CHAPTER 05
UNA kong ginawa kinaumagahan ay ang hawakan ang labi ko. I still can’t believe that I kissed Brian last night. I’m not that conservative type of person but physical interactions matters to me. I love Brian kaya hindi ako nagsisisi sa ginawa.
After taking a short shower, bumaba ako para sa breakfast. Kanina pa tumutunog ang telepono ko pero binalewala ko iyon. I’m sure it’s Donna, mang-aaya na naman ‘yon kumain sa labas. I’ll talk to her later.
“Oh, Mom? I thought you’re going with, Papa today?” I sat down on my usual spot on our dining table. I’m surprise na nandito si mama, usually kasi ‘pag Sabado ay sumasama siya kay papa sa opisina.
“Yeah, medyo tinatamad akong sumama sa kanya ngayon kaya rito muna ako.” She smiled at me. Hinubad niya ang suot na apron at umupo sa harapan ko. She cooked a lot, siguradong hindi namin ‘yon mauubos.
“Ikaw lang mag-isa ang nagluto?” Akma kong kukunin ang kanin para magsandok but she did it for me.
“Uhuh, pinagpahinga ko muna ang maids. I want to cook for you kahit once in a while.” Ngumisi ako at pinaningkitan siya ng mata.
“You always cook for me,” I said. Natawa naman siya sa ‘kin.
“Really? I felt like hindi ko na madalas na ginagawa iyon. Bakit? Nagsasawa ka na ba sa luto ko, Anak?” I laughed at her.
I grinded my teeth pagkatapos ay pinaningkitan ko siya ng mata. “Hmm, oo?” patanong kong ani.
“Really, Hartiana!” Pinanlakihan niya ako ng mata, she acted as if offended of what I said.
I barked a laugh, “ I was just kidding, Mom. Hindi ko pagsasawaan ang luto mo.” Pilya akong ngumiti sa kanya. She’s giving me a she don’t believe me look kaya kinuha ko ang tinidor at kutsilyo para humiwa sa omellete na niluto niya. I then ate it na parang nasa isang commercial na sarap na sarap sa kinakain. Tinawanan niya lang ako sa ginawa.
“Okay, I believe you now. Anyways, may lakad ka ba with, Brian or Donna today?” Saglit akong napaisip.
“Wala naman, but I think, Donna will ask me to hang-out with her today. Gusto ko ring bisitahin ang Lola niya.”
“Ganun ba?” Tumigil si mommy at halatang may iniisip.
“Why?” I asked her.
“I want to go shopping with you, saka spa na rin. You know? Stress reliever?”
“Why? Are you stressed right now? May kinalaman ba sa business?” I asked carefully. Binitiwan ko ang hawak na kutsara so that I can pay my attention to her.
“No, our business is doing fine,” she said but I can see the opposite in her eyes. Lagi na lang nilang tinatago ang problema sa ‘kin.
“I can clear my schedule para makapag-enjoy tayo.” Ipinagpatuloy ko ang pagkain.
“No, you should visit Donna’s Lola first. Dalhan mo na rin siya ng fruits and after that you can go home early para makalabas tayo.” Perfect.
One thing I liked about my mother is she’s cool and considerate. She knows me and she trust me. Hindi siya nababahala sa tuwing umaalis ako dahil alam niya saan ako pumupunta. I’m close with my both parents pero kung papipiliin ako? I’ll chose my mom instead.
“Ang bait talaga ng Mommy mo, Hart. May paprutas pa si, Tita. Sabihin mo sa kanya thank you.” Malaki ang ngiti ni Donna nang salubungin niya ako sa labas ng gate nila.
Napairap ako sa kanya, “Para namang hindi ka nasanay.” She laughed.
“Kaya nga, no? Pero thank you pa rin. Sabihin mo na lang sa susunod ulit.” Walang hiyang aniya.
“Abusado ka, ah!” Nginusuan ko siya. “Isa pa, hindi para sa ‘yo ‘yan! Kay, Lola Rosarya.”
“Ganun ba?” she pouted at me. “Okay lang, manghihingi rin naman ako kaya makikinabang pa rin.” Muli siyang tumawa na parang baliw. Ewan ko sa ‘yo, Donna.
Natatawa ko na lang siyang inilingan. Kumpara sa ‘min ni Brian, mas simple at mahirap ang buhay nina Donna. Ang konkretong bahay nila ay hindi pa tapos ngunit dito na sila tumitira. Maliit lang ito pero kasya para sa kanilang dalawang mag-lola. Inaasa rin nila ang pamumuhay mula sa pension ng yumaong lolo niya.
I always like Donna compared to the other girls in our school. Despite of being poor, she’s very idealistic and optimistic person. Hindi naging hadlang sa kanya ang kahirapan at kawalan ng kumpletong pamilya para maging masaya sa buhay. She always opt to smile and make people around her laugh. She’s very honest and pure. Innocent and smart. Bukod pa roon, transparent siyang tao at hindi plastik.
Una ko siyang nakilala nang maging seatmate kami. There’s nothing special of how we met pero magaan agad ang loob ko sa kanya. She approached me first and gladly introduced herself kahit na snob ako. Well, people would always say that I looked terrible, specially when I’m wearing my serious facade. Pero si Donna, hindi man lang natakot sa ‘kin.
At mabuti na lang talaga naging kaibigan ko siya.
“Pasok ka sa mansion ko kamahalan,” sarkastikong aniya nang papasukin ako. Nginiwian ko lang siya at agad na dumeritos kay Lola Rosarya na nakaupo sa wheelchair. Matanda na ang ginang at marami ring dinadalang sakit, sa katunayan ay isa ang Lola ni Donna sa mga beneficiaries ng charity na ipinatayo ng pamilya ko kaya suportado nito ang mga gamot pang-maintenance at vitamins.
“Magandang araw po.” Yumuko ako at nagmano. Noong hindi pa gaano kalala ang lagay ni Lola ay marami siyang mga kwento para sa ‘kin. Madalas ako rito kaya kilalang-kilala niya ako.
“La, nandito na po ang paborito ninyong apo!” sigaw ni Donna. Hindi na kasi gaano nakakarinig ang matanda.
“Hartiana!” Agad kong nakitaan nang tuwa ang mata niya.
“Oh, ‘di ba paborito talaga? ‘Yung ngiti, oh! Aba magseselos na talaga ako.” Lagi kong hindi pinapaburan ang biro ni Donna bilang paboritong apo ng lola niya. Hindi naman ‘yon totoo dahil halatang siya iyon.
“Tumigil ka nga,” I said to her.
“Ay sus! Lola, may dala pong prutas si, Hartiana galing kay, Tita. Akin na lang po itong grapes, ah.” Pinakita niya kay lola ang dala ko pagkatapos ay dinala ito sa kusina.
“Ikaw talaga! Para kay Lola kinukuha mo!” singhal ko sa kanya. Saglit akong nagpaalam kay Lola Rosarya para sundan ang kaibigan sa kusina nila.
“Labas tayo pagkatapos kong magluto.” Binuksan niya ang kaldero at tinikman ang niluluto. Mabango ito, sa amoy pa lang ay halatang paksiw.
“Pass ako.” Nagtungo ako sa lababo at pinakialaman ang mga hugasing hindi niya pa natatapos.
“Bakit?” Bumaling siya sa ‘kin. Kita ko ang pagbaba niya ng tingin sa ginagawa ko. Hindi ako naghuhugas ng plato sa ‘min pero marunong ako kaya rito ko ginagawa.
“Nag-ayang lumabas si, Mommy. Mall daw, gusto mong sumama?” alok ko sa kanya.
“Naku! Kahit naman mabait si, Tita hindi ko kayang makisabay sa pagkasosyal ninyo! Saka mother and daughter bonding ninyo ‘yan, pass na muna ako.” Napairap ako sa kanya.
“Ang dami mong sinabi.”
Humalakhak siya at pinasadahan ako ng tingin. Tapos na siya sa ginagawa. “Grabe, pumunta ka lang dito para maghatid ng prutas at maghugas ng plato? Mabuti naman at hindi mo kasama ang asungot na si, Brian. Parang hindi na kayo mapaghiwalay, eh.”
“Ang laki ng problema mo kay Brian, eh, no?” sabi ko habang pinapabula ang sponge.
“Oo! Kasi inaagaw ka na niya sa ‘kin.” Ngumuso siya at masungit na humalukipkip. Umiling lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa.
“Grabe, hindi ako makapaniwala na naghuhugas ng pinggan ang isang, Hartiana Amora sa pamamahay ko,” hindi nagtagal ay aniya.
Nakangisi ko siyang binalingan. “Bakit? Ipagmamayabang mo ba sa school?” I smirked at her.
“Oo naman, no! Siguradong kapag nalaman nila na naghugas ng pinggan ang nag-iisang heiress ng Amora Chains of Hotel sa pamamahay ko, pagkakaguluhan ako ng mga tao. Maraming plastic na kakaibigan sa ‘kin at tatanungin ang sikreto kung paano ka patumbahin.”
“Talaga ba?” sarkastikong ani ko.
“D’yan ka lang, Hartiana. Mag-model ka at kukunan kita ng litrato. Post ko ‘to sa bulletin ng school at siguradong headline ka na naman.” Natawa na lang ako nang kunan niya nga ako ng litrato habang naghuhugas ng pinggan. Parang baliw talaga. Akala mo naman ay first time kong naghugas sa kanila.
“Yaya si, Mommy?” tanong ko nang makabalik sa bahay.
“Ah, nasa kwarto niya po, Ma’am,” aniya sa ‘kin.
“Pwedeng pakisabi na dumating na ako? Sabihin mo rin na maghahanda lang ako saglit bago kami aalis.” Tumango ang kasambahay sa ‘kin, saglit siyang nagpaalam upang gawin ang iniutos ko.
Ako naman ay dumeritso na sa kwarto. Saglit akong naligo at nagbihis ng simpleng leather skorts, black sando at leather jacket. Pinili ko ring magsuot ng puting rubber shoes para mas komportable ako.
Pagbaba ko ng sala ay nandoon na nga si Mommy. She’s wearing a peach knitted dress and white sandals. She looks elegant as always. Her french braided hair makes her look like a queen from monarchy. Hindi mo makikitaan ng kasungitan ang mukha niya kahit na elegante siya kung kumilos at manamit. Minsan nga ay naiinis ako dahil hindi ako nagmana sa kanya. I’m the girl version of my father, pati pag-uugali ay namana ko rin. The only thing I resembled with my mother is my long wavy jet black hair.
“What are you wearing, hija?” Nag-aalala niya akong pinasadahan ng tingin. “Are you comfortable with that?”
“Yes, Mom. Let’s go, don’t mind what I’m wearing.” Alam ko namang hindi niya ako mapipilit na bumalik sa taas para magpalit ng damit.
“Saan mo gustong pumunta?” tanong niya sa ‘kin nang makasakay na kami. Ang driver namin ang nagmamaneho, may dala rin kaming isang kasambahay para umsikaso.
“You should be the one deciding that, Mom. Since it’s our date, kailangan sulitin natin ‘to and dapat maging masaya ka.”
“Aw, so sweet.” Pinatong niya ang mainit na palad sa kamay kong nakapahinga sa kandungan. “I still can’t believe that my baby is now at her legal age.” Napapairap ko siyang hinarap.
“Mom, it’s been months since I debuted! Palagi mo na lang sinabi ‘yan. Of course! I won’t be your baby forever.” Agad siyang napanguso sa sinabi ko.
“Pareho talaga kayo ng, Papa mo! Sa tuwing nilalambing kita sa harap niya ay pinapagalitan niya ako. Alam mo bang sinabi niya sa ‘kin na huwag na raw kita e-baby? Pinipilit niya na dapat mag-mature ka raw at hindi nakakatulong ang ginagawa ko!” kunwari ay nagtatampong aniya. She’s right, lumalabs lang ang pagka-childish at sweetness niya sa ‘kin sa tuwing wala si Papa.
“Tama naman si Papa, eh. I need to be a grown woman para ako naman ang makatulong sa inyo soon. If you used to protect and took care of me before, then I will do that when you grow old.”
Matagal niya akong tinitigan bago nginitian. She heaved a deep sigh before speaking. “Well, I really have to accept that you’re growing and becoming mature.”
“Need, Mom. Not have,” I corrected her. Paulit-ulit siyang tumango sa ‘kin na para bang pinapaniwala niya ako na ‘yon talaga ang gagawin niya.
Time won’t stop even for a while. We really have to accept and adjust to every changes.
Hindi ko alam kung ilang oras na kaming bumabyahe pero kanina ko pa napapansin ang itim na SUV sa likuran namin. Pwede naman siyang mag-over take pero hindi niya ginawa. Mukhang nahalata ni Mommy ang pagtataka ko kaya napatingin din siya roon.
“What’s the matter?” she asked me in a serious tone.
I think it’s not that big deal naman. Umiling lang ako at umayos na nang upo. Ilang minuto na lang ay makakarating na kami sa paboritong salon ni Mommy.
I checked my phone and saw Brian’s miss calls, sinabihan ko nga pala siyang tumawag kanina. Hindi ko nasagot dahil naka-silent ang telepono ko.
I texted him saying that I’m with my mother. He immediately replied and said take your time and enjoy.
I was about to put my phone in my pocket nang biglang sumigaw si Mommy.
“SEND THE CODE, LETTER E!” Wala na akong panahon na magtaka dahil bigla na lang padarag na lumiko ang sinasakyan namin.