“I don’t believe you, Brian! I know you are just making an excuse for me to stay away from you.” Napakunot ang noo ko sa kakulitan ng babaeng ‘to. Gaano ba katigas ang bungo niya para rito?
“It’s true, Marie. And I don’t owe you any explanations so, please. Stay away.” Napatingin ako kay Brian. His voice is so cold that it can send shivers down your spine.
“Hindi ako naniniwalang girlfriend mo si, Hartiana. I know you too are just friends.” Mapilit talaga ang babaeng ‘to, kung hindi lang mahaba ang pasensya ko ay kanina ko pa siya nasagot. She looks pathetic and desperate. Pasalamat siya at mabait ako ngayon at wala sa mood makipagdagitan.
Napatingin ako sa baba nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. He intertwined his fingers against me and gently press it. His hand feels so warm in me.
“I crossed the line, we’re more than friends now.” Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. His eyes met mine and I instantly felt the fluttering feeling inside me. I smiled at him, I already felt this foreign feeling before with him but right now it’s different. It’s overwhelming and it feels unbearable.
As we lock our gaze to each other. It’s like we are creating a new space for the world between us. Our place extended and we surpassed the boundaries and limitations of the relationship called, being friends.
He’s right. After years of being friends, we settled and moved it to the next level. We’re more than friends now, just like what he said.
The girl scoffed kaya pareho kaming napatingin ni Brian sa kanya. She’s giving me a look that is disgusted or she can’t believe it. Humalukipkip siya at nagtataray akong tiningnan.
“Really? Kung talagang kayo prove it to me, Brian.” Muling napakunot ang noo ko sa mga pinagsasabi niya. I don’t even know her, kung mag-demand siya ay akala mo kung sino. Mabuti na lang at hindi kasing ikli ng palda niya ang pasensya ko.
“What do you mean?” Brian asked her. Ngayon ko lang napansin ang dumadaming tao na nanonood sa eksenang ito. This is nonsense.
“Let’s just go, Brian. There’s no point of doing that—”
“Kiss her.” My eyes widened at what Marie said. Not because of her demand but her thick gut to say that. Everyone gasped. It’s like this is the climax of what they are watching.
This is a cheap thing. Hihilahin ko na sana si Brian nang makaalis na kami, kaya lang bigla niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko. I was shocked at that. Everything went so fast. He pulled me instead, he put his hands on my face and gently cupped it. I closed my eyes in anticipation, my heart was beating so fast and I could feel his hot breathing near my face. I expected his lips against mine but his thumb gently touched my lips. Agad akong napadilat, he closed his eyes as his lips gently touched his thumb on my lips. Almost meeting mine.
My heart warmed at that. Sa mata ng marami ay hinalikan niya ako, little they didn’t know that it was a trick.
“Oh, ano? Kontento ka na, Marie?” Binitiwan ako ni Brian nang sumingit si Donna. Sa ayos niya ay para bang handang-handa na siyang makipag-away.
Brian smiled at me and I can feel his genuinity. Hinarap ko si Marie at naghahamon na tiningnan.
“Sana naman wala ka nang masabing iba.” Hinawakan ko si Donna at hinila paalis sa eskandalong iyon, Brian followed us. Habang naglalakad paalis ay rinig na rinig ko ang bulongan ng mga schoolmates ko dahil sa nangyari.
“You’re a PDA!” singahal ni Donna kay Brian. Nasa hallway na kami nang paghahampasin niya ang lalaki dahil sa nangyari.
“PDA means public display of affliction, it’s almost a verb not a noun,” Brian fired back. Nangingiti lang ako habang tinitingnan silang nagtatalo.
“I told you, Brian! Hugging is fine but no kissing!” Muli niyang sinuntok ang boyfriend ko sa braso. “Sa public pa talaga!” she hysterically added.
“It’s fake, Donna. No worries.” Brian winked at me.
“Anong fake? I saw it with my two naked eyes. You kissed, Hartiana tapos sasabihin mong fake?” Ang ingay-ingay talaga nito.
“It was,” said Brian with a pleading voice.
“I can’t believe you. Now that the two of you kissed, sigurado akong masusundan pa ‘yan.” Namula ako sa sinabi ni Donna.
“Aba, syempre!” Brian said with a joking tone. Agad na lumagapak ang hampas ng kamay ni Donna sa braso niya. Masakit ‘yon dahil kita ko ang pagngiwi ni Brian.
“Umayos ka d’yan Brian Zamura. Hindi na talaga kita papalapitin kay, Hart,” seryosong ani Donna.
“Biro lang. . .” Lumapit siya kay Donna at inakbayan ito. Sa likod ay inabot niya ang isang kamay sa ‘kin para mahawakan ko.
Ngumisi lang ako at umiling. Baka lalong mainis sa ‘min si Donna kaya tumanggi ako. Brian glared at me kaya inginuso ko si Donna na napakarami nang sinasabi.
“Hindi ko ma-gets ‘yang mga babae mo Brian. Are they blind or what? Dalawang Buwan na kayong magkarelasyon ni Hart pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila naniniwala na kayo.”
“They are not my girls, Donna,” Brian said boredly.
“Whatever.” Natahimik kaming lahat. Masyadong mahaba ang hallway kaya natatagalan kami sa paglalakad.
Me, Donna and, Brian are best of friends since we’re young. Kilala namin ang pamilya ng isa’t isa at parang magkakapatid kung magturingan. We knew each other for a long time and I don’t think a reason for us to set apart. Maging ang relasyon namin ni Brian ay mahusay naming napag-usapan na hindi pwedeng sumira sa trio na ito. Kung sakaling maghihiwalay man kami ni Brian, mananatili kaming magkaibigan.
“Nagugutom ako,” Donna suddenly said. Nagkatinginan kaming tatlo, ’pag ganito ay alam na namin ang mangyayari. Wala pang limang segundo ay nagtakbuhan na kami papuntang cafeteria. Ang mahuhuli kasi ay siya ang magbabayad ng pagkain.
“Ano ‘tong naririnig ko na rumors sa campus ninyo, Hart?” I just went home at ito na kaagad ang salubong niya sa ‘kin. Nakasuot pa siya ng apron at halatang nagluluto.
“Don’t worry, Mom. May gusto lang kay, Brian kaya gumawa ng eskandalo.” Napailing siya sa ‘kin. Humalukipkip siya, dala-dala pa niya ang sandok.
“Brian, is such a boy. Marami talagang nagkakagusto sa batang ‘yon. Huwag mo ng papakawalan, Hartiana.” Umirap ako ngunit natawa rin sa huli. Alam ni mommy ang relasyon namin ni Brian at suportado niya kami.
“Mom, ‘yung niluluto mo.” Her eyes widened. Mabilis siyang nagpaalam bago pinuntahan ang nilulutong iniwan. Nagtataka na talaga ako kung bakit ang bilis makarating ng balita sa kanya.
I went to my room and change my clothes. Nilabas ko na rin ang mga dalang assignments para masagutan mamaya. Saglit akong naligo bago bumaba para makakain.
Nag-aayos na si mommy ng mesa nang madatnan ko siya. Marami siyang niluto kaya alam kong may bisita na naman kami.
“Take a seat, hija. Parating na ang, Papa mo. He’s with your Ninong Leron and Rome.”
“Business meeting?” I sat down. Ang mga nabanggit ay parehong matalik na kaibigan at kasosyo ni papa sa negosyo. Si Ninong Leron ay kaibigan din ni mama, si ninong Rome naman ay ang papa ni Brian.
“Probably.” Nagkibit ng balikat si mommy. Hindi ko alam pero lately ay mas nagiging busy si Papa. I checked our company’s status pero maayos naman at walang problema.
Amora Chains of Hotel is maintaining its status. Classic and expensive. Ang pamilya ko ang nagmamay-ari nun at ako lang ang nag-iisang tagapagmana. At a young age, I’m already preparing myself for that. May work load ako sa kumpanya na ginagawa ko tuwing hindi ako abala sa klase. I’m already earning big at my age.
Hindi nagtagal ay dumating nga ang mga inaasahang bisita. Though I didn’t expect Brian to come with his father. Maging si Ninong Rome ay alam ang relasyon naming dalawa.
“You two should maintain what you have,” ninong Leron said to us. Ang tinutukoy niya ay ang relasyon namin ni Brian. He’s a cool ninong kaya parang barkada lang ang turingan namin sa isa’t isa.
Naiirita ako sa tuwing naririnig ang ganun sa kanila. I like Brian as a friend and as a guy, entering relationship with him was my choice because I want to. Family matters is out of it.
“They are still young, Leron. Don’t pressure them.” One thing I liked about my father is he doesn’t pressure me for anything. He always lets me do what I want and decide things on my own.
Ninong Rome barked a laughed. Natahimik kami at napatingin sa kanya. “I agree with, Leo. But it would be nice kung sila nga talaga ang magkakatuluyan.” I faked a smile at my ninong.
Ngumuso naman si Brian at napailing sa ama. Kabaliktaran kaming dalawa, his father is like a hurricane that always pressure him to do things. Even though he doesn’t like it.
“Is, Brian a good boyfriend, hija?” Hindi ko alam kung bakit sa ‘min na napunta ang usapan ngayon. Umayos ako nang umupo upang sagutin ang ninong.
“I don’t see any problem with, Brian. And we’ve known each other for a long time.” Actually, I didn’t expect him to be this good boyfriend to me. I appreciate what he did earlier in front of Marie.
We never kissed and it’s very gentlemanly of him to do that.
“Huwag ninyo akong kakalimutan kung ikakasal na kayo.” I laughed at ninong Leron’s statement. Kanina pa niya kami inaasar sa hapag na ito.
“Stop that, Leron! Ang bata pa ni Hartiana para sa kasal, she’s still my baby,” singhal ni mommy sa kanya.
Dahil matagal ng magkakilala ang pamilya naming dalawa, normal na sa ‘min na pag-usapan ang mga ganitong bagay sa hapag. Hanggang sa matapos ang dinner ay hindi talaga sila tumigil sa kaaasar sa ‘min.
“How’s your day?” tanong sa ‘kin ni Brian nang mapag-isa kami. Nasa labas kami ng bahay dalawa dahil may private meeting sila sa sala. Bawal kami roon kaya kailangan naming lumayo.
“I’m fine, hindi naman gaanong busy kanina.” I sat down on our white wooden bench, sa tapat namin ay ang maliit na fountain kung saan nakatayo ang maliit na anghel sa itaas. Dumadaloy ang tubig pababa sa palad nito na nakabukas.
“It’s good to know that. Ako ang sakit ng katawan ko.” Binalingan ko si Brian nang maupo siya sa tabi ko. The bench is small that’s why our forearm is touching, I can almost feel the electricity on it.
“Bakit?” Hinimas niya ang braso at ngumiwi sa ‘kin.
“Ang bigat ng kamay ni Donna,” reklamo niya. Natawa na lang ako. Donna is such an over protecting and conservative person, may policy pa nga siya na bawal daw kamin maglandian sa harap niya.
I unconsciously touched my lower lip. I suddenly remember what he did earlier, kung paano niya dinaya ang halik na ‘yon. Aaminin kong pinakaba ako nang ginawa niyang ‘yon. I really thought he would kiss me.
“Thanks for what you’ve done earlier.”
“Alin doon?”
I sighed. “‘Yung sa harap ni Marie.”
“Believe me, Hartiana. There’s nothing between me and, Marie. I don’t even know her that much. Alam mo namang ikaw lang.” Umiling ako kay Brian. He always give me assurance kahit na hindi naman kailangan. I trust and know him. Isa pa, sanay na ako sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya.
“I know that, Brian. Alam mo naman siguro ang mangyayari kapag nalaman kong niloloko mo ‘ko.” Pinaningkitan ko siya ng mata. He mirrored my expression only that he’s laughing a bit.
“Ano?”
“Babaliin ko ang buto mo.” Ngumisi ako sa kanya.
“Brutal.” He pinched my check. “May tanong nga pala ako.” Umayos siya ng upo kaya akala ko ay seryoso ang itatanong niya.
“What is it?” Pumikit ako at hinilig ang ulo sa braso niya. Ilang segundo pa siyang nanahimik bago nagsalita.
“What if isa kang mafia princess?” Agad akong napaahon sa tanong niya. Kunot-noo ko siyang tiningnan, hindi ko alam kung matatawa ba ‘ko o ano.
“What? Anong movie na naman ang pinanood mo?” tanong ko. Pumikit siya at binigyan ako ng bored na expression.
Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro. “Seryoso nga kasi.” So, he’s serious.
Nagtataka ko siyang tiningnan. Seryoso ang itsura niya kay natatawa ako sa kanya. “What if I’m a mafia princess?” Hindi ko alam ang sunod na sasabihin dahil hindi ko naman naisip ‘yon. Ang weird talaga ng tanong niya.
“Paano kung isang araw gigising ka na lang na anak ka pala ng isang mafia boss?” Tuluyan na akong natawa sa tanong niya. He glared at me kaya pinilit kong magseryoso.
“Then I will not like it. Yes, I do love dangers and risk pero koninto na ako sa buhay ko ngayon. I’m happy with my life and. . . what I have.” I looked at him. His innocent eyes are illuminating within the dim yellow lights.
Hindi na ako nagulat nang ilapit niya ang mukha sa ‘kin. It’s his favorite thing to do, teasing me. Ngumisi siya at agad na lumabas ang maliit ngunit malalim niyang dimples sa gilid ng labi niya. I mirrored what he’s doing. Seryoso ko siyang tinitigan na para bang naghahamon.
Laging nangyayari ay siya ang umaatras dahil hindi niya kaya ang titig ko. He would always tease me that he would kiss me but he never does. Ngayon, sisiguraduhin kong walang matatalo sa titigang ito.
Mas lalo niyang inilapit ang mukha, ramdam ko ang kagustuhan niyang tumawa pero matindi ang pagpipigil sa sarili. Muli kong inilapit ang mukha sa kanya kaya tuluyan na siyang umatras.
He was about to declare his defeat nang hindi ko siya hinayaang tapusin ang sasabihin.
“Okay, talo na ako sa—”
I stopped him. Through meeting his lips with mine.