CHAPTER 03

1291 Words
CHAPTER 03 I looked at the windscreen intensely. His car is heavily tinted kaya hindi ko makita ang reaction niya. I can feel that he is staring calmly at me or probably clenching his jaw. Maybe now he realized that I am not just an ordinary woman. How dare him messed up with me. Pagkatapos niya akong banggain lalayas na lang siya na parang walang nangyari? This asshole seriously needs a lesson from me. I breathed heavily, I stared at my 9 mm’s front sight before staring at the windscreen back. Bahagya kong ibinaba ang braso at walang pag-aatubiling pinaputokan ang gulong ng sasakyan niya. Hindi naman ako tanga para hindi maisip na naka-anti bullet ang salamin niya.  The air immediately evaporated out of the tire. Katunog nito ang lobo na tinatanggalan ng hangin. I smirked. I blew my gun’s muzzle, I then inserted my index finger between the trigger and the trigger guard to play with it. Lumabas siya ng sasakyan na nakakuyom ang kamao. His jaw is clenching na para bang anytime ay handa na niya akong banatan. “What the hell is wrong with you?” kunot noong aniya sa matigas na boses. His thick brows are furrowing and almost meeting each other. Dahil maputi siya, madali kong napansin ang pamumula ng kanyang leeg. He is very angry. “Nothing is wrong with me. Last time I checked myself with a doctor I’m totally fine,” I sarcastically said. Mas lalong kumunot ang noo niya. Lumipat siya sa kabilang side ng kotse para tingnan ang gulong na ngayon ay may butas na. “You talk too much,” he coldly said, not even staring at me. I was slight offended of what he said. Ibinalik ko ang dalang baril sa u box at sinarado ito. Umangkas ako sa motor at kinuha at sinuot ang dalang helmet. Pag-angat ko ng braso ay roon ko lang naramdaman ang kirot sa kaliwang balikat ko. I manage myself at hindi ko ininda ‘yon. Binuhay ko ang makina ng motor bago siya binalingan sa huling pagkakataon ngayon. “Kung maniningil ka, tandaan mo na lang ang pangalan ko. It’s, Ian.” Ngumisi ako at kinindatan siya ng isang beses. Binaba ko ang salamin ng helmet at agad na humarurot paalis. Hindi ito ang magiging huling pagkikita natin. Sigurado akong sa maraming pagkakataon pa.  Nang tuloyan na akong makalayo sa kanya ay itinigil ko muna ang pagmamaneho. Itinabi ko ang motor at hinubad ang suot na helmet. Tiningnan ko ang braso at nakitang dumudugo ito. Hindi ko ito napansin kanina pero ngayon ang hapdi na. Ngayon ko lang din naramdaman ang pananakit ng katawan ko lalo na ang dibdib. “Tatanga-tangang lalaki. I’m sure sa susunod na magkikita kami pagsisisihan niyang nangyari ang araw na ‘to.” I have no choice but to tear my inner black sando. ‘yon ang ginawa kong pambalot sa dumudugo kong sugat. Nang matapos sa ginawang pangagamot ay napatingala na lang ako sa kalangitan. Kulay kahel na ito at nag-aagaw na ang araw at dilim. Pamilyar na sa ‘kin ang daang tinatahak kaya alam kong malapit na ako. Muli akong bumiyahe at ilang minuto lang ay agad na akong nakarating. Unang tapak ko pa lang ay parang sinaksak na ako. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumalik ako rito matapos nang gabing iyon. Bawat hakbang palapit sa bahay na talagang minahal ko ay tila isang bangungot. Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko. Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang sarili. Tumigil ako nang nasa harapan ko na ang pulang bakal na gate. Mula rit ay tanaw ko na ang tahimik at halatang abandonado nang bahay. Dahan-dahang umangat ang kamay ko upang pasadahan ang gate. Kahit saan ako tumingin, alaala nang nakaraan ang nakikita ko. Kanina lang ay desisido akong pumasok pero ngayon ay naduwag na ako. Muli kong papatayin ang sarili kung papasok ako sa loob. Akala ko ay kaya ko ng balikan ito, limang taon kong hinanda ang sarili para rito pero hindi pa rin pala. Iniwas ko ang tingin sa bahay, may konting kagustuhan sa ‘kin ang pumasok pero mas lamang ang labag na gawin ito. Umiling ako at binitiwan ang malamig na bakal. Patuloy ang pag-iling ko na para bang may nakikita akong kung sino sa loob. Ang totoo, eksena ang nakikita ko. Umatras ako at handa ng tumakbo paalis nang may tumawag sa pangalan ko. “H-hartiana?” Natigilan ako nang marinig ang boses niya. Sobrang tagal ko ng hindi naririnig na muntik ko ng makalimutan. “Hart,” basag na ang boses na aniya. Dahan-dahan akong bumaling sa kanya. Agad na nagtama ang mata naming dalawa, maraming nagbago sa mukha niya pero ang maamo niyang mata ay ganun pa rin. “D-donna,” I whispered her name. “Hartiana, i-ikaw nga!” hindi makapaniwalang aniya. Nagmamadali siyang tumakbo sa ‘kin upang yakapin ako. Nanatili lang akong nakatayo sa kinaroroonan. Napahakbang pa ako ng isang beses nang yakapin niya ako. Gulat pa ako at hindi makapaniwala. Hindi ko inaasahan na makikita siya ngayong araw mismo. Nang makabawi sa gulat ay susuklian ko na sana ang yakap niya kaya lang. . . deserve ko ba ‘to? “Sobrang tagal mong hindi nagpakita, Hart. Ano ba’ng nangyari?” Niyakap niya ako nang mahigpit.  Right! Kinalimutan ko siya. . . sila. Do I deserve this? “Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa ‘yo!” Tuloyan na siyang napahagulhol sa dibdib ko. I sighed. Dahan-dahan kong inangat ang braso upang suklian ang yakap niya. Marahan ko ring hinaplos ang likuran ni Donna— ang bestfriend ko. Napangiwi ako sa sakit nang masagi niya ang sugat ko. “Bigla ka na lang nawala, alam mo ba kung gaano kasakit ‘yon sa ‘kin?” Bumitiw siya sa yakap at mariin akong tiningnan. Ang singkit niyang mata ay mas lalo pang naniningkit dahil sa pag-iyak. “I’m sorry, Donna.” Yumuko ako dahil hindi ko siya kayang tingnan. Muli siyang napaiyak kaya umiwas ako ng tingin. “Ang daya mo, Hart! Umalis ka ng walang paalam tapos babalik ka na walang pasabi,” puno ng hinanakit na aniya.  Madaya ang mundo sa ‘kin Donna kaya ganun. “Ano ba talaga ang nangyari?” tanong ni Donna nang kumalma na siya. Napadpad kami rito sa malapit na bagong caffe para makapag-usap. Saglit pa akong natulala bago nagsalita. My best friend deserves an explanation. “My mother died that night,” namamalat ang boses na ani ko. “Pinatay siya at nasaksihan ko mismo iyon.” “Oh, my gosh.” Napapikit siya nang mariin. Para na niyang ina ang mama ko kaya alam kong nasaktan din siya. “My father decided to brought me to America. Doon ako nanirahan sa taong lumipas,” tipid kong kwento sa kanya. She deserves an explanation pero hindi niya kailangan malaman ang lahat. Tinakpan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa gamit ang palad. “It’s late pero. . . my deepest sympathy. May Tita rest in peace.” Tipid lang akong tumango. “Ang pumatay kay Tita? Nahuli na ba?” she asked carefully. Dahan-dahan naman akong umiling sa kanya. “Wala pa.” At ako ang maghahanap sa kanila. “I’m sorry to hear that, Hartiana.” Naantala ang pag-uusap naming dalawa nang dumating order namin. Tumunog ang wired door chime ng caffe kaya napatingin ako sa mga pumasok. Tatlong teenagers, dalawang babae at isang lalaki. Mukhang nagkakatuwaan sila dahil tumatawa sila nang pumasok. “Si, Arri ang huli kaya siya ang manlilibre!”  Sabay turo ng babae sa kaibigan niya.  May naalala ako sa kanilang tatlo. Dahil doon. . .  sunod-sunod ang buhos ng mga alaala sa ‘kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD