay?” he asked. Nagtiim bagang ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. Hindi ko ininda ang kirot sa paa ko.
“Is that even a right question to ask?” I sarcastically said. Hindi ba halata ang sagot? His dark hooded eyes are piercing through me, it’s intense.
“I’m not sure either.” Nagkibit siya ng balikat. I spinned my eyes and I heard him scoffed. Binalingan ko ang motor, my jaw clenched when I saw its state. Mula rito tanaw ko na ang mga tinamong gasgas.
“You’re not sure, ha?” I whispered. Ako, sigurado ako sa sisingilin.
“How can I pay you?” he said coldly. Saglit ko siyang binalingan at ang sasakyan niyang may gasgas at basag ang kanang headlight.
“Gcash?” I smirked and he laughed.
Saglit na nagtagal ang titig ko sa pulang sticker na nakadikit sa kanyang windscreen. The black flower of anemone was embedded on the right side, clinging around the circle. Sa loob ng bilog ay ang malaking letra ng A. Sa bandang ilalim ng letra ay may mga dahon na nakapulupot sa bilog.
He noticed na nagtagal ang tingin ko roon kaya sinundan niya ang line of vision ko. Umiwas ako ng tingin at pinuntahan ang motor para itayo. Pinigilan ko ang sarili na sumigaw nang makita ang pinsalang tinamo nito.
“I don’t have a Gcash account, any method?” may halong pang-iinsultong aniya.
Binalingan ko siya at malamig na pinasadahan ng tingin. “It was an accident, you don’t have to pay. . . ” with money.
“Nagmamadali kasi ako, eh. Are we cool?” Tumalikod ako at hindi siya sinagot. Ilang segundo yata siyang tumayo roon bago nagpasyang bumalik sa drivers seat ng sasakyan niya.
Binuhay niya ang makina at mukhang desidido na iwan ako rito. Dahil nakaharang ang motor ko sa daan, hindi siya makadaan.
His car horns but I didn’t bother to care. Kalmado kong binuksan ang u box ng motor. Muli niyang pinatunog ang horn ng sasakyan, signaling na kailangan kong tumabi para makadaan siya. Nagtiim ang bagang ko, kinuha ko ang dalang baril sa loob ng u box at kalmadong kinasa ito roon.
Sa irita siguro sa akin ay maingay niyang pinatunog ang horn. My eyes darkened and I really lost my sanity.
Dahan-dahan ko siyang hinarap, my arms straightened and I pointed the gun to where he was seated.
Mahal akong maningil.